7: The Mad Dragon
Ang weird ng mga sumunod na araw.
It felt like going backwards kasi close kami ni Lena tapos ngayon, nagi-iwasan kami.
Pagpasok ko the next day, nasa store na siya.
Nasa counter sila ni Sir Joseph at for sure may sinabi na naman na nakakatawa si Sir kasi nagtatawanan silang dalawa.
Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ko bago tinulak ang pinto.
Medyo masakit sa akin na hindi mutual ang feeling namin sa isa't-isa.
Pero pasalamat na din ako na honest siya.
Hindi niya ginamit ang feelings ko.
She wasn't like the girl I dated before na kaya lang pala pumayag na maging kami dahil gusto niya ng free stuff.
Eventually, nakipagbreak din ako kasi nawarningan ako ng mga friends na concern para sa akin.
Nasaktan pa din ako dahil I really liked the girl.
Just the same, hindi naman bago na just because you like someone, they'll end up liking you too.
Nakita ako ni Sir Joseph at binati niya ako ng good afternoon.
I said good afternoon as well.
Binati ko din si Lena.
Ngumiti siya pero pilit.
Her eyes were sad like mine.
Pero nasa work kami pareho.
Kaya kong i-separate ang personal life from my professional life.
After itali ang buhok ko into a tight bun at isuot ang copper colored scarf na may white embroidered M sa laylayan, I took a deep breath.
"Everything is going to be okay." I said to myself.
Pilit kong pinaniniwala ang sarili ko na magiging okay nga ang lahat.
Pag labas ko sa counter, sinalubong ako ni Maddie.
Siya ang opening shift at sa akin siya mage-endorse.
Kapag nakikita niya ako, ang una niyang bati sa akin lagi ay ang ganda-ganda ko.
Noong bago pa lang ako, hindi ko mapigilan ang mag-blush.
It's not that I don't know.
It's just weird when people point it out all the time.
Isa pa, depende din kung sino ang nagsasabi.
There were men and boys who said it in a manner na alam mo na kung ano ang gusto sa'yo.
I hate it.
Lalo na at hindi naman ako interesado sa kanila.
I thought I was straight until high school.
May naging kaclose ako when I was a sophomore.
She was also my first kiss.
"Pahawak nga ng mahawa naman ako sa kagandahan mo." Hinawakan ni Maddie ang braso ko.
"Naku, Mam. Akin na nga ang clipboard. Mag-endorse ka na. Gutom lang iyan."
Sinabi niya sa akin kung sino ang mga nakaduty at nakapagbreak na.
Hinabilin din niya sa akin ang orders for pick-up.
"Nga pala, Mam Haze. Medyo umiwas ka muna sa kitchen."
"Bakit naman?"
"Mukhang high blood si Mam Lena. Ewan ko kung bakit."
"Okay."
Iniwan niya na ako at pumasok na siya sa office.
She didn't have to warn me.
Pagdating ko sa bahay kagabi, I texted Lena.
Sinabi ko na baka naman puwede naming pag-usapan ang mga bagay-bagay.
Ang sagot niya, buo na daw ang isip niya.
"It's for our own good na din."
Sinundan niya ng good night.
I took it as a sign na huwag na akong mangulit.
Mainit nga talaga ang ulo ni Lena.
Narinig ko siyang sumisigaw dahil naubusan ng rice.
Ten minutes pa bago maluto.
Nang maluto naman, sunog.
She was so mad at the poor kid.
Pumunta ako sa kitchen para kumuha ng sugar at naabutan ko siya na sinesermonan ang crew.
Pulang-pula ang mukha ng bata.
Umalis din ako agad sa kitchen.
Ayokong madamay.
Hindi siya masarap kasama sa shift when she's in a foul mood.
Kahit naman hindi siya ang bad trip, ang hirap gumalaw kasi ang bigat ng energy.
Ako pa naman eh empathic.
Magaling akong makiramdam.
Kahit hindi magsabi sa akin ang isang tao, nasisense ko if there's something bothering them.
Of course I take clues from their expression or the way they tense their shoulders.
But the eyes always give it away.
During our break, hindi ako kumain sa office.
Nauna na kasing pumuwesto si Lena sa table.
Isa pa, I wasn't sure kung gusto niya na sabay kami kumain.
So, I opted for the safer choice.
Sa crew room na lang ako nagbreak.
Nakasabay ko si Joey, ang back-up crew na pinapagalitan niya.
Sa tantiya ko, seventeen lang siya pero malaki ang katawan, moreno at kulot ang buhok.
