Chapter 54: Reyalidad

Aliyah: Pag-iisipan ko
Leo: Nagmamakaawa ako sa iyo mahal na hara hayaan mo akong makita ang aking anak kay Crystalyn
Aliyah: Bitiwan mo ako...

Napabitiw ng wala sa oras si Leo kay Aliyah ngunit nanatili syang nakaluhod at tumatangis

Aliyah: Tumayo ka...Tumayo ka riyan

ni isang daliri ni Leo hindi gumalaw at nanatili syang naka luhod sa harapan ng hara

Aliyah: Tumayo ka!, hindi ako isang bathala para luhuran
Leo: Nagsusumamo ako sa iyo mahal na hara hayaan mo akong makita ang aking anak

Wika ni Leo at tuluyang tumayo. Nagulat nalang ang lahat ng bumaba sa trono ang hara at biglang sinampal si Leo

Aliyah: Kay lakas ng iyong loob na humingi ng pabor na makita ang anak mo kay Crystalyn, habang ang mag ina mo ay inabando mo sa kagubatan!, gumawa ka ng sala para sa kanila at ngayon inabando mo sila?! anong klase kang ama at asawa?! ANONG KLASE KANG ENGKANTADO. Sabihin mo pano kita mapagkakatiwalaan sa aking hadia kung pinabayaan at iniwan mo sa  isang mapanganib na kagubatan ang iyong irog na nagdadala ng iyong dugo't laman

Natahimik ang paligid ng bulwagan, ang konseho ay nanahimik ang mga diwata, engkantado/da, sapiryan, adamyan at iba pang nilalang na dumalo sa pagbibigay ng hatol sa kinikilala nilang matipuno, makisig, matapang, kaakit akit, at may bukal na puso NOON, walang nag nais na tutulan ang hara pagkat sya ay nasa wastong katwiran.

Hindi rin naman nag tagal at nabasag ang katahimikan

"Hindi ikaw ang inabuso at lalong lalo na't hindi ikaw ang ina ng aking anak MAHAL na hara"

Isang hindi mawaring galit o kalmadong tinig ang umalingawngaw sa isang tahimik na bulwagan

Nilapitan nya si Aliyah hindi bilang hara kundi bilang kapatid at ina

Crytalyn: Aliyah... patay na sya, wala na sya. isang buwan na ang nakalipas. Tama na, tigil na

Hinaplos nya ang pisngi ni Aliyah at pinahid ang luha nito


Crystalyn: Ako na ang bahala

Mahinahon nitong sambit at pagpapakalma sa kapatid, nang masigurong kumalma na si Aliyah saka nya hinarap si Leo


Crystalyn: Nais mo makita ang aking anak, pumapayag ako

Napuno ng usap usapan ang paligid

Crystalyn: Ngunit hindi ka nya kikilalaning ama at lalong lalo na hindi ka maaaring magpakilala sakanya kapag ginawa mo yun hindi mo nanaisin ang magyayari sa iyo

Ang saya na gumuhit sa muka ni Leo ay kaagad na napawi ng mga kondisyon ngunit para sakaniya ay sapat na iyon

Nananatili padin si Leo sa kanyang kulungan at tanging lumalabas lamang kapag papayagan syang makapiling ang bata habang may mabigat na kadena sakanyang paa tanging paglalakad lamang ang makakayanan nito

---

Lumipas ang mga araw patuloy na nalulungkot ang Yna ng Encantadia maging iyon ay dama ng buong Encantadia

Kaya't napagpasyahan ni Crystalyn na kausapin ang edeya

Crystalyn: Maaari ba akong pumasok
Aliyah: nakapasok ka na ano pa nga ba magagawa ko

Pareho silang napangiti ngunit ramdam sa apat na sulok ng silid na iyon isa lamang ang mayroong ngiti ng kasiyahan

Crystalyn: Alam mo, ang buong akala ko'y magaling ka sa lahat ng bagay ngunit napatunayan ko sa sarili kong mali ako sapagkat hindi ka magaling sa pagtatago ng iyong emosyon pati narin sa pagsisinungaling

Napailing nalang si Ali sa narinig nya't napangiti

Aliyah: Kung pumunta ka lamang rito para lang asarin ako Crystalyn madami pa akong gagawin, bantayan mo dun yung Leo na yun baka mamaya mataranta ka nanaman
Crystalyn: Grabe ka saakin.

Tumahimik muli ang silid

Crystalyn: Nagka usap na ba kayo ni Alec?

napatigil ang dilag sa kanyang gawain at hinarap ang kapatid

Crystalyn: huwag mo akong tingnan ng ganyan Alliyah kilala kita, wag mong sarilihin iyan ikaw rin ang mahihirapan mas mabuti na't malaman nya at magkaroon ka ng kasangga, diba inapruba na ng konseho ang batas na maaaring mag karoon ng asawa ang isang Hara bakit hindi mo sya ipakilala saamin

Tahimik lang si Aliyah at pinag iisipan ng maigi kung anong gagawin nya habang yakap yakap sya ni Crystalyn


Tahimik namang nanonood si Azulan at Pirena sa pinto

Pirena: Sa tingin ko'y hindi din naman ako naging masamang ina, diba mahal ko

Azulan: Ni minsan hindi ka naging masamang ina sakanika ha, napakagaling at napakaganda mong yna maliwanag?

