32: Spring Awakening
I heard the birds singing.
Unti-unti kong minulat ang mga mata.
Unlike before na automatic sa akin ang ganitong movement, bakit parang ang bigat ng mga talukap ko bago tuluyang kong maibukas ang mga mata ko.
Then blurry ang paligid.
Ilang beses akong kumurap bago naaninag ang tao na nakaupo sa tapat ko.
Tapos bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.
Niyakap niya ako tapos hinalikan sa noo, sa pisngi, sa labi.
Narinig ko na tinatawag niya ang nurse.
Gising na daw ako.
Ha?
Tulog ba ako?
Nang lumiwanag na ang paningin pati ang pag-iisip ko, si Hazel pala ang nakaupo sa tabi ng kama.
Nakasuot din ako ng hospital gown.
May nakakabit na tubes sa braso ko.
Sa gilid ng kama ay may monitor na steady ang beeping sound.
Pagbukas ng pinto, pumasok si Ate Clara.
Kasunod niya ang isang babae na puti ang lab coat.
Siya siguro ang doktor.
Tinawag niya ang pangalan ko tapos tumayo siya sa gilid at kinuha ang pen light na nasa bulsa.
Habang sinusuri niya ako, nagtatanong siya.
Ano daw ang pangalan ko?
"Lena Reyes." Sagot ko.
Tinanong niya din kung anong date ngayon.
"November 6, 2021." Kampanteng sagot ko.
Umiling siya.
"Lena, it's already May 20, 2022."
"What?"
Tumingin ako sa paligid.
Si Lena at si Ate Clara, umiiyak habang magkahawak kamay.
"What's going on?" Naguguluhan kong tanong.
Why am I wearing a hospital gown in the first place?
Ang doktor ang nagpaliwanag.
I figured in a fatal car crash.
They were able to save me but I was comatose for months.
Mabilis akong nagbilang sa isip ko.
More than six months na pala akong nakaconfine.
Spring na.
Kaya narinig ko ang huni ng mga ibon.
Napatingin ako sa bintana.
Maliwanag ang sikat ng araw.
Asul na asul ang langit.
I always liked spring.
Ang una kong napapansin, ang huni ng mga ibon.
Para silang nagse-celebrate bilang pagsalubong sa pagpapalit ng season.
Masaya din ako sa pagtatapos ng winter.
Hindi na kasi malamig at hindi ko na kailangang magsuot ng makakapal na damit at boots.
Puwede na din kaming magtanim ni Tita Nena ng mga bulaklak sa garden.
Tinutulungan ko kasi siya.
Ako din ang malimit na magmow ng front at back lawn.
May seasonal allergy kasi si Ate Mercy.
Walang tigil ng kakabahing kapag naamoy ang bagong tabas na damo o di kaya kapag nasinghot ang nagliliparang pollen.
Gusto ko ang amoy ng bagong tabas na damo.
Lalo na kung katatapos lang ng ulan at mamasa-masa pa ang lupa at mga dahon.
Gusto ko ang init ng araw na tumatama sa balat ko.
Gusto ko ang liwanag sa paligid at ang tunog ng mga batang nagtatawanan habang naglalaro.
Gusto ko sila na nakikita na naghahabulan o di kaya pinapatunog ang bell sa mga sinasakyang bisikleta.
Pakiramdam ko, kasabay kaming gumigising sa pagsapit ng spring.
"Everything looks good." Sabi ng doktor na nagpakilala bilang si Dr. Webster.
Black ang buhok niya.
Berde ang kulay ng mga mata.
Marami siyang pekas sa ibabaw ng ilong.
Maganda ang ngiti niya.
"Thank you, Doctor." Sabi ni Ate Clara.
"I'll leave you for now. Call me if you need anything." Tumingin siya kay Ate at kay Hazel.
"Babe, you're back." Bigla akong niyakap ni Hazel.
"I didn't leave." Sobrang higpit ng yakap niya sa akin.
Iyak pa din siya ng iyak.
Tumulo sa batok ko ang luha niya at nanuot sa manipis ng tela ng gown.
"I'm going to call mom." Sabi ni Ate Clara habang kinukuha ang phone sa suot na dark blue scrubs.
Lumabas siya sa kuwarto pagkasabi ng hello.
"I miss you so much." Halik ng halik sa pisngi ko si Hazel.
Umiiyak siya tapos ngingiti.
