Chapter 50: Karapatdapat
Oras minuto araw buwan ang lumipas hindi parin mawari ni Aliyah kung anong ibig sabihin ng mga katagang binitawan ng isang matandang babae noong sya ay sinasanay nina Emre at Cassiopea
Katagang hanggang ngayon ay hindi nya matanggal sa kanyang isipan
Aliyah: Hindi...Si Crystalyn ang itinakda sya ang hara namatay si Edeya Nirvana at nailipat kay Crystalyn....
Natigil sya ng mapagtantong ang nangyari sa panaginip nya ay sya ring nangyari sa ate nya
Aliyah: Sino ang pumatay kay ate...
Palakad lakad sya walang patutunguhan patuloy na ginugulo ng kanyang isipan sa mga bagay na dapat di naman nya pinag tutuunan ng pansin
Sa bawat minuto na iyon may isang nilalang na sasalubong sayo at magpapawala ng problema mo kahit sa kaunting oras lamang
Sa patuloy na paglalakad ni Aliyah nakabangga nya ang isang matipuno at makisig na lalaki
Sa kadahilanang masyadong malaki ang mga bisig ng lalaki sumakit ang balikat o braso ni Aliyah sa pagkakabangga dito at sya'y napaupo agad naman syang dinaluhan ng ginoo at tinulungang makatayo
Alec: Poltre binibini hindi ko sinasadya hindi lamang kita napansin
Aliyah; Ayos lamang ako dapat ang humingi ng.........tawad...
Tumigil ang mundo nya ng mapatingin sya sa mga mapupungay na mata ng ginoo o kung tatawaging Alec
Hindi nya mapigilang hindi tumitig sa mga mata ni Alec sa dahilang hindi nya mawari
"Ang mga mata nya...ano ito ngayon ko lamang nararamdaman ito bakit pawang ag bilis ng tibok ng aking puso bakit ako kinakabahan sa harap nya ngayon lamang kami nagkita bakit pawang pakiramdam ko'y kay tagal na"
Salitang bumabagabag kay Aliyah kasabay ang salita na sinabi ng matanda
Gulong gulo at hindi na alamm ni Aliyah ang iisipin nya
Pagmamahal ba o dignidad
Katotohanan ba o pantasya
Puso o isip?
Yan ang mga tanong na paikot ikot sa kanyang isipan si Alec o ang trono at buong Encantadia na kahit katiting ay wala syang interes na pamunuan ito pagkat ang nais lamang nya ay kagay ng kanyang Ashti Alena ang mamuhay ng malaya at magkaroon ng masayang pamilya subalit pawang kagaya rin ng kanyang Ashti Alena ang patutunguhan nya
Ang maging matandang dalaga at mamuno sa Encantadia
Sa mga oras na yun tulala lang na nakatingin si Aliyah kay Alec hindi alam ang gagawin at tatahakin
Alec: binibini?ayos ka lang ba
Sa kaunting pamukay na salita ni Alec nagising si Aliyah sa katotohanan
Aliyah: ahhh o-oo ayos lang ako Avisala eshma sa iyong tulong
Alec: walang anuman binibini, ako nga pala si Alec at ikaw si?
Aliyah: Aliyah, Aliyah ang aking ngalan
Alec: kay ganda kagaya ng nag mamay ari
Bahagyang namula si Aliyah
At sa oras na nilahad ni Alec ang kanyang kamay bilang pagkakilala umiral ang pagiging babae ni Aliyah
Nang tanggapin nya ang kamay nito hindi nya mapigilang mangiti na kahit sya hindi alam ang dahilan
Nabasag lamang ito nang dumating si Mira
Mira: Aliyah pinapatawag ka ni in...ohhh naistorbo ko ba kayo?
Agad namang napabitiw si Aliyah
Aliyah: A-a-hh-A hi-hindi -hindi naman
Mira: oh sige kung ganun tayo na hinanap ka na nila inay
Alec:hanggang sa muli binibini ohhh ang ibig kong sabihin Sang'gre Aliyah
Ngumiti at bahagyang tumango si Aliyah sa pag bigay galang ni Alec bilang pamamaalam at umalis agad naman syang dinaluhan ni Mira at biniro
Mira: Kasintahan mo?
Aliyah: Ate....
