29: The Other Side Of The Story




Niyaya ako ni Tita Nena na samahan siya sa doktor niya sa clinic nito sa northwest.

Mula kasi ng sabihin ni Ate Mercy na hindi na siya magpapakasal kay Carlo, malimit sumakit ang dibdib niya.

Sinabihan pa nga niya ako na huwag ko daw sabihin sa mga anak niya.

Ayaw niya kasing mag-alala ang mga ito.

Isa pa, ayaw din niya na sisihin ni Ate Mercy ang sarili niya.

Tanggap naman daw niya ang ginawa nito pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng hiya hindi lang kay Carlo kundi lalo na sa pamilya nito.

Kahit mahirap sa akin na ilihim ang nangyayari kay Tita Nena, pinapangako niya ako na huwag na huwag akong magsasabi sa kanila lalo na kay Ate Clara.

"Kilala mo naman iyon." Sabi ni Tita habang nasa biyahe kami.

"Siguradong pipilitin niya na magpacheck-up ako."

Noong una, okay pa siya.

Pero ng niyaya niya ako na samahan siya, lalo akong nag-alala.

Hindi daw siya masyado makatulog.

Bukod pa doon, konting kaluskos lang daw eh grabe ang kabog ng dibdib niya.

"Mabuti pa siguro na pumunta na tayo sa doktor. Baka kung ano na ito."

Bukas ang clinic kapag Sabado.

Wala si Ate Clara dahil morning shift sa ospital.

Si Ate Mercy naman, sa kaibigan niya natulog dahil umattend ng birthday party.

Kami lang ni Tita sa bahay.

Alas-diyes ang appointment niya at pagkatapos namin mag-almusal, dumiretso na kami sa doktor.

Habang nasa biyahe, tinanong ako ni Tita kung nagkausap na kami ni Nanay.

"Hindi pa po." Hindi ko inalis ang tingin sa kalsada.

"Hanggang ngayon?"

"Opo. Ang sabi nga ni Kuya Edwin, baka daw mamuti ang mata ko sa paghihintay."

"Grabe naman 'to si Emilia. Parang ang sama mo namang anak."

May sumundot sa puso ko dahil sa sinabi ni Tita.

Mula ng magalit si Nanay, ang mga kapatid ko na lang ang nagbabalita sa akin.

Patuloy pa din ako sa pagpapadala ng mga allowance nina Lexi, Lucy at Eli.

Sila din ang nagmimessage sa akin para magpasalamat.

Si Ate Lara at Emil ang malimit humingi ng paumanhin dahil sa pandededma sa akin ng magulang namin.

Nakatanggap din ako ng message kay Emman.

Pumunta pala sa kanila minsan si Ate Lara para dalawin si Chelsea.

Ang tanong niya sa akin ay kung okay lang daw ba ako?

Nagulat ako kasi ang akala ko, uuriratin din niya ang sinabi ko.

Nang sinabi ko na ayos lang naman ang kalagayan ko, sinabi ni Emman na kung uuwi daw ako eh puwede akong tumuloy sa bahay nila.

"Kung sakali lang naman na hindi pa okay sa'yo sina Nanay. Wala namang problema sa amin ni Kat. Maluwag ang bahay namin para sa'yo."

Halos maiyak ako sa nabasa ko.

Sa aming magkakapatid, hindi palakibo si Emman.

Pero kapag nagsalita, may saysay naman.

Wala din naman kaming problema ng asawa niya kahit pa hindi pabor sa kanya sina Nanay.

Ander daw kasi si Emman.

"Kakausapin ko ulit si Emilia. Baka kung ano ang mangyari sa kanya sa ginagawa niya."

"Tita, hayaan niyo na lang po muna si Nanay. Kilala niyo naman iyon. Masama magalit."

"Pero anak ka niya. Isa pa wala kang ginawang masama."

Hindi na ako kumibo.

Pareho ng ugali si Tita at si Nanay.

Kapag buo na ang isip nila, harangan man ng sibat, hindi magbabago ang isip nila.

Ang sabi ng doktor, mataas ang blood pressure ni Tita Nena.

Binigyan siya nito ng prescription.

Pagkaalis namin sa clinic, daan daw muna kami sa Asian supermarket na malapit lang sa clinic.

"Nandito na lang din tayo." Sabi ni Tita.

Nasa strip mall ang supermarket.

Green and white ang pintura at kita sa glass windows na madaming tao sa loob.

Kumuha ako ng cart sa corral habang naghihintay si Tita sa gilid ng building.

Pagpasok namin, ang amoy ng durian ang sumalubong sa amin.

Nasa pinto kasi nakapuwesto ang mga ito.

Sa loob ng building ay may mga opisina ng real estate agent, insurance at money remittance centre.

Sa bandang dulo ang malaking grocery at doon kami dumiretso ni Tita.

Nasa bukana ang bakery.

Nakadisplay sa wooden shelves ang iba't-ibang klaseng tinapay.

Lumapit si Tita sa shelf na may lamang Spanish bread, pandesal, ensaymada at tasty.

