4: The More You Ignore Me, The Closer I Get
"Are you avoiding me?" Sinundan ako ni Hazel sa walk-in freezer.
Hindi ko siya narinig dahil tinakpan ko ang ulo ko ng hood ng makapal na thermal jacket na ginagamit namin kapag magi-inventory ng stocks.
"Anong ginagawa mo dito?" Umuusok ang bibig ko habang nagsasalita.
"Lena, may nagawa ba akong mali?"
She was only wearing her uniform.
I'm sure nangangatog siya sa lamig.
Kung ako nga na nakajacket eh hindi makatagal, siya pa kaya?
"Mam Hazel pwede ba? This is not the right place to talk."
"Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang totoo." Sumandal siya sa box ng frozen fries.
"Anong totoo?"
"That you're avoiding me."
Tinitigan ko siya pero hindi ko masyado mabasa ang expression niya dahil dim ang ilaw sa loob.
"Hindi kita iniiwasan." It's a lie.
After namin lumabas, hindi ko alam kung paano ihahandle ang mga bagong feelings na umusbong sa puso ko.
"Oh yeah? " Mataray na sabi niya.
"I texted you pero puro one-liners ang reply mo. Then when I asked kung gusto mo na sabay tayong mag-lunch, ang sabi mo, your lunch is an hour after mine."
"Totoo naman."
"It's not like you."
"Mam Hazel, marami akong gagawin. Can we talk about this later?"
"Hihintayin kitang umuwi."
"What are you talking about? Eight ang out mo. I'll be here till midnight if I'm lucky."
"I'm covering for Mam Carol."
"What?"
"Maysakit ang anak niya so she's not coming to work today."
It was my turn to lean on the boxes of beef patties.
"Ihahatid kita sa inyo."
"Haze, ano bang ginagawa mo?"
"I just want to talk to you." Inalis niya ang suot kong hood.
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
Naamoy ko na naman ang lotion niya.
Bakit napakayummy ng mga fragrances na gamit niya?
Nakagat ko tuloy ang labi ko.
"I will wait for you kahit abutin ka pa dito ng alas-tres ng madaling araw."
Her lips were so close to me.
She leaned even closer but I move my head farther away.
Kung lalapit pa siya, her lips will land smack into mine.
Buti na lang narinig namin ang boses ng isang crew.
Hazel stepped back bago pa bumukas ang pinto.
When I said that Hazel was smart, I wasn't lying.
Alam niya na month-end inventory.
Maswerte na lang talaga kung matatapos akong magbilang at mag-encode ng data ng hatinggabi.
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya.
Hindi ko din alam kung ano ang ginagawa ko.
I was really avoiding her.
Hindi ko kasi alam kung papaano iha-handle ang feelings ko.
Mula ng maging close kami, lagi niya akong dinadalhan ng kung anu-anong pagkain.
Magtitext siya para sabihin na huwag akong magbaon ng lunch.
Siya na daw ang bahala.
Mahilig kasi siyang magluto at ipagbabaon niya ako.
Kung anu-ano ngang pagkain ang natitikman ko.
Naiiingit tuloy ang mga kasama namin dahil ako ang malimit niyang dalhan ng food.
Kapag nagbibake siya, lahat damay.
Hindi lang managers ang may pasalubong kundi pati mga crew.
Ang favorite ko eh iyong banana chocolate chip cake na di lang malambot kundi sobrang moist din.
Kapag kasama ko si Hazel, lagi akong masaya.
Kahit pa ang daming tao at ang haba ng pila, hindi nag-iinit ang ulo ko dahil nagagawa pa naming magbiruan.
Magaan siya kasama sa shift kasi masayahin siya.
Kahit may palpak ang mga crew, hindi siya madaling mahigh blood.
Ang smooth tuloy ng takbo ng operations kapag siya ang kasama ko.
Maraming nagkakacrush sa kanya sa store hindi lang crew kundi pati na din customers.
Lagi kasi siyang nakasmile.
At kapag dumarating sa work, laging nakaayos.
Light lang ang make-up at nakapusod ng maayos ang buhok pero lalong nakakadagdag ng attractiveness niya ang pagiging simple.
Kahit sinisigawan siya minsan ng mga customers, poised pa din siya.
Hindi siya nakikipagtalo.
Nakikinig lang siya sa complaints ng mga ito tapos kakausapin niya ng mahinahon.
Kapag nakikipagtuksuhan siya sa mga crew lalo na iyong iba na obvious naman na nakikipagflirt sa kanya, naiiinis ako.
