Kabanata Dalawa

- Maristella Aveyro -

Nagising ako dahil sa matinding sikat ng araw at napansin ko na nakagapos ang aking paa't kamay at nakita ko ang buong kwarto na may mga bakas ng natuyong dugo, mga buto na nakakalat sa sahig at mga boteng may mga iba't ibang parte ng katawan ng tao at maaamoy mo rin ang masangsang nitong amoy.

Naalala ko na kagabi pala'y inatake kami ng mga aswang at napatay si Mang Bandong at dinakip ako ng isang aswang, napaluha ako sa mga nangyari kagabi at di ko inaasahang magkakatotoo pala ang mga sabi sabi ng mga mamamayan ng Camiling tungkol sa mga halimaw na ito.

Bumukas ang pinto at inuluwal nito ang isang aswang na ngayo'y napakalinis na at kitang kita nito ang mukha niyang maamo at isa ba ito sa mga perpektong nabuo ng Diyos dahil napaka-adonis ang mukha niya pero di mo maaasahang isa itong demonyo.

"Gising ka na pala aking binibini" sabi nito at ngumisi, kitang-kita ang kanyang mga pangil na sing tulis ng espada.

Kinabahan naman ako at tinitigan lang siya, lumapit ito sa akin at napaluha muli ako sa aking kinalalagyan, dinilaan niya ang aking leeg hanggang mapadako siya sa aking labi at sa halip na hahalikan niya ako ay umiwas na lamang ito.

"Hindi ka sasarap binibini kung iiyak ka lang diyan." Sabi niya sa akin at lalo akong humagulgol na kinainis niya.

"Ano ba ang nangyayari dito at hindi tumitigil ang pag-iyak ng binibini" pagsulpot ng isa pang aswang at medyo may katangkaran ito at malalaki ang tenga na parang isang duwende.

"Wag mong sabihing ginalaw mo ito?" Dagdag pa nito at tumagilid ako para hindi makita ang mga mukha nila, masyadong mababoy sa pananalita itong aswang na ito.

"Tigilan mo iyang pananalita mo Lucas, nakakahiya ka sa binibini" sabi ng naunang aswang.

"Sus, nahiya pa itong si Simon parang hindi ka naman nakagalaw ng ibang babae na parang mga prayle" nakangising sabi ni Lucas.

Sa pag-uusap nilang dalawa, di nila nabali ang atensyon sakin kaya nag-isip na ako ng paraan para makatakas dito sa lugar na ito at alam kong nasa gubat ako dahil ni wala akong naririnig na tao maliban dito sa dalawang aswang na ito.

At may nakita akong matulis na kahoy sa tabi ko lang, sakto ang kailangan ko lang dun ay maabot iyon at dahil napakalapit nito ay nakuha ko iyon at nagsimulang putulin ang lubid.


Nag-uusap parin ang dalawa at tumalikod sila at pinagpatuloy ang ginagawa nila at sa wakas naputol ang lubid sa aking kamay, nang isusunod ko na ang lubid sa aking paa, may pumasok na namang aswang at itinago ko ang kahoy sa likod ko at nagpanggap na nakagapos ako.



"Ihanda niyo na ang binibini para sa pagtitipon mamayang gabi, tiyak maraming mamiye-miyesta nito" sabi ng aswang at umalis na ito.



"Ay nako, masyadong sabik na ang mga tao, ang aga pa naman eh" pagmamaktol ni Lucas.

"Mamaya na lang natin siya ihanda" sabi naman ni Simon at tumalikod ulit sila, minadali ko ng putulin ang lubid sa aking paa at ng matanggal ito, kailangan kong makatakas nito na walang aswang na nakakaalam kaya kumuha ako ng dalawang bote na malaki at pinukpok sa dalawang aswang na iyon.


Nang nahimatay na ang dalawa, nag-ingat ako sa aking pagtakas sa loob ng bahay dahil napakaraming aswang at sa aking paniniwala, ito ang kanilang pinaka-tirahan.

Nang makalabas ako, may mga nagpapatrolyang aswang kaya kinailangan ko ulit na mag-ingat at tumakbo na ako papunta sa mga kakahuyan, dapat mahanap ko ang daan para makadiretso ako sa bayan.



"NAKATAKAS ANG BINIBINI!" sa di kalayuan, narinig ko ang boses ni Simon sa may lumang bahay at naging alerto ang lahat at sinimulan na nila akong hanapin, dapat makatakbo na ako ng mabilis, dahil sa sobrang haba nitong kasuotan ko, pinunit ko na ito at tumakbo.


