Kabanata 10
Kaguluhan sa bayan
Pagkatawag ko kay romeo agad naman itong lumingon sa akin at ngumiti,ang ganda talaga ng lahi nito.
May naalala pala ako,nuong kumain sa hapag naruon si fransisco hindi ba? E bakit sabi bawal raw kaming magkita ang gulo talaga ng mga tao rito hahahaha.
"Nagkaroon ka ng sugat sa iyong tuhod?"
"Oo nagamot na naman iyan ni ina."
"Napakatapang mo kasi nais mong mangielam sa kanilang trabaho upang maipaglaban ang mga mahihirap na pilipino sa bayan."
"Hindi naman kasi talaga tama ang ginagawa nila ama."
"Sabagay kung ganuon rin sila ama ay ganiyan rin ang aking gagawin."
"Eh wala ka namang lahi hindi ba?"
"Purong pilipino to,ikaw lang naman may lahi jaan e."
"Lahing tao."
"Mali,lahing aso matapang ka e."
"Nais mo yatang marabis?"
"Isa ba iyang pagba-banta?"
"Medyo?"
"Halika't mamasyal sa bayan."
"Sige,alam naman ni ina na sasama ako sayo."
"May bibisitahin ka ba ruon?o magtungo muna tayo sa ating destinasyon?"
"Ating destinasyon?"
"Oo magpunta tayo sa isang lawa at manghuli ng mga isda."
"Bakit hindi na lamang tayo sa ilog na malapit sa amin?"
Tanong ko sakaniya habang naglalakad na kami papuntang bayan.
"Para madama mo naman ang simoy ng hangin sa labas,ngayon lamang kita nakita sa tagal ko nang nagga-gala riyan sa pamamahay niyo."
"Simula dati,hindi ako nakikihalubilo sa mga tao?"
"Oo ngayon lamang kita nakita at masaya naman na magiging kaibigan kita."
"Kaibigan?"
"Ayaw mo?kai-bigan na lang?"
"May sira ang utak.Dalian na natin at sabik na akong makita sila nanay clarita."
"May ina ka sa bayan?"
"Nanay-nanayan lamang,sila ang pansamantala kong tinirhan ng ako'y mapadpad rito."
"Halika na,nais ko rin silang makita."
"Huwag ka na lang sumama."
"Bakit?"
"Baka mahawaan sila ng sumasapi sa iyo."
"Iyan parin ang iyong pang-asar sa akin?Hindi ko naman alam na naandun ka sa silid aklatan e."
"Biro lang hahaha."
Onting lakad na lamang ay nakarating na kami sa bayan,medyo dulo pa kasi ang bahay nila nanay clarita kaya madadaanan pa namin ang agora.
"Hindi dapat ganuon ang pasya ng mga kastila at mga pari."
Sabi ng isa sa mga ale na naruon.
parang alam ko na kung tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan.
"Maaari na mas lalo lamang tayo maghirap dahil sa kanilang pasya na iyon."
"Padalos-dalos sila."
"Paano naman kaming isang kahig at isang tuka na nga lang ang nangyayari sa buong buhay namin,mawawalan pa kami ng tirahan?"
"Kailangan nating kumilos,kung matatalo tayo sa ganitong sitwasyon maaaring habang buhay na nila itong gawin sa susunod na henerasyon."
"Akala ko ay kapag nagkasundo ang pamahalaan at ang simbahan ay mas lalong mapapabuti ang lagay natin,kabaliktaran pala."
Napahinto na pala kami ni romeo at nakikinig sa mga hinaing ng sambahayang pilipino ukol sa mangyayari sa kanila.
"Binibining Susana,halika na."
"Natatakot ako na baka mag-aklas ang mga kababayan natin."
"Ganuon na nga ang mangyayari,ngunit kung may kikilos at may magpapakabayani ay tiyak na magka-kaisa ang sambayanan."
Magsasalita pa sana ako ng may marinig kaming mga kalansing na galing sa silangan.
"Ngayon ay may utos mula sa pamahalaan at simbahan.Maaari kayong magpasya sa loob ng tatlumpung minuto upang makapag-isip kung lilisan kayo o hindi."
Matigas na wika ng parang sundalo.
"Paano kung hindi kami makapapayag na umalis sa tirahan namin?"
"Dahas na ang aming gagamitin."
"E kung ganuon napakasama pala ng mga kastila at mga prayle?"
"Huwag mo ng tangkain na ulitin pa ang iyong sinabi,kung iyong uulitin ay dadalhin ka na namin sa kulungan."
