Ang storya ng Isang Manunulat

ako si TJ, Timmy Jane Portu lalaki ang nickname ko pero babae ako. Tulad ng ibang normal na tao natutuwa, natatawa, nagagalit, nauutot, nangungulangot, natatae, nasasaktan at humihinga rin ako ng hangin. routine ko? gising, ligo, bihis, kain , pasok sa school, uwi, bahay ayan ang araw araw na ginagawa ko, normal lang talaga. Psychology Student ako, 21 taong gulang :) patapos nako sa aking pag-aaral pamumuhay namin? average lang hindi mahirap, hindi mayaman. May kaya lang.  akala ko ang huling taon ko sa pag-aaral ay katulad lang din ng ibang taon ko pero hindi talaga lahat ng akala tama.


"TJ pakiayos naman ng mga papel mo sa baba nagkalat na naman eh." sigaw ng kanyang nakakatandang kapatid na lalaki sa kanya, si PJ dali dali siyang bumaba mula sa kanyang kwarto ng marinig niya ang sigaw ng kapatid niya at dumiretso sa la mesa na madalas niyang lugar sa kanyang pagsusulat. 

"Wala kang ginalaw dito ah?" tanong nito sa kanyang kapatid


"ano namang mapapala ko sa mga sulat mo? para namang may interes ako diyan haha!" kantyaw ng kanyang kapatid sa kanya . kinuha niya na ang mga papel na nakakalat doon at dinala sa kwarto niya matapos ay inabot niya ang isang kahon na nasa ilalim ng kanyang kama, normal na kahon lang matapos ay doon niya nilagay ang mga papel na kinuha niya mula sa baba. 


____________________________________________________________________________________


"Miss Wag!" boses ng isang lalaki ang umalingawngaw sa buong istasyon ng tren, matapos ay napunta sa kanya ang atensyon ng mga tao, sabay kuha niya sa babae at inilayo niya ito doon.


"ano ba?!" sigaw ng babae sa kanya matapos niya itong ilapag mula sa pagkakabuhat niya, ang atensyon ng mga tao ay nananatiling sa kanilang dalawa nakatuon.


"kung magpapakamatay ka wag naman sa istasyon ng tren, magkakaron ng emergency dahil sayo, maaabala mo pa kami na ibang pasahero, kung gusto mo tumalon ka nalang ng building o di kaya pasagasa ka sa daan" bulyaw ng lalaki sa kanya


"anong magpapakamatay? hindi ako magpapakamatay!" balik na sigaw sa kanya ng babaeng di masyadong katangkaran, hanggang balikat niya lamang ito ngunit ang boses ay napakalakas.


"eh tatalon ka diba?" sabi ng lalaki sa kanya sabay may pagtatakang expresyon sa mukha.


"tatalon nalaglag kasi yung ID ko pupulutin ko sana kaya lang tuluyang nalaglag dahil sayo" sigaw sa kanya ng babae


"pasensya ka na miss ah." sabi ng lalaki matapos ay inirapan siya ng babae at iniwan sa kinatatayuan nito, pinagtawanan ng mga tao ang lalaki dahil sa mga nangyari habang ang babae naman ay sumakay na sa tren


Patricia's POV:

"salamat sa lalaking yun at wala nakong I.D ngayon bibili na naman akong bago -__- ang haba pa naman ng proseso para magkaron ako ulit nun pipila pa ko sa guard kasi kukuha ako ng number, tapos pipila pako sa cashier para sa bayad ko dun sa I.d tapos pagtapos pictyuran maghihintay na naman ako ng araw na magiging linggo , hay nako Patricia kung di ka nga naman talaga sinuswerte oh, kung di lang talaga ko nagmamadali eh baka nandun pako ngayon sa istasyon ng tren at nakikipag away dun sa lalaki pero dahil sa mabait akong mamamayan ng pilipinas at hindi naman ako attention seeker hindi nalang."


"hoi best!" pagpukaw ng kaibigan ko sa aking atensyon.


"oh bakit? kanina ka pa?" tanong ko sa kanya


" ah oo di mo nga ko napansin eh lalim ata ng iniisip mo?" tanong nito saken


"kasi naman eh ang malas ko talaga pag 13 ano? hahaha!" sabay tawa ko ng malakas at hampas ko sa kanya


"friend naalala mo na naman ang break up mo ikaw talaga di ka na nakamove on." sabi nito saken 


"gaga! nahulog I.D ko sa riles ng tren salamat dun sa lalaki kanina :3" pagkukwento ko sa kanya


"eh pano ka nakapasok?" usisa niya pa saken, kinindatan ko siya sabay angat ng kamay ko kung san hawak ko ang temporary pass ko wala pa kong I.D diba


"hahaha sarehh kala ko kasi nagdadamdam ka pa rin tungkol dun sa nakaraan mo eh hindi pala hahaha! nga pala matanda o bata yung lalaki na umaway sayo?" tanong saken napakamatanong talaga ng kaibigan ko minsan gusto ko nalang siyang pusalan sa bibig ng matahimik naman siya nakakapagod din naman sumagot sa mga taong di maubusan ng tanong noh 


"ewan ko dun tara na nga sa room na tayo napakamatanong mo na naman baka kung san na naman mapunta ang usapan eh mahirap na." sabi ko sa kanya sabay tulak ko sa kanya ppapasok sa silid aralan. we're both taking Engineering ng bestfriend ko wala lang ako kasi mahilig talaga kong magdrawing ng structures siya naman trip niya lang kasi trip ko oh diba napaka supportive niyang kaibigan hahaha!


"you two, out!" papasok pa lang kami ay napalabas na kami agad haha nakalimutan ko na ang prof pala namin ngayon ay si Mrs. Catacutan , bagay talaga sa kanya ang apelyido niya dahil nakakatakot talaga siya, physically at sa mismong ugali niya. Wala naman kaming magagawa estudyante kami at prof siya anong laban ko dun hahaha actually malaki pero wala ako sa mood para makipag argue kaya naman lumabas nalang kaming dalawa bago pa ko magkaron ng scandal sa internet na nakipag away sa prof at maturingnang estudyanteng walang pinag aralan, walang good manners at right conducts noong elementary days haha!

...........................................................

____________________________________________________________________________________


matapos ay nilapag na ni TJ ang kanyang panulat, hindi niya na muna tinapos ang isang pahina sapagkat inaantok na talaga siya dahil sa napakahaba ng kanyang araw, tumayo siya at pinatay ang ilaw matapos ay natulog na.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: