CHAPTER 3
“San ba tayo pupunta? ”
Tanong ni Mia na para bang walang nangyari ,na s’ya namang kina ayos ng upo ni Vince. “ Kay Kuya. ” diritsang sagot nito.
Habang nasa byahe sila hindi maiwasang titigan ni Vince si Mia habang nagmamaneho ito, ramdam iyon ni Mia pero hindi nalang din s’ya kumibo dahil wala s’ya sa sarili na makipag usap sa kahit sino man dahil sa nangyari kanina.
Pagkarating nila sa bahay ng kuya ni Vince, ay tumungo agad sila kung saan ang secret room ng kapatid para makita ito. Nang makapasok sila roon ay laking gulat naman ng Kuya nito dahil sa kasama ni Vince.
Napabulong nalang ang Kuya ni Vince na si Harold nang makitang andon si Mia.“Anong ginagawa ng Mafia Queen dito?Ang alam ko patay na s’ya?At bakit kasama n’ya ang kapatid ko?Ano bang nangyayari? ” sunod-sunod na tanong nito sa isip n’ya.
“Vince? Anong hangin ang sumapi sa’yo at naisipan mong puntahan ako dito? ”
“May mahalaga lang akong itatanong, tungol sa Mafia Queen, tungkol sa pagpatay n’ya kila mama at papa.Sabi mo s’ya ang may gawa diba? Pero bakit hindi mo sila pinag higanti? Ano ba talaga ang nangyari non kuya? May di kaba sinasabi sa’kin? ”
“Lahat ay nasabi ko na, at sino itong kasama mo? Isang babae? bago mong laruan? O bagong kasalo sa kama? ”
“Mia ang pangalan ko, at sa tabas ng bibig mo kahit kapatid kapa ng amo ko, kapag magsalita kapa ulit tatagos sa bunganga mo ang sampung bala na nasa baril ko. ”
nagtaka si Harold kong bakit tinawag ng isang Mafia Queen si Vince na Amo. Nagtataka rin s’ya dahil parang wala lang kay Vince na makisama sa Mafia Queen na si Mia . Halos nag simula naring bumilis ang tibok ng puso n’ya nang maisip kung ano ang pwedeng mangyari kapag sinabi ni Mia kay Vince na s’ya ang utak sa pagtay sa sarili nilang ama at ina nong mga panahon na iyon.
Nong gabi kasing iyon, nautusan si Mia na dukutin ang mag asawang Montenegro hindi para patayin kundi piliting ibigay kay Harold ang lahat ng mana at hindi Kay Vince. Nong mga panahon rin na iyon inutusan si Mia ni Harold na patayin ang ama at ina nila. Pero dahil narin sa alam ni Mia na labag sa patakaran nila ang pumatay ng taong walang kasalanan at laban ay hindi n’ya ito tinuloy, bagkus ay gumawa pa ito ng paraan para patakasin ang mag asawa. Subalit dahil sa kagustuhan ni Mia na mailigtas ang mga ito, pati sarili n’ya nasabay sa pagsabog na iyon.
Binaril ni Harold si Mia nong mga oras bago n’ya pinasabog ang Underground na naging dahilan kung bakit nawalan ng ala-ala si Mia.
Ganon paman, hindi alam ni Harold na ang lahat ng nangyaring iyon ay hindi matandaan ni Mia kaya naman kahit nasa bahay parin n’ya si Mia At Vince ay pasimple n’yang inutusan ang mga tauhan n’ya para ipapatay sa daan si Vince at si Mia
Walang pakandungan na nag uusap ang kapatid, habang si Mia naman ay patuloy lang din namang nakamasid sa lahat ng bagay, malakas ang pakiramdam ni Mia at lahat ng hinala n’ya nagkakatotoo.
“Umuwi na tayo. ”
Mahinang bulong nito kay Vince na s’ya namang kinatango nito, nagpaalam ang binata sa kapatid saka ito tuluyang lumabas ng bahay.
Ang lakas ng pakiramdam ni Mia habang nag mamaniho siya ng sasakyan, na gaya kanina may nakasunod rin sa kanila. Wala namang pag alinlangan na umiba ng direksyon si Mia na s’ya namang kinataka ni Vince.
“ Akala ko ba uuwi na tayo? At saka hindi ito ang daan pauwi. ” nagtatakang tanong ni Vince kay Mia.