"I miss you too." Tinapik ko ang gilid ng kama para umupo siya.
Umisod ako para magkasya siya sa makipot na higaan.
"Kuwentuhan mo ako." Inangat ko ang kanang kamay at inakbayan siya.
"Where do you want me to start?"
"From the very beginning."
Ang sabi ni Hazel, I was lucky to be alive.
Hindi daw nakaligtas ang driver ng semi.
Hindi din factor ang alcohol.
Masama talaga ang panahon ng araw na iyon.
When I left their house and told her I wanted to be alone, ang tunay na dahilan was, gusto kong kausapin si Nanay.
For a long time, ang akala ko talaga, hindi niya alam ang tungkol sa amin ni Hazel.
Nakalimutan ba niya na sinugod niya ito minsan sa trabaho bitbit ang mga love letters na akala ko ay tinago ko sa pinakailalim ng aparador?
I wanted to confront her.
Iyon ang totoo.
Medyo galit ako ng iniwan ko si Hazel pero habang nasa biyahe, naisip ko na deserve ko din naman ang galit niya.
Ang sabi nga ni Tita, ang tagal kong naglihim tungkol sa pagkatao ko.
Pero hindi ko naman masisi ang sarili ko.
Unlike Hazel na malakas ang loob, pinag-iisipan kong maigi ang mga bagay-bagay bago ako magdesisyon.
May pitong tao na lagi kong kinokonsidera.
Hindi naman kasi ako selfish na tao.
Kaya nga ang sakit sa akin noong galit na galit si Tatay at sinabihan niya ako na magsama kami ng girlfriend ko.
Na nagmamalaki na daw ako dahil marami na akong pera.
Oo nga at totoo na marami akong naipon.
Pero pinili ko ang magtiis at magtipid dahil sila ang iniisip ko.
"Lagi kong kausap sa video call ang family mo lalo na si Ate Lara."
Binalik ko ang atensiyon kay Hazel na nakatitig sa akin.
Hawak niya ang kamay ko ng mahigpit.
Akala mo ay aalis ako eh.
Wala naman akong puwedeng puntahan dahil nakakabit pa din sa kamay ko ang mga IV tubes.
"Si Nanay?"
"Nakausap ko na din siya."
"Nag-usap na kayo?"
"Oo. Nang dumating ako minsan, kausap siya ni Tita Nena sa phone. Lagi kasi niyang ina-update ang kapatid sa condition mo. Nagulat na lang ako ng inabot akin ni Tita ang phone. Kausapin ko daw ang nanay mo. Akala ko nga, hindi niya ako kakausapin."
"Anong nangyari?"
"Nagsorry ako sa kanya. Hindi ko kasi natupad ang promise ko to leave you alone."
Tumingin sa akin si Hazel na parang meron pa siyang dapat i-dugtong sa sinabi niya.
"Sinabi ko sa nanay mo na mahal talaga kita. Sinabi ko sa kanya na hihintayin kitang gumising kahit sa ospital ako tumira para araw-araw kitang makasama."
May kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya.
"Mula ng maaksidente ka, lagi akong nandito. Pagkagaling ko sa trabaho, dito na ako dumidiretso. Kilala ko na nga ang mga nurse at doktor. Sabi nga nila sa akin, hindi naman kailangang araw-arawin ko ang pagdalaw sa'yo."
"So, bakit lagi kang nandito?" Pinisil ko ang malambot niyang palad.
Mainit sa pakiramdam ng malamig kong mga kamay.
"Baka kasi gumising ka. Gusto kong makita ang moment na iyon."
"At nakita mo kanina."
"Oo, Lena." Naiyak siya at bigla akong niyakap.
"Hindi ka ba nagduda na baka hindi na ako gumising?"
"Hindi ako nagduda. Sanay na ako na naghihintay sa'yo palagi."
"Buti at hindi ka nainip?"
"Lena, pitong taon kitang tiniis. If I have to wait seven more years, gagawin ko."
"You will?"
"Oo. Mahal kita at ikaw ang gusto kong makasama."
"What if I decide not to wake up?"
"Then ibang usapan na iyon."
"Anong iisipin mo in case I decided na maging Sleeping Beauty forever?"
"Can't I wake you up with a kiss?"
Ngumiti ako.
"I heard the birds singing."
Kumunot ang noo niya.
"What?"
