24: The Truth About Lena




Noong malapit na akong grumaduate sa high school, hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga magulang ko na nakapasa ako sa entrance exam sa college.

Lingid kasi sa kanila, nagtake ako ng entrance exam.

Bakit ko tinago?

Kasi, palaging sinasabi sa akin ni Tatay na pagkatapos ng high school, titigil na ako sa pag-aaral.

May iba pa daw akong kapatid na nag-aaral din.

Hindi na daw nila kayang pagsabay-sabayin ang lahat.

Mas mabuti daw kung magtrabaho na lang ako.

Makakatulong ako ng malaki sa aming lahat.

Pero gusto ko talagang mag-aral sa college.

Ang edukasyon ang nakikita kong paraan para makaahon kami sa hirap.

Kung titigil ako, o kung idedelay ko ang pag-aaral, baka tamarin na ako.

Kaya naman hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanila ang lahat.

That's the thing with delaying.

Habang lumilipas ang mga araw, hindi naman nababawasan ang anxiety at agony ko.

Ang totoo nga, nai-stress akong maigi.

Pagod ako emotionally.

Minsan hindi din ako makatulog sa kakaisip.

Napupuyat ako dahil pinagbabali-baliktad ko sa isip ko kung ano ang dapat kong gawin.

It wasn't even a bad thing.

Pero nagiging negative ang magandang bagay dahil sa magkaibang opinion namin ng magulang ko.

Nang hindi ko na kaya at kahit natatakot na magagalit sila, kinausap ko si Nanay.

Sinabi ko sa kanya ang ginawa ko.

Noong umpisa, nasermonan niya ako.

Bakit ko daw ito ginawa?

Naisip ko daw ba ang mga gastusin?

Isa pa, paano kung magalit si Tatay?

"Gipit na tayo, Lena. Saan kami kukuha ng pambayad sa mga libro mo at iba pang gastusin? Saan ka kukuha ng pambaon?"

Sinabi ko na magwoworking student ako.

Duda si Nanay na kaya kong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Pero pinagpilitan ko ang gusto ko.

Nang dumating si Tatay, hindi pa man nito nailalapag ang bitbit na tool box, sinabi agad sa kanya ni Nanay ang nangyari.

Nasigawan ako ni Tatay.

Wrong timing naman kasi.

Gutom at pagod si Tatay pero hindi man lang tinantiya ni Nanay kung good mood ito o hindi.

Nasermonan tuloy ako.

Kesyo malaking problema daw ang pinasok ko.

Wala daw siyang ipantutustos sa pag-aaral ko.

Huwag ko daw ipagpilitan ang pagkacollege dahil hindi nila kaya.

Habang maaga pa daw, huwag kong tanggapin ang scholarship.

Pero pinanindigan ko ang gusto ko.

Sinabi ko din sa kanya ang sinabi ko kay Nanay na magwoworking student ako.

"At ano? Papatayin mo ang sarili mo ganoon ba?"

"Kesa naman mamatay tayong pare-pareho sa gutom."

Umangat ang kamay ni Tatay.

Ang akala ko talaga, sasampalin niya ako.

Pero binaba niya ang nanginginig na kamay.

"Bigyan niyo ako ng chance." Nagmamakaawang sabi ko.

"Kahit isang taon lang. Try ko kung kaya ko. Kung hindi, magdadrop ako. Magtatrabaho. Hindi ko na ipipilit ang gusto ko. Basta bigyan niyo ako ng pagkakataon na sumubok."

Nakita siguro ni Tatay ang determinasyon ko.

Ang sabi niya na lang sa akin ay basta kaya ko, bahala na ako sa buhay ko.

Ito ang naalala ko habang nag-iisip kung paano ko sasabihin sa pamilya ko ang gusto kong mangyari.

Nang sinabi ni Tatay na bahala na ako, feeling ko, binibigyan niya ako ng kalayaan na magdesisyon.

Hindi ko naman sila binigo.

Nakakapagod pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Kahit hindi naging madali, hindi naman ako sumuko.

Nang makagraduate ako with honors sa business administration course na kinuha ko, proud na proud ang parents ko.

Naiyak pa nga silang dalawa.

Bukod kasi sa college, ako kasi ang unang nagkaroon ng degree sa pamilya namin.