“ Deserve ko namang mamasyal diba? Masyadong boring ang buhay ko. Puro nalang kasi patayan ang nangyayari sa’kin, kaya kailangan ko namang mag pahinga. ”
“San mo ba gustong pumunta? ”
“Kahit saan, basta kasama at ayos ka. ”
Diritsang sagot ni Mia na s’ya namang kinatahimik ni Vince, masyado kasing seryuso ang pagkakasabi nito na para bang merong di magandang mangyayari.
Nasa Mall sila ngayon tamang libot lang, para narin mailigaw ni Mia ang mga tauhan ng kuya ni Vince na kanina pa sunod ng sunod sa kanila. Hinala rin ni Mia na ang Kuya ni Vince ang gustong magpapatay sa kan’ya, hindi ngalang n’ya alam kung bakit?
Nasa kaligitnaan si Vince sa paglalakad ng mapansin ni Mia ang paghugot ng isang lalaki ng baril sa likuran ni Vince at tila si Vince ang puntirya nito. Tanda n’ya rin na tauhan iyon ng kuya ni Vince na kanina lang ay parang may inutos dito.
Napalapit si Mia kay Vince saka ito niyakap, pagkatapos non ramdam na ramdam n’ya na tila may kung anong bagay ang tumama sa likuran n’ya na s’ya namang kinaubo n’ya ng mahina.
Hindi iyon napansin ni Vince bagkus ay gulat parin ito sa ginawa ni Mia sa kan’ya. Habang si Mia naman pansin na pansin narin ng ibang tao ang paglabas ng dugo nito sa bibig n’ya.
“ May poblema ba, Mia? Kinakabahan ako, ngayon lang kita nakitang ganito. May nangyari ba? Sumagot ka naman? may nangyari ba kanina habang nakikipag usap ako kay Kuya? ”
“ W-Wala naman, ayos lang ang lahat. N-Napagod lang siguro ako kaya ganon. Pero mag iingat ka lagi, sa ngayon hindi mo na kilala kung sino ang kalaban at kakampi mo. ”
Pagkatapos sabihin iyon ni Mia ay s’ya namang pagbulungan sa palibot, napayakap rin pabalik si Vince ng mapansing tila ba pagod na pagod si Mia. Dahil sa pagyakap n’ya pabalik dito, don n’ya lang din napansing tila may kong anong likido na umaagos mula sa likod ng dalaga. Kabado namang n’yang inangat ang kamay n’ya para makompirma kung ano ito, at halos malugmok s’ya sa kinatatayuan n’ya ng mapansing may tama ng baril si Mia.
Kabado at tila tarantang taranda si Vince ng mga oras na iyon, mabilis n’ya ring nasalo si Mia nong bumagsak ito. Mabilis n’ya itong binuhat para dalhin sa ospital. Hindi n’ya rin maipaliwanag ang nararamdaman n’ya dahil sa mga nangyari. Nang makarating sila sa ospital agad namang tinulungan si Vince na madala si Mia sa Operating room.
Habang inooperahan si Mia, panay naman ang pabalik balik na paglakad ni Vince sa labas ng operating room at di mapakaling tinitignan ang relo dahil sa tagal ng operasyon dito.
Ilang oras ang lumipas nang lumabas ang doctor, pawisan at tila pagod din. Nasabi nitong ayos naman na si Mia,pero ilang araw pa bago ito magising. Nahimasmasan si Vince ng oras na iyon dahil sa nadinig n’ya. Kaya naman nong nilipat na ng kwarto si Mia ay agad n’ya itong tinungo.
Dahan dahan s’yang pumasok doon, at pinagmasdan si Mia, mula sa kilay nito papunta sa mapupulang labi nito. Kinuha n’ya rin ang kamay nito para hawakan pero naagaw ng atensyon nito ang isang maliit na tattoo na may nakalagay na B. A na ang ibig sabihin ay Black Aura. Hindi naman ito binigyan ni Vince ng maayos na attention at pinasawalang bahala nalang.
Nakarating naman sa Kasamahan ni Mia ang nangyari sa Queen nila kaya nagpasya silang tumungo sa ospital kung saan naroon si Ryu. Sinakto nila sa araw na wala doon si Vince saka nila ito pinuntahan.
Pagpasok na pagpasok nila sa kwarto ay s’ya namang pag gising ni Mia.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top