PROLOGUE
Title: ANG NAWAWALANG MAFIA QUEEN AY ISANG BODYGUARD
genre: Action-Romance
Author: Inskyte
Character: Mia Cole Flores and Vince Montenegro
Walang emosyon ang mukha na nakatayo ngayon ang isang babaeng may hawak na baril at tila handang handa na sa lahat ng pwedeng mangyari sa kan’ya. Pinabalibutan ito mga taong may iba't ibang uri ng armas ang dala. Nagtataka s’ya kung bakit bigla naman yata s’ya ang naging target ng kaaway ng lalaking binabantayan n’ya, pero mas lalo s’yang nagtaka dahil hindi naman iyon ang mga taong nakita at nakaaway n’ya nong mga panahong muntik ng patayin ang lalaking binabantayan n’ya. Naisip n’ya na baka ibang kaaway ito kaya naman inihanda n'ya ang sarili at ang baril na hawak n‘ya.
“Hindi kami kaaway, Ryu. Andito kami para sunduin ka at bumalik na sa Organisasyon. Sobrang gulo na ngayon ng Mafia world simula nong biglaang pagkawala mo. Ano bang nangyari? Tila yata may mga plano kang hindi namin alam?”
“Hindi ko alam kong ano ang sinasabi mo, at wala akong natatandaan na galing ako sa isang Mafia world, baka naman nagkamali lang kayo ng tinungo?”
Walang ganang sagot nito na s'ya namang kinatahimik ng mga nakapalibot sa kan'ya. Hindi alam ng buong Organisasyon na ang Mafia Queen nila ay tuluyang nawalan ng ala-ala pagkatapos nitong mabaril sa huling misyon na inakala ng lahat ay patay na ito. Ngunit labis naman ang pagkatuwa ng karamihan sa Organisasyon nang malaman nilang ang Queen nila ay buhay pa at s’ya si Mia Cole Flores, kilala bilang isang Black Aura na kong saan lahat ng nakakalaban nito ay hindi pinapalagpas na buhay, kaya naman labis s’yang hinahangaan hindi lang dahil sa maangas at maganda ito, Mas magaling rin itong humawak ng baril at kahit na anong sandata.
“Tapos na ang pagpapahinga, Mia. Bumalik kana! Kung hindi kapa babalik ngayon baka tuluyan nang bumagsak ang Organisasyong ikaw mismo ang nagpalago at nagpatayo. ” wika ng isang babae na si Lea.
Dating kanang kamay ni Mia, nong mga panahong buo pa ang memorya n’ya. Hindi sumagot si Mia at nanatili lang itong nakatayo habang walang emosyon ang mukha na nakipagtitigan kay Lea.
“ Hindi ko kayo kilala, umalis na kayo. At huwag na ulit kayong babalik. ”
“ Pero? ”
“ Isang hakbang n’yo pa at lahat kayo babagsak dito. Wala akong paki alam kung bumagsak man iyang sinasabi mo. Hindi ko kayo kilala at hindi rin naman ako intirisado sa mga sinasabi n’yo.”
“ Wala akong idea kung anong nangyari sa’yo, Pero sana pumasok d'yan sa puso mo ang responsibilidad na iniwan mo. Una na kami at sa susunod na magkita tayo inaasahan kong maayos na iyang pag iisip mo. ”
Galit at tila ba may halong lungkot na sabi ni Lea, ngayon n’ya lang kasi nakitang ganon ang mga sagot at inasal ng Queen nila na kaibigan n’ya , na ngayon ay ibang iba na. Nagtataka rin s’ya , kaya inutusan ang ibang kasamahan na imbistigahan kung ano talaga ang totoong nangyari, sa barilan at sa pagsabog ng dating Underground nila. After kasi ng Pagsabog na iyon ay hindi manlang nila nakita ang katawan ni Mia, kaya naman laking tuwa sa kanila ang makita muli ito, Ngunit ayon nga sa mga sagot ni Mia kanina, Inisip ni Lea na baka may Amnesia ang Queen nila .
Hindi n’ya rin alam kung sino ang utak nang barilan at pagsabog na iyon.
Samantalang walang paki alam naman si Mia na inayos ang baril n’ya saka sumakay sa motor nito at mabilis na tinungo ang binatang binabantayan n’ya na nasa office pa hanggang ngayon.
Mga ilang minuto nang makarating ito sa Office. Naglakad ito papasok at tila wala sa sarili na tinatahak ang Office nang binata kung saan nagtatrabaho ito bilang isang C. E. O sa sikat na Company.
“Ngayon kana nga lang pupunta dito para sunduin ako, late kapa. Sinasayang mo lang ang oras ko. ” Ani nang isang matipunong lalaki na salubong ang kilay na nakatingin sa pagpasok ni Mia, s’ya si Vince Montenegro.
Ang lalaking binabantayan ni Mia dahil palagi nalang may gustong pumatay rito , Dahil sa yaman at inggit dito. Isa ring myembro ng Mafia si Vince pero simula nong nalaman n’yang nawala ang Mafia Queen ay naging inactive na muna ito at kumuha ng Bodyguard para sa sarili n’ya at isa pa , Hindi n’ya pa kasi nakikita sa personal ang Mafia Queen kaya wala s’yang idea kung ano talaga ang itsura nito, ang alam n’ya lang ay magaling ito sa lahat ng uri ng baril.
“ Hindi mo'ko driver, andito ako bilang bodyguard mo, hindi bilang driver mo. ”
“And you're talking back! Ginawa kitang bodyguard para bantayan ako araw araw, hindi para hintayin ka lagi kung kailan mo ba— San punta mo? ”
Tanong nito nang mapansing, Tinutungo ni Mia ang pinto palabas sa office n’ya.
“Sa labas. ”
“Gagawin mo sa labas?”
“ Ang Bodyguard nasa labas hindi nasa loob, pumasok lang ako kanina para tignan kung buhay kapa. And yeah! Buhay kapa naman. buhay na buhay. ”
Walang ganang sagot ni Mia na s’ya namang kinaigting nang panga ni Vince. Napabuntong hininga nalamang ito hanggang sa tuluyang makalabas si Mia sa office n’ya.
Paupo na sana si Vince sa upuan n’ya ng may kung anong bala ng baril ang tumama sa may glass n'ya dahilan para mabasag ito. Mabilis namang napayuko si Vince at kinuha ang baril na nasa ilalim ng disk n’ya. May Soundproof ang Office ni Vince kaya naman kahit sunod-sunod na s'yang binabaril sa loob, na nang gagaling sa kabilang building e hindi parin ito nadidinig ni Mia.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top