CHAPTER 2

“ nakakalimutan mo, Killer? Hindi kami sumang ayon sa plano mong iyon dahil labag sa amin na traydorin ang kakampi namin, Oo galit kami kay Queen dahil narin sa pangingialam n’ya sa lahat ng bagay, pero hindi parin tama na ipapatay mo s’ya diba? Ano ba kasing problema mo sa kan’ya? ni hindi mo panga s’ya nakikita sa personal tapos pinapapatay mo na, ang malala pa sa  sobrang galit mo sa kan’ya, eh umabot na sa sukdulan. Tama ? May personal na galit kaba sa kan’ya ha? ”

“ Dahil s’ya ang pumatay sa Mama at Papa ko, iyon ang sinabi sa’kin ni kuya. Pinatay ni Queen ang magulang ko para makuha n’ya ang companya ng mga Mafia. ” 

“Pero nabawi na iyon nang kuya mo, diba?  Nakaganti kana. At sa pagkaka alam naming lahat ang organisasyon na binuo ng Mafia Queen ay unti unti nang bumabagsak. At sa tingin ko may iba pang tao ang gustong pumatay sa’yo gamit ang bala sa  baril ng Mafia Queen. ”

“Hangga't di nakikita ng sarili kung mga  mata ang pagkamatay n’ya di ko s’ya mapapatawad. ”

Walang nagawa ang mga kausap ni Vince kundi ang hayaan nalang ito sa gusto nitong mangyari, Namatay ang mga magulang ni Vince at ang alam nito si Queen lahat ang may gawa, kaya labis nalang ang galit n’ya dito.

Umuwi nang bahay si Vince na tila ba pagod at wala sa sarili. Nang makarating ito agad naman itong pumasok sa loob, inikot n’ya rin ang kan’yang paningin sa sulok ng kan’yang bahay sa pagbabakasakaling andon si Mia, ngunit ni anino nito ay hindi n’ya nakita.

Pinagwalang bahala n’ya nalang ang lahat at hinintay si Mia na bumalik, nanatili itong naka upo sa may sofa habang galit na galit na hinihintay ang pagbalik ni Mia.  Hindi n’ya rin inaakala na mag aalala s’ya kay Mia gayon na isa lamang itong bodyguard. Hindi n’ya rin maitatanggi na may angking ganda si Mia  at bukod don magaling din makipaglaban  at magaling humawak ng baril.

Samantalang si Mia walang awang nakikipaglaban sa mga Groupong naghahanap ng gulo sa palaruan ng billiard. Sakto din kasing andon s’ya nong maghamon ang mga groupong iyon.  Hindi s’ya gumamit ng kahit na anong sandata dahil iniwan n’ya ito sa motor n’ya, nakipaglaban s’ya gamit ang mano-mano, mabilis s’yang makipaglaban kaya naman ni isa sa mga ito hindi s’ya tinamaan.

Pagkatapos ng gulong nangyari, inisip nalang ni Mia na exercise lang ang lahat ng iyon, at naisipan nalang nitong umuwi. Pagod at tila wala sa sarili na tinadyakan nito ang pinto para bumukas. Dahil sa ginawa n’yang iyon, gulat n’yang nakita si Vince na naka upo sa sofa at gulat na gulat din sa ginawa n’ya.

“You're late, again. ”

“Alam ko. ”

“ Gawain ba ng isang babae na umuwi sa ganitong oras? Ang sabi ko nauma kang umuwi hindi ko sinabing late ka umuwi. Pano nalang kung napahamak ka? Idi ipapalibing pa kita. Next time kung uuwi ka ng ganitong oras just make sure na walang ibang taong mag aalala sa’yo.”

“ Ang ingay mo, dinaig mo pa ang nanay ko kung magsermon.  Hindi ako mapapahamak at lalong di ako papayag  na mamatay, masyado pang maaga para magkita kami ni Satanas. ”

“ Bahala kanga, Kumain ka na ba? ”

“ Busog ako Mr Montenegro, at huwag mo na ulit ako kakausapin na parang bang hindi mo’ko bodyguard. Nakakasuka! Pakiramdam ko tuloy gusto mo’ko e.  Grabi , nag aalala ka sa’kin?  Ang astig ah. Boss nag aalala sa bodyguard, ang laswa ah. ”

“ Pwede ba? Kung sasabihin mo iyan maglagay ka naman ng reaction sa pagmumukha mo. Nakakatakot ka! Di ba uso ang ngumiti sa’yo?”

