5: I Went Out To Meet A Friend & Ran Into My Ex







Ilang beses na akong niyayaya ni Maddie na pumunta sa bahay nila pero hindi ako pumapayag.

Bukod kasi sa totoo namang busy ako sa trabaho, I don't think ready na akong makita si Hazel.

There was always that fear na hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kapag nagkaharap kami ulit.

Sorry, baby?

Ilang beses ko ng sinabi iyan sa kanya.

She never replied.

Would it have been better if I just gave up?

Nahalata na din ni Maddie ang pag-iwas ko.

It even led her to say na siguro nga, hindi pa din ako nakakamove on from Hazel.

"Mabuti pa siguro, tayong dalawa na lang muna ang magkita. How about that?"

"Okay." Sagot ko agad.

We agreed to meet on a Friday afternoon after work.

Sa downtown na lang daw kami magkita tutal isang train ride lang naman iyon muna sa bahay nila sa northwest.

Gusto niya daw na igala ko siya tapos kuhanan ko daw siya ng maraming pictures.

Ipo-post niya daw sa Instagram niya.

"Para lalong mainggit ang mga bruha." May bitterness sa boses niya.

Dalawang station lang din naman ang layo ng office ko from downtown.

I was able to get a seat dahil hindi naman puno.

Pagtigil sa 1st Street, halos hindi ako makalabas dahil nakaharang na ang mga pasahero.

Uwian na kasi at nag-uunahan sila na makaupo.

They looked tired, impatient.

Lumakad ako papunta sa stoplight at naghintay na magpalit ang ilaw sa walk sign.

May mga kasabay ako patawid at pare-pareho kaming nag-aabang na magpalit na ang ilaw from the orange hand to the white guy walking sign.

Pagkatawid, naghintay na naman ako ulit dahil stop na naman.

Habang nakatayo, napansin ko ang isang babae na kumakaway.

Si Maddie pala.

Dahil summer, sleeveless crop top ang suot niya.

Kahit kita ang bilbil, wala siyang pake.

Noon pa man, ganito na talaga si Maddie.

Ang lagi niyang sinasabi, she's a confident woman and she's proud of her body.

Pinaresan niya ng pulang flip-flops ang maikling denim shorts.

Kulay pula din ang nail polish niya.

"Bakla, kumusta ka na?" Tili niya sabay yakap sa akin.

Napatingin sa amin ang mga tao na naglalakad.

"Okay naman ako. Ikaw? Kumusta?"

Inangkla ni Maddie ang braso niya sa braso ko at lumakad na kami papunta sa Stephen's Avenue.

Doon magkakatabi ang iba't-ibang klaseng stores at restaurant.

"I'm fine. Char!"

Nagtawanan kami.

"Siguro ang yaman mo na ano?" Dumikit siya tapos inamoy ako.

"Pati amoy mo, amoy mayaman."

"Loka. Hindi ako mayaman ano? Alam mo na, meron pa akong pinapaaral."

"Oo nga pala. Hindi pa ba graduate si Lexi?" Tumigil kami sa tapat ng bronze statue ng dalawang lalake na sa itsura eh parang nag-uusap.

Pareho silang nakasumbrero at may hawak na brief case.

Halos magdikit ang mukha nilang dalawa.

Ang lalake sa kanan ay nakataas ang index at middle finger habang nakatingin sa kausap niya.

Kapag nakikita ko ang estatwa nila, ini-imagine ko na hindi sila magkasundo sa kung anumang transaction na pinag-uusapan nila.

Iyong lalake kasi sa kanan parang galit ang expression.

"Kunan mo ako ng picture dito." Inabot niya sa akin ang phone tapos tumabi siya sa estatwa.

Tinapat ko sa kanya ang camera at pagkasabi ko ng three, nag-V sign pa si Maddie.

"Hindi pa siya graduate. Tatlong taon pa bago siya makatapos." Binalik ko sa kanya ang phone.

"Saglit na lang pala."

"Pero nandiyan pa ang mga pamangkin ko. Dalawa kay Ate Lara at isa kay Kuya Emman."