Mira: biro lang namumula ka eh
Nanlaki ang mata ni Aliyah nang mapagtantong namumula nga sya at napahawak sa pisngi at hiniling na kainin nalang ng lupa sa hiya
Mira: pero sa totoo lang gwapo sya
Aliyah: Ate may Paopao ka na
Mira: alam ko mahal ko ang kuya Paopao mo ang ibig kong sabihin para sayo
Aliyah: Ha?😐 sa-s-sa-akin?nah
Mira: wag ako Aliyah isa ako sa nag palaki sayo kilala kita kitang kita ko ang ngiti mo kanina gwapo diba
Di mapigilang mangiti ni Aliyah at tumango tango
Sabay namang kinilig ang dalawa hanggang makarating sa bulwagan
Pirena: Aliyah,Mira may panauhin
Natigil naman ang dalawa at nag bigay galang sa mga bisita isa na dun si Alec
Pasimple namang kumaway si Aliyah kay Alec habang si Alec naman ay humalik sa hangin na syang sinalo ni Aliyah at patagong kinilig
Azulan: Paparito muna sila ng ilang araw hanggang sa kaarawan ni Crys-----
Natigil si Azulan at nalingon ang lahat kay Aliyah nang masagi nya ang decorasyon sa gilid nang manghina ang tuhod nya at napahawak leeg
Aliyah: Ah ahhh!!!!!
Pirena: Aliyah anak saan masakit?
Para namang si Sadaku kung makatalon si Alec at agad nilapitan si Aliyah sa pag aalala
Alec: Saan masakit?nahihilo ka ba?masakit ba dito?saan?
Pinagtinginan naman sya at nahiya nalamang at dumistansya nalang
Alec: Poltre
Aliyah: Inay...Frozen ...Break
Pirena: Azulan!!
Nanlaki ang mata ni Azulan at dali daling binuhat ang anak at dinala sa nag yeyelong silid para makahinga ito
Sa oras na makalabas si Azulan sa pinto nakita nya si Alec alalang alala kay Aliyah
Alec: ayos lang ho ba sya?may masakit po ba sakanya?kukuha po ako ng gamot?ano pong gamot?tubig po ba?nagugutom po ba sya?
Azulan: teka lang...teka...teka pagsalitain mo muna ako una sa lahat inatake lang sya ng sakit nya ikalawa may gusto ka ba sa anak ko?
Alec: gusto....ho?ako ho?
Azulan: sino ba kausap ko
Alec: hindi ko ho alam eh sa oras na makita ko sya parang ang saya ko
________________________________________________
May nahagilap na isang pirasong papel si Alena at may naka guhit na muka
Ginawa iyon noong sya pa ang naka upo sa trono
(Pagbabalik tanaw)
Bigla nalang nagising si Alena sa pagkakatulog at bahagya napahiyaw na sadyang naka pukaw ng pansin kila Danaya at Pirena
Agad namang dumating ang mga kapatid nya upang tingnan kung ano ang nangyari
Pirena: Alena ayos ka lang ba?may kalaban ba?nasaan sya?
Danaya: May masakit ba sayo?
Pinatigil ang dalawa at umiling iling si Alena
Alena: nanaginip ako...
Danaya: Sya nanaman ba?
Tumango lang si Alena bilang sagot
Alena: hindi ko batid paulit ulit lamang ito bakit nya nais paslangin si Nirvana
Danaya: Marahil may nais syang ipahiwatig, Alena naaalala mo ang kanyang wangis?
Tumango muli si Alena bilang sagot
Danaya: Pirena hindi ba't marunong ka gumuhit maari nating malaman ang kanyang wangis
Sumang-ayon naman ang dalawa at sinimulan ang lahat
Ipinaliwanag ni Alena ang lahat
"Mahaba ang buhok"
"May katangkaran"
"Mahaba at may mga yelo ang kanyang damit"
"Puti ang buhok"
"May marka sa kamay gaya ng sahig sa bulwagan"
"Azul ang mata"
"May birtud at koronang gawa sa yelo"
Pirena: ito ba ang tinutukoy mo?
Alena: Sya nga
Danaya: Yelo?nyebe? Marahil anak sya ni Cassilda subalit paano
———————//•
Hawak ni Aliyah ang guhit ng kanyang ina na halos taon na ang lumipas
Aliyah: a-ako to ah
Binaligtad nya ang papel at binasa ang naka sulat
Aliyah: "Mahaba ang buhok,May katangkaran,Mahaba at may mga yelo ang kanyang damit,Puti ang buhok,May marka sa kamay gaya ng sahig sa bulwagan,Azul ang mata,May birtud at koronang gawa sa yelo......Kahit ano ka pa halimaw man ituring tigilan mo na ako sa oras na mahanap kita hindi ako mag dadalawang isip na paslangin ka...7/12/1989"taon bago ako ipanganak pero...papaano...
