Kabanata I - Ang Magkakaibigan

Sa paaralan...

"Bro magbabakasyon na, wala ba tayong plans for this coming vacation? " sambit ni Red. Ang pinakamaingay sa grupo.

'Nga pala nandito kami sa lilim ng isa sa mga puno malapit sa field. Ito ang tambayan naming magbabarkada. Lima kami, si Red Garcia, James Manansala,  Patrick Damian, Kent Dela Vega at ako ang pinakapogi si John Esperitu.

"Oo nga,  baka maging boring ang buong bakasyon natin" sabi Kent. Sya ang adventurous sa amin. Kahit ano basta adventure pupuntahan nyan.

"Bakit hindi na lang tayo magbakasyon sa province? What do you think guys?. " si James. Ang utak ng himagsikan este ng grupo.

"That sounds great. It's going to be fun. " sabi ni Patrick. The rich kid slash sponsor slash uto-uto.

"At saang probinsya naman tayo pupunta. It's too dangerous. We know nothing outside Manila" sabi ko. English yun kaya wag kayong ano.

"EDI SA INYO!!" sabay sabay na sabi nila.

"So kailangan sabay? May sasalihan ba kayo? Mga hayop, ang sakit sa tenga. At tsaka bakit sa amin. Sobrang layo ng probinsya namin. Sa inyo na lang. " akala naman nila MOA at Luneta lang ang pupuntahan.

"Of course bro, as if naman may mga probinsya kami. E ikaw lang naman laking province sa atin." Kent. O edi kayo na anak ng mga mayayaman. Pangit naman kayo.  Haha

"Right! And besides Samar is a very good place. Ang daming magagandang tanawin at mga babae." wala na talagang magbabago kay Red. Pag pasensyahan nyo na, taga Makati kasi.

"And come to think of it John, makakauwe kapa sa inyo. At bilang bonus sagot na ni Patrick ang pamasahe mo back and forth. Di ba Pat? " sinamaan nila ng tingin si Patrick. Kawawang animal.

"A-ah oo. Akong bahala" biglang nabuhayan ang katawang lupa ko. Oo nga magandang ideya. Sa wakas makikita ko na ulit si mama at papa. Tatanggi pa ba ako.
"Okay game ako dyan." na eexcite na ako.

"Yuun!  schedule na natin ang date para mapaghandaan natin." sabi ni Kent.

"Finals will be at the end of this month. So kailangan maghanda na tayo." James. Parang alam na alam ng mga 'to ang lahat. Siguro nag usap-usap sila at ako lang ang hindi kasali.

"We only have 8 days before finals. What to bring ba? " sabat ni Patrick. Ang conyo ng hayop. Parang bakla.

"Utak mo Pat. Napaka importante nyan. Maiwan na lahat pati ikaw wag lang yang utak mo" sagot Kent.

"Nakakahiya naman sayo Kent. E lumamang ka lang naman sakin ng isang puntos sa Filipino III." magpapatayan na po mga kaibigan.

"E ilan bang nakuha nyong grade sa Filipino Pat? " sabi ko. Na curious ako sa dalawang to.

"75 sakin tas sa kanya 76" inosente nyang sabi.

"HAHAHAHA" tawa naming tatlo. Mga hayop Filipino lang pasang awa pa grado. Dapat sa mga to binabaril sa luneta ng walang dahilan.

"Tng ina ang tanga mo talaga! Sabi ko secret lang natin yun" sabay batok kay Pat. Haha

"Hep hep hep! Tama na yan. Parehas naman kayong mga bobo nag aaway pa kayo. " pag aawat ni James. Yabang ng taragis na to. Palibahasa honor student.

"Oo nga. Kayo kayo na nga lang magkakatulad nag aaway pa kayo." ginatongan pa ng Red na to. Haha

"Kaya dapat magmahalan kayo. Kaya Pat e-kiss muna si Kent dali." sabi ko. Haha ang sarap pagtripan.

"Hoy John tumigil ka, mamaya totohanin ng mokong na'to sinabi mo" Kent.

"Haha." Choosy pa.

"Hep! Sabing tama na. Back to our plan. By the way John how to get there ba?" sabi ni Red. Lilipad tayo gamit ang utak ni Patrick.

"May dalawa naman pagpipilian. It's either bus na tatagal ng mga 3 days ang byahe o Airplane na less than an hour lang."

"What do you think guys. Saan nyo mas prefer? " James. Basta ako sa utak ni Patrick na lang. Haha.

"Wala bang MRT? " Patrick.

"TANGA!" sabay batok ni Red. Kawawang animal talaga.

"I think it would be fun kung mas mahaba travel natin. Total mahaba naman vacation natin. We could see sceneries while traveling. " si Kent. May utak din pala to e.

"Tama si Kent. Marami kang makikita pag sa bus tayo nag travel." sabi ko.

"Parang agree naman ang lahat. So it's settled then. We'll be riding a bus to John's place. " James. Parang papuntang camp lang ang datingan.

"Pero bago ang lahat. John hindi ba delikado sa inyo. Wala bang mga rebelde dun or anything dangerous?" sabi ni Kent.

"Oo nga. Baka mamaya may mga aswang dun. " Patrick.

"Ang bobo mo talaga. Ang tanda-tanda mo na naniniwala ka pa rin sa ganyan. " Red.

"Nagtatanong lang naman. Malay mo meron." matatakutin pala to.

"We'll may mga urban legend naman sa probinsya namin. Mga bagay na mahirap ipaliwanag ng syensya at isa na dun ang sinabi ni Patrick." natahimik sila bigla sa sinabi ko. Parang mga asong nabahag ang buntot.

