13: Say It In A Song
What am I doing?
Pagbaba namin ni Lena, we were not the same people who came to this party na hindi alam kung babatiin ba namin ang isa't-isa o iiwasan.
We held hands as we walked on the hallway.
Her skin felt new against mine.
Para bang we've just met and just starting a new romance.
But there was nothing new to this.
We used to hold hands lalo na kapag walang nakakakita sa amin.
There was never a shortage of affection, kisses and caresses.
A tiny part of me was saying how wrong I was.
I'm with Gin.
What I did counts as cheating.
At kung alam ko kung ano ang makabubuti para sa amin ni Lena, I should stop.
Instead of listening to that small voice of reason, I had Lena's back against the bathroom door and kissed her some more.
Kung hindi niya sinabi na bumalik na kami sa baba, hindi ako titigil.
Bago namin marating ang hagdan, she stole a kiss from me.
Smack lang sana.
But I pulled her by the waist for a longer kiss.
She reluctantly pushed me.
"Baka may makakita sa atin."
"Okay." I grinned.
Perfect timing ang pagdating namin.
It was time to sing Happy Birthday.
Tumayo kami ni Lena sa likod at nakisabay sa pagkanta.
Pagkatapos i-blow ni Hailey ang candles, pinalakpakan namin siya.
Hinati ng nanay ni Joey ang cake at binigay ang first slice sa celebrant bago niya niyaya ang mga bisita na kumuha ng kanya-kanyang plato at kumuha na ng cake.
Lena sliced the cake and gave me the edge.
Alam pa din niya na ito ang favorite ko.
Bumaba kami at umupo sa sofa sa tapat ng TV.
It was just the two of us this time dahil nasa taas pa ang ibang bisita.
We heard them talking from downstairs.
Unlike kanina na ayaw niyang dumikit sa akin, she sat close to where I was.
Nagkuwentuhan kami tungkol sa nangyari sa kanya noong nasa Canada na siya.
How she was like a kid the very first time she saw the snow coming down.
"Pauwi ako noon from work. It was nighttime. Naku, Haze, kung nandoon ka lang sana, nakita mo sana iyong magical feeling na na-experience ko. Parang diamond na nagkikilaspan habang bumabagsak sa langit iyong maliliit na flakes. Alam mo kung ano ang ginawa ko?"
"Ano?"
"Nilabas ko ang dila ko."
Tumawa ako.
Naimagine kang hitsura niya.
Lena standing on the street with her tongue sticking out as she tries to catch the falling snow.
"Pero after one week, I was tired of it."
"Di mo gusto ang winter?"
"Hindi. Ang ginaw-ginaw kaya. Tapos ang daming dapat isuot. Bukod sa outer layer, may dalawang layer ng underlayers. Tapos iyong winter jacket. Then mabigat iyong boots."
"Bakit di ka na lang mag-invest sa jacket na warm para hindi ka masyadong naglilayer?"
"Samahan mo akong magshopping minsan."
Nagkatinginan kami.
Are we already making plans para sa susunod naming pagkikita?
"Sorry. Naexcite ako." She bit her lip.
"Sorry ka ng sorry. Canadian ka na talaga." I teased.
"Technically, Canadian na talaga ako."
"Really?"
"Oo. Nakuha ko ang citizenship ko during my fifth year dito. Hindi nasabi sa'yo ni Maddie."
"No. Wala siyang nabanggit."
"Himala. Nakalimutan niya ang importanteng detalye na iyon."
Sumilip ako sa hagdan.
Tiningnan kung may bababang bisita.
"Lena, what are we going to do?"
"Pag nagshopping tayo?"
"Hindi iyon ano ka ba?" Pinalo ko siya sa braso.
"Oh." Narealize niya kung ano ang tinutukoy ko.
"Hindi ka naman libre, Haze."
"I know."
"Unless..."
"Unless what?"
Tinitigan niya ako.
I saw the longing in her eyes.
It broke my heart.
"Wala. Puwedeng huwag muna nating pag-usapan. Enjoy muna natin ang moment na 'to na tayong dalawa lang."
"Okay."
Pagkatapos kumain, bumaba si Joey at niyaya kaming magvideoke.
Hinila ako ni Lena.
This was her forte.
Tagapakinig lang ako dahil hindi naman ako magaling kumanta.
Ang hilig ko ang pagsasayaw.
Pagdating sa sala, katatapos lang kumanta ng isang babae ng It's All Coming Back To Me Now.
Hinihintay nila ang score at nakatingin sila sa screen.
Ninety-eight percent.
Tuwang-tuwa ang babae na lampas bewang ang buhok.
May bakanteng puwesto malapit sa TV.
Doon ako umupo.
"Kayang-kayang talunin ni Mam Lena iyan." Pagmamayabang ni Joey sa mga bisita.
"Ano ka ba?" Sabi ni Lena habang binubuklat ang songbook.
"Ikaw ba ang top score, Ate?" Tanong ni Joey sa babae na umupo na sa tabi ng matandang lalake na may pagkamanyak kung tumingin.
"Oo."
"Pusta ako ng twenty dollars. Talo ka ni Mam."
Nagkantiyawan ang ibang bisita.
"Sige. Tataya ako." Sabi ng matandang lalake tapos kinuha ang wallet niya sa likod ng pantalon.
Naglabas siya ng fifty dollars.
Nagkatinginan kami ni Lena.
"Ano ba iyan, Joey? Napipressure ako sa ginagawa mo. Baka pumiyok ako." Pinindot niya ang numeric keypad sa microphone.
Pagflash ng title sa screen, lalong lumakas ang kantiyawan.
"Hala! Kanta ng Songbird pala." Sabi ng tatay ni Joey na namumula na ang mukha dahil lasing na.
Tiningnan ko si Lena habang nakatayo sa gitna ng sala.
Favorite niya talaga si Regine.
Noong kami na, we would play her songs sa kotse.
There was a time na puro kanta ni Regine ang pinakikinggan namin.
I would wake up to her songs.
Minsan, hinahum ko din habang naliligo.
Namemorize ko na dahil araw-araw ba naman?
Pati mga movies, pinanood din namin.
Pagdating sa refrain, Lena looked at me.
Nakangiti siya.
Ngumiti din ako.
Hindi na niya kailangang tumingin sa screen.
Memorized niya ang lyrics by heart.
Sinadya ba niya na ito ang kantahin?
I felt as if she was singing her feelings to me.
This was how we started.
When I had that idea for her to tell me what she feels through song titles.
This was our thing.
Kapag nagkakatampuhan kami, she would give me a piece of paper na may nakasulat na song titles and lyrics.
Dinadagdagan niya na lang.
During one of our biggest fights at sobrang nagalit ako sa kanya, she wrote me a poem.
Don't Give Up On Us.
Ginamit niyang inspiration ang song ni David Soul.
I still have that poem in my phone.
Pinicturan ko at nakasave sa secret files.
I feel flattered sa ginagawa niya.
Lena knew I like it when she sings.
Lalo na kung ako ang kinakantahan niya.
Like this moment.
Maraming tao sa paligid.
Pero sa akin lang siya nakatingin.
Lalong nagulo ang feelings ko.
Ayaw niyang pag-usapan ang gagawin namin pero ano ang ginagawa niya?
Dinadaan niya sa kanta.
Babalikang muli
Kahit ako'y nasasaktan
Hindi kita malilimutan
Kahit na sabihin
Na luluhang muli sa'yo
Ibabalik ko ang kahapon
O baka naman ako lang ang nago-overanalyze ng lahat?
Pagkatapos niyang kumanta, excited na nakatingin sa screen ang mga bisita.
The drum roll sounded longer than it really was.
When the score flashed on the screen, sumigaw si Joey ng yes.
Tinaas pa ang mga kamay sa ere.
Natawa na lang kami dahil proud na proud siya.
Ganoon din naman ako.
Perfect score ba naman ang nakuha ni Lena.
Hindi pa nga siya masyadong bumirit ng lagay na iyon.
"Sabi ko naman sa inyo eh. Pagdating sa kantahan, si Mam Lena ang champion." Sabi niya sa mga bisita habang kinokolekta ang pera na nasa centre table.
Umupo sa tabi ko si Lena.
"Pinagpawisan ako doon." Pinaypayan niya ng kamay ang mukha niya.
Medyo kumintab nga ang noo niya.
"Mam. Para sa inyo." Inabot ni Joey ang pera.
"Huwag na. Ano ka ba?"
"Napanalunan niya 'to. Sige na po." Tiningnan ni Lena ang babae na nakalaban niya.
"Ganito na lang," Kinuha niya ang pera tapos binilang.
One hundred twenty dollars din ang napanalunan niya.
"Hati kami ni Ate." Binalik niya kay Joey ang pera.
"Di ko tatanggihan iyan." Sabi ng babae.
"Yun naman pala eh." Sabi ni Lena.
Binigay ni Joey ang pera sa babae.
"Thank you ha? Hanggang sa susunod na contest." Pabirong hamon ng babae.
"Sure." Mabilis na sagot ni Lena.
"Aabangan namin iyan." Sabi ng tatay ni Joey.
Pagdating ng alas-onse, nagpaalam na ako.
"Maaga pa, Mam." Sabi ni Joey.
"Baka wala ng bus."
"Hatid na kita." Sabi ni Lena.
Baliktad na talaga ang mundo.
Dati, ako ang laging naghahatid sa kanya.
"Huwag na. Baka gusto mo pang mag-stay."
Tiningnan niya ang relo.
"Kailangan ko na ding umalis. Baka hinahanap na ako ni Tita." Tumayo na siya.
Bago kami nakaalis, gusto ni Joey na magpapicture muna kami kasama si Hailey.
Pinaupo niya sa sofa ang kapatid at pinagitnaan namin ni Lena.
Pinagbalot din kami ng nanay niya ng pagkain kahit pa pareho kaming tumanggi.
"Maraming natira. Sayang naman kung masisira lang." Sabi niya habang nagsasandok ng palabok.
Bitbit ang dalawang plastic bag na take out, nagpaalam na kami.
"Balik kayo ha?" Sabi ng tatay ni Joey.
"Opo." Sabay na sagot namin ni Lena.
Hinatid kami ni Joey sa labas.
Halos magkakadikit na ang mga sasakyang nakaparada sa tapat ng bahay nila.
Buti na lang at sa alley nagpark si Lena.
Nagpasalamat kami kay Joey.
"Ingat po kayo." Sabi niya habang nakatayo sa gilid.
In-unlock ni Lena ang pinto ng asul na Toyota RAV-4.
"Sa likod mo na lang ilagay ang pagkain." Sabi niya sa akin.
Just like old times.
Binaba ni Lena ang bintana para magpaalam kay Joey.
Bago siya pumihit ng pakanan, bumusina siya sa dati naming crew na nakatayo sa gilid ng kalsada.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top