Ewan ko ba kung bakit bigla na lang akong nababadtrip.
Ang napagdidiskitahan ko tuloy eh iyong mga hugasan o lilinisin sa kusina.
Tuwang-tuwa naman ang mga crew dahil bawas trabaho sa kanila.
Ang confusion na nararamdaman ko ang reason kung bakit ko siya iniiwasan.
Lagi ko na kasi siyang iniisip.
Kahit alam ko na magkikita kami kinabukasan, atat ako palagi.
Kapag day off naman siya, lagi akong nakaabang sa mga text niya.
Para akong hibang.
Siya ang nasa isip ko paggising sa umaga at siya din ang nasa isip ko bago matulog sa gabi.
I didn't like what I was feeling.
I didn't like knowing that I couldn't control these things.
Kaya iniwasan ko siya.
Baka sakaling my distance will help me sort things out.
Kaso, iba naman ang plano ni Hazel.
Kung anong iwas ko, siya naman itong dikit ng dikit.
Sige pa din ang biro kahit malabnaw ang reception ko sa mga jokes niya.
Tinatarayan ko na nga para tigilan ako pero natatawa lang siya.
Lalo tuloy akong nababadtrip sa ginagawa niya.
The more kasi na umiiwas ako, the more naman na nagpapacute siya sa akin.
Nakakainis.
Maga-alas dos na ng gabi matapos kong i-encode ang report.
Dahil sumabay din sa sweldo ang month-end, lampas ala-una na nakatapos ang mga crew sa paglilinis.
Hihintayin sana ako ni Sir Joseph pero sinabi ni Hazel na ihahatid niya ako pauwi.
Tuwang-tuwa si Sir.
"Buti na lang, Mam Hazel. May meeting kasi sa head office ng alas-diyes bukas. Sira na naman ang beauty sleep ko nito." Hinimas ni Sir ang eyebrows niya.
"No problem. Along the way din naman kasi ang lugar nina Mam Lena."
Makahulugan ang ngiti na binigay sa akin ni Sir.
Hindi ito nakita ni Hazel dahil lumabas na siya ng office.
Paglabas ko ng office, nakatutok si Hazel sa phone niya.
Paglapit ko, naglalaro pala ng Candy Crush.
"Tara na." Nauna na akong lumabas ng pinto.
Binigay ko sa guard ang susi at pagkalabas ni Hazel, pumasok naman si Manong for one last round of checking bago niya i-lock ang pinto.
Pagkasara ng tindahan, tahimik kami na naglakad papunta sa parking lot.
Ang silver Volkswagen Jetta niya na lang ang nakaparada.
"Lagay mo na lang ang gamit mo sa likod."
Binuksan ko ang backseat at pinatong sa upuan ang dala kong handbag.
Nilagay niya din ang backpack sa tabi ng gamit ko.
Pagpasok ko, sinuot ko agad ang seatbelt.
"Okay lang ba ang aircon?" Tanong ni Hazel habang pinipinit ang controls.
"Okay lang." Sagot ko.
Pinihit niya ang volume para hinaan ang music.
Apologize ng One Republic ang kanta.
Pinaandar ni Hazel ang sasakyan.
Bago kumaliwa ay binusinahan niya ang guard na nakatingin sa amin.
I was expecting her to talk pero tahimik lang kami pareho.
Naisip ko na pagod na din siguro siya.
Fourteen hours ba naman siyang nagduty.
Naawa naman ako sa kanya.
Nakatingin lang ako sa bintana habang pinakikinggan ang mga kanta.
Random artist ang nasa playlist at si Adele naman ang kumakanta ng Hello.
Puro pangsawi ang kanta.
Brokenhearted ba siya?
Tumigil ang sasakyan dahil red light.
Tumagilid ako at hinarap ko siya.
"Gusto mo pa bang mag-usap tayo?"
Inalis niya ang tingin sa bintana.
"Only if you want to."
"Ano ba ang gusto mong pag-usapan?"
"Sinabi ko na kanina di ba?" Tumaas ang boses niya.
Wrong timing yata ako.
Dumako ang tingin ko sa steering wheel.
Ang higpit ng hawak niya.
Nangangalit ang mga ugat sa kamay niya.
"I don't like being ignored. No one does." Sabi niya.
Lalo tuloy akong naguilty.
Hindi ko naman gustong iwasan siya pero anong sasabihin ko sa kanya?
Hindi naman ako tulad niya na secure sa pagkatao niya.
May dahilan kung bakit hanggang ngayon, nasa closet pa din ako.
At wala akong balak lumabas.
