6: When You Should Have Insisted And Avoided The Awkward Meeting With Your Ex
Pixie.
That's the shortest haircut I've seen of Lena.
Bumagay naman sa kanya.
Nagmukha nga siyang bata sa gupit niya.
Ayoko sanang mag-dinner kasama sila pero bago namin nakita ang restaurant, nabuwisit na ako kay Gin dahil reklamo ng reklamo na gutom na daw siya.
Hindi ko tuloy maenjoy ang pagsasightseeing dahil sabi siya ng sabi na mamaya na kami gumala.
Maghanap daw muna kami ng makakainan.
Bago kami umalis sa bahay, sinabi ko sa kanya na magmeryenda muna pero ang kulit niya.
Gusto niyang tapusin ang pinapanood niya sa Netflix.
When it was time to go, hindi na siya nakakain.
I wasn't ready to see Lena.
Nagalit talaga ako sa ginawa niyang paglilihim.
I was hurt.
Feeling ko, hindi niya ako kayang pagkatiwalaan.
Oo nga at I was so needy of her then pero it doesn't mean na pipigilan ko ang wish niya to go abroad.
Hindi naman ako selfish na tao.
Nakilala at naging close ko na din ang family niya.
Ang dami nilang magkakapatid.
Unlike me and my Ate Ruby na dalawa lang.
Maliit ang bungalow na bahay nila at siksikan silang walo.
They also had a dog na askal, si Joko at gray blue-eyed tabby na si Princess.
Pero masaya ang family nila.
Kahit naghihirap at minsan eh may hindi pagkakaunawaan, I saw the love they have for each other.
Sila iyong tipo na do-or-die para sa isa't-isa.
Hindi ko din naman siya sinisisi kung bakit sa kanya napunta ang responsibility to help.
Si Ate Lara, nabuntis at eighteen.
Iniwan ng lalake.
The bad part was, ng magkita sila ulit noong guy, nabuntis na naman siya ulit.
Lena was so mad when she told me about it.
"Ang tanga-tanga ni Ate. Parang hindi na nadala."
She was angry dahil hindi niya na alam kung paano pagkakasyahin ang sahod niya.
Then there's Kuya Edwin.
Malaki ang katawan.
May kakayahang kumilos.
Kaso tamad.
Mas gusto sa bahay lang.
Kain, tulog, gala.
Professional tambay.
Iyon ang occupation niya.
"Minsan gusto ko siyang buhusan ng tubig na malamig habang natutulog. Makapang-asar man lang." Reklamo ni Lena.
Wala naman siya masyadong reklamo kay Kuya Emman at Emil.
Nakatapos ng high school si Kuya Emman at may trabaho sa factory ng tinapay.
Delivery boy siya.
"Masaya naman daw siya sa ginagawa niya kaya sige."
Kaso, kuripot ang kapatid niya.
Nakatira sa kanila at kung hindi hihingian ng pera, hindi kusang magbibigay.
"Ang kunat niya grabe. Ako nga lang ang nakakahingi sa kanya ng hindi siya magrereklamo."
Si Emil naman ang kabaliktaran ni Kuya Emman.
"Mabait iyon tsaka galante lalo na sa amin."
"Lagi ko ngang pinapayuhan na huwag maging one-day millionaire. Kako, magtira siya para sa sarili niya. Hindi naman habangpanahon eh bata siya at malakas."
Sa call centre nagwowork si Emil.
Si Lexi ang bunso nila.
High school pa lang at baby ng pamilya.
"Miracle baby ang tawag sa kanya ni Nanay. Di niya kasi akalain na sa edad na forty-six eh mabubuntis pa siya. Eh paanong hindi siya mabubuntis eh hindi naman siya nagpatali. Hayan tuloy. Ang dami namin."
Kapag overwhelmed si Lena sa obligasyon niya sa family, I was there to support her.
Hindi lang ako sounding board.
Binibigyan ko din siya ng pera.
The first time I brought up the idea, nag-away kami.
Nasaktan kasi ang pride ng gaga.
"Hindi naman porke't nagrereklamo ako sa'yo, ibig sabihin eh kailangan ko ng tulong mo."
We didn't speak to each other for a week because of that.