Medyo tabingi din ang ilong at may pilat siya sa ilalim ng baba na hugis bituin.
Tamihik siyang kumakain ng fried chicken at tatlong rice na sinabawan ng gravy.
I asked kung pwedeng umupo sa tabi niya.
"Opo, Mam." Pinilit niyang ngumiti.
Nilapag ko ang glass container na may lamang roasted chicken, rice, peas and carrots.
Leftover from dinner na dala ni Ate Ruby.
I made the sign of the cross muna bago kinuha ang kutsara at tinidor.
Habang kumakain, kinausap ko si Joey.
Kinumusta.
Nangilid bigla ang luha niya.
Nagworry tuloy ako dahil baka nanghihimasok ako.
"Sorry, Mam. Dinala po kasi ang kapatid ko sa ospital kaninang madaling araw. Ang taas po kasi ng lagnat niya."
"Ganoon ba? Kumusta na ang kapatid mo?"
"Nasa ospital pa din po. Binigyan ng mga gamot. Kaya lang po, matagal pa ang suweldo. Problemado po sina Mama dahil ako lang naman po ang may trabaho ngayon sa amin."
Kinuha ko ang backpack na nakapatong sa upuan.
Kumuha ako ng dalawang libo at inabot sa kanya.
Nagulat si Joey.
"Naku, Mam. Huwag na po. Nakakahiya." Bigla siyang namutla.
"Ano ka ba? Isa pa, babayaran mo naman iyan. Kunin mo na."
"Pero baka hindi ko po mabayaran ng isang bagsakan?"
"Okay lang. Hulugan kung gusto mo."
"Okay lang, Mam, kung five-six?"
Natawa ako.
"Ano ka ba? Walang interest iyan. Bayaran mo kapag nakaluwag ka na."
Hindi na ako umasa na babalik ang pera ko.
"Nakakahiya man po pero thank you, Mam. Matutuwa po sina Mama."
Naiyak na siya ng tuluyan.
Pagkatapos ng break, bumalik na ako sa office.
Nandoon pa din si Lena at nagrere-apply ng lipstick.
Nakapagtoothbrush na din ako at ginamit ang mirror sa compact para magpulbo.
Sinadya kong tumayo sa may pintuan.
"Excuse me?" Sabi niya ng palabas na siya.
Tiningnan ko muna siya tapos ni-lock ko ang pinto.
"You should be nicer to your people." Mahina lang ang boses ko.
"Don't tell me how to deal with my people."
"Alam ko kung bakit mainit ang ulo mo. Huwag mo silang idamay. Hindi lang ikaw ang may dinadalang problema."
"Puwede ba, Mam? Huwag mo akong pinapakialaman." Ang tigas ng panga niya.
Nanlilisik din ang mga mata dahil nabigla sa ginawa ko.
I wasn't planning on talking to her about what she did.
Pero nahihiya din ako para sa kanya.
Napaka-unprofessional na sumisigaw siya lalo na at dinig din ng mga customers.
"Your problem doesn't have anything to do with them." Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"Don't give me a reason to rethink why my heart is broken because of you." Dugtong ko.
Natigilan siya sa sinabi ko.
Binuksan ko ang pinto at lumabas na siya.
Mukhang effective naman ang ginawa ko.
Hindi na siya parang sira-ulo na nagwawala sa kitchen lalo na kapag maraming resibo na nakasabit sa food warmer na pending orders.
Pagkatapos ng afternoon peak, nakita ko na tinawag niya si Joey sa office.
Nag-usap silang dalawa.
Mukhang nag-iyakan pa dahil pinapahid din ni Lena ang gilid ng mga mata niya.
Paglabas ni Joey ng office, nakangiti na siyang lumapit sa akin.
"Ibabalik ko po agad iyong pinahiram ninyo kapag nakahanap ng pera si Papa."
Mapula ang ilong at mata niya.
"Okay lang, Joey. Sana gumaling na ang kapatid mo."
"Salamat po ulit." Bumalik na siya sa kitchen.
Pagtalikod ko, sakto namang palabas si Lena sa office.
Mapula din ang mga mata at pisngi niya.
I smiled at her.
Ngumiti din siya.
Hindi man happy smile, at least I know na my message got through to her.
It took some time for me to get used to our new routine.
Aaminin ko na namimiss ko siyang kasama sa loob ng kotse.
Namimiss ko din iyong carpool karaoke namin habang sumasayaw siya sa upuan at sinasabayan ang kanta.
Magaling siya kumanta.
Kaya niyang bumirit.
