Kabanata 11
Muling paghaharap
Yung sundalo o sibilian na nagsabu ng kautusan ng mga nakatataas ang siyang kumakatok na halos magiba na ang pinto nila nanay clarita.
"Kung hindi kayo lalabas riyan ay mapipilitan kaming gibain ngayon ang inyong pinto."
Babala ng sibilyan sa labas.
"Manatili lamang kayo rito sa loob,at ako na ang bahalang kumausap."
Ani ni Nanay Clarita.
Tumango lamang kami at naghintay sa kaniyang pagbalik.
Napahinga ako ng malalim kung kaya't hinawakan ni romeo ang aking kamay.
"Kung hindi niyo lilisanin ngayon ang inyong bahay tanda ay mapipilitan kaming gibain ito ora mismo."
Rinig naming sabi nung sibilyan.
"Hindi ba nagbigay ng palugit ang mga makapangyarihan?"
"Hindi.Kaya naman kung hindi pa kayo aalis sa loob ng limang minuto ay kami na mismo ang magpapaalis sa inyo."
Sadyang napakarahas ng mga may mataas na katungkulan rito sa kanilang panahon,alam kong sa modernong panahon ay hindi ako lumalaban o nakikielam sa kahit na anong bagay ibahin natin ngayon hindi sa lahat ng pagka-kataon ay kailangan nating manahimik.
"Tanda,dalawang minuto na lang."
"Pakiusap,kung pu-puwede sana ay paabutin ng bukas ang aming paglisan rito."
"Hindi nga puwede tanda,utos ito ng nakatataas kaya hindi niyo puwede itong baliwalain."
"Pero nakikiusap ako..."
"Sampung segundo,tanda."
"Maawa kayo,kahit kinabukasan ay aalis narin kami."
"Tapos na ang limang minuto,mga kasama gibain na ang bahay na ito."
"Kahit bukas ng umaga---"
Narinig naming may bumagsak sa lupa at isang pagmamakaawa ulit ang narinig namin mula kay nanay clarita si clara ay tahimik lamang na umiiyak sa gilid kahit wala sa kaniyang hitsura ang umiyak.
Hindi ako makapapayag na ganiyanin ang matanda,akmang lalabas na ako ng pigilan ako ni romeo.
"Manatili ka na lamang rito,hindi maganda ang mangyayari sa iyo kung sakali mang makita ka nila."
"At ano?Aapihin lang nila si nanay clarita ruon sa labas?"
"Hindi sa ganuon pero maria--"
Pinutol ko ang kaniyang sasabihin ng paglabas ko sa pinto ng bahay nila clara.
"Itigil niyo iyan."
Malakas kong sigaw kung kaya't napatigil sila sa akmang paggiba sa gilid ng bahay.
"At sino ka namang bata ka?"
"Anak ako ni Don Elias y Dela Fuente!!!"
"Maria..."
Nanghihinang bigkas ni nanay clarita,dinaluhan ko ito at saka pinagpagan ang mga lupa sa kaniyang kasuotan.
"Hindi kami naniniwala,ituloy niyo na."
"Kung hindi niyo ako pakikinggan ang tiyak na mapaparusahan kayo ni ama!"
Nagsinungaling ako sapagkat alam kong kahit si ama ay hindi aayon sa aking ginagawa ngayon.
"At anong pruweba mo para mapaniwala kami?kung tunay kang anak ni Don Elias ay bakit naririto ka sa pamamahay ng mahirap na pilipino?"
"Ako si Maria Susana Dimitria y Dela Fuente panlima sa mga binibining anak ni Don Elias,at tinatanong mo kung bakit ako naririto sa tirahan ng isang mahirap?dahil hindi ako katulad niyo na mapangmataas."
"Kung gayon ay isasalaysay namin ito kay Don Elias kung ikaw ay hindi nagsasabi ng totoo ay ikaw dadalhin namin sa piitan."
Agad akong kinabahan kung kaya't...
"Sasama ako sa inyo,dahil nangangamba ako na ibahin niyo ang mga salaysay na aking sinabi."
"Kung gayon,halika na."
"Maria hindi mo naman kailangang gawin ito,aalis na lamang kami.Ipapahamak mo nanaman ang iyong sarili."
Nag-aalalang mukha ni nanay clarita ang nalingunan ko,nginitian ko lamang siya.
"Nay,hindi po nais ko po kayong tulungan dahil para ko narin po kayong isang ina."
"Pero hindi lamang isang beses mo ito ginawa."
"Hindi kailangan na bilangin ang aking pagtulong nay,buong puso ko po itong gagawin dahil sa inyong kabutihan."
