31: La Femme Accident
May distracted driving law in effect sa Alberta.
Sa tagal ng nagmamaneho ni Lena, siguro naman alam niya na ang tungkol dito.
Ang mga pagkakataon na magkasama kami sa sasakyan, I could say na she's a very good driver.
Marunong sumunod sa mga signs at traffic laws.
Wala ding road rage.
Hindi katulad ko na nakikipaghabulan sa mga sira-ulong motorista.
I guess that makes me one too.
Kaya naman ng sinagot ko ang tawag, hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi ni Ate Clara.
Ang una ko pa ngang naisip was, it was a prank.
Pero why would she joked about Lena being in critical condition in the hospital?
May collision daw na nangyari involving Lena and a semi.
Nawalan daw ng control ang truck at napunta sa lane ni Lena.
Her car spun in the highway and only stopped when it hit the metal barrier.
Parang biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko.
Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi ni Ate Clara.
Ang naisip ko lang was that moment bago siya umalis.
The two of us in the threshold saying I love you to each other.
Sinabi ko kay Ate Clara na gusto kong pumunta sa ospital.
Puwede akong magtaxi pero Ate Clara told me not to.
Kinabukasan na lang daw ako umalis.
It's not safe on the roads right now dahil madulas.
Sila na daw ang bahala kay Lena.
Naabutan ako ni Maddie na umiiyak.
Nagtanong siya agad kung anong nangyari.
Paputol-putol na kinuwento ko ang lahat.
Tulad ko, naghalo din ang takot at pag-aalala kay Maddie.
"I have to go to her," Sabi ko kay Maddie.
"Pero anong gagawin natin? Magtataxi tayo."
"Kahit ano, Maddie? Gumawa tayo ng paraan. Kailangan ko siyang makita."
"Try natin ang Uber." Sabi niya.
Isang oras kaming naghintay.
Muntik ko pang makalimutang magsuot ng jacket dahil sa pagmamadali.
Magkahawak kamay kami ni Maddie sa loob ng sasakyan.
Walang tigil ang luha ko sa pagtulo.
Pareho kaming tahimik.
Isa iyon sa mga pagkakataon na walang masabi si Maddie.
Pagdating namin sa ospital, dumiretso kami sa intensive care unit.
Nagkaligaw-ligaw pa kami.
Ilang tao ang pinagtanungan namin bago narating ang ICU.
Sinalubong kami ni Ate Clara sa waiting area.
Mugto din ang mata niya sa kakaiyak.
"How is she, Ate?" I was almost afraid to ask the question.
Tiningnan ako ni Ate Clara ng diretso.
"I hate to say this but only a miracle can save her."
Lalo akong umiyak.
This wasn't how I imagined the night to turn out.
Nang biglang sumulpot si Lena sa coffee shop, I was so happy.
Hindi siya nagsabi na darating siya.
Paglabas ko sa counter, nandoon na siya.
I even asked kung anong ginagawa niya doon.
Susunduin daw ako.
Baka kasi matagalan ang bus dahil masama ang panahon.
Simpleng gesture lang pero dama ako ang concern niya para sa akin.
I was looking forward to the two of us having a quiet dinner at home.
That didn't happen.
Nag-away kami because of what Gin said to her.
It was such a strange conversation na nauwi sa pagtatapat ko sa kanya about what her mother said.
Matagal na panahon na dinala ko iyon.
Wala na din naman akong balak sabihin sa kanya kasi nakaraan na iyon eh.
Naiintindihan ko naman kung bakit iyon nasabi ni Tita Emilia.
Kahit hindi ko nagustuhan na pinagbantaan niya ako, naisip ko na lang na baka iyon lang iyon.
Empty threats.
Pagkatapos kasi noon, wala namang nanggulo sa akin.
Kung minamanmanan nila ako, hindi ko alam.
What I didn't expect was to see her like this.
Nakaratay sa hospital beds with multiple tubes attached to her body.
Ang sabi ni Ate Clara, Lena was fighting for her life.
If she made it through the night, there's a small chance she'll get over this.
Until then, the only thing we can do is wait.
Wait.
That's all I do with Lena.
The first time I told her I want us to be more than friends, I had to wait.
She needed time to figure things out on her own.
Kailangan maintindihan niya ang sitwasyon bago siya magdecide kung ano ang gagawin niya.
She did the same thing for her coming out.
It took her years bago magsabi sa magulang niya without knowing that her mother beat her to it.
Habang nasa waiting room, sinabi ni Ate Clara na tinawagan na ng Mama niya ang pamilya ni Lena.
"They must be so worried." Sabi ko.
"Iyak daw ng iyak ang nanay ni Lena."
Nagkatinginan kami.
Pareho naming alam na hanggang ngayon, hindi pa din sila nagkikibuan.
"I don't know what I'll do if she doesn't make it." Bigla na lang akong umiyak.
"Haze," Maddie's arm went up to hug me.
Natatakot ako.
I tried not to look at the clock on the wall.
Para kasing ang bagal ng oras.
Gusto kong gumising na si Lena pero wala akong control sa kanya.
She was in a different realm.
A place I couldn't go to.
A place I'm not allowed to trespass because I don't have a ticket.
It was a journey I'm not a part of.
Perhaps it wasn't even a journey Lena wanted to be in.
Habang hinihintay ko siyang bumalik, kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.
Nangingibabaw ang takot.
Dahil paano kung hindi siya bumalik?
Paano kung tanggapin niya na this is it for her?
A miracle.
Iyon ang sabi ni Ate Clara.
I closed my eyes and prayed.
Lena, please return to me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top