I asked her once to sing Regine's Dadalhin.
Akala ko, aatras.
Pero kinanta niya, acapella.
Lalo tuloy akong nafall.
Her voice was like that of an angel.
It was heavenly.
Iyong tipo ng boses that would soothe a broken heart.
My drive home at night was the hardest.
Miss ko lahat ng ginagawa namin.
Iyong tawanan, kulitan, iyong mga moments na bigla niyang hahawakan ang kamay ko dahil wala lang.
She always tells me na ang sarap daw hawakan ng kamay ko kasi malambot.
Hindi pasmado.
Hindi daw tulad sa kanya na bukod sa puro kalyo, sugat at paso, pawisin din.
"I like holding your hand." Sabi ko naman.
It was true.
I don't care kung parang may gripo siya sa palad dahil pawisin talaga.
As long as we're holding on to each other, that's all that matters to me.
Dahil hindi na kami masyadong nagkukulitan ni Lena, sina Maddie at iba pang mga managers ang lagi kong kausap.
Kapag magkakasama kami, Lena and I we're okay.
Ayaw ko din kasi na mahalata nila na there was something going on.
Lalo na si Maddie.
Malakas ang pang-amoy.
Iyong awkward treatment namin sa isa't-isa went on for a month.
Pareho kaming closing during the month-end inventory.
Sanay na ako na during this time, hindi kami natatapos on-time.
Ang malimit nga mangyari, nai-extend kami way past midnight.
Nasa office na si Lena pagdating ko.
Nagpiprint siya ng product sheet na gagamitin niya sa pagbibilang.
Binati ko siya ng good afternoon.
Pero instead of saying the same thing, tinanong niya kung puwede siyang sumabay pauwi.
"Kung okey lang. Kung hindi, dito na lang ako magi-stay sa office."
Kailangan talaga na may kasamang guilt trip? Naisip ko.
"Sure. No problem."
Hindi ko alam kung anong milagro ang nangyari.
Basta ang alam ko, paglabas ng office, I was secretly happy.
Isang oras ko siyang hinintay sa loob ng kotse.
Nakikinig lang ako sa album ni Taylor Swift.
Gusto ko sanang umidlip pero I was still energetic kaya nagsound trip na lang ako.
When I saw her coming out of the office, inalis ko sa pagkakarecline ang upuan.
I breathe on my palm for reasons that seemed weird to me.
Nagtoothbrush naman ako ulit but I still want to be sure na hindi ako bad breath.
It wasn't like we're going to kiss or something.
Or malay natin di ba?
Nakatayo si Lena at tiningnan ang guard habang nilalock ang glass doors.
I switched on the ignition at in-unlock ang pinto.
Papasok na sana siya carrying her bag pero sinabi ko na ilagay niya na lang sa likod para makaupo siya ng maayos.
"Ready?" I asked pag-upo niya sa passenger seat.
"Ready." Sinuot niya ang seatbelt.
Binusinahan ko ang guard before making a left turn.
Tahimik lang si Lena at ganoon din ako.
Nagconcentrate na lang ako sa pagmamaneho kahit pa kating-kati akong magtanong kung bakit siya sumabay sa akin pauwi.
I hope it wasn't just because wala na siyang masakyan.
"Sorry sa nasabi ko sa'yo the last time."
"Alin doon?"
"Bakit hindi na lang kita sagutin ng song titles at lyrics na pinagdugtong-dugtong ko at hinaluan ng sarili kong words?"
I remember the last time we did this.
It didn't go well.
Pero may dinudukot na siya sa bulsa ng pantalon.
Lena took out a piece of folded paper.
She cleared her throat before reading the lists.
"I wanna be with you."
Ngumiti ako.
"Strong start. I used to have a crush on Mandy Moore."
"Ang dami mong crush." Hinataw niya ako sa braso.
"Go on." I kept my eyes on the road dahil papalapit na kami sa madilim na tulay.
"Love hurts. But it's not the reason why I was afraid. I'm afraid because my heart beats for someone I should not fall in love with." Huminga siya ng malalim.
"Ang hirap pala nito." Tumingin siya sa akin.
Dahil sa madilim sa sasakyan, hindi ko makita ang expression niya.
"Tuloy mo lang." Pang-eencourage ko.