Sa oras na yun hindi na mawari ni Aliyah kung ano ang papaniwalaan nya dahan dahan nyang tininggan ang kamay at may nag marka sa kanyang palad at humawak rito nabitiwan nya ang guhit kamay ng kanyang ina,napaupo at napasigaw ang bata sa takot na pumukaw sa atensyon ng lahat
Nang dumating ang mga kawal si Azulan,Pirena,Ybrahim at Alena wala na si Aliyah sa paligid tanging ang guhit na lamang ni Pirena na nasa sahig ang naroon
————---———
"Nasan ako"
"Pakawalan nyo ako dito!!"
"Mga lapastangan!!!"
"Buksan nyo ang pinto!"
Patuloy na pag sigaw ni Aliyah nang biglang may mag salita
Babae-Aliyah anak ni Emre at Cassiopea tama ako hindi ba
Nalingon si Aliyah at pilit tinitingnan ang muka ng babae subalit hindi nya malaman laman
Aliyah: Si-sino ka anong...anong kailangan mo?
Babae- hindi na mahala kung sino ako o ano ako bakit ikaw sino ka ba?
Aliyah: Ako si Aliyah anak ng bathala at kapatid ng hara
Babae- confidence I like that
Aliyah: Ano?
Babae- Sigurado ka bang may dugo ka sigurado ka bang buhay ka sigurado ka bang may kaluluwa ka?
Aliyah: Anong ibig mong sabihin?
Babae- papaano kung ang tunay ay patay na at gawa gawa na lamang ng ilusyon at mahika ang ngayon
Aliyah: Anong pinag sasabi mo
Babae- alam kong may bumabagabag sa iyong isipan...itinakdang hara?hindi ba pangarap mo yun?sa ilang taon mong namalagi sa silid dahil sa sakit mo at sa mga mapapait na araw ng pag hahanda mo bilang hara bilang may isinilang ng may mahalagang marka...markang wala sayo
Aliyah: inuulit mo ba ang galit sa puso ko salamat nalang subalit wala na iyon
Babae- yan ba talaga ang akala mo sakin?mabait akong tao wag kang matakot
Nanlaki ang mata ni Aliyah nang maalala ang mga katagang iyon
Aliyah: I-ikaw yu-yung matanda sa Devas
Babae- di naman ako matanda balat kayong lang yun
Sa oras na tinanggal ng babae ang balabal nagulat sya sa kanyang natuklasan
Aliyah: A-Ashti Da-Danaya?
Sanya- di ako ang tinutukoy mo subalit mag kamuka lamang ako si Sanya kasabay na ipinanganak ni iyong ashti Danaya isa akong mortal na may dugong puting mangkukulam
Aliyah: Anong kailangan mo?
Sanya- Nais kong mamulat ka sa katotohanan gaya ng ipinangako ko kay Lola bago sya mawala...enjoy
Naglaho na parang bula si Sanya at naiwan sa madilim na silid si Aliyah
Aliyah: sandali lamang!!binibini!
"Kay galing mo tumugtog ng instrumento ama maari mo ba akong turuan?"
"Oo naman prinsesa ko"
Nalingon si Aliyah sa mga nag sasalita subalit malabo ang kanyang paningin sa paligid
Aliyah: Sino yan?
Hinanda nya ang sarili upang tumira nang may mag salita muli sa ibang direksyon dahil para sya ay lumingon
"Teka lang kaibigan wag ka munang umalis sandali lamang"*hinahabol ang paro paro nang may maapakan*
"Anak!!anak!"
Malakas na pag sabog ang naganap kaya napaupo si Aliyah
"Ama may sugat ka halika gagamutin ko"
(Sino ka nga ba talaga?)
"Nirvana!!anak!gumising ka sino may gawa nito!??
Napatabon nalang ng tenga si Aliyah pawang ang mga boses at salitang panilyar na iyon ay mas nagpagulo pa ng kanyang isipan...napahiyaw nalang sya at nawala ang lahat at bumalik sa dati ang lahat lahat
Aliyah: Inay...
Pirena: Ali----
Nawalan ng malay si Aliyah na syang ikinataranta ni Pirena agad naman syang binuhat ni Azulan at binalik sa silid
Azulan: bakit ka ba lumabas?di ka pa magaling eh
Aliyah:itay.....anak nyo po ba talaga ako?
Hinang hinang sambit ni Aliyah na syang napatigil kay Azulan
To be Continued ...
Papaano nalaman ni Sanya ang tungkol sa kabilang mundo?
Abangan sa Chapter 50: Delubyo
Sino ang pumatay kay Nirvana?
Abangan ang sagot sa tanong na to sa season 2 😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top