Iba naman ang gagawin ko ngayon.

This has nothing to do with my education but my own happiness.

Tulad pa din kaya ng dati ang sasabihin ni Tatay na bahala na ako sa buhay ko?

Duda ako.

Mukhang hindi din nakikiayon ang pagkakataon sa akin.

A week before my birthday, nakavideo call kami ni Nanay.

Nagkadengue daw si Ate Lara at dinala sa ospital.

"May natira pa naman sa pinadala mo at meron akong naitatago kaya hindi na kita inabala."

Kinumusta ko si Ate Lara.

Okay na daw.

Iyak nga daw ng iyak ang mga pamangkin ko dahil natakot sa nangyari sa nanay nila.

Nawalan ako ng lakas ng loob na sabihin ang dapat kong sabihin.

Bigo na naman ako.

Bumalik na naman iyong feeling na nahahati ang isip at puso ko sa bagay na dapat kong gawin.

Pero mas nangingibabaw iyong kagustuhan na maging malaya.

Hindi ko alam kung hanggang kailan maghihintay sa akin si Hazel.

Baka dumating ang panahon na tapatin niya ako at sabihin na she needs to find her own happiness.

That she can't spend her own life wishing I'd grow a pair and just come out already.

When she came to Canada, I felt as if I was given another chance.

Kailangang sumubok ako ulit.

Dahil kapag nawala siya ng tuluyan sa buhay ko, hindi ko matatanggap na kaya siya nawala ay dahil naduwag ako at hindi ko kayang panindigan ang sarili ko mismong pagkatao.

Hindi tulad noong time na pinagpaliban ko ng matagal ang pagsasabi sa parents ko tungkol sa college application, this time hindi na ako makahintay para sa susunod na video chat namin.

Tinawagan ko si Nanay pagkagaling ko sa trabaho.

Alas-singko ng hapon sa Pinas, alas-siyete ng umaga sa Canada.

Nagulat siya dahil bakit daw ako tumatawag sa Messenger?

"May sasabihin ako sa inyo."

"Importante ba iyan?" Sa background ay kita ko si Kuya Edwin na naglalakad at may hawak na mug.

Mukhang naga-almusal pa lang.

"Importante po."

"Sabihin mo na agad at maliligo ako. May meeting ako sa barangay ng alas-otso."

"May girlfriend po ako."

Ganoon pala ang pakiramdam ano?

Buong maghapon, hindi ako makapagfocus sa trabaho.

Kahit pilit kong sinasabi sa sarili ko na ihiwalay ang mga personal na bagay sa trabaho, lalo namang nagsusumiksik sa isip ko ang lahat.

Hindi ko narinig ang pagsigaw ni Nanay.

Ang totoo nga, parang nabingi ako.

May ringing sound sa tainga ko at ilang segundo ang lumipas bago ko narinig ang sinasabi niya.

Ano daw ba ang pinagsasabi ko?

Boyfriend?

"Girlfriend po. Hindi boyfriend."

"Lena, naloloka ka na ba?"

Lumapit si Kuya Edwin.

Nakita ko ang kalahati ng ulo niya sa screen ng cellphone.

"Lena, anong sabi mo kay Nanay? Bakit namumutla siya?"

"Kuya, may girlfriend ako."

Hindi siya nagsalita.

"Kunin mo nga itong telepono. Kausapin mo ang kapatid mo."

May kumuskos sa microphone.

Malamang inalis ni Nanay ang earphones at binigay kay Kuya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Nahighblood tuloy si Nanay."

"Narinig mo ang sinabi ko. Hindi ko na kailangang ulitin pa."

"Mag-isip ka nga, Lena."

"Matagal ko ng napag-isipan, Kuya."

"Lagot ka kay Tatay."

"Okay lang. Kung magalit siya, kaya ko namang harapin."

"Napunta ka lang diyan, nabaliko ka na."

Napailing ako.

"Diyan pa lang sa Pinas, ganito na ako."

Lalo siyang nagulat.

"Saan nagpunta si Nanay?"

"Di ko alam. Dumiretso sa banyo. Baka nagkulong."

"Kung gusto niya akong kausapin, tawag lang siya."

"Baka mamuti ang mata mo sa kakahintay."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top