20: Tomato/Tomatoe




Pagdating ko sa bahay, nasa sala sila ni Ate Mercy at nanonood ng palabas sa Filipino Channel.

Nagulat sila ng makita ako pagpasok.

So much for wishing na maaga natulog si Tita dahil sa sakit ng ulo.

Umaasa din ako na wala si Ate Mercy at kasama si Carlo.

Pero luck wasn't on my side that night.

Ang hirap ipaliwanag ng hitsura ko kay Tita Nena.

Pinanindigan ko na ang alibi ko.

Kailangang maging consistent.

Bago ko iniwan si Hazel at Maddie, sinabi ko sa kanila na kung ano ang sinabi kong rason sa doktor, iyon ang version na sasabihin namin kahit sino ang magtanong.

Baka kasi dumating ang time na makilala nila si Tita at mapag-usapan ang tungkol dito, at least pare-pareho kami ng sasabihin.

"Bakit ka naman nadulas? Ano bang ginagawa mo?" Hinawakan niya ang mukha ko at tiningnan ang ilong ko.

"Aray, Tita. Dahan-dahan naman po." Daing ko.

Ang higpit kasi ng hawak niya sa pisngi ko.

Habang nasa biyahe, nakaramdam na ako ng kirot.

Hindi nga ako makapagconcentrate sa pagmamaneho dahil sa sakit.

Pinilit ako ni Hazel na kumain bago pinainom ng Tylenol.

Gusto sana niya na ihatid ako kaso hindi pa niya nakukuha ang lisensiya niya.

Ayoko din namang magpahatid dahil malayo ang bahay ko.

Baka wala na siyang bus na masakyan pauwi.

"Wala naman po, Tita." Nakatingin lang sa akin si Ate Mercy.

Mukhang hindi siya kumbinsido sa nangyari sa akin.

"Pababa lang po ako kaso sumala ang pagtapak kaya hayan."

"Ba't hindi ang paa mo ang napilayan kung nahulog ka?" Tanong ni Ate Mercy.

"Ewan ko, Ate. Basta pagbagsak ko, tumama ang ilong ko sa vase na nasa paanan ng hagdan."

"Mag-iingat ka ngang bata ka. Baka sabihin ni Emilia, pinapabayaan kita."

"Opo, Tita."

Nagsabi ako na papasok na sa kuwarto.

Sumasakit na din kasi ang ulo ko.

Hindi ako makatulog  ng gabing iyon.

Ang kirot kasi ng ilong ko.

Pakiramdam ko, kasing laki ng kamatis kasi parang ang bigat.

Paikot-ikot ako sa higaan.

Mukhang hindi ako nito makakapasok bukas.

Siguradong magagalit sa akin ang manager namin.

Pero valid naman ang rason ko.

Isa pa, hindi din ako pala-absent sa trabaho.

Ang totoo nga, ilang beses na akong naging employee of the month.

Nang hindi ko na alam ang gagawin, umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone na nasa side table.

May text pala si Hazel.

Nagtatanong kung nakauwi na daw ako.

Tiningnan ko ang time stamp ng text.

10:47 pm.

Nagdalawang-isip ako kung magrereply o hindi.

Kung tulog na siya, hindi siya magrereply.

There's only one way to find out.

"Gising ka pa?" Reply ko.

Lumabas sa screen ang tatlong dots.

Gising pa siya.

"Oo. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Makirot. Hindi ako makatulog."

"Gusto mo tawagan kita?"

"Hindi ka pa ba inaantok?"

"Hindi eh. Iniisip kasi kita."

"Bakit naman?"

"Basta. Ano? Puwede kang mag-chat? Skype tayo."

"Okay."

Habang hinihintay ang tawag niya, binuksan ko ang night light.

Inayos ko ang upo sa kama at tinakpan ng kumot ang mga binti ko.

Medyo nilalamig ako.

Weird.

Summer at maalinsangan pero hindi maganda ang pakiramdam ko.

Pagtawag ni Hazel, pinindot ko agad ang accept call button.

Lumabas ang mukha niya sa screen.

Violet ang tanktop na suot niya.

High ponytail ang pagkakatali ng buhok.

"Naku. Kulay talong pa din ang ilong mo."

"Oo nga eh."

"Nagcold compress ka?"

"Kanina bago ako humiga."

"Sorry talaga, Lena."

"Wala ka namang kasalanan."

"Hindi siguro mangyayari ito kung maayos ang huling pag-uusap namin ni Gin."

"Ano ka ba? Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo naman hawak ang isip niya."

"Iyon na nga eh. Hindi ko din akalain na gagawin niya 'to sa'yo."

"Wala namang nakakaalam na ito ang mangyayari."

"Makakapasok ka ba bukas?"

"Mukhang hindi. Para akong lalagnatin eh."

"Mabuti pa siguro magpahinga ka muna."

Iniba ko ang usapan.

Tinanong ko siya kung nasabi sa kanya ni Maddie ang tungkol sa nahanap naming bahay.

"Oo. Nasabi niya sa akin."

"Okay lang ba sa'yo kung sa basement?"

"Ayos lang. Basta hindi mahal, safe iyong lugar tsaka mabait iyong landlord. Magiging choosy pa ba ako eh malapit na kaming ma-evict sa bahay ni Kuya?"

Natawa ako sa sinabi niya.

Ganito talaga si Hazel.

Kahit may problema, nagagawa pa niyang magpatawa.

"Tumawag iyong may-ari pagkaalis mo."

"Anong sabi?" Napadiretso ako ng upo.

Umaasa na sana may good news.