"You didn't do anything wrong."
"Eh bakit mo ako iniiwasan?"
Tinapakan niya ang accelerator dahil green light na.
"It's complicated."
"Then uncomplicate things for me." Pinihit niya ang steering wheel pakanan.
"Sana nga ganoon lang kadali." Tumingin ako ulit sa bintana.
Wala kami masyadong kasabay sa kalsada.
Maliwanag ang daan dahil nasa main highway kami.
Pero kapag pumasok na siya sa kalsada papunta sa lugar namin, madilim na ang daanan.
Mangilan-ngilan na lang kasi ang poste ng ilaw.
"Say it in a song title."
"Ha?"
"Iyong complicated thing na sinasabi mo. Will it make it easier for you to tell me kung gagamit ka ng song titles?"
"Kung anu-ano ang naiisip mo." Nawindang ako sa suggestion niya.
"Try mo lang. It could be fun."
"Puro na lang fun ang nasa isip mo."
"Sabi nga nila, it's more fun in the Philippines."
Hindi ko alam kung tatawa ba ako or what?
"Sige na, Lena." Inalog niya ang binti ko.
"Indulge me."
"Wala akong maisip."
"Please?"
She looked at me with that puppy –eyed expression that melted my resolve.
"Sige na nga. Pwede pahiram ng phone mo?"
"Sure."
Kinuha ko ang iPhone na nasa console.
Pinindot ko ang iTunes icon tapos ang Songs.
I swiped upwards hanggang sa mapunta sa mga kanta ni Taylor Swift.
"I knew you were trouble."
"Bakit naman?"
"Walang explanation. Sabi mo song titles lang."
"Okay. Ako na lang ang sasagot sa tanong ko."
"Is it because I'm too sexy?"
Natawa ako bigla.
Hindi ko kasi inexpect ang sasabihin niya.
"Ayan. Buti naman at tumawa ka. I miss your laugh."
Naghanap ako ulit ng title sa phone niya.
"Don't know what to do. Don't know what to say."
Ric Segreto?
Parang hindi pa siya pinapanganak ng lumabas ang kanta na 'to.
"The more you ignore me, the closer I get." Sabi ni Hazel.
"Kanta ba iyan?"
"Oh my god. You don't know The Smiths?"
"Si Mr. and Mrs. Smith lang."
"I've seen that movie." Siya naman ang tumawa. "Angie's pretty hot."
Binalik ko ang tingin sa cellphone niya pero bigla siyang nagsalita.
"What can I do?"
"Ha?"
"The song? By The Corrs?"
"Hindi ko alam iyon."
"Ganito na lang. Find it in my playlist then play it."
Hinanap ko ang pangalan nila.
Pumunta ako sa T pero hindi ko makita.
"Look it up on C then scroll down."
Sinunod ko ang sinabi niya.
Nang makita ko ang title, pinindot ko.
Tumahimik si Hazel.
Nakinig na lang ako sa kanta.
Bago ito natapos, I know what she was trying to tell me.
"You're here."
Pumarada siya sa gilid ng gate.
Hindi niya pinatay ang makina.
Hindi ko din agad inalis ang seatbelt.
"Give me time."
"I don't know what that song is."
"It's not a song."
"Oh."
"Hazel," Hinawakan ko siya sa kamay.
"Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko."
"Do you like me?" Pinatong niya ang kamay sa ibabaw ng kamay ko.
"I do."
"What's the problem then?"
"I'm not out."
"Ohhhhh." Bigla niyang inalis ang kamay niya.
"Hindi ko alam kung meron kang inexpect from me."
"I actually do."
"Ano iyon?"
"I want us to be more than friends sana."
"I don't think it's a good idea."
Akala ko, mangungulit siya. Ipipilit ang gusto niya.
I was disappointed when she said okay.
"I'm sorry, Haze. Mas makabubuti sa ating dalawa kung hindi tayo masyadong magiging close lalo na kapag nasa store tayo." Inalis ko ang seatbelt.
Bubuksan ko na sana ang pinto pero hinawakan niya ako sa braso.
"Is that what you want?"
Tumango na lang ako.
Baka kasi kung magsalita ako eh bigla na lang akong mautal.
O baka bigla na lang akong maluha.
Kasi masakit.
Masakit lalo na kapag alam mo ang gusto mo pero hindi mo puwedeng gawin.
Binuksan ko ang pinto.
Lumapit ako sa backseat para kunin ang gamit ko.
Binuksan ko ang gate.
Hindi umalis si Hazel hangga't hindi ako nakakapasok sa loob ng bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top