Chapter 55: Sino ang sino

"Asnamon arber " Wika ni Pirena upang magsara ang lagusan tungo sa mundo ng mga mortal

Aliyah: Ina

Halos malaglag ang puso nya sa gulat

Pirena: Aliyah naman. Papatayin mo ba ako sa gulat?
Aliyah: Poltre ina, napadaan lamang ako ngunit nakita kita rito...

Nagtaka ang hara nang makita nya ang susi ng asnamon sa kamay ng kanyang ina

Aliyah: Ina bakit nasa iyo 'yan? Pumunta ka ba sa mundo ng mga tao?
Pirena: Ako? Pupunta dun? Hindi...hindi
Aliyah: Bakit hawak mo ang susi ng asnamon?
Pirena: Susi? Anong susi?
Aliyah: yung pulseras na hawak mo ngayon

Nagkatinginan ang mag ina. Naguguluhan si Aliyah habang si Pirena naman ay may naisip na paraan at itinapat ang palad sa kanyang anak

Pirena: Sa aking engkantasyon ika'y makakalimot sa nangyari segundo ang nakalipas, bawat detalye, bawat salita, at bawat pangyayari sa segundong iyon ay iyong malilimutan.

Sandaling tumahimik ang paligid nila

Pirena: Anak... A-anong... anong ginagawa mo rito gabi na

Naguluhan at nalingon sa paligid si Aliyah

Aliyah: Hindi ko po maalala lumabas po ako para magpahangin ngunit hindi ko mabatid kung bakit nandirito ako
Pirena: Gumana...
Aliyah: Ano po yung gumana?
Pirena: Gu-gumana ba yung pagpapahangin mo? maayos na ba ang pakiramdam mo?
Aliyah: Gumana naman po

Nginitian ni Aliyah ang kanyang ina gayon din si Pirena. Nag aya ang huli na bumalik na sa palasyo ngunit tumanggi si Aliyah at sinabing susunod na lamang sya rito kaya nauna nalamang si Pirena.

Aliyah: Ano nanaman ang binabalak mo ina...

wika ng hara habang sinusundan ng tingin si Pirena na papasok ng palasyo. Nalingon naman sya ng may lumapit sakanyang parang alitaptap

Ylai: Avisala mahal na hara
Aliyah: Ylai, ikaw pala saan ka nanggaling bakit ngayon ka lamang?
Ylai: Poltre mahal na hara at natagalan ako sa pag balik. Nanggaling ako sa pag banyuhay
Aliyah: Napansin ko nga kay ganda ng iyong mga pakpak ngunit... bakit iba ito sa ibang mga napiling lambana?
Ylai: Mahabang salaysay sigurado ako ika'y makahimbing kapag ito ay ikinuwento ko ito sayo ngayon
Aliyah: Kilalang kilala mo ako

Natawa nalang silang dalawa

Ylai: Sya nga pala bakit ka narito sa lagusan
Aliyah: Nagpahangin lamang ako tapos nakita ko si ina rito sinasara yung lagusan
Ylai: Nakita ko din sya nung napadaan ako kakalabas nya palang sa lagusan

Nalingon si Aliyah sakanya ng buong pagtataka

===============

Kinuha ni Pirena ang guhit sa lamesa. Halatang masaya sila walang bahid ng kalungkutan sa mga mata nito nangiti si Pirena habang tinititigan ito

———Pagbabalik tanaw———

"Huwag makulit ha pag makulit kayo magagalit si ina gusto nyo ba magalit si ina?" wika ni Pirena habang inaayusan ang dalawa na syang ikinangiti naman ni Pirena dahil sa ka cutetan ng dalawa nyang diwani nandito sila ngayon sa bulwagan ng lireo kasama ang kanyang asawa na si Azulan at dalawang diwani na sina Aliyah at Crystalyn

"Oh sige na ayos na ha upo na kasi iguguhit tayo ni Ashti Danaya ha kaya dapat maganda hindi makulit ha"—Pirena

"Taas mama upuan" bahagya silang natawa nang makita nila si Aliyah pilit inaabot yung upuan

"Oh dahan dahan" Tinulungan ni Azulan ang anak at inayos ang damit "Oh nagusot na ulit damit mo ohh" Dagdag pa ni Azulan

"Walang gagalaw ha" Wika ng hara durye at nag simulang gumuhit

"Ina matagal pa po ba?" Tanong ni Aliyah sa ina tila tama nga sila Alena namana nito ang pagkakaroon ng maikling pasensya at pagka mainitin ang ulo di naman ito tinutulan ni Pirena nang malaman nya ito halata naman

