21: Moving Day




Wala pa kaming anim na buwan sa Canada pero ang dami ng nangyari.

Hindi ko na mahagilap si Gin after ng incident sa kanila ni Lena.

I tried calling but she changed her number.

No longer in service ayon sa voice recording.

I checked her social media accounts since binigay niya sa akin ang passwords kahit pa sinabi ko na I don't need it.

During the entire time we were together, I never snooped.

Importante sa akin ang privacy naming dalawa.

Pero gusto ko siyang macontact kaya kahit alam ko na hindi dapat, binuksan ko ang mga accounts niya.

I needed to talk to him about what happened.

Ayoko na may part two pa na maganap sa kanila.

But when I logged in sa mga accounts niya, incorrect na lahat.

It was a clear sign that he didn't want me to find him.

There was on more thing I could do pero pinigilan ako ni Maddie.

Sinabi niya na mas makabubuti kung pabayaan ko na si Gin.

"Bigyan mo din siya ng space. Baka imbes na makatulong ang presence mo, baka lalong makagulo." Payo niya ng sinabi ko na gusto kong puntahan si Gin sa restaurant kung saan ito nagtatrabaho.

"Baka mamaya, pati ikaw eskandaluhin ni Gin."

Inisip ko ang sinabi niya kaya imbes na hantingin ito, tinutok ko na lang ang atensiyon sa paglipat namin.

Nagconcentrate na lang ako sa pageempake ng mga gamit.

Dahil bago lang naman ako sa Canada, tatlong medium-sized boxes lang ang gamit ko.

Ang katwiran ko kasi, hangga't hindi pa kami settled, hangga't hindi pa namin naayos ang mga papeles for permanent residency, hindi muna ako bibili ng kung anu-ano.

Baka mamaya mapauwi kami sa Pinas, at least bawas sakit ng ulo ang pagdidispose ng mga gamit.

Maddie had a different thinking.

Umabot sa sampung malalaking kahon ang mga gamit niya.

Dalawa doon ang mga naipon niyang balikbayan boxes na ipapadala sa pamilya niya sa Pinas.

As much as I wanted to say something, tumahimik na lang ako.

To each her own.

Isa pa, may pagkahoarder ito si Maddie.

Lena helped us move our stuff.

Dapat magrerent kami ng moving truck pero in-offer niya ang sariling sasakyan.

Maluwag naman daw ang cargo space.

Babalik na lang kami para kunin ang iba pang gamit.

Nagsabi kami ni Maddie na kami na ang magpapagas sa sasakyan niya.

Papakainin na din namin siya.

Ayaw niya naman kasing tumanggap ng bayad eh.

Weekend namin naisipang lumipat.

May mga pamahiin pa kasi ito si Maddie tungkol sa auspicious dates and time.

Bago din kami lumipat, inuna naming dalhin ang bigas, tubig, mantika sa bahay.

Para daw masuwerte kami sa bagong bahay.   

Dinala din namin ang framed picture ng Sacred Heart.

Nilinis din namin ang bahay para paglipat, tutok na lang kami sa paga-unpack ng kanya-kanyang gamit at pag-aayos ng sariling kuwarto.

Ang mga mattress na inorder namin, idedeliver na lang.

At least hindi na namin poproblemahin pa ang pagpick-up ng mga kama.

Maaliwalas at maliwanag ang panahon sa araw ng paglipat namin.

Alas-otso dumating si Lena.

Naka khaki cargo shorts, rubber shoes at blue wicking shirt.

Ready siyang pagpawisan.

Hindi na namamaga ang ilong niya.

Buti na lang din at hindi tumabingi.

Nakashorts din ako, gray tank tops at rubber shoes.

Si Maddie, parang mamamasyal sa suot na red shorts, flip-flops at checkered long sleeves over a thin shirt.

Nakasabit pa ang Coach shoulder bag.

Todo pabango din.

Pupunahin ko sana pero hindi na lang.

Matanda na siya.

I hope alam niya kung ano ang ginagawa niya.

Buti na lang at tatlong kanto lang ang layo ng bago naming tirahan.

Lena had to make four trips dahil sa mga gamit ni Maddie.

Naiwan ako sa bahay.

Nilagay ko sa maliit na living room ang mga kahon.

Habang hinihintay silang bumalik,nilagay ko sa kuwarto ko ang mga kahon.

Average size ang mga rooms.

Kasya lang ang single bed, dresser at desk na provided ng landlord.

May sariling closet ang mga kuwarto.

Labeled ang mga boxes na dala ko.

Binuksan ko ang kahon na naglalaman ng mga gamit sa kusina.

Nilabas ko ang planggana, plastic dish drainer, plato, baso at mga kubyertos.

Nilagay ko sa lababo at hinugasan.

Naalala ko na baka  magutom si Lena kaya nag-order ako ng pizza for delivery.

Alas-diyes ko pinadeliver.

Kalilipat ko lang ng mga kahon na may lamang mga damit ng marinig ko na pumarada ang sasakyan.