"Paano naman kami mabubuhay kung dito lamang kami may tirahan?"
Sabi ng isang matandang ale.
"Halika na,binibini."
Bulong sa akin ni Romeo.
Ngunit hindi ako nakinig,alam kong tama ang mga taong narito.
"Wala na kaming magagawa ruon,nagsimula na ang oras."
"Maawa kayo sa amin!"
Sigaw ng isang groupo ng mga ale sa gilid.
Gusto ko mang tumulong ay hindi maaari dahil baka maisuplong pa ako kay ama.
Mayayari nanaman ako.
"Umaandar ang oras mga kababayan."
May umiiyak at nagsusumamo ngunit parang wala man lang naririnig at nakikita ang sundalong lalaki.
Napakawalang puso ang mga ito,likas na puro silang pilipino hindi nila magawang kumampi sa kanilang lahi.
"Hindi porket mahihirap kami at wala kaming pinag-aralan ay ganito ang inyong gagawin sa amin,mga kasama lalaban tayo!"
Sigaw naman ng isang groupo ng mga kalalakihan na may matitikas na pangangatawan.
Sabay sabay itong sumugod sa mga sundalo o sibilian na naruon at pinagbabato ang mga ito.
Mas marami ang bilang ng mga kalalakihan kaya naman nagtakbuhan na ang ibang sibilian ngunit ang ilan ay hindi man lang sumusuko.
"Halika na at baka madamay tayo sa gulo rito."
"Mabuti pa nga,nagiging agresibo ang mga taong naririto nakakalungkot ang nangyayari rito."
"Kaya nga halika na."
Tuluyan na akong nagpahila kay Romeo ngunit sa kagitnaan ng mga kakahuyan ay tumigil ito.
"Bakit nga ba ako ang nangunguna?Wala naman akong alam kung saan tayo patungo."
"Yan kasi hila ng hila."
"Ughhh!!!sabihin mo na lamang,nakakabakla."
"Sinasapian ka nanaman ata,malapit na tayo diretso lamang."
"Hindi puwedeng lumiko?"
"Baliw,halika na."
Ako naman ngayon ang humihila sa kaniya.
Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila Nanay Clarita ay nakita kong nagwawalis sa labas si Clara.
Mabuti at hindi sila nadamay sa kaguluhan ruon sa bayan.
"Nay,nag balik si Maria!!!"
Sigaw nito sa loob ng bahay.
Ngumiti ako sa kaniya at lumapit.
"Magandang hapon,Clara."
Biglang bumukas ang pinto ay lumabas si nanay Clarita.
"Magandang hapon po."
At nagmano ako sakaniya,feeling ko mas natuturuan ako ng maraming bagay habang naririto ako sa sinaunang panahon.
"Kaawaan ka ng diyos,ano ang dahilan at bakit naparito ka?"
"Nay may kasama pala si maria."
"At sino ang binatang ito?nobyo mo?"
"Hindi po,isa po siyang kaibigan."
"Magandang hapon po sa inyo."
"Saiyo rin iho,halika pumasok kayo."
At pumasok kami sa loob ng bahay.
Pagkaupo pa lamang ay sinabi ko na kaagad ang aking nais sabihin dahil may pupuntahan pa kami ni Romeo.
"Nanay Clarita?"
"Bakit iha?"
"Nais ko lamang sabihin sa inyo na alam niyo na po ba ang tungkol sa inilabas na utos mula sa matataas?"
"Oo iha,wala naman kaming ibang magawa kahit ayaw man namin ay sila parin ang may karapatan."
"E saan po kayo maninirahan?"
"Sa kagubatan na lamang siguro o sa bundok basta ay ligtas lamang kami ni Clara."
"Mabuti nga po iyon kung nais niyo po ng tulong naririto lamang po ako."
"Ako rin po,handa po akong tumulong."
Magalang na sabi ni Romeo.
"Naku maaabala ko pa kayo."
"Hindi po,sa agora po kanina ay nagkakagulo dahil may tatlumpung minutong binigay upang makapagdesisyon ang mga mamamayan."
"Labis na nakakabahala nga ang mga nangyayari,ngunit magtiwala lamang tayo sa diyos."
"Aalis na po kayo ngayon?"
"Siguro iha."
"E wala pa po kayong matitirhan sa bundok o sa gubat."
"Bahala na ang may kapal na gumabay sa amin iha."
"Pero po----"
Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin ng may malalakas na katok pumaibabaw sa aming pag-uusap.
"Tao po!"
Alam ko na kung kanino iyong boses.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top