Hawak hawak ni Azulan ang dalawa nyang pisngi ng asawa

"Paano ka nagawang iwan ni Pirena kung ganito ka ka sweet? is this even right? I'm living a life that's not even mine"

Sambit ni Pirena sa kanyang isipan o sya nga ba iyon

...............

"Avisala mahal na hara"

Pagbati nila sa hara habang ito'y nakangiti at bumabati rin sakanila ng maganda araw, at kumakaway sa mga paslit

Tila nagkabuhay ang mga ngiti ng hara nang masulyapan nya ang binata na nag papasaya ng kanyang puso

pumunta sila sa tagong lugar ang kanilang paraiso na sila lamang ang nakakaalam

Alec: Ako'y nanabik sa'yo, poltre kung hindi ako nakadalaw sapagkat may kumalat na sakit at kinailangan ang aming panggagamot
Aliyah: Hindi mo kailangang magpaliwanag naiintindihan ko, sapat na saaking malaman na hindi ka nagkasakit o nasaktan
Alec: sa totoo nyan isa na akong ivtre.

Napakalas si Aliyah sa pagkakayakap ni Alec saka humarap sa binata na tumatawa kaya't hinampas nya ito

Alec: Ahhh!! Aray, biro lang naman
Aliyah: Hindi nakakatawa iyang biro mo!

Ikinagulat ng binata ng bilang umiyak si Aliyah

Alec: Mahal biro lamang iyon hindi ako ivtre pangako tahan na patawarin mo ako
Aliyah: Alec...Mahal may-sa..may sasabihin ako wag ka munang gumawa ng kung ano
Alec: Laro ba to?
Aliyah: kakasabi ko lang eh!!


                  Tinaas ni Alec ang dalawa nyang kamay hudyat ng pagsuko at ngumiti sa kanyang irog

Aliyah: Inaprubahan na ng konseho ang batas na maaaring magmahal at magkaroon ng bana ang isang Hara
Alec: talaga? talaga?! Totoo ba yan?

Niyakap nya si Aliyah ng mahigpit at pinaunlakan ng isang matamis na halik




Alec: Kung gayon ay bakit ka tumatangis? napakagandang balita nun mayroon bang bumabagabag sa iyo?

Tiningnan nya ang mukha ni Alec, masaya ito at di nya nanaising masira ang kasiyahan nito ngunit wala syang magagawa kailangan din iyon malaman ni Alec pagkat sya ang ama ng kanyang anak

Aliyah: Ako'y nagdadalang diwata, ngunit...


Mas lalong lumigaya ang mukha ng binata at hinihintay ang karugtong na sasabihin ni Aliyah, lalo ring nadagdagan ang takot ni Aliyah na masira ang kaligayahan ng lalaking mahal nya kaya wala syang magawa kundi tumangis nalamang at yumuko


Alec: Ngunit ano, bakit masama ba yan? Ali bakit ka tumatangis
Aliyah: Wala, wala na sila Ali wala na sila

At sa huli napahagulgol ito at napayakap kay Alec na hanggang ngayon ay iniintindi padin ang nangyayari

Niyakap nya ng mahigpit si Aliyah at sinusubukang magpakatatag


Alec: Narito lang ako hindi kita pababayaan ha tahan na sigurado akong binabantayan nila tayo mula sa devas at huwag kang mag alala sa oras na matapos namin ang aming paglalakbay papakasalan kita gagawa tayo ng madaming madaming madaming anak ha
Aliyah: ako naman kawawa nun tatlo lang


Napangiti si Alec pagkat huminahon na ang dilag


Alec: Oh sige, tatlo lang basta hihintayin mo ako ha


Tumango si Aliyah at sumandal sa dibdib ng binata habang pinagmamasdan ang kagandahan ng paraiso


--------

Lira: Bessy
Mira: hmm?, bakit ano't pawang aligaga ka
Lira: hindi ka ba naghihinala sa mga galaw ni ashti Pirena?
Mira: ni Ina?, wala naman bakit?
Lira: noong nakaraan kasi nahuli ko syang galing sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao habang hinahanap ko si Cassandra
Mira: lagusan? ano naman ang gagawin nya roon?
Lira: tatanungin ba kita kung knows ko kaya nga kita tinatanong eh
Mira: Ang ibig kong sabihin bakit naman sya pupunta roon eh nagkasundo naman na sil-

Napatigil si Mira sa pagkukwento nang mapagtanto nyang bahagya na syang nadudulas


Lira: nagkasundo?, nino?, kanino sya nakipagsundo?, Mira may alam ka ba?
Mira: sa mga kapatid nya kila ashti at isa pa marahil ay hinahanap nya rin si Nirvana
Lira: Eh diba sabi nila kinuha ng mga retre si Nirvana?
Mira: Lira, hindi pa ito napapatunayan sa ngayon wag muna tayong maniwala sa mga sabi sabi habang wala pang patunay
Lira: oo na, nakikichismis lang naman eh



Hindi maiwasan ni Lira na magduda sa mag ina nakakaramdam na syang may tinatago ang dalawa o meron nga ba talaga?


Ano ang tinatago ng isa't isa

bawat karakter ay may sekreto malalaman mo ba ito hanggang sa katapusan ng kwento?



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top