"Ano ba iyan, Lena? Eh baka hindi ka na makapag-asawa sa dami ng sinusustentuhan mo?"

"Ano pa nga ba?"

"May lovelife ka ba?"

"Wala din."

Nagpalit na ang ilaw from orange to white.

Tumawid muna kami ni Maddie.

"Wala kang dyowa?"

Dahan-dahan kaming naglakad pakaliwa.

May part sa Stephen's Avenue na bricks ang walkway.

Ang ibang bahagi naman, concrete.

May lamp posts sa gitna at makitid ang daan.

Noong unang panahon daw, mga carriages ang dumadaan dito.

Walang sasakyan na dumadaan sa mga makitid na kalsadang ito tuwing umaga hanggang gabi.

Kapag late na ng gabi saka lang puwedeng dumaan.

Maliwanag ang sikat ng araw at maaliwalas ang panahon.

Puno ang mga patio sa restaurant ng mga taong nag-iinuman.

Ang dami ding naglalakad na may mga bitbit na shopping bags.

Marami ding turista na kumukuha ng pictures.

"Paano ako magkakadyowa eh puro na lang trabaho ang ginawa ko?"

"Kunsabagay. Ako din naman. Kahit mahirap na malayo sa anak at asawa ko, inisip ko na lang na para ito sa future namin. Isa pa, kapag naging permanent resident na ako, pwede ko na silang i-sponsor."

"Konting tiis lang. Magkakasama din kayo ng family mo." Tinapik ko siya sa kamay.

May nakitang restaurant si Maddie at gutom na daw siya.

Tumawid kami papunta sa Miles Bar + Grill.

Dark ang interior ng bar, mostly steel and concrete.

The hardness was tempered by the small crystal chandeliers, red leather booths and the colorful miniature airplanes suspended in the ceiling secured by industrial-strength cables.

Sa dingding ay nakasabit ang mga movie posters from yesteryears.

I saw a picture of Audrey Hepburn.

She was sitting with her legs crossed holding a long cigarette stick wearing her iconic black dress and tiara from Breakfast At Tiffany's.

Pagpasok namin, sinalubong kami agad ng host.

Bata pa ang lalake, crew cut ang blonde na buhok at blue ang mata.

Pagkatapos kaming tanungin kung table for two, sinabihan kami ng sumunod sa kanya.

"Bakla! Ang daming guwapo. Baka matukso ako?"

"Sira. Ipagpapalit mo ba si Papa Hector?"

"Joke lang naman. Inaaliw ko lang ang sarili ko."

Dinala kami ng host sa corner booth.

Pang-apatan pero iyon na lang ang available.

Puno na din kasi ang ibang puwesto.

Maingay sa loob dahil sabay-sabay na nagkikwentuhan ang mga tao.

Kung sa patio naman kami uupo, mas maingay dahil bukod sa boses, may mga establishments din na nagpapatugtog.

Pagkaupo namin ni Maddie, tinuro ng host ang makapal na menu at tinanong kami kung gusto namin ng drinks.

"I'll have a pint of Guinness please?" Sagot ko.

"A long island iced tea for me." Sabi naman ni Maddie.

"No problem." Nakangiting sabi ni Evan. Iyon ang nakalagay sa name tag niya.

Bago siya umalis, I also asked for two glasses of water.

"Bakla,baka mahal dito. Baka paghugasin ako ng plato." Bulong ni Maddie.

She didn't even have to whisper dahil puro puti ang nasa paligid namin.

"Don't worry. Sagot ko."

"Naks naman. May patreat-treat ka ng nalalaman ngayon ha?"

"Kahit naman noong nasa Pinas ako nililibre kita di ba?"

""Kunsabagay. Ikaw ang laging taya sa kwek-kwek at sago."

Nagkuwentuhan kami ni Maddie tungkol sa anak niya na si Nathan.

Five years old na pala ang bata.

Kahit wala ako sa Pinas, nag-insist si Maddie na magninang ako.

Pinaproxyhan niya na lang ako sa kasama niyang manager sa Macky's.

Nagkikwento ako tungkol sa latest pagpapasaway ni Kuya Edwin na may kinalaman sa isang may asawang babae ng biglang natigilan si Maddie.