“Kung sa’yo lang din naman ako ngingiti, next time nalang kapag wala na akong choice. Sige na Mr Montenegro, matutulog na ako. Goodnight. ”

Hindi naman kumibo si Vince at sinundan lang ng tingin si Mia papunta sa kwarto nito,  Tinignan n’ya ito mula ulo hanggang paa, don n’ya din napansin na matanggad pala si Mia, hindi n’ya tuloy mapigilan na titigan ang hubog katawan na meron ito, Nang mapansing masyado na s’yang nakatitig dito mabilis naman itong umiwas ng tingin saka tumungo sa ref para kumuha ng tubig.

Maraming nagsasabi lalo na ang mga kasusyo ni Vince ,na baka posibleng mainlove s’ya sa maganda n’yang bodyguard, ilang buwan narin  ang nakalipas simula nong kinuha n ’ya bilang bodyguard si Mia. Kaya n’ya naman ang sarili n’ya pag dating sa mga kaaway pero hindi parin maiiwasan na baka mapahamak kapag masyado s’yang kampanti kapag s’ya lang din mag isa. Gayon ay baka alam na ng mga kasamahan ng Mafia Queen na s’ya ang may pakana ng lahat para patayin ang Queen ng Mafia World.

Kahit alam n’yang patay na Ang Mafia Queen hindi parin mawala sa isip n’ya ,kung bakit pinatay ng Queen ang mama at papa n’ya. Dahil lang  sa Kompanyang meron sila. Kasi kung tutuusin labas ang kahit na anong pagmamay ari nila sa Buhay ng Isang  Mafia Queen. Don rin pumasok sa isip n’ya na baka ay may nag utos dito para ipapatay ang magulang n’ya.

Pabagsak na nilagay ni Vince ang baso na may tubig sa mesa, saka naglakad patungo sa kwarto upang magpahinga.

Samantalang si Ryu naman ay tila ba parang may kung anong mga anino ang bigla bigla nalang pumapasok sa isip n ’ya, at  sa pag aakalang panagip lang ito kaya s’ya napabangon. Naramdaman n’ya ring sumakit ang ulo n’ya kaya tumayo ito para uminom ng gamot. Kinabukasan maaga itong nagising para maghanda ng makakain. Nagtataka s’ya kung bakit walang yaya sa bahay ng amo n’ya e mag isa lang ito dito.

“Ang aga mong nagising ah. ” ani ni Vince habang pababa ng hangdan.

“ Binangongot ako e. ”

“S’ya nga pala, maligo kana at magbihis may pupuntahan tayo. Dalian mo ah ayuko sa mabagal gumalaw. ”

“Di sana kagabi palang sinabi muna, na may lakad ngayon, para nag ayos na ako dati. ”

“Ang dami mong reklamo, dalian mo na. ”

Mabilis na nagbihis si Mia kaya naman mabilis din agad itong bumaba ng hagdan. Pagkababa n’ya ay tuluyan na silang umalis para tumungo sa pupuntahan nila.

Si Mia ang nagdala ng sasakyan, malakas kasi ang kutob n ’ya na para bang may kung anong hindi magandang mangyayari sa kanila. Maigi s’yang nagmamasid habang nag mamaniho, ramdam n’ya ring may kung anong sasakyan sa likuran nila ang tila kanina pa sunod ng sunod. Dahil doon mabilis na naalarma si Mia at mas binilisan pa ang takbo ng sasakyan na mas kinagulat naman ni Vince.

Ramdam ni Vince na tila ba lumilipad na ang kotse nito sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Mia dito,  pigil hininga rin ito at tila napapikit nalang ng mapansing babangga sila, pero dahil sa mabilis ang kamay ni Mia mabilis rin agad itong nakaliko.

“Ano bang nangyayari? baka gusto mong sabihin ” takang tanong  ni Vince dito.

“ Sinusundan tayo ng kamasalan mo. ”

“What? ”

“ Anong what? Shut up!”

Usal ni Mia saka binunot ang baril sa bandang may gilid n’ya, kinasa n’ya ito gamit ang upuan na nasa tabi n’ya na s’ya namang kinagulat ni Vince.  Iyon kasi ang unang beses na makakita s’ya ng babaeng nagkakasa ng baril pero hindi kamay ang gamit.

Napapitlag naman ito ng marinig ang putok ng baril na nang gagaling sa likuran, pero dahil sa asintado at tila hindi pa pumaltos sa pagpuntirya si Mia, bawat pagkalabit nito sa gatilyo ay talagang asintado.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top