"Maraming salamat,hiling ko na sana ay walang masasakit na salita ang ipataw sa iyo ng iyong ama."
"Kaya ko po iyon,huwag po kayong mag-alala."
"Halika na!"
Nagmamadaling ani ng sibilyan.
Sasama sana sa akin si Romeo ngunit..
"Samahan mo sila rito at ikaw ang magsilbi nilang bantay,babalik ako."
"Aasahan kita."
Isang ngiti ang pinakawalan ko para kay romeo at naglakad na kami papuntang bahay pagpupulong kung saan naruon ang mga makapangyarihang mga tao.
Habang nasa gitna ako mga sibilyan na ito ay napadaan kami sa agora,nagtinginan ang mga tao sa amin at nagbulong-bulungan.
Hindi na sila pinansin ng mga ito at nagsabing bukas ay dapat na silang umalis.
Nabakas sa mga mukha nila ang labis na kasiyahan.
Nakarating kami sa bahay pagpupulong ng makita ko sa loob nito na naruon rin pala si Fransisco.
"Don Elias."
Napatingin sa gawi namin si ama.
Labis ang kabog ng aking dibdib,pero kailangan kong maging matatag para kila nanay clarita at sa iba pang tao duon sa bayan.
"Bakit narito ka susana?"
Bungad na tanong ni ama,halos lahat ng naruon ay napadako ang tingin sa amin ng pinuno ng mga sibilyan.
"Ito bang binibini na ito ay isa niyong anak,Don Elias?"
"Oo,gregorio."
"Nais niya kasing ipatigil ang inyong utos na ipagiba ang mga tirahan ruon sa bayan."
"Napag-usapan na namin ang tungkol ruon dito sa pagpupulong,pansamantalang ititigil ang pagsira sa mga tirahan dahil tama si maria kailangang huwag madaliin ang mga tao ruon."
"E paanong naging ganuon,Don Elias?"
"Gaya ng aking sinabi,napagkasunduan na masyado naming inabuso ang aming kapangyarihan kung kaya't napapahirapan na namin ang mga pilipino."
"Tama ang sinabi ni Elias,masama ang maging matayog ang tingin sa sarili baka ika'y bumagsak kaagad."
Sabi ng isang matanda na may salamin.
"Alam na ba ito ng mga lazarte?"
Tanong ng pinuno ng sibilyan.
"Pinadalhan na namin siya ng kasulatan,kaya hindi mo na kailangang mabahala."
Ani ni ama at tinignan ako.
"Halika Susana."
Ani niya at giniya ako papuntang opisina niya.
Pagkarating ruon ay nakasunod pala sa amin si Fransisco,bakit siya nakasunod?
"Nais kong humingi ng tawad sa nagawa ko sa iyo nitong nakaraang araw,Susana."
"Wala po iyon,ama.Ginawa niyo lamang po ang inyong trabaho at iniisip niyo rin naman po ang aming kapakanan."
"Sadyang napaka-suwerte ko sa iyo Susana,dahil nagkaroon ako ng anak na ganiyan ang pag-iisip."
"Mana lamang po sa inyo."
Bigla kong naalala ang mga salitang binitawan ni ina sa akin nuong gabi,hindi siya ang tunay na ama ni Maria.
"May nais ka pa bang puntahan sa bayan?"
"Opo,naiwan ko po kasi ang aking kaibigan ruon sa bahay nila nanay clarita."
"Clarita?Sadyang napaka sipag ng aking kaibigan na iyon,sabihin mo na kinakamusta ko siya."
"Opo."
"Sabihin mo rin na humihingi kami ng tawad sa biglaang desisyon."
"Sige po,mauuna na po ako."
"Alas sais na ng gabi,kung kaya't isama mo na sa iyo si Fransisco."
"Hindi na po kailangan ama."
"Isama mo na siya,marami akong kalaban lalo't sa akin pumanig ang buong grupo."
Alam ko iyon dahil ganuon ang meron sa history na aming napag-aralan sa modernong panahon.
Hindi na ako umayaw pa at baka matsugi ako sa daan sayang ang lahi,charot.
"Sige po."
"Mag-iingat kayo sa daan."
"Opo."
At saka kami tumuloy na,sumakay kami sa isang kalesa at nasa dulong bahagi si Fransisco.
Wala man lang umimik sa aming dalawa buong biyahe patungo sa bahay nila nanay clarita.
Pagkarating ruon ay naka-abang na si Romeo sa hamba ng bahay nila nanay clarita kaya nakita niya ako kaagad.
Bumaba na kami sa kalesa at sasalubungin na ako ni Romeo ng isang ngiti ng makita niya si Fransisco na kasunod ko.
"Iyo palang kasama si Fransisco, Maria."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top