Sinundan ko ang tingin niya.

Natigilan din ako.

Naglalakad si Hazel papunta sa pwesto namin.

Inalis ko agad ang tingin sa kanya.

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko at nanlamig ang katawan ko.

Napatingin sa akin si Maddie.

Dahil pareho kaming nakita ni Hazel, ang weird naman kung dededmahin niya ito.

"Haze," Tumayo si Maddie.

"Nandito ka din?" Nagbeso silang dalawa.

Nilingon ni Hazel ang puwesto ko.

Matipid ang ngiti ko sa kanya.

Ganoon din ang ginawa niya.

"Ikaw lang mag-isa?" Tanong ni Maddie.

"Hindi. Nandoon si Gin sa lobby. Naghihintay ng table namin."

Don't ask her to sit with us. Please?

Sakto namang pagkausal ko nito eh sabay tanong din ni Maddie kay Hazel.

"Bakit di na lang kayo dito umupo?"

Oh god.

Nilingon ako ulit ni Hazel.

This time I look away.

"Hindi na. Saglit lang naman siguro kaming maghihintay."

"Gaano daw katagal?"

"Fifteen to thirty minutes."

"Ang tagal pa. Sige na. Dito na kayo umupo. Baka gutom na kayo ni Gin."

Tiningnan ako ni Hazel.

"Okay lang sa'yo?"

"Oo naman."

"Sige. Punta lang ako sa CR then tawagin ko si Gin."

Pagkaalis niya, nilingon siya ni Maddie bago ako hinarap.

"Bakla, sorry ha?" Hinawakan niya ako sa kamay.

"Parang ang bastos ko naman kung hindi ko siya babatiin."

"Ano ka ba?" Sabi ko habang kinukubli ang nerbiyos.

"Okay lang naman eh."

"Sure ka? Baka maging awkward."

"Don't worry. It will be okay." Pinanindigan ko na ang pagkukunwari.

Ano pa ba ang magagawa ko eh napasubo na ako?

"Tabi na lang tayo." Tumayo si Maddie at lumipat sa upuan ko.

Pagbalik ni Hazel, pinakilala niya ako kay Gin.

Hindi siya masyadong matangkad at medyo chubby.

Singkit, nakasuot ng aviator na eyeglasses na sa sobrang laki ng frame eh covered ang kalahati ng mukha niya at undercut ang gupit.

White and blue ang suot na G-shock na relo, suede ang blue Air Jordans, white ang hoodie na may malaking Nike logo sa gitna at sky blue Nike track suit na medyo lawlaw.

Kung may alam siya tungkol sa past namin ni Hazel, hindi niya pinahalata habang nakangiting nakikipagkamay sa akin.

Pagdating ng server, an attractive brunette with green eyes and a great smile na nagpakilala bilang Regan, nagulat siya kasi apat na kami sa table.

Nilapag niya ang dalang tray na may dalawang baso ng tubig.

"I'll get some extra plates and utensils for you guys." Tumingin siya kay Hazel at Gin.

"No problem." Sabi ni Gin sa server.

Extra laki ng ngiti niya.

Tinanong sila ni Regan kung ano ang gusto nilang drinks.

Mudslide or Smirnoff vodka. Naisip ko.

"Two iced teas please," Sagot ni Gin.

Bummer.

Hazel liked both.

Nakakadalawang mudslide siya dati.

Kapag vodka naman, apat na bote bago siya maging tipsy.

Si Gin na din ang umorder para sa kanila.

Ravioli para kay Hazel at steak, medium rare with potatoes para sa kanya.

Steak din ang order ni Maddie with pilaf rice and Caesar salad.

I ordered baby back ribs with fries and mayonnaise on the side.

Habang naghihintay ng order, tinanong ni Gin kung gaano na ako katagal sa Canada.

I said seven.

"Nakaadjust ka na ba sa weather? Balita ko, sobrang lamig daw pag winter."

"Sanay na."

"Magkakasama ba kayo dati sa Macky's?"

"Oo." Si Hazel ang sumagot.