Hatid-sundo ko na siya noon lalo na kung sabay kami ng shift.
Habang nasa biyahe, hindi kami nagkikibuan maliban na lang kung may kinalaman sa trabaho.
But at the end of the week, nagtext siya.
Huwag daw akong magdala ng lunch.
Nagluto siya ng sinigang na baboy.
That was her peace offering.
Alam niya na favorite ko iyon lalo na kapag siya ang nagluto kasi tama lang ang asim at hindi niya nilalagyan ng labanos.
Ayoko kasi noon.
Nagsorry din siya for overreacting.
Nagsorry din ako if I overstepped my boundaries.
"I just want to help you, baby."
"Alam ko naman iyon." Pinatong niya ang kamay sa hita ko.
Gumapang bigla ang init sa hita ko papunta sa bandang alam niyo na.
During that week na hindi kami nag-uusap, we didn't kiss or hold hands.
Hindi ko siya mayakap kasi baka bigla na lang lumabas ang dragon.
Ayokong masigawan niya or mapagbuntunan ng galit lalo na kung may costumer complaint.
Kapag galit kasi si Lena, gusto niya na humupa ng tuluyan ang galit niya bago makipag-usap sa akin.
Nakakatawa nga kasi lagi niya akong sinasabihan na bato daw ako.
Ang tigas ko daw.
Hindi ko kasi sinasagot ang mga texts niya.
Eh ganoon din kaya siya sa akin.
"Baby, I'm driving." Inalis ko saglit ang tingin sa kalsada.
"Besides, we're both going to work. We can't have a quickie."
"Sa inyo ako matutulog mamayang gabi."
Naexcite ako sa sinabi niya.
Pero I have to warn her.
"Nasa bahay si Ate Ruby."
Biglang nawala ang excitement sa mga mata niya.
"Don't worry." Pinisil ko siya sa kamay.
"Closing naman tayo. By the time dumating tayo sa bahay, tulog na iyon."
Hindi na siya kumibo.
My sister doesn't like Lena.
Lalo na ng malaman niya ang family situation nito.
"My god naman, Haze." Nasa kitchen kaming dalawa.
Ang ganda ng sikat ng araw.
Humuhuni ang mga ibon sa labas.
The leaves were vibrant at sumasabay sa mahinang ihip ng hangin.
Kumakain na ako ng niluto kong egg and cheese omelette at toasted bread.
There was a steaming mug of chai tea with milk in front of me habang nagbabasa ako ng news sa phone.
"Iyong mga girls whom you dated before, they came from good families."
By good she meant rich.
"Lena came from a good family too." Kumagat ako sa toast at dahan-dahang ngumuya.
Hindi ko inalis ang tingin sa binabasa.
I wanted Ate to know I'm not interested in having this conversation.
Pero alam ko din na once she wakes up in a mood, it would be hard to make her stop.
Mukhang this morning was one of them.
Kabababa pa lang niya galing sa kuwarto pero ang lovelife ko na naman ang napagdiskitahan niya.
Naabutan niya kasi ako na nagtitext.
I should have lied kung sino ang kausap ko.
"Ang dami nilang magkakapatid. If you're in this for the long haul, for sure susustentuhan mo sila pati na din ang mga pamangkin niya."
Binitawan ko ang hawak na toast pati ang phone.
"What is your problem?"
"Sis, I'm only looking out for you. I mean, ang bata mo pa. You should enjoy your life. Hindi ka dapat nababurden sa obligasyon ni Lena sa family niya."
"But I am not burdened."
Tinaasan niya ako ng kilay bago nilapag ang hawak ng pitcher ng orange juice sa marble counter.
"I'm sure you're helping her."
"Help being the key word." I emphasized.
"To be fair, hindi humihingi si Lena ng support."
"Hindi siya humihingi but I'm sure nagkikwento siya sa'yo. Or kahit hindi siya magkwento, may mata ka. You can see if she's struggling."
"What does have to do with you anyway? Problema na namin iyon."
"You're my sister. Ayoko lang na mahirapan ka."
"Ang sabihin mo, di mo siya gusto dahil mahirap lang siya. She's not like the other girls I've been with na may kotse, nakatapos sa mga prestigious colleges at galing sa mga de buena familia."