"Huni ng mga ibon ang narinig ko that's why I woke up. Those were my earliest memory when I came to Canada. Naisip ko, spring na. It's time to wake up to a new day, a new season. It's time to welcome the rebirth of everything and everyone."
"This is your rebirth, Lena." Pinatong niya ang kamay sa dibdib ko.
"And I am so glad you were the first person I saw when I woke up." Hinalikan ko siya sa noo.
Pagbalik ni Ate Clara, sinabi niya na tinawagan niya na si Tita Nena pati ang pamilya ko.
"Excited silang lahat na makita ka."
"Puwede ko ba silang makausap?"
"Are you sure kaya mo na?" Concerned ang itsura niya.
"Oo, Ate. Matagal na akong nakapagpahinga."
"Okay." Kinuha niya ulit ang phone at tinawagan ang family ko.
Kumpleto silang lahat.
Dumalaw pala si Emman at ang family niya.
Lahat sila umiiyak.
Pati si Kuya Edwin, sumisinghot.
Kung noong huling nag-usap kami ay galit siya dahil sa sinabi ko kay Nanay, ngayon hindi na.
Si Nanay, iyak ng iyak.
Pareho sila ni Tatay.
Pero hindi uso sa pamilya namin ang nagsosorry.
Sa ibang paraan namin sinasabi na hindi na kami galit.
Tinanong ako ni Tatay kung okay ang pakiramdam ko.
Wala daw bang masakit?
Nakikita nila sa tabi ko si Hazel pero walang nagtanong kung bakit nandoon siya.
Hindi din ako nagtanong.
Namiss ko ang graduation ni Lexi.
First honor pala siya.
Si Lucy at Eli, lagi daw namimiss ang nanay nila.
Ang kuwento ni Eli, hindi na daw siya nagbubulakbol.
Nagshift din siya ng course kasi ayaw niya naman talaga niya ng HRM.
IT pala ang hilig niya.
Naghahabol daw siya kasi hindi maganda ang mga grades niya dati.
Si Emil naman, engaged na sa girlfriend niya.
"Sa December ang wedding, Ate. Sana makauwi kayo ni Ate Hazel."
Napatingin ako kay Hazel na tahimik lang na nakikinig.
Nagngitian kami.
Mukhang happy ending naman pala habang Sleeping Beauty ako.
May kuwento din si Emman.
"Buntis si Kat. Four months na. Ninang kayo ni Hazel ha?"
"Congrats." Natutuwang sabi ko.
"Excited si Chelsea?"
"Medyo nasasanay na sa idea na magiging ate na siya." Ngumiti si Emman.
Hindi din nagpahuli si Kuya Edwin.
"Kinuha akong driver ni Mayor. Tatlong buwan na akong may trabaho, Lena."
"Congrats, Kuya. Huwag kang tatamad-tamad ha?"
"Hindi ano? Lagi nga akong on-time pumasok."
"Anak, baka pagod ka na?" Paalala ni Nanay.
"Okay naman po ako."
"Magpahinga ka na muna para lumakas ka."
"Sige po."
Pipindutin ko na sana end button pero nagsalita ulit si Nanay.
"Hazel, salamat sa pagbabantay kay Lena ha? Magpahinga ka din at may trabaho ka pa."
"Opo, Tita."
Kumaway kami at nagpaalam na sa kanila.
"Dapat pala lagi akong nakocomatose eh." Pabirong sabi ko ng inabot kay Ate Clara ang phone niya.
"Huwag ka nga magsalita ng ganyan?" Hinataw ako ni Hazel sa braso.
"Joke lang. Ito naman."
Tinanong ko si Ate Clara tungkol kay Tita Nena at Ate Mercy.
"Okay naman si Mommy. Si Mercy, may nakilala na Taiwanese. LDR silang dalawa."
"Eh kayo ni Eileen?"
"We broke up." Lumungkot ang itsura niya.
"Bakit?"
"She wanted to marry a man so I let her go."
"Sorry, Ate."
Nagkibit-balikat siya.
"It's okay. I'm seeing someone."
"Talaga? Sino?"
Nagkatinginan sila ni Hazel.
"Ang doktor mo." Sagot ni Ate.
"Si Dr. Webster?"
Tumango siya.
"Kaya pala ganoon ang tingin sa'yo."
"Anong tingin niya?"
"Parang gusto ka niyang kainin."
Namula ang pisngi ni Ate.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top