"Kaya pala parang familiar ka." Tumingin siya sa akin.

"How is that possible? I only met you today." Mataray na sabi ko.

Nagsalubong ang kilay ni Hazel.

Mukhang hindi naman nahalata ni Gin ang ginawa ko kasi nakasmile pa din siya sa akin.

"Ah. Tanda ko na. Nakita kita sa photo album. Christmas party niyo yata that time. Magkatabi kayo ni Hazel sa picture. Pareho kayong nakasuot ng headband na sungay ng reindeer."

Nagkatinginan kami ni Hazel.

I wasn't expecting to hear that.

We were already dating then.

We were happy at that time.

I remembered giving her the Lego Harry Potter Hogwarts Castle set.

She liked both.

Uminit ang katawan ko.

Si Hazel naman, namula ang tainga.

Tinitigan naman ni Maddie ang poster ni John Wayne sa tapat ng table namin.

Pagbalik ni Regan, dala niya na ang extra plates, utensils pati order namin.

Buti na lang at napunta sa pagkain ang usapan.

Maddie and Gin were both impressed with how tender and tasty the steak was.

Tahimik lang na kumakain si Hazel.

Once in a while, bigla na lang kaming magkakatinginan.

Kung hindi siya ang iiwas, ako.

Malambot at malasa din ang ribs pero hindi ko maenjoy.

It felt weird being in the same space with her and Gin.

Ang awkward talaga.

Parang sinisilihan ako sa upuan pero huli na para magwalk-out.

Hindi ko naubos ang pagkain so pinatake-out ko na lang.

I thought we were done pero gusto pa ni Gin ng dessert.

Tumanggi si Hazel dahil busog na siya.

Pinilit pa din siya ni Gin.

"Sige na baby. Share na tayo." Hinawakan siya nito sa kamay.

Baby.

Iyon din pala ang tawagan nila.

"But I'm already full." I sensed the impatience in her voice.

Typical Hazel.

Kapag busog na siya or ayaw niya, hindi talaga siya mapipilit.

"Sayang. I really want to try their molten lava cake."

"Share na lang tayo kung gusto mo?" Volunteer ni Maddie.

Nagliwanag ang mukha ni Gin.

Gusto niya talaga ng dessert.

When it was time to pay, pinahiwalay ko ang bill namin ni Maddie.

Si Gin ang nagbayad ng order nila ni Hazel.

Inabot ko kay Regan ang credit card.

She was making small talk habang tinatapos ang transaction namin but I wasn't paying attention anymore.

Gusto ko ng umalis.

Pagkatapos magbayad, nagsabi si Maddie na magsi-CR lang.

Sumama sa kanya si Hazel.

Pagkaalis nila, nagsalita si Gin.

"Small world ano?"

"Ha?" Inalis ko ang tingin kay Maddie at Hazel na nagtatawanan habang naglalakad papunta sa washroom.

"I know who you are."

"You've only seen one picture of me. It doesn't mean you know everything there is to know about me."

"You'd be surprised. Kahit matagal ka ng wala sa Mackie's, people talk about you as if you're a celebrity."

Hindi na siya nakasmile.

Hindi na din friendly ang tono ng boses niya.

"Do you have a problem with that?" Sinulyapan ko ang hallway towards the bathroom.

"Honestly, I don't care. Hazel is my priority. Ang happiness at peace of mind niya."

"Should you really be talking about her with me?"

"Yes. Gusto kong maging malinaw sa'yo ang lahat."

"Ano ba ang hindi malinaw? You're together. Isn't that enough?"

"Mabuti na ang nagkakaintindihan tayo. Hazel and I are in a stable and loving relationship. Marami kaming plano. Ayoko ng gulo."

"So do I."

Buti na lang at nakapatong ang kamay ko sa binti.

Hindi niya nakita kung paano kung kinuyom ang mga ito.

Kung wala kami dito, baka nasapak ko siya.

Ang yabang ng gago.

Nakita kong pabalik na si Maddie at Hazel.

Mabuti na lang dahil nababadtrip na ako kay Gin.

Kung hindi dahil kay Maddie, nagwalk out na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top