14: A Laundry List Of Never-Ending Problems







Mula ng dumating ako sa Canada, regular na ang pagvivideo call ko sa pamilya ko.

Maliban na lang kung nagbago ang schedule ko sa work, walang mintis ang chikahan namin tuwing Biyernes ng alas-otso ng gabi.

Alas-diyes kasi doon ng umaga at gising silang lahat.

Most of the time, present silang lahat.

Si Nanay ang tumatayong host.

Nakaupo siya sa gitna ng sofa at kung hindi si Tatay ang nakaupo sa tabi niya, si Lexi.

Ang kapatid ko na walang tigil ng kakahingi ng kung anong maisipan niya.

Pareho sila ni Kuya Edwin.

Bilmoko noon, bilmoko niyan ang bukangbibig.

Kung good mood ako, sinasakyan ko na lang.

Pero kung pagod ako, sinasabihan ko sila na tantanan ako ng kakahingi.

Ang gusto ni Nanay at Tatay, umuwi daw ako.

Namimiss na daw nila ako.

Gusto ko din namang umuwi kaso ang hirap mag-ipon.

Tuwing nagbabalak akong umuwi, lagi na lang may nangyayari.

Kaya iyong pambili ko ng plane ticket, pinapadala ko na lang.

Hanggang dumating iyong time na nagdecide ako na mabuti pa sigurong ipagpaliban ko muna ang pagbabakasyon.

Saka na lang kapag medyo nakaluwag na.

Ang tanong, kailan iyon mangyayari?

Sa dami ng gastusin, baka hanggang pangarap na lang.

Just the same, I made a goal for myself.

Sa tenth anniversary ng paga-abroad ko, uuwi ako sa Pilipinas.

Ang pamilya ko kasi, parang hindi nauubusan ng problema.

Ganito lagi ang tema ni Nanay tuwing nag-uusap kami.

Malapit na ang pasukan, magpadala ka ng tuition ni Lexi.

Huwag mo ding kalimutan si Lucy at Eli. Nahihiya lang magsabi sa'yo ang Ate mo pero wala pa siyang suweldo. Delayed ang pasahod sa factory ng mga T-shirt at nagkukuripot na naman ang amo nilang intsik. Baka hindi umabot sa enrolment ang pera niya. Kawawa naman ang mga pamangkin mo.

Iyong anak naman ni Emman, bigyan mo kahit konti.

Bibong-bibo pa naman iyon si Chelsea.

Kahawig mo iyon, Lena, lalo na noong bata ka pa.

Pareho kayong cute.

Nakita ko na sa video si Chelsea ng minsang dumalaw sina Emman.

Hawig nga kami.

Parehong bilugan ang mukha namin at ang almond-shaped na mga mata.

Morena si Chelsea.

Nakuha yata sa nanay niya na si Katrina.

Malapit na ang exams, huwag mong kalimutang ipadala ang tuition ni Lexi.

Idamay mo na ang dalawa mong pamangkin.

Kinapos ang Ate mo ngayon dahil napilayan si Eli at dinala sa ospital.

Ang laki ng gastos dahil sinemento ang kanang braso.

Kasi naman.

Sinabi ko na tigilan ang kakalaro ng basketball pero ang tigas ng ulo.

Eh anong napala niya?

Basta, Lena. Dagdagan mo ng konti ang padala mo.

Kawawa naman si Eli dahil halos hindi makatulog sa sakit.

Malapit ng matapos ang school year, padalhan mo naman ng pambili ng damit si Lexi lalo na at gagraduate ng honor.

May honor din si Lucy at si Chelsea. Padalhan mo din.

Si Eli, pasang-awa.

Nagmana pa yata sa Kuya Edwin mo pagdating sa katamaran.

Paano? Wala ng ginawa kundi atupagin ang cellphone niya.

Kuha ng kuha ng pictures tapos post ng post sa ano ba iyon?

Insta ewan.

Naku! Sakit ng ulo.

Pero ang dami niyang followers ha?

Lampas two thousand na daw.

Puro chicks ang followers niya.

Ewan ko ba sa batang iyan?