"Hahaha. Mga duwag. Urban legend nga diba. Malamang mga sabi-sabi lang yun ng mga matatanda. Ako nga 'di ko pa nararanasan." ang sarap talaga mantrip. Haha

"Pero hindi naman ito magiging sabi sabi kung walang nagpapatunay nito diba? " Patrick.

"Napaka funny mo talaga Pat."

"What's funny about I've said? "

"Ang funnywalain mo. Haha. Gawa-gawa lang naman yun ng mga matatanda para takutin ang mga bata." nyeta talaga to. Tuloy yung tatlo di makaimik. Haha

"Siraulo!" Pat.

"Okay guys enough. Next subject na natin. Baka pagalitan na naman tayo ni Ms. Ramirez. Mainit pa naman dugo nun satin. Let's go." James.

"Opss mali. Hindi sya galit sa'yo James. We all know na may crush sa'yo si Ms. Ramirez." Patrick

"EEWWWWWW" sigaw namin lahat. Hahaha. Si Ms. Ramirez ang Filipino teacher namin na matandang dalaga.

"Mahilig ka pala sa sugar mommy James." Kent.

"Hmmm. Maasim-asim." Ako.

"Sinigang sa sampalok." Red.

"HAHAHAHAHA!" asar na si James.

"Ah ganun!"

KKKRRRIIINNNGGGGG!!!! KKKRRRIIINNNGGGGG

"TAKBOOO!!" At naghabolan na nga papuntang classroom.






Third year na nga pala kami dito sa FEU. Hindi yung iniisip mo. It is short for Filipinas Encantador Unibercidad. Isa sa mga private school dito sa Maynila. Kung iniisip nyong mayaman ako, yes you are wrong. Hahaha.

Nakapasok ako dito dahil sa tiya ko, si Tiya Elizabeth o Beth kapatid ni papa. Isa syang Math teacher dito at ang isa sa prebelihiyo ng pagiging empleyado dito ay pwede silang magpasok ng isang estudyante para mag-aral (malamang) ng walang bayad.

Dahil wala namang anak at asawa si Tiya Beth at namumuhay lang mag-isa dito sa Maynila kaya, naisipan niyang kupkupin at pag aralin ako dito para makatulong sa mga magulang ko. Hindi naman kasi kami mayaman sa probinsya.

At hindi naman sa pagmamayabang pero medyo may utak naman ako kahit papano. Nakalagay sa maayos na pwesto pa naman. Wait, check ko. Oo nga okay pa. Hahahaha

Three years ago nung lumuwas ako ng Maynila at nag umpisang mag-aral dito. Nakilala ko yung mga mokong na yun nung second year. 'Di ko din alam kong ba't nila ako ginawang kaibigan e mga mayayaman naman yun. Siguro dahil parehas kaming lahat na siraulo. Hahaha.

----------------------

Classroom

Last subject na namin ngayon for our Math. Sorry guys medyo conyo ako nakakahawa kasi 'tong mga rich kid. 'Di ko alam kung ba't laging panghapon ang Math, boring na nga nakakaantok pa. So wala pa pala si teacher at mukhang walang balak pumasok.

Biglang pumasok at tumayo sa gitna si Nadine. Ang class president namin na nerd pero mukhang broken hearted.

"Guys, Sir Manlangit couldn't come for today due to meeting with the principal. We need to stay inside the room until end of the period. Entiendes?" ito lang yung nerd na terror. Dinaig pa teacher.

Silence. Walang umimik pati lamok. Lahat takot.

"Si seniorita" ay meron pala si James. Hmm. Mukhang may kakaiba sa dalawang 'to.

"Good."  sabay irap at naglakad papunta sa upuan si Ms. Minchin. Hahaha

" 'Tol, anong meron sa inyo ni Nadine? " tanong si Pat kay James. Magkakatabi pala kami ng upuan dito sa pinakalikod.

"Oo nga James" nakisali na rin ako. pati yung dalawa nakiusyoso na rin.

"Wala. Mga siraulo lahat na lang binibigyan nyo ng meaning. " asar na naman si mokong. Hahaha. "We're just childhood friends"

"Ahh akala ko loveteam kayo dati. Hahaha." sabat ni Red.

"Sapak gusto mo?"

"Joke lang. Hehehe" takot pala si pula.

"Anyway guys." si kent habang nagpipindot sa Iphone nya. "I've checked already in the internet the prices and availabilities for our vacation next month." ang galing talaga nito pagdating sa galaan. Yung grades kaya.Hmm.

"Wow. 'Di ka naman excited nu? Ni hindi pa ako nakakapagpaalam." ako.

"Oh c'mon John, when it comes to gala i'm always ahead of that. And besides I know your parents and your tita are okay with it. Ang tagal mo na kayang hindi nakakauwe" adik to panigurado. Kung di lang libre.

"So what is the date and price?" James.

"Well, since next month is Holy week. I reserved a date two weeks ahead. So, that will be two days after the final exam." ang galing.Pati bahay ko sa Samar alam nya.

"Perfect. Magpaalam na kayo after our class. And the prices?"

"It's just 15k dude." sabay tingin kay Patrick lahat.

"Okay." Dumukot ng card sa wallet "Here's my credit card" ang yaman.

"Alright. I think we're all set. Pack your things up ahead of time and get ready to meet Samar." Kent. 'Di ko alam kung sya ba yung may probinsya. Bahala na.




KKKRRRIIINNNGGGGG!!!! KKKRRRIIINNNGGGGG











Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top