Nangiti si Danaya kung pano mainis ang hadia naalala nya noon kung papaano nya asarin ang edeya

"Mabilis nalang to ikaw nalang ang di ko pa naguguhit kaya wag kang gumalaw para matapos na tayo" Nangiti sila nang agad umayos ng upo si Aliyah at ngumiti 

———

Nagising si Glaiza sa isang panaginip di nya malaman kong ano yun o saan galing nakaramdam sya ng saya nang makita nya ang mga ngiti nila sa labi kahit hindi klaro ang muka nito ay alam nyang nakangiti sila

Nalingon sya kay Marx kakapasok lang sa kwarto nila at umupo ito sa tabi nya

Glaiza: Hon nandito ka na pala

Huminga ng malalim si Marx bago nya harapin ang asawa at nginitian ito

Marx: Nagising ba kita?

Umiling si Glaiza at nangiti nang halikan sya sa noo ni Marx

Glaiza: Nanaginip lang ako...
Marx: Binabangungot ka nanaman ba ng babaeng yun
Glaiza: Hindi iba, ang gaan gaan sa pakiramdam ang saya saya nila

Nangiti si Marx sa narinig galing sa asawa habang pinagmamasdan ang kagandahan nito, simula nang manganak sya bawat gabi ay binabangungot si Glaiza tungkol sa isang babae tumatakbo sa isang dalampasigan o hindi kaya ay nahuhulog sa isang bangin na napakabigat sa pakiramdam buti na lamang at nabawas bawasan na ito simula nang dumating si Christina sakanila

Marx: Mabuti naman kung ganun sila Klea tulog na ba?
Glaiza: Ahh oo yung bunso mo ayaw matulog hanggat di ka pa daw dumadating

Bahagyang natawa si Marx tunay ngang Daddy's girl ang bunso nila habang sila Klea naman ay mommy's girl

Glaiza: Sya nga pala nakapag usap na ba kayo? Kamusta?
Marx: Ayos naman... ayun sabi nya gusto daw ako makita ni tatay matapos nila akong iwanan sa simbahan babalik sila ngayon
Glaiza: Hon di pa huli para sa second chance kung ano man ang desisyon mo susuportahan kita

Hinawakan ni Marx ang kamay ni Glaiza na nasa pingi nya at ngumiti "Salamat"

===========

Lumipas ang mga araw mabilis lumaki ang diwani ng Lireo patuloy padin ang pagkikita nila ng kanyang ama mabuti nalamang hindi sya ipinagkait ni Crystalyn kay Leo ngunit si Aliyah ay tutol rito ito rin ang naging dahil para magkaroon ng problema ang samahan nilang magkapatid

Pumutok din ang mga usap usapan sa Lireo tulad ng pananakit ni Aliyah sakanyang hadia, pagkainggit sa kapatid dahil ito ay nagkaroon ng anak at sya'y namatayan at iba pa lalo lamang ito nagpainit sa away ng mag kapatid may araw ring magkabati sila ngunit bilang lamang ang mga araw na yun

....

Nalingon si Aliyah nang may madinig syang batang umiiyak agad nyang nilapitan nang mapagtantong si Liyah ito

Aliyah: Ayos ka lamang ba ha?? Saan masakit gagamutin ni Ashti tahan na ha gagamutin natin yan lalagyan natin ng yelo para hindi masakit ha
Liyah: Sakit...

Patuloy padin sa pag iyak si Liyah habang hawak sya ni Aliyah sa braso para alalayan ito

Aliyah: Oh hawak ka muna kay ashti para di ka matumba...

Umiling ang bata

Aliyah: Ayaw? o sige hahawakan ka nalang ni ashti ha para di ka matumba

Habang hinahanda ni Aliyah ang Yelo sa kamay dumating si Crystalyn na iba ang tumatakbo sa isip nang makita nyang umiiyak ang anak at nakatutok ang kamay ni Aliyah sa anak nya na para bang patatamaan ito bigla nalang nyang tinulak ng malakas at pinatamaad ng kapangyarihan si Aliyah at nag aalalang hinarap ang anak

Crystalyn: May masakit ba anak? saan... may sugat ka

tiningnan nya muna ng masama ang kapatid habang namimilipit ito sa sakit at agad binuhat ang anak saka dinala kay Danaya

Ylai: Mahal na hara!



TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top