Di ko naman masisi kung bakit lapitin kasi ang cute ng pamangkin mo di ba?

Manang-mana sa ating mga Reyes.

Walang itulak-kabigin.

Iyong Kuya mo, masipag namang tumulong sa tindahan.

Siya ang kargador ko at tagasalansan ng mga pinamili.

Nagkasakit siya noong nakaraan.

Ewan ko kung anong nangyari kasi namaga ang binti.

Dinala namin sa doktor.

Naimpeksiyon pala iyong sugat sa hinlalaki niya.

Akala ko nanuno.

Binigyan siya ng gamot.

Buti na lang at nakakatatlong beses pa lang niya ininom eh, nabawasan na ang pamamaga ng binti niya.

Si Emil naman, huwag mong alalahanin.

Napromote na supervisor sa call center.

May girlfriend na pala siya.

Christine ang pangalan.

Cute siya.

Maputi.

Malinis sa katawan.

Maliit.

Mataba.

Mabait.

Pumunta dito at may dalang malaking cake na black forest.

Ang lambot noong cake, Lena.

Tsaka hindi masyadong matamis.

Iyong tatay mo naman, nagkasakit.

Nilagnat.

Sinabi ko naman kasi na huwag maliligo pagkatapos magtrabaho ng mabigat.

Ang tigas din ng ulo.

Ayaw makinig.

Hayan.

Nagising na lang ako ng hatinggabi kasi umuungol.

Akala ko binabangungot.

Iyon pala, ang taas ng lagnat.

Tapos high blood siya.

Ayaw pa pumunta sa doktor.

Kulang na lang kaladkarin ko.

Niresetahan ng gamot.

Tig-singkuwenta yata ang isa.

Grabe ang mahal.

Ayaw ni Dok na generic ang bilhin.

Yung brand name daw dahil mas mabisa.

Ako naman, inaatake ng rayuma lalo na kapag malamig.

Naglalagay ako ng Katinko sa tuhod.

Epektib naman.

Pero kapag kumakain kami ng monggo o di kaya baboy, sumasakit ang kasu-kasuan ko.

Pero huwag mo akong alalahanin.

Ayos lang ako anak.

Ikaw? Kumusta ka na?

Iyang ang sequence ng usapan namin.

Pagkalog-in ko, tinutuloy lang ang napag-usapan noong nakaraang linggo tapos babanat na si Nanay.

Si Lexi lagi ang una.

Hindi ko puwedeng makalimutan ang obligasyon ko sa kanya.

As if naman makakalimutan ko.

Kahit yata naghihingalo na ako, si Lexi pa din ang ihahabilin sa akin.

Magaling magprioritize si Nanay.

Alam niya na dapat unahin ang tungkol sa tuition at may kinalaman sa pera.

Sila ni Tatay ang next to last.

Pero hindi ibig sabihin, hindi sila priority.

Para sa akin, save the best for last nga eh.

Kahit naririndi ako minsan sa walang katapusang habilin at pagpapaalala, ang iniisip ko ay ang magulang ko.

Matanda na sila pareho.

May mga nararamdama ng sakit.

Pero walang tigil sa pagkilos ang dalawa.

Hindi sila tumitigil sa pag-aalaga sa mga kapatid ko at pamangkin nila.

Sa akin sila nagrereklamo.

Kay Nanay din ako naglalabas ng sama ng loob lalo na kung stress ako sa trabaho.

Kapag nahalata niya na wala ako sa mood o di kaya mainit ang ulo ko, hindi siya masyadong nagbabanggit ng kung anu-ano tungkol sa mga gastusin.

To be continued sa susunod na video call.

Nitong huling usapan namin, hindi ako masyado makafocus.

Iniisip ko kasi si Hazel.

Understatement iyan.

Lagi na namang laman ng isip ko si Hazel.

Pagkaalis namin sa bahay nina Joey, tinanong ko siya kung puwedeng tumambay muna kami bago ko siya ihatid.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong niya.

"Do you trust me?" Nilingon ko siya sa passenger seat.

"Natatandaan mo ang huling sinabi ko sa'yo dati?"

"Oo naman. Ang mga ganoong bagay, hindi madaling makalimutan lalo na at masakit."

"Sorry kung nasabi ko iyon sa'yo."

"Siguro noong time na iyon, iyon talaga ang nararamdaman mo. Pero grabe, Haze. Nadurog ang puso ko noong sinabi mo sa akin na you don't think you can trust me anymore."

"That's why I'm apologizing now. I was so angry. I felt so betrayed at the time. You were my bestfriend, Lena. Alam mo ang lahat tungkol sa akin. Alam mo lahat ng sikreto ko. Tapos, you did things behind my back."

"Kaya nga hindi kita tinigilan ng kakapadala ng sorry baby texts and emails di ba? Kahit pa alam ko na hindi ka magrereply, sige pa din ako. Umaasa na baka isang araw, pagbukas ko ng email, may reply ka na."

"Disappointed ka?"

"Oo naman. Kahit alam ko na matigas ang loob mo minsan, hindi pa din maalis sa akin ang madisappoint."

"I'm sorry." Pinatong niya ang kamay sa hita ko.

May kuryenteng gumapang pababa sa alam niyo na.

Pero hindi puwede.

Dinala ko siya sa Peace Bridge.

Ang tulay na binansagang "finger trap bridge" dahil sa design nito.

Kapag sa gilid tiningnan, akala mo pabilog ang hugis pero kapag tumayo ka sa gitna, malawak ito.

Maliwanag na ang tulay at marami pa ding tao ang naglalakad at nagpipicture taking kahit maghahating-gabi na.

Pinarada ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Nilakad na lang namin ni Hazel ang maikling distansiya papunta sa tulay.

Tumayo siya sa gitna at yumuko.

Tiningnan ang ilog.

Tahimik ang agos ng tubig sa Bow River.

Pero dahil hindi na abot ng liwanag, hindi na makita ang ilalim.

"Bakit mo ako hinalikan?" Tumayo ako sa tabi niya.

Pinagmasdan ang mga nagtataasang building sa downtown.

Nag-angat siya ng tingin.

"Don't ask me that question."

"Haze, mahalaga sa akin ang sagot mo."

Dumiretso siya ng tayo.

Mas matangkad siya sa akin noon pa.

Lampas lang ako sa balikat niya.

"If I ask why you kissed me back, what would you say?"

"Because I want to."

Hinawakan niya ang kamay ko at pinaikot ang daliri sa daliri ko.

Pinilit kong alisin ang nakakakuryenteng sensation na naramdaman.

Tukso layuan mo ako.

"There's your answer." Sabi niya.

"Pero Haze," Nagsimula akong magprotesta.

Tumigil ako dahil umiling siya.

"Huwag mo ng sabihin. Huwag mo ng ipaalala."

"Ayokong maging kabit lalo na at ako ang original mo."

"But then you left."

"Huwag mo ng sabihin. Huwag mo ng ipaalala." Inulit ko ang sinabi niya.

"Was it a mistake?" Malungkot ang boses niya.

"Ang alin? Ang pag-alis ko?"

"No. The kiss."

"It felt like a mistake. A very good mistake."

"Kapag ganyan ka ng ganyan, baka tuluyan kitang gawing kabit."

"It seems like a good idea. Pero risky. For sure magwawala si Gin. Lalo na at binalaan niya ako."

"Anong sabi mo?" Nag-iba ang aura niya.

Pati ang tono.

Tumayo siya ng diretso.

Lalo siyang tumangkad sa paningin ko.

Nakakatakot ang itsura niya.

"Wala. Nagjojoke lang ako. Ikaw naman." Pinilit kong ngumiti.

Baka sakaling madistract siya.

Pero hindi siya mauuto.

"I don't believe you. Anong sinabi sa'yo ni Gin?"

"Wala nga."

"Anong sinabi niya sabi eh?" Pinilipit niya ang hintuturo ko at napapitlag ako sa sakit.

"Aray naman! Haze, ano ba?" Bumaluktot ang katawan ko.

Muntik na akong maihi.

Punyemas.

Napatingin sa amin ang dumadaang babae at lalake.

