CHAPTER 4
“Lea? Anong ginagawa n’yo dito? ”
Nagulat si Lea ng mapagtantong tinawag s’ya nito sa pangalan n’ya. Sasagot sana ito ng biglang dumating ang doctor, sinabi ng doctor na dahil sa nangyari naibalik ni Mia ang ala alang nawala sa kan’ya. Nasabi n’ya ring may temporary amnesia ang dalaga. Hindi na nagulat si Lea sa sinabi ng doctor dahil alam n’ya na ang lahat ng iyon , nong makalabas ang doctor saka naman s’ya sumagot.
“ Hindi naman pwedeng di kami dumalaw sa Mafia Queen namin hindi ba? Andito kami para samahan ka hanggang sa gumaling ka. Ano? May masakit paba sa katawan mo? Anong plano mo ngayon? At Sino ba ang may pakana ng lahat ng ito? ”
“ Masyado pang magulo lahat ng nangyari, at di pa tuluyang bumabalik ang ala-ala ko. Basta ang alam ko ngayon, isa akong bodyguard at ang kuya nito ang gustong pumatay sa kan’ya. May natatandaan din ako na andon ang kuya ni Vince nong mga panahong sumabog ang dating tambayan natin. ”
“ Babalik kana ba? Matagal kanang gustong makita ng parents mo. May balak ka pabang kausapin sila? Alam mo naman diba? ikaw nalang ang hinihintay nila para imanage lahat ng bagay na meron kayo. Nakasalalay rin sa’yo ang kaligtasan ng buong organisasyon pagnakabalik ka. Teka? Anong ginagawa mo? Hindi kapa ok ba’t nagbibihis kana? ”
“ Maayos na ako, at ayuko sa ospital masyadong masang sang sang ang amoy. Iwan mo nalang sa’kin ang number mo tatawagan nalang kita kapag babalik na ako. Sa ngayon uuwi na muna ako sa bahay ni Vince para doon makapagpahinga ng maayos. Sige na mauna na ako! ”
Walang nagawa si Lea kundi ang sumang ayon dito, napangiti rin ito dahil alam n’yang unti unti nangang bumabalik ang ala-ala ng kaibigan at bilang Queen nila.
Sa mga oras na iyon nang makarating si Mia sa bahay ay agad naman itong napahiga sa sofa. Nagpahinga ito hanggang sa di namalayang nakatulog ito.
Pagdating naman ni Vince gulat na gulat itong napalakad papunta sa gawi si Mia at balak sanang buhatin para ilipat ito sa kama, pero dahil madaling makiramdam si Mia ay nagising ito. Nagtama ang mga mata ng dalawa na tila ba may halong pagmamahal at pag alala.
Ilang beses kumakabog ng mabilis ang puso ni Vince sa tuwing malapit ang mukha nito kay Mia, pero sa mga oras na ito ay mas domoble pa ang nangyari. Tatayo na sana si Vince para umiwas pero huli na nang hilahin s’ya ni Mia dahilan para mapaibabaw ito sa kan’ya.
Alam ni Vince na kapag hindi n’ya ihawak ang kamay n’ya sa sofa ay madadagdagan n’ya si Mia at pagnagkataon magagalaw ang sugat ng dalaga.
“ Mabuti naman ligtas ka. ”
Mahinahong saad ni Mia saka ito pumikit at unti unting nilapit ang labi nito kay Vince. Hindi rin naman magawang humindi ni Vince dahil nga alam n’ya sa sarili n’ya na may gusto s’ya rito. Nagdikit ang mga labi nila na para bang sabik na malasahan ang isa’t isa. Dahil sa ginawa ni Mia ay maingat namang inayos ni Vince si Mia ng higa habang di pinuputol ang halik sa dalaga.
Ramdam na ramdam ng dalawa ang init sa mga katawan nila, at sa mga oras na iyon walang ibang inisip si Vince kundi ang maipadama kay Mia ang init ng katawan na meron s’ya, lumalim ang halik na iyon papunta sa leeg ni Mia na s’ya namang kinakagat labi ng dalaga.Kita n’ya rin kung pano unti unting inunbutton ni Vince ang shirt nito para hubarin.Dahil sa nakita ni Mia ang magandang katawan ni Vince ay napahawak s’ya dito na tila ba sinasabing angkinin na agad s’ya.
“Nag aalala ako, ayos lang ba?”
“Do it. ”
Malumay na sagot ni Mia na s’ya namang kinatango ni Vince. Kabado si Mia nong mga oras na iyon pero alam n’yang maingat si Vince pagdating sa kan’ya kaya hindi ito nabahala. Nanatiling nakapulupot ang mga braso nito sa leeg ng binata, habang patuloy s’yang hinahalikan ni Vince.
May namumuo ring ingay na likha ng paghalik ni Vince dito.Alam ni Vince na mahihirapan s’ya, lalo na si Mia kapag sa sofa nila ginawa ang gusto nila kaya naman binuhat n’ya ito at dahan dahang nilapag sa kama n’ya na s’ya namang kinagulat ng dalaga.
Alam n’ya kasing ayaw ni Vince na may kung sinong pumasok sa kwarto nito pero...walang pag alinlangan na nilapag s’ya sa mismong kama nito.
Kinaumagahan non, mas naunang magising si Vince kaya nagawa n’yang pagmasdan ang magandang mukha ng dalaga, nang gumalaw ito , don n’ya lang napansin ang kulay pula na nasa puting kumot at higaan n’ya, nag aalala s’ya na baka dumugo ang sugat ni Mia dahil sa ginawa n’ya dito. Pero alam n’ya naman sa sarili n’ya na maingat n’yang ginalaw si Mia, pero para makasiguro ay tinignan n’ya parin ito. Pero wala naman s’yang nakita na dumugo ito, don n’ya lang din lubos na naisip na ang babaeng dinala n’ya sa kama ay birhin pa at tila s’ya ang nakauna dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top