"Ayan siya!" Sigaw naman ni Lucas ng makita niya ako at tumakbo ito papalapit sakin kasama ang isa pang aswang kaya minadali ko na ito.


Nang makita ko na ang daan, may nakita naman akong mga Espanyol na naglalakad kaya agad akong lumapit ako sa kanila.


"Senyora Maristella!" Gulat na sabi ng guwardiya sibil.

"Tulungan niyo ako, may mga aswang na humahabol sakin" sabi ko at nakita ko sina Lucas na lumayo na sa kinalalagyan ko kasi armado ang mga guwardiya.


"Dapat ipagpaalam na kay Don Ramon ang balita, halika senyora at ihahatid ka na namin sa mansyon niyo" sabi ng guwardiya at sumang-ayon na ako.



Pagkadating namin sa mansyon, agad akong sinalubong ni Aling Cecilia, ang punong katulong sa mansyon at tumatayong nanay pag wala si Victoria.


"Oh senyora Stella, salamat sa Diyos at nakabalik ka ng buhay" iyak ni aling cecilia at yakap sa akin.


"Nasaan ang aking ama?" pagtatanong ko sa kanya pagka-akyat namin.

"Nasa kwarto lang siya senyora, halos di na siya makakain at makatulog sa pag-aalala niya sayo, di bale ipagluluto kita ng makakain mo" sabi ni Aling Cecilia at pumunta ng kusina, dumiretso naman ako sa kwarto ng aking ama kahit punit-punit na itong saya ko.

Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko ang aking ama na umiiyak at sa pagtawag ko sa kanya, agad niyang binanggit ang aking pangalan at niyakap ako, niyakap ko na rin siya at umiyak ako.

"Papa, wala na si Mang Bandong" iyak ko at pinunas ng aking ama ang aking mga luha.


"Oo alam ko yun anak, ang mahalaga, buhay ka at di ka nasaktan, sobra akong nag-alala sayo simula nung gabing nawala ka sa selebrasyon ng kasal" sabi ni papa at umiyak parin ito, yakap ko parin siya at ramdam ko na ligtas ako sa aking ama.



Tanghali na at nakasuot na ako ng maayos na kasuotan at nakaluto na rin si Aling Cecilia ng aming tanghalian.

Di ko parin mawari ang itsura ng aswang na umatake sakin, napaka-adonis ng kanyang mukha at napaka-kinis nito.


Ay nako, Stella baka mapamahal ka pa sa kanya.


"Ate Stella, ayos lang ba kayo?" Tanong sa akin ni Trinidad o mas kilalang Trining, apo siya ni Aling Cecilia sa kanyang panganay na anak: May dalawa anak si Aling Cecilia; Si Rogelio na panganay at si Soledad na bunso niya.

Si Rogelio ay isang mangingisda sa bayan ngunit namatay ito sa digmaan, ang asawa nito ay namatay sa sakit at nagkaroon sila ng dalawang anak; si trining at si concepcion.


Si Soledad naman ay isang napakagandang dilag sa pagpapaliwanag ni Aling Cecilia, nag-asawa daw ito ng misteryosong lalaki at nagkaroon sila ng isang anak na lalaki ngunit bata pa lang ito ay nawalay na ito sa piling ng lola pero kalaunan nabalitaan na lamang niya na namatay na si Soledad. At ang tanging alaala na lamang ni Aling Cecilia ay si Trining at Concing (Concepcion) at ang apo niya kay Soledad.



"Ayos lang ako Trining, wag kang mag-alala" sabi ko naman sa kanya at ngumiti.


"Ang sasama naman nung mga gumawa sayo ate stella, pag lumaki ako proprotektahan kita" sabi naman ni Concing at tumawa ako.

Umalis muna ako at may kinuha akong libro sa kwarto ko, para kay trining, mahalig kasi siyang magbasa kaya minsan pinapahiram ko sa kanya ang mga libro ko.

Pagkalabas ko, narinig ko ang mga iyak ni Aling Cecilia at nilapitan ko siya ngunit bumagsak ang langit at lupa sa akin ng makita ko siya.

"Apo ko, ang gwapo mo apo, kamukhang-kamukha mo talaga ang nanay mo" sabi ni Aling Cecilia at nakita niya ang presensiya ko at ngumisi.


Dahil ang apo ni Aling Cecilia ay walang iba kundi si Simon, ang aswang na umatake sakin na siyang anak ni Soledad at apo ni Aling Cecilia.




Itutuloy...



-----------------

Sa mga susunod na kabanata niyo malalaman lahat ang tungkol kay Simon.

Sa susunod na pahina, basahin niyo ang mga pangalan ng bawat EXO member kaya importante ito para di kayo malito.


Salamat sa pagbabasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: