19: David & Goliath
Katatapos ko lang maghugas ng mga ginamit na aluminum at oven trays ng lapitan ako ng manager na si Deepak.
Bata pa siya, matangkad, makapal ang suot na salamin at tight ang uniform na black pants at polo.
Hawak niya ang cordless phone.
Nasa line daw si Maddie.
Nagtatakang kinuha ko ang telepono.
Pagkalapat sa tainga ko, halos hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil sa bilis niyang magsalita.
"Maddie, wait lang? Hindi kita maintindihan."
Dinig na dinig ang paghinga niya sa kabilang linya.
Binagalan niyang magsalita pero halata ko na nagpapanic siya.
Nasa clinic daw sila.
Pagkarinig ng salitang clinic, kinabahan ako.
Ano ang ginagawa niya sa clinic?
Maysakit ba siya?
Okay naman siya ng makita ko kanina.
Tawa pa nga siya ng tawa habang nagkikuwento ng mga nangyari sa shift niya.
Nagpang-abot daw sa bahay si Lena at Gin.
Nakalimutan palang dalhin ni Gin ang binili niyang slow cooker.
Pero imbes na kunin lang ang slow cooker, sinugod nito si Lena.
Ang ending? Nagkasakitan ang dalawa.
"Pumunta ka na lang sa clinic kung papayagan ka ni Deepak."
"Nasaan si Gin?"
"Nilayasan kami."
"Ha? Eh si Lena? Okay lang siya?"
"Bukod sa dumudugong ilong, okay naman siya."
What the hell?
Nasa office pa din si Deepak at nagcocomputer.
Inabot ko ang phone at nagpaalam kung puwedeng mag-early out.
"You only have like thirty minutes left in your shift, Hazel." Sabi niya in his perfect Canadian accent.
If there is such a thing.
"I know and I'm sorry. There's an emergency at the house."
Nagbago bigla ang expression niya.
Napalitan ng concern.
"Is everything all right?"
"I don't know."
"Okay. It's not busy anyway. Take care, okay? Let me know if you need anything."
Nagpasalamat ako at nagmamadaling pumasok sa staff room.
Kahit mahigpit ang lalakeng iyon, reasonable naman siya kahit papaano.
Hindi na ako nagpalit ng uniform.
Inalis ko na lang ang dark brown cap at tinapon ang hairnet sa basurahan.
Habang naghihintay ng bus, tinext ko si Maddie at tinanong kung saang clinic sila nagpunta ni Lena.
Excel Care Walk-In Clinic ang pangalan.
Doon pala sa malapit sa bahay namin.
Buti na lang dahil walking distance lang ito sa bus stop.
Hindi ako mapakali habang nasa biyahe.
Short version lang ang sinabi ni Maddie.
Saka na lang daw niya ikukuwento kapag dumating ako.
"Basta bilisan mo dahil ninenerbiyos ako."
Takot nga pala siya sa dugo.
Ano bang nangyari kay Lena at Gin?
Nagbakbakan ba sila at duguan si Lena?
Pagbaba ko ng bus, kumanan ako papunta sa strip mall kung saan malapit ang clinic.
Nasa bungad ang Safeway grocery store.
Sa tabi nito ang dollar store, car supply shop at ang clinic na ang sumunod.
Bukas pa ang mga establishments at marami pang tao.
Binilisan ko ang paglalakad.
Ayon sa huling text ni Maddie, hindi pa sila tinatawag.
Nakaupo daw sila malapit sa pinto.
Nakita ko ang sign ng clinic.
Plain black lettering at ang logo ay bilog na may staff na may nakapulupot na dalawang ahas.
Tinulak ko ang pinto at pumasok.
Nakita ko agad silang dalawa sa bukana.
May nakapatong na pack ng frozen peas sa ilong ni Lena na nababalutan ng asul na tuwalya.
"Anong nangyari?" Umupo ako sa tabi ni Lena.
"Hay naku." Bulalas ni Maddie.
"Grabe si Gin, Haze. Kung nandoon ka, baka nagtago tayong dalawa."
Nang makita daw ni Gin si Lena, bigla itong sumugod.
Tinulak ni si Lena at buti na lang at nakahawak sa bangko dahil kung hindi, siguradong bagsak sa sahig.
Bago pa ito makatayo ng diretso, nahawakan siya ni Gin sa kuwelyo.
Pero sinuntok siya ni Lena sa tiyan.
Nabitawan siya ni Gin pero bago pa siya makabawi, isang malakas na right hook ang pinakawalan ni Lena.
Natumba si Gin sa sahig.
"Para siyang elepanteng lumagabog sa sahig, Haze." Tumawa si Maddie.
"Natatawa na lang ako ngayon pero noong time na iyon, grabe ang kaba ko."
Hindi pa doon natapos ang laban ng dalawa.
Hinila ni Maddie si Lena at sinabihan na umakyat sa kuwarto niya para doon magtago pero paghakbang ni Lena ay nahawakan siya ni Gin sa laylayan ng pantalon.
Na-off balance si Lena at tumama ang ilong sa gilid ng malaking decorative vase malapit sa hagdan.
"So, napuruhan pala si Gin?" Tiningnan ko si Lena na tahimik lang na nakikinig.
"Eh may pagka-MMA fighter pala itong si Lena eh." Sabi ni Maddie.
Tiningnan namin siya.
Naalala ko ang kuwento niya sa akin dati.
Nagi-spar sila ng Kuya Edwin niya kapag wala silang magawa.
"Bugbog-sarado si Gin?"
"Oo, Haze. Ewan kung natanggalan ng ngipin dahil dumudugo ang bibig noong patakbong lumabas ng bahay."
"My god." Iyon na lang ang nasabi ko.
Inalis ni Lena ang pack ng green peas.
Napatingin ang matandang babae na nasa tapat ng upuan niya.
Kumunot ang noo nito sa nakita.
Kulay talong ang namamagang ilong ni Lena.
"Okay ka lang?" Inabot ko sa kanya ang pack ng tissue na nasa bulsa ng suot kong windbreaker.
"I'm fine."
"Pinusan mo ang ilong mo. Dumudugo pa." Sabi ko.
Dahan-dahang pinunasan niya ang ilong.
Nagkulay pula ang puting tissue.
"Kumuha ka pa." Sabi ko.
Masama ang inabot ng ilong niya.
Kasalukuyang nagpupunas si Lena ng ilong ng tawagan kami ng staff ng clinic.
"Haze, ikaw na lang ang sumama sa kanya puwede? Baka injectionan siya ng doktor, himatayin ako."
I don't think iyon ang kailangan ni Lena pero pumayag ako.
"Sige. Bantayan mo ang gamit ko." Pinatong ko ang backpack sa upuan.
Sabay kaming sumunod ni Lena sa babae.
Filipina din yata siya.
Maliit lang, payat pero grabe ang haba ng fake eyelashes.
"Are you okay?" Tanong niya kay Lena.
"Yes." Matipid na sagot nito.
Dinala kami ng babae sa makipot na hallway na may numbers ang mga room.
Nang malapit na kami sa dulo, binuksan niya ang pinto ng room number 23.
Umupo kami ni Lena sa metal chair na may manipis ng cushion.
"What brings you guys in today?" Tanong ng babae na Kris ang nakalagay sa name badge.
Pinasok niya ang nakasabit na card sa slot sa monitor.
"I had a fall injury." Sagot ni Lena.
"Okay." Casual na sabi ni Kris.
Sa itsura niya, mukhang hindi siya naniniwala sa sagot ni Lena.
"I'm just going to check your blood pressure." Hinila niya ang blood pressure monitor floor stand na nasa gilid.
Sinuot niya ang cuff sa right arm ni Lena.
Nang makuha niya ang tamang reading ay inalis niya ang cuff.
"Miss, anong BP niya?" Tanong ko.
"Normal naman. 123/85." Nagsmile siya.
"Hintayin niyo na lang si Doc dito ha?" Sabi niya habang hila ang blood pressure machine pabalik sa dati nitong puwesto.
Sinara niya ang pinto pag-alis niya.
Nang kaming dalawa na lang, tinanong ko si Lena kung totoo ang kuwento ni Maddie.
"Alin doon?"
"Na tumama ang ilong mo sa vase."
"Hindi ka naniniwala?"
"I do. Gusto ko lang na sa'yo mismo manggaling."
Gin is way bigger and taller than Lena.
We're both around five-foot ten.
I still could not believe na napabagsak niya ito.
It was like a David and Goliath moment that I missed.
"I think she underestimated me."
"Why did you say that?"
"Nakita ko iyon the first time we met. She has an air of arrogance. Akala niya yata eh pipitsugin ako."
I took her hand and wrapped it in mine.
"I'm sorry at nasaktan ka."
May kumatok at biglang pumasok ang doktor.
Pareho sila ni Lena ng buhok.
Salt and pepper.
Pareho din silang bata kung tingnan.
Malaki ang tiyan ng doktor at parang sasabog ang mga butones ng plain blue long-sleeved shirt.
"What do we have here?" Tinapik niya ang examination table at pinaupo si Lena.
"I fell and hit my nose on a big vase." Sagot ni Lena.
"Is it okay if I talk to her in private?" Tiningnan niya ako.
"No. She can stay."
Hindi ko alam kung bakit iyon ang tanong ng doktor.
"Okay. Are you sure?" Tanong niya ulit kay Lena.
"I'm sure."
"What happened?" Tiningnan niya ang ilong ni Lena.
"I was coming down the stairs but I missed a step and hit the vase when I fell."
"Is there anything else that hurts?"
"No. Just my nose."
"Okay."
"You guys didn't have a fight did you?" Tinuro niya kami.
"No." Sabay kaming sumagot.
"Did this happen at home?"
"Their house, yes."
"You don't live together?"
"No."
Tumango ang doktor.
He did an examination of Lena's face and nose.
Napaaray si Lena ng hawakan siya sa bandang pisngi.
"You have swelling going on in there." Sabi niya.
"I'm going to send you for an x-ray to make sure there are no fractures." Bumalik siya sa table at kumuha ng requisition form.
"Do you have any ice pack or cold compress at home?" Nakatingin siya kay Lena.
"Yes."
"Apply a cold compress for 20 minutes three to four times a day until the swelling goes down."
"Do you have Tylenol at home?"
"Yes."
"Take that every six hours to reduce the pain." Pinunit niya ang requisition at inabot kay Lena.
"Now if your symptoms worsen, let's say the bleeding doesn't stop, go to Emergency or come back and see me."
"Okay."
Tumayo na kami at nagpaalam sa doktor.
Paglabas namin ng room, tinanong ko si Lena kung bakit nagsinungaling siya sa doktor.
"Puwedeng kasuhan ng assault si Gin dahil sa ginawa niya."
"Kaya ba nagtanong siya kung puwede ka niyang kausapin in private?"
"Oo. Baka kasi nakatira ako sa isang abusive home or baka I'm in an abusive relationship."
"Kaya pala ganoon na lang makatingin sa akin ang doktor."
"Don't take it personally. Besides, you were never abusive in any way or form noong tayo pa."
Binalikan namin si Maddie sa reception area.
Nakatutok ito sa phone at mukhang may pinapanood.
"Tara na." Kinuha ko ang backpack sa upuan.
"Anong sabi ng doktor?" Tumayo na siya at sinabit ang shoulder bag.
"Kailangan niya ng x-ray."
"Di ba may x-ray clinic dito?" Tanong ni Maddie.
"Meron. Diyan sa kabilang pinto." Sagot ni Lena.
"Bukas pa ba sila?"
"Tingnan natin." Lumabas na kaming tatlo.
Hanggang alas-nuwebe pa bukas ang diagnostic clinic.
Pagpasok namin, walang tao.
Lumapit si Lena sa babaeng receptionist na napatitig sa ilong niya.
Inabot niya dito ang ang form na galing sa doktor pati na din ang health card niya.
Saglit pa lang siyang nakakaupo ng tawagin ang pangalan niya.
Pumasok siya sa glass door at sumunod sa babae.
"Kawawa naman si bakla." Sabi ni Maddie habang sinusundan ng tingin si Lena.
"Nagmamagandang loob na nga lang, nadisgrasya pa."
"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na pinagtakpan niya si Gin o hindi."
"Bakit naman?"
Sinabi ko sa kanya ang binigay na reason ni Lena sa doktor.
"Puwedeng ipa-deport si Gin?"
"Hindi ko alam. Pero kung sakaling sampahan siya ng kaso ni Lena, magkakaroon siya ng record. Di ba tsinicheck iyon kapag nagpaprocess na ng papers for permanent residence?"
"Mabait pa din si Lena ano?"
"Ewan ko, Maddie. I just hope na tigilan na siya ni Gin. Baka sa susunod na may gawin na naman siya, hindi na palampasin ni Lena."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top