33: December







Sa maliit na parokya sa barangay namin ikinasal si Emil at Christine.

Kumpleto ang pamilya niya para sa wedding.

Tatlo pala silang magkakapatid at siya ang bunso.

Retired government employee ang mga magulang niya.

Sa side namin, si Ate Lara lang ang wala.

Gusto niya mang umuwi, hindi siya pinayagan ng amo niya.

Ang habilin niya, kumuha ng maraming pictures at i-send sa kanya.

Para maramdaman niya na kasama namin siya, nakavideo call siya at nanonood siya habang naghahanda kami.

Nang araw ng kasal, kasamang dumating ni Hazel si Ate Ruby.

Hindi katulad dati na lagi niya akong sinusupladahan lalo na kapag nagi-stay ako sa bahay nila, mabait na ang pakikitungo niya sa akin.

Nag-usap kaming dalawa.

Nagpasalamat siya sa tulong na ginawa ko.

Humingi din siya ng sorry dahil sa treatment na binigay niya sa akin dati.

"Okay lang iyon, Ate. Totoo naman kasi na malayo ang estado namin ni Hazel sa buhay."

"I know but it doesn't give me a right to be mean to you. It's sad because it took a tragedy for me to realize how bad I was."

"Wala namang may gusto na mangyari iyon."

"Unpredictable talaga ang buhay."

"Tell me about it."

Nagtawanan kaming dalawa.

It also took a tragedy for my parents to change their mind about me.

Naisip ko, kung hindi kaya ako naaksidente, hindi pa din kaya nila ako kikibuin?

Gaano katagal nila akong titiisin just because I love a woman?

Isang babae na hindi nawala sa puso at isip ko kahit lumayo na ako.

Isang babae na nasa tabi ko at naghihintay para gumising ako ulit.

When my family picked us up at the airport, iyakan at yakapan ang nangyari.

Ang hindi ko inasahan ay ng lumapit si Nanay kay Hazel at niyakap ito.

Tinawag niya itong anak.

Bago kami umuwi, naikuwento ko sa kanya ang nangyari sa mga magulang ni Hazel.

Bigla kasing nagtanong si Nanay kung susunduin daw ba si Hazel ng pamilya niya.

Sinabi ko ang nangyari at tahimik lang si Nanay habang nagkikuwento ako tungkol sa aksidente na kumitil sa buhay ng magulang ni Hazel.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Nanay.

Nagkatinginan nga kami ni Hazel.

Pareho kasi kaming nagulat.

Ayaw man naming maghiwalay, kailangan niyang umuwi sa kanila.

Halos hindi ko mabitawan ang kamay niya.

Ganoon din naman siya sa akin.

Pero maliit lang ang bahay namin at kailangan din niya ng family time with Ate Ruby.

Nakakatawa kasi nag-uusap kami sa phone.

Parang walang pinag-iba noong una kaming nag-usap ng magkita kami ulit sa Canada.

Nang makabawi ng jetlag, hinatid ako ni Kuya Edwin sa bahay nina Hazel.

Noon ko lang nakita ang tinitirhan nila.

Nakakapanibago dahil maliit lang ang apartment hindi tulad ng dati nilang bahay.

Pagkaalis ni Kuya, hinila ako agad ni Hazel papunta sa kuwarto niya.

Miss na miss niya na daw ako.

Wala si Ate Ruby dahil pumasok kaya solo namin ang bahay.

Mula ng gumising ako sa pagiging comatose, para akong naghahabol sa mga araw.

Ang sabi ni Hazel, lagi niya daw pinapatugtog ang mga CD ni Regine.

Baka sakali daw magising ako kapag narinig ko ang mga kanta niya.

Pero wala daw akong reaksiyon.

Binabasahan niya din daw ako ng mga balita.

Para updated daw ako sa current events.

Sa akin din daw siya nagkikuwento ng mga nangyayari sa trabaho.

Pati ang kunsumisyon niya kay Maddie, sinasabi niya sa akin para wala daw akong mamiss.

Makalat daw si Maddie sa bahay at minsan nagkakatampuhan sila.

Pero nagkakabati din naman silang dalawa.

Kahit pasaway ito minsan, ito pa din ang moral support niya lalo na kapag natatakot siya na baka hindi na ako gumising.

Hindi nakasama sa amin si Maddie sa pag-uwi sa Pinas.

Natanggal kasi sa trabaho ang asawa niya.

Magkatabi kami ni Hazel sa reception at pinagmamasdan ang mga tao na nagsasayaw.

"Let's dance." Tumayo siya at inabot sa akin ang kamay.

"Hindi ako marunong."

"So?"

Tiningnan ko ang paligid.

Bukod sa mga katrabaho ni Emil at Christine, nandoon din ang ilan sa mga kapitbahay namin na kaibigan ng magulang ko.

"Please?" Nakatingin sa akin si Hazel at namumungay ang mga mata.

She looked so elegant in her off-shoulder emerald green dress.

Above the knee ang length kaya nakalabas ang makinis niyang binti.

"Sige na nga."

Tumayo ako.

Bago kami lumapit sa dance floor, inayos ni Hazel ang bowtie na tumabingi.

Hawak kamay kaming lumapit.

Ang mga kapitbahay namin, napatingin sa amin.

Bumaba ang mga mata nila at dumako sa kamay namin.

Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Hazel.

Nagpalit na ang kanta at tinugtog ang What Makes You Beautiful ng One Direction.

Fan si Emil ng banda at isa sa nalungkot ng mag-disband ang mga ito.

Hinila ako ni Hazel malapit sa kinatatayuan ni Emil at Christine.

Pinatong niya ang mga kamay sa balikat ko.

Hinawakan ko siya sa bewang at hinila papalapit hanggang sa magdikit ang mga katawan namin.

Habang masayang sumasayaw ang mga tao sa paligid namin, Hazel and I moved to a slow rhythm.

We danced to our own song and when I looked up, she was smiling at me.

I pulled her even closer and tiptoed till our lips almost touched.

In front of all these people who knew and didn't know me, I kissed her without fear.

THE END

***

Hello sa inyong lahat.

Halata ba na kinareer ko ang pagsusulat nito? Haha!

Sabi sa inyo eh. Habol tayo sa Watty's.

Pero this story will not qualify kasi the word count is 50,000 ++.

At seryoso ako na gusto kong sumali.

Wish me luck mga kapanalig.


This is the part where I thank all of you for reading.

Ang tiyaga ninyo kaya pare-pareho tayong may nilaga.

Magkita tayo sa susunod na kuwento.

Sana po ay abangan ninyo ang susunod kong akda.

Marami pong salamat.

xoxo

LCC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top