"Nagback-out daw iyong unang tumingin. May nahanap na ibang bahay iyong boyfriend. Iyon yata ang kukunin."

"That's good di ba?"

"Oo. Pupuntahan namin ni Maddie bukas para makita ng personal iyong lugar."

"Sayang at di ako makakasama."

"Sobrang laki ng tulong na ginawa mo para sa amin."

"Wala iyon. Isa pa, sino bang magtutulungan kundi tayo di ba?"

"At tingnan mo ang nangyari sa'yo." Lumungkot na naman ang itsura ni Hazel.

"Ang ganda pa naman ng ilong mo. Baka masira ang pagkatangos niyan?"

"As long as walang fracture, okay lang kung matabingi ang ilong ko."

"Huwag naman sana. Pag nakita ko iyan si Gin, lagot siya sa akin."

Kinabahan ako.

Hindi din umaatras ito sa Hazel lalo na kung alam niya na may naaagrabyado.

"Hayaan mo na, Haze. Gagaling din naman ako."

"Basta magdasal siya na huwag magkrus ang landas namin."

"You're making me worry."

"Sorry. Nabubuwisit talaga ako when I think of what Gin did to you."

"Huwag ka ng ma-highblood. May karma naman eh."

"Gusto kong maging instant ang karma niya."

"You are really mad."

"Hindi lang mad. I'm super mad."

"Ang mabuti pa, balitaan mo na lang ako sa lakad ninyo bukas."

"Hindi ka talaga papasok?"

"No. Sinisinat yata ako eh. Medyo nilalamig ako."

"Matulog ka na. Bukas na lang tayo mag-usap."

"Sige. Tutulog ka na din ba?"

"Oo. I'm emotionally exhausted."

"Sabi ko naman kasi kay Maddie na huwag ka ng tawagan."

"It's good that she called. Mas magagalit ako kung hindi niya ginawa iyon."

Nag-goodnight na ako kay Hazel.

Bago niya tinapos ang video call, pinaalala niya na kumain muna ako bago uminom ng gamot.

Huwag ko din daw kalimutang mag compress para mawala ang pamamaga ng ilong ko.

Ang isang araw na paalam ko na hindi ako makakapasok ay naging lima.

Nang makita ni Ate Clara ang hitsura ko, sinabi niya na magpahinga muna ako.

Tinanong niya ako ulit kung ano ang nangyari.

Sinabi ko sa kanya ang version na binigay ko kina Tita at Ate Mercy.

Magagalit si Ate Clara kapag nalaman niya ang tunay na nangyari.

Siguradong susugurin niya si Gin.

Worse, kakasuhan niya ito ng assault.

Mga bagay  na ayokong mangyari.

Baka kasuhan din ako ni Gin dahil sinuntok ko siya.

Nang umalis siya at dumudugo ang bibig, may hinala ako na baka natanggalan siya ng ngipin.

Mas malaki siya sa akin pero sanay akong sumuntok.

Ikaw ba naman ang magkaroon ng tatlong kapatid na lalake at barumbado pa iyong isa?

Nang tumawag ako sa manager ko para sabihin na hindi pa ako magaling, akala ko talaga magagalit siya.

Pero sinabi niya na huwag akong mag-alala.

Magpagaling daw ako.

Kaya nga lang, kailangang kong magdala ng doctor's note.

Nakakabagot sa loob ng bahay.

Gusto ko sanang maglinis pero ng makita ni Tita Nena na may hawak akong walis,sinaway niya ako.

Dapat daw magpahinga ako.

Huwag daw matigas ang ulo ko.

Nakausap ko din sa video call si Nanay.

Tinawagan pala siya ni Tita Nena.

Alalang-alala si Nanay ng makita ang itsura ko.

Pero hindi tulad noon na parang heirloom tomato ang itsura ng ilong ko, nang mag-usap kami ni Nanay, grape tomato na lang ang hugis.

"Mag-iingat ka nga, bata ka. Buti kong nandiyan kami para alagaan ka."

Ang nakakapagpasaya sa akin ay ang mga text ni Hazel at Maddie.

Pinuntahan na nila ang bahay.

Pilipino pala ang may-ari.

Retired na ang mag-asawa at ang anak pala ang nakausap ni Maddie.

May asawa na din ang babae at teenagers na ang dalawang anak.

Natutuwa nga daw ang mga ito na sila ang titira.

Malinis at maingat daw kasi kapag Pinoy.

Nang hapon na iyon, nagkasundo sina Hazel, Maddie at ang may-ari.

Required ang one month deposit at one month advance.

Kailangan din ng tatlong reference.

Tinawagan ako ni Hazel kung puwede ako.

"Oo naman."

Nagtanong ako kung kailan sila lilipat.

"In three weeks."

"Tulungan ko kayo."

"Kaya mo na ba?"

"Of course."

"Baka mabinat ka. Mahirap na."

"Don't worry. Iyong magagaan lang ang bibitbitin ko."

"Wala naman kami masyadong gamit."

"Nakahanap na kayo ng kama?"

"Maghahanap pa lang. Tumitingin ako ng mga sale. Grabe ang daming gastos."

"I can help."

Tumahimik si Hazel.

Dati, balewala sa kanya ang gumastos.

Kapag may nagustuhan siyang iregalo sa akin, binibili niya.

"Nakakahiya naman sa'yo."

"Ano ka ba? Dati kapag kapos ako, hindi ka nagdadalawang-isip na bigyan ako ng pera."

"Dati iyon."

"Haze, wala kang dapat ikahiya. Let me help."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top