Sumilip ako sa harapan.

Pababa na sina Lena at Maddie.

Binuksan niya ang likod ng sasakyan at pinagtulungan nilang buhatin ang malaking kahon.

Pinagbuksan ko sila ng pinto.

Hindi talaga pinag-isipan ni Maddie ang pageempake niya.

Kung maliit na kahon sana ang ginamit niya, mas madaling buhatin.

Pawis na pawis tuloy sila ni Lena.

"Lapag mo na lang diyan." Tinuro ko ang gilid ng pintuan.

"Itutulak ko na lang papasok." Sabi ko kay Lena.

Pumunta si Maddie sa banyo dahil naiihi daw siya.

"Grabe ang bigat." Pinunasan ni Lena ang noo niya ng dala-dalang hand towel.

"Gusto mo ng tubig?" Hinawakan ko siya sa braso.

"Please? Magkakahernia yata ako sa bigat ng mga gamit ni Maddie."

Sumunod siya sa maliit na kusina.

Binuksan ko ang ref at kumuha ng bottled water na nilagay namin ni Maddie noong naglinis kami.

Inabot ko kay Lena ang bote at inikot niya ang cap para buksan ito.

"Gusto mo tulungan ko kayo magbuhat?"

"Okay lang. Tatlong kahon na lang naman ang ipapasok eh." Tinungga niya ang tubig.

"Thank you ha?" Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa counter.

"You're welcome. Pababayaan ba naman kita?" Pinisil niya ang mga daliri ko.

Narinig namin ang pagbukas ng banyo.

Binitawan ni Lena ang kamay ko.

Nasa sala kaming tatlo ng mag-ring ang doorbell.

Nakatayo sa tapat ng pintuan ang pizza delivery guy.

Tinanong niya ang pangalan ko bago inabot ang extra large box ng Hawaiian Pizza.

Nagpasalamat ako sa kanya at pumasok na ako sa loob.

Si Maddie ang naghanda ng mga plato at baso.

Kinuha niya sa ref and 1.5-liter Coke, binuksan at nilagay sa gilid ng counter.

Kanya-kanya kaming salin ng inumin.

"Maganda ang vibes ko sa bahay na 'to." Sabi ni Maddie pagkaupo.

Magkatabi kami ni Lena at nasa harap namin siya.

"Sana nga." Kumuha ako ng isang slice ng pizza at nilagay sa plato ni Lena.

Napatingin si Maddie sa ginawa ko pero hindi nagsalita.

Dahil nadala na lahat ng gamit namin, nag-offer si Lena kung gusto naming mag-grocery.

"Para di na kayo mahirapan." Sabi niya.

"Good idea." Sang-ayon ni Maddie.

Bago dumating ang araw ng paglipat, inubos na namin ang mga perishable foods.

As usual, siya ang may maraming stock ng baboy, baka at manok.

Inadobo na lang namin at binaon sa trabaho.

"Saan ninyo gusto pumunta?"

"Sa Superstore na lang para mas mura." Sabi ko.

"Oo nga." Sang-ayon ni Maddie.

"Malay mo nakaduty si Joey. Makakadiscount pa tayo."

Pagkatapos naming kumain, hinugasan ni Maddie ang mga plato.

Dahil puno ng mga kahon ang sala, sa kama ko na lang kami umupo ni Lena.

Nilagyan ko na lang ng kumot dahil ayaw niyang umupo.

Maalikabok daw kasi ang shorts niya.

"Magiging okay ka ba dito?" Hinawakan niya ang kamay ko.

"I have to be okay. Wala namang choice eh."

Nagkatinginan kami.

Lena has always been perceptive of my feelings.

Parang alam niya kung overwhelmed ako.

"Basta, Haze, nandito ako para sa'yo. If you need me, tawag ka lang."

"Alam ko naman. Kaya nga laking pasalamat ko na nandiyan ka. Kung wala ka siguro, hindi ko alam kung anong gagawin ko."

"I'm sure you'll figure it out. Smart ka naman noon pa." Nginitian niya ako.

"Pero iba pa din na nandito ka. Kahit papaano, gumagaan ang mga problema ko."

"Haze," Hinawakan niya ako sa pisngi, "you're not alone. Tandaan mo iyan."

Nagtanong si Maddie kung aalis na kami.

Mabilis kaming naghiwalay ni Lena.

Nang gabing iyon, nakikiramdam ako sa paligid.

Tahimik sa basement at ganoon din sa taas.

Maghapon na hindi namin nakita ni Maddie ang may-ari.

Siguro umalis sila.

Tumawag si Ate Ruby pagdating namin sa grocery.

Kinumusta kung nakalipat na kami.

Nakita niya ni Lena habang naglalabas ng mga pinamili namin sa counter.

Nagpasalamat sa kanya si Ate.

I think it was the first time she talked to Lena.

Lihim akong natuwa.

Sana nga tama si Maddie na magiging masuwerte ang bago naming bahay.

Right now, I need all the luck I can get.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top