"When I met you, I wasn't expecting anything. But you were something else. You were kind, smart, funny and beautiful. Not necessarily in that order. You opened yourself up to me and in return, I opened myself up to you too. I love your smile...and your scent. I love holding your hands. Those soft, velvety palms of yours that fit perfectly with mine. Or at least that's what I think. You are tattooed on my mind. When I wake up in the morning, it's your face I see. Late at night when all the world is sleeping, I stay up and think of you. I dream of you. Of us. Because in my dreams, I'm safe. With you. I can be who I am without fear. I can hold you without letting go. I can kiss you..." Tumigil siya.
I glanced at her then slowly stepped on the brakes.
I pulled the parking brake and looked all around.
Walang tao.
Buti na lang at nasa tapat kami ng poste ng Meralco.
"Bakit ka tumigil?"
"Natatakot ako, Haze."
"Saan?"
"Sa nararamdaman ko para sa'yo."
Pinatong niya ang sulat sa lap niya.
We were dimly lighted by the amber hues of the lamppost.
"Do you trust me?" Hinawakan ko ang mga kamay niya.
"Yes. It's myself I don't trust."
"Bakit naman?"
"Dahil hindi ko alam kung paano gawin ito."
"You mean you've never been with someone?"
"I wasn't brave enough to be with anyone."
Kaya pala.
I wondered how it must be like not to love someone because you don't have the courage.
I was never like that.
I go for broke.
Masaktan man ako, at least hindi ako natakot.
It wasn't always the smart choice but at least I tried.
"Ano bang gusto mo, Lena?"
"I want to be with you."
"Is there a way to make it easier?"
Tumango siya.
Great.
Napag-isipan niya na pala.
"Anong gusto mong gawin?"
"Can we keep it a secret?"
"What?"
Binitawan ko ang mga kamay niya pero kinuha niya naman ang mga kamay ko.
"Alam ko na baka hindi ka papayag pero...?"
"How can you love in secret? I don't get it." Naasar ako.
"Iyong may mga kabit. They can do it."
"Pero hindi kita kabit or me for that matter." Tumaas na ang tono ko.
She really wasn't kidding when she said that this is complicated.
"Sabi ko na nga ba eh. Hindi ka papayag." Napasandal siya sa upuan.
Lena looked defeated.
Hindi pa man nag-uumpisa ang laban.
"Can I at least think about it?"
"Okay."
Ibinaba ko ang parking brake at pinaandar na ulit ang sasakyan.
"You weren't kidding when you said that it's complicated." This time, I said it out loud.
"Sabi ko naman sa'yo di ba?"
It took me a week to make a decision.
During those times, hindi na kami nagdededmahan sa work.
Tinukso pa nga kami ni Sir Joseph at Mam Maddie kasi bati na daw kami ni Lena.
"Hindi naman kami nag-away." Depensa ko.
"O sige. Nag-LQ na lang kayo. Prangkang sabi ni Sir Joseph.
Pareho kaming nagblush ni Lena.
Lalo tuloy kaming tinukso ng dalawa.
Buti na lang at nasa office kami.
Away from the staff na puwedeng makarinig.
Habang nasa sink si Lena at inaatake ang mga aluminum pans na nangangapal ang nakadikit na breading, I told her na ihahatid ko siya mamayang gabi.
"Pero out ka ng eight di ba?"
"Okay lang. May tatapusin akong reports."
"Sure ka? Tatlong oras kang maghihintay sa akin."
"I could always go to the mall and wait."
"What about your reports?"
Buking.
"Balikan na lang kita. Text me when you're done."
"Eh anong gagawin mo?"
"Nood na lang ako ng sine."
"Pwede bilhan mo ako ng ube hopia?"
"Sige. I'll make a reminder para hindi ko makalimutan."
I waited for her past midnight.
Pagod na ako at gusto ko ng umuwi pero gusto ko siyang makausap.
"Sure ka na kaya mong mag-drive?" Tanong niya after ilagay ang gamit sa backseat.
"Oo naman."
Pagkasuot niya ng seatbelt, sinabi ko na nasa glove compartment ang hopia.
"Thank you." Binuksan niya ang malaking brown bag.
"Ang dami naman nito."
"Bigyan mo mga kapatid mo."
Pagkatapos naming kawayan si Manong, sinabi ko na agad ang gusto kong sabihin.
"Payag na ako."
"Saan?"
"Na maging secret lover mo."
"Haha! Ang baduy pakinggan."
"Baduy na kung baduy. Basta ba it will be worth it, I'm okay."
Pinatong niya ang kamay sa hita ko then dahan-dahang hinipo paakyat sa bandang puson, her fingers a few inches away from my center."
"I'm driving." Paalala ko.
Lena had a naughty grin.
"Promise. Hindi ka magsisisi."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top