"I didn't say that."
"Ate, you didn't have to say it." Nawalan na ako ng gana.
Suddenly, the toast was cold and my omelette lost its saltiness.
"We've been having this discussion the first time you met her. When you learned that she graduated from a public university, imbes na maging proud ka, I saw the disappointment in your eyes."
"Scholar iyong tao, matalino at nakatapos on her own pero you didn't see her merits. Ang natandaan mo lang was how she graduated for a polytechnic school."
"That's not true." Uminom siya ng juice to hide her expression from me.
"Kilala kita. The only school na kilala mo ay ADMU at DSLU."
"Of course not." Inabot niya ang plato ng omelette.
She pierced the edge with the fork then ate it.
"You gave me a hard time when I chose not to apply to those schools. Ilang linggo tayong nagtalo. Hindi mo ako tinantanan. Even when I passed the entrance exams sa UST, you were still nagging me about it. Daig mo pa si Daddy at Mommy who let me decide on my own."
"I only want what's best for you."
"But it doesn't mean we have to give you want you want, Ate. Mahal ko si Lena kahit pa hindi siya pasok sa qualifications mo."
I picked up the mug and my plate.
Nilagay ko sa sink ang mga pinagkainan ko at iniwan ko na siya.
When we got home that night, Lena and I were careful not to wake up Ate Ruby.
We tiptoed in the hallway hanggang sa makapasok sa kuwarto ko at the end of the hall.
Once I closed the door, I unfastened her top.
"Baby, let's shower first. Amoy patty tayo."
"I don't care." I nibbled her ear pero tinulak niya ako.
Lena unzipped her pants until she was left with her cotton underwear.
She always wants to shower before and after sex.
Kung wala si Ate sa bahay, I could have joined her.
Pero ayoko siyang magising.
I patiently waited for Lena to finish showering tapos ako naman ang sumunod.
The last time we made love was more than a month ago.
Dito din sa bahay.
Hindi din naman puwede sa kanila dahil walang space at privacy.
Everytime I think of her, I end up touching myself.
Dahil kung hihintayin ko kung kailan kami ulit magkakasama, matitigang ako.
Mabuti na lang na she love sex too.
Hindi siya prude when it comes to these things.
When I came back to the bedroom, Lena was lying in bed.
Her hair was tied up and a blanket covered her body.
I locked the door, dropped the towel on the floor and joined her.
I climbed on top of her and kissed her mouth as if it was the first time again.
Our bodies were both on fire, hands grasping for every piece of skin and hair.
Parang ngayon lang kami nagkita ulit.
I was too impatient to go through foreplay that I reached down between her legs.
She was very wet.
My arousal went through the roof.
It didn't take her long to orgasm.
When it was my turn, I didn't have to beg.
Lena knew what I needed because her desire mirrored my own.
I was thinking of that night nang makauwi na kami ni Gin.
Pagkalapag ng mga pinamili namin, nagbihis na siya at naghanda na para matulog.
Pagod na daw siya.
At dahil maaga ang pasok namin kinabukasan, gusto na daw niya magpahinga.
I'm not stupid.
I sensed something odd sa behavior ni Gin after namin kumain.
May kutob ako na something happened noong iniwan namin sila ni Lena.
Tahimik kasi siya habang namamasyal kami.
Normally, makulit siya lalo na kung may nakikitang nakakatawa.
I asked kung okay lang siya.
Oo daw.
Ayoko na siyang kulitin dahil I was still feeling uncomfortable dahil sa nangyari.
I should have insisted na huwag kumain kasama si Lena.
Pero si Gin ang nagsabi na ayaw niyang maghintay.
I even suggested na sa ibang resto kumain pero gusto niya daw ng steak.
There's no winning lalo na kapag buo na ang desisyon niya.
Lena looked good.
Lalo siyang pumuti.
But there was something in her eyes na hindi ko makalimutan.
She looked weary.
Walang spark or joy.
Malungkot.
I sometimes wish na sana she has someone.
Maybe then I'd feel less guilty for being with Gin.
Maybe, it would be easier to accept that I drove her away.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top