Kumuha siya ng dalawang pack ng Spanish bread, isang balot ng pandesal at dalawang pack ng ensaymada.

Nakaramdam ako na kailangan kong gumamit ng banyo kaya nagpaalam ako sa kanya.

"Puntahan mo ako doon sa aisle ng mga longganisa." Sabi niya.

"Sige po. Text ko kayo kung hindi ko kayo makita."

"Okay."

Lumakad ako pakaliwa.

Nadaaanan ko ang chiller na puno ng iba't-ibang brand at klase ng tofu, rice at ramen noodles.

Sa gilid noon ay ang washroom.

Tatlong babae ang nakapila.

Tumayo ako sa likod ng isang tao na nakablue snap back cap na may logo ng Toronto Blue Jays.

Saglit pa lang ako nakapila ng bigla siyang humarap.

Nagkatinginan kaming dalawa.

Si Gin pala.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Ang isang bahagi ng isip ko, nagsasabi na tumalikod ako at bumalik na lang ulit mamaya.

Pero naiihi na talaga ako.

"Of all people ano? Ikaw pa talaga ang nakita ko." Mapang-asar na sabi niya.

Napalingon tuloy ang babae sa kanya.

"It's not like I want to see you either." Buwelta ko naman.

"You got the girl. I hope happy ka na."

"Baka nakakalimutan mo, Gin, you owe me. Kung gusto kitang sampahan ng kaso dati, I could have done it."

Natahimik siya sa sinabi ko.

"Alam mo kung bakit ko nagawa iyon sa'yo?" Tanong niya ng makabawi.

This time, mahinahon na ang tono niya.

"Binigay ko kay Hazel ang lahat hoping that in return, makikita niya kung gaano ko siya kamahal. I admit na may mga pagkukulang ako. Nobody's perfect naman eh. Pero sana lang, I didn't love her that much para magmakaawa lagi sa kanya everytime naghahamon siya ng hiwalayan."

Narinig ko ang pag-ingit ng pinto.

Lumabas sa washroom ang isang matandang babae.

Pumasok na ang nasa unahan ni Gin.

Lumakad kami papalapit sa pinto.

"She probably told you na nakipaghiwalay siya sa akin when she learned she found a job dito. Ayaw niya talaga akong sumama. Pero ayoko ng long distance relationship. Hindi naman ako tanga, Lena. Ramdam ko naman na she didn't love me the way she used to. Pero ganoon kasi ako eh. Kapag mahal ko ang isang tao, kapag alam ko na may chance pa to save the relationship, hindi ko sinusukuan. I don't turn my back on the smallest disagreement. It's my fault for being an eternal optimist. Sana nga marunong akong umatras minsan at hindi iyong puro puso na lang ang lagi kong sinusunod."

"What exactly are you trying to tell me?"

"I hope Hazel doesn't turn her back on you kapag ayaw niya na. Sana, maging honest siya at hindi iyong bibigyan ka ng mixed signals. Sana hindi ka niya gamitin tulad ng ginawa niya sa akin."

Bago ko pa maipagtanggol si Hazel, bumukas na ulit ang pinto.

Iniwan ako ni Gin na iniisip ang mga sinabi niya.

Habang nagdadrive pauwi, hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Gin.

That was her version of the story.

Iba din ang pagkakakilala ko kay Hazel.

She has always been generous sa akin dati.

Kapag nasoshort ako, inaabutan niya ako.

That was before the tragedy to her parents happened.

Nang hindi niya sinagot ang mga pagmamakaawa ko na patawarin niya ako, ang tanging alam ko lang ay base sa mga kuwento ni Maddie.

Hindi ko alam kung malaki na ang pinagbago niya sa loob ng maraming taon na hindi kami nag-usap.

Sa nakikita ko naman, siya pa din ang dating Hazel na minahal ko.

Maalaga at malambing.

Naisip ko ang perang pinautang ko sa kanya.

I gave her the cheque ng walang paga-alinlangan.

This was a week after I told her na gusto ko siyang tulungan.

Atubili pa nga siyang tanggapin pero sinabi ko na nai-transfer ko na ang pera.

Tinawagan pa nga ako ng bangko dahil akala nila, may suspicious activity sa account ko.

Hindi pa kasi ako nagtatransfer ng ganoong kalaking halaga dati.

Naisipan ko siyang tulungan dahil kapag nag-uusap kami, dama ko na nahihirapan siya.

Alam ko ang pakiramdam ng may pinagkakautangan.

Lumaki kaming magkakapatid sa ganyan.

Umabot pa nga sa punto na ang mga taong inakala nina Tatay at Nanay na makakaintindi sa sitwasyon namin ang siya pang nangungutya sa kanila.

"Lena, baka malampasan mo ang bahay natin."

Kumurap ako at nakita na hindi pala ako tumigil sa tapat ng bahay namin.

"Sorry po, Tita." Tinapakan ko ang preno at pagtigil ng sasakyan, pinatay ko ang makina.

"Hayaan mo at kakausapin ko ang nanay mo." Sabi niya.

Kahit hindi ko naman iniisip si Nanay, tumango na lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top