"Babaliin ko ang daliri mo kapag di ka nagsabi sa akin." Banta niya.

Tinitigan ko siya.

Hindi siya nakangiti.

Seryoso talaga.

Ayokong mapilayan.

"Okay. Fine. Sasabihin ko na."

Kinuwento ko ang sinabi ni Gin noong nakasabay namin sila sa dinner.

"Why would she say that?"

"Obvious ba?" Hinilot ko ang hintuturo. "Mahal ka niya.

"But she shouldn't have told you that." Nanggagalaiti na siya.

"Haze," Inakbayan ko siya, "kung ako man ang nasa lugar niya, I will do the same. Pinoprotektahan niya lang ang kanya. May karapatan naman siya eh."

Hinilig ni Hazel ang ulo sa balikat ko.

Tapos niyapos niya ako ng mahigpit.

Naamoy ko ang pabango niya na parang drug na nanunuot sa bawat hibla ng katawan ko.

Sa paglalambing na pinapakita niya, ang hirap kontrolin ng puso ko.

Kahit pa napilay ang hintuturo ko.

Noong umalis ako, hindi ko siya kinalimutan.

Kahit malayo na ako sa kanya, siya pa din ang nasa puso ko.

Kung siya, hindi niya pinakawalan ang galit, ako naman, iningatan ko ang pagmamahal ko para sa kanya.

Ayoko kasi ng iba.

Siya lang ang gusto ko.

Nagdesisyon na nga ako na maging matandang dalaga na lang.

Ialay ko na lang ang buhay sa mga pamangkin ko kahit mukhang hindi ako makakapagretire sa edad na sixty five.

Siguro naman, may isa sa kanila na mag-aalaga sa akin pagtanda ko di ba?

Hindi naman nila siguro ako pababayaan.

Ewan ko ba.

Si Hazel lang talaga ang gusto ko eh.

Kahit ang daming babae, di ko sila type.

Tinutukso nga ako ni Maddie.

Sa dami daw ng mga babae dito, puwede akong mamili.

As if may shortage ng babae sa Pilipinas.

Pero nakalimutan niya yata na hindi naman lahat ng babae, gusto ang kapwa babae.

"Ayaw mo talagang maging kabit?" Inangat niya ng ulo niya.

"Ayoko. Kung baliktad ang sitwasyon natin, payag ka?"

"Okay lang." Pinandilatan ko siya.

"Lena, ikaw iyong tao na worth it kung ibitin ako ng patiwarik."

"You don't mean that."

"I'm not kidding."

"Bakit hindi mo na lang ayusin?"

"Ang alin?"

"You know what I mean."

"Hindi ka naman daw happy. Bakit nagi-stay ka pa?"

"Sino nagsabi sa'yo?"

"Itatanong mo pa ba?"

"Grabe? Daig ko pa ang may spy."

"Concern lang si Mads sa'yo."

"Ang sabihin mo, ayaw niya kay Gin."

"Nasasaktan ka?"

Hindi siya kumibo.

"Haze, obvious naman na she means something to you. Ayoko ding makagulo."

Huminga siya ng malalim.

"Ihatid mo na ako."

Gusto ko siyang itext.

Wala lang.

Kukumustahin kung okay lang siya.

Pero pinipigil ko ang sarili ko.

There was a part of me na nagsasabi na huwag kong banggain si Gin.

Not only that.

It was the right thing to do.

Kaya ba ng konsensiya ko kung ipipilit ko ang gusto ko?

Kaya ko bang maging part-time lover ni Hazel?

Selosa pa naman ako.

Baka kapag ginawa ko iyon, masira ang magagandang bagay na pinagsamahan namin.

Hayyyy.

Sometimes I wish I could be somebody else.

Iyong hindi ganito na very conscientious.

Takot sa karma.

Takot makasakit.

But I am not somebody else.

I'm just me.

Nagkikwento si Nanay tungkol sa nalalapit na birthday ni Ate Lara pero umilaw ang phone ko.

Kinuha ko ito sa kama at palihim na binasa ang message.

Galing kay Hazel.

Gusto niya daw na magkita kami.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top