12: May Deadline Ba Ang Forgiveness?
"Sorry ha?" Sabi ko kay Hazel habang naglalakad kami papunta sa CR.
Tri-level pala ang bahay nina Joey.
Sa pinakataas ang mga kuwarto.
Hardwood din ang sahig at may mga nakasabit na picture frames sa dingding.
Bukod sa picture, may isang estante kung saan nakalagay ang malaking Santo Niño na naiilawan ng battery-powered light.
Parang sinusundan kami ng tingin ng santo habang naglalakad sa hallway at hinahanap ang washroom.
"Are you apologizing about the food you spilled..." Humarap siya sa akin, "or about something else?"
Narating din namin ang dulo ng hallway.
Pinihit ni Hazel ang doorknob at pinindot ang light switch.
Sa tabi ng pinto ang ceramic twin bathroom sink.
Malaki ang salamin na naliliwanagan ng LED bulbs sa clear blown glass vanity lights.
Natatakpan ng white plastic curtains ang bathtub.
Amoy lavender ang banyo galing sa air freshener na nakasaksak sa gilid ng lababo.
Umupo ako sa ibabaw ng toilet seat.
"Ang tagal ko ng nag-apologize sa'yo, Haze." Paalala ko sa kanya.
"Pahingi ako ng tissue." Hindi ko alam kung narinig niya ang sinabi ko o sinadya niyang hindi pansinin.
Hinila ko ang tissue na nasa tapat ng toilet bowl.
Inikot ko ng inikot hanggang sa kumapal bago ko inabot sa kanya.
Binuksan ni Hazel ang gripo tapos hininaan para hindi matunaw ng tubig ang tissue na hawak niya.
Dahan-dahan niyang tinapik-tapik ang pantalon para matanggal ang dumikit na sauce.
"May deadline ba ang forgiveness?"
"Hindi ko alam. Pero para sa akin, it would have been nice to know noon pa."
"Lena, ang daming nangyari sa akin noong time na iyon."
"Alam ko."
"Alam mo?" Kumunot ang noo niya.
Tumigil siya sa paglilinis ng pantalon.
"Nakalimutan mo na ba na daig ba ni Maddie ang TMZ?"
Umiling na lang siya.
"Lagi kitang kinukumusta sa kanya. Sinabi niya lahat ng nangyari after kong umalis. Oo. Mali ako na nilihim ko sa'yo ang plano ko. But I have my reasons."
"What are your reasons?" Tinapon niya sa plastic wastebasket ang tissue at sumandal sa sink counter.
"Devastating ang nangyari sa'yo. Kung sa akin man nangyari ang ganoon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Baka nga nabaliw ako. Pero ikaw, kahit hirap na hirap ka, hindi ka bumigay."
"So, anong reason mo kung bakit hindi mo sinabi sa akin na nag-aayos ka na pala ng mga papeles mo papuntang Canada?"
"Ayokong dagdagan pa ang iisipin mo."
"Ayaw mong makadagdag or this is your bullshit version of the truth?"
Natahimik ako.
"Lena, you don't have to lie to me anymore. Pitong taon na ang lumipas sa ating dalawa. If you really want me to forgive you, tell me the truth. At least you owe me that."
Gusto niya ng truth so sinabi ko.
Inamin ko na since fragile ang emotions niya at the time, natakot ako na baka hindi niya kayang i-handle ang pag-alis ko. Natakot ako na baka hilingin mo na huwag akong umalis."
"Kung sakaling ginawa ko iyon, anong gagawin mo?"
"I'm not going to leave."
Natigilan siya sa sinabi ko.
"You're kidding, right?"
"No, Haze. Hindi ako nagbibiro. Kung sasabihin mo iyon sa akin, handa akong ipagpalit ang opportunity para sa'yo."
"Bakit mo naman gagawin iyon?"
"Dahil mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko."
"Lena..."
Tumayo ako sa harap niya.
"Haze, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Noong time na iyon, nag-iisip na ako na magtapat sa family ko. Being with you made me dream of a life outside of the closet. Gusto ko ng lumabas sa liwanag. Gusto kong maranasan ang maging malaya lalo na kapag kasama kita."
"Haze," Kinuha ko ang kamay niya, "I want to hold your hand in public and not be afraid of what people are going to say. I want to tell people who you are to me and not just tell them you're a friend or a coworker. Gusto kong tuparin ang pangarap natin to one day live in the same house with our two cats and our fishes. Gusto kitang ipagluto ng almusal. Gusto kong labhan ang mga damit mo. Gusto ko na ako ang maghahanda ng damit na susuotin mo. Gusto ko na ako ang magplantsa ng uniform mo. Gusto kong gawin ang mga bagay na 'to kahit pa alam ko na hindi na ako magiging perfect daughter sa mata ng mga magulang ko. Gusto kong subukan ang magmahal kahit pa alam ko na masasaktan ako. Dahil para sa akin, you are worth all the sacrifices. Ikaw iyong tao na sulit kahit pa ibitin ako ni Tatay ng patiwarik."
Tumawa siya.
"Lena..." Pinisil niya ang kamay ko.
"May nangyari na hindi inaasahan. Hindi ko na sinabi sa'yo."
Tahimik siya na naghintay sa sasabihin ko.
"Nakabuntis si Emman. Sinugod kami sa bahay ng pamilya ng babae. Pinilit siya na panagutