30: Those Seven Years Of Silence




I admit that since Lena gave me the money I needed to pay off my father's debt, I can breathe easily.

Gumigising ako sa umaga ng hindi nag-aalala kung ano ang naghihintay sa akin sa Canada.

Dati, nakasalalay ang future ko sa pagiging permanent resident.

Nandoon ang takot na paano kung hindi ako makapasa sa mga requirement para manatili dito?

Paano kung magkaroon ng delay sa pagpaprocess ng papeles namin?

Paano kung mag-expire ang visa namin?

Paano kung magbago na naman ang immigration guidelines?

What if mapauwi kami?

Lena's help changed all that.

Oo nga at utang pa din siya pero hindi ako nag-aalala sa interest.

Pati si Ate Ruby, hindi makapaniwala.

Ang sabi pa niya, nahihiya daw siya sa naging treatment niya dati kay Lena.

"Pag-uwi ninyo, I'm going to apologize to her."

Happy na sana ako dahil sa medyo nabawasan ang problema ko.

Pero meron akong napansin kay Lena na kakaiba.

Tahimik na siya noon pa pero lately, malimit kong mapansin na parang malimit siyang matulala.

We would be talking then all of a sudden biglang matatahimik.

Tinanong ko siya kung may problema pero wala daw.

Pagod lang daw siya dahil sa daming volume ng calls.

Somehow I wasn't convinced.

Nang minsang sinundo niya ako, tinanong ko siya ulit.

Ayaw pa niyang magsabi sa akin but then I told her na if there's one thing I don't like, iyong naglilihim.

"An open communication is very important to me. Alam mo iyan."

She said to wait hanggang makauwi kami.

Pagpasok sa bahay, pinaghanda ko muna siya ng makakain.

Hindi ko inexpect na susunduin niya ako pero mabuti na din dahil it was freezing outside.

Pag-alis ko kaninang umaga, the temperature was already at -25 Celsius.

As the day wore on, lalong lumamig.

Walang snow pero madulas ang kalsada.

The cold was bone chilling.

I checked the weather forecast at -38 Celsius na.

Now wonder Lena hated winter.

Nilabas ko ang glass bowl ng tinolang manok at sinalin sa kaserola.

Binuksan ko ang stove at habang hinihintay na mainit ang ulam, tinabihan ko si Lena sa sofa.

Inalis niya ang tingin sa phone.

"Anong gumugulo sa isip mo?"

"Wala iyon. Huwag mo akong pansinin."

"Nagsisisi ka ba na pinahiram mo ako ng pera?" Diniretso ko na siya.

Iyon lang naman kasi ang naiisip kung dahilan.

"It's not that."

"What is it then?"

Ang tingin niya sa akin eh parang nag-aalinlangan.

"Lena, do I have to pull it out of you magtapat ka lang?" Hindi na friendly ang tono ko.

"I saw Gin."

Pagkabanggit ng pangalan ng ex ko, kinutuban ako.

"What happened?"

Kinuwento niya ang sinabi ni Gin.

Of how I used her dati.

As I listened to Lena, halo-halo ang naramdaman ko.

May galit, regret, shame.

It was a mistake to stay in the relationship lalo na at hindi na ako masaya.

"Galit ka ba?" Tanong niya ng hindi ako kumibo after niya magkuwento.

"Do you believe her?"

"I don't know what believe."

"Sa sinabi mo, para mo na ding sinabi na mas naniniwala ka sa kanya." Nainis ako bigla.

There was the feeling na siniraan ako ni Gin.

Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko.

"Haze, I didn't say that."

"Magkakilala tayo bago naging kami ni Gin. You know me more than anyone. Alam mo na hindi ako manggagamit. Kabaliktaran pa nga di ba?"

"What's that supposed to mean?"

Galit ang itsura niya.

I wished I could take back what I said.

Pero hindi na puwede.

"Wala." Sagot ko.

Ayoko na lalong lumala ang sitwasyon.

"Are you talking about us? Noong kapos ako at lagi mo akong binibigyan ng pera. Iyon ba?"

"I didn't say that."

"Hindi naman ako tanga, Hazel."

"Sinabi ko ba na tanga ka?"

"Diretsuhin mo na lang kasi ako at hindi iyong nagpapaligoy-ligoy ka."

"Ano bang gusto mong sabihin ko? Na noong bigla mo akong iniwan, pakiramdam ko ginamit mo lang ako iyon ba?"

Natigilan siya.

"Iyon ba ang naramdaman mo? Iyan ba ang dahilan kaya kahit magmakaawa ako at magmukhang tanga, hindi mo ako pinansin? Iyan ba ang reason kung bakit tinikis mo ako?"

"Lena, please?" Nagtaas ako ng kamay.

"I don't want to fight with you. I'm sorry I said anything."

Tumayo siya at pinasok sa bulsa ang phone.

"Uuwi na ako."

Tumayo din ako.

Hinila ko siya sa braso pero nagpumiglas siya.

"Hayaan mo muna ako. Saka na lang tayo mag-usap ulit."

"Ganyan ka pa din."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Aalis ka. Hahayaan mo akong mag-isip ng kung anu-ano."

"Ikaw ang nagsabi na ayaw mong mag-away tayo di ba?"

"Pero hindi ko sinabi na umalis ka."

"Ano bang gusto mong gawin ko, Hazel?"

"I want you to stay, Lena."

"And do what? Eat and pretend as if nothing happened? Iyon ba?"

"Okay. Do you really want to know why I never responded to your pleas?"

She exhaled sharply.

"Kinausap ako ng nanay mo."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Anong sinasabi mo diyan?"

"Why don't you sit down?"

Atubili siyang umupo.

"A week after you left, pinuntahan niya ako sa Macky's. Nagulat ako kasi hindi naman siya pumupunta sa store kahit noong nandoon ka pa. Sinabi niya na gusto niya akong makausap."

Thinking of that day was difficult for me.

Kahit ang tagal na, parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Nasa kitchen ako ng pumasok ang isang dining crew.

May naghahanap daw sa akin.

Hindi pa nga maalala ng crew ang pangalan.

Lumabas ako ng kitchen at tinuro ng crew kung sino ang bisita ko.

Nagulat ako tapos biglang kinabahan.

Ang unang pumasok sa isip ko, baka may nangyari kay Lena.

Baka nagcrash ang eroplano niya at hindi ko man lang nabalitaan.

It was ridiculous to think that way pero malay ko ba?

I didn't say goodbye when she left.

Kung sakali ngang may nangyari sa kanya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Nilapitan ko si Tita Emilia.

Kinumusta ko pa nga siya pero hindi niya ako sinagot.

Tinanong niya ako kung puwede kaming mag-usap.

Tumingin siya sa bakanteng party area.

Nauna akong lumakad at sumunod siya sa akin.

Pagkaupo namin, nilapag niya sa lamesa ang bitbit na plastic bag.

"Buksan mo." Sabi niya.

Sumunod naman ako.

Inalis ako ang handle sa pagkakatali.

Pagbukas ko, nandoon ang mga pastel colored envelopes na sulat ko kay Lena.

More than the discovery of our private missives, what hurt me more were her words.

Ang sabi ni Tita, matino si Lena.

"Hindi siya pumapatol sa kapwa niya babae. Layuan mo ang anak ko. Huwag mong hintayin na may masamang mangyari sa'yo."

Nang oras na iyon, nag-iba ang tingin ko sa nanay niya.

Hindi ko alam kung dala ng galit kaya binantaan niya ako.

But when I looked in her eyes, there was a fire that warned me to heed her words.

I wanted to call her on her bluff but something inside was telling me not to bother.

Tumango na lang ako at kinuha ang plastic bag.

"I'm not making it up, Lena." Sabi ko sa kanya after ko magkuwento.

"Natakot ako. Kung totoo man o hindi ang sinabi ng nanay mo, I don't want to find out when it's too late."

"Ba't hindi mo sinabi sa akin?"

"Hindi ka ba nakikinig? Gusto niyang layuan kita."

Napasandal siya sa sofa tapos bumuntong hininga.

"I didn't expect to see you again much less feel the same way I did before. Pero ang sabi ko, malayo na ang nanay mo. Hindi niya ako basta-basta masasaktan. Hindi siya basta-basta susulpot para bantaan ako. I took the chance dahil I wasted seven years of my life without you. Ayokong maghintay ulit ng maraming taon dahil what if tuluyan ka ng mawala sa akin?" Tumulo ang luha ko.

Walang may alam tungkol sa sinabi ni Tita Emilia.

Kahit kinukulit ako ni Maddie na patawarin ko si Lena, tiniis ko ang lahat.

Kahit masakit mabasa ang dalawang kataga sa email niya, pinigil ko ang sarili ko.

I was only afraid of the threat.

Mas takot ako sa maaaring mangyari kay Lena kapag nalaman ng nanay niya na nag-uusap kami ulit.

"Sorry, baby." Niyakap niya ako, hinalikan sa noo at hinagod ang likod.

"I'm sorry too." Pinakawalan ko na ang mga kataga na matagal niya ng gustong marinig.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin.

"I have to go, okay?" She touched my chin lightly.

"Why? Are you still mad at me?"

"No. I just need to be alone."

"May nasabi ba akong masama?"

"No, babe. The truth is, you gave me the answer I was looking for."

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

"Bakit kailangan mong umalis?"

"Basta. I will call you kapag nasa bahay na ako, okay?" Tumayo na siya ulit.

"Kumain ka muna? Baka gutom ka na."

"I'm okay." Lumakad na siya papunta sa pinto.

Kinuha niya ang down jacket na nakasabit sa wooden hook.

Mabilis niya itong sinuot.

Hinugot ni Lena ang wool gloves sa bulsa  at sinuot ito bago sinara ang zipper ng jacket.

"I love you," Sabi niya bago binuksan ang pinto.

"I love you too. I always have."

Lena kissed my lips bago lumayo.

Three hours later as I was lying in bed, I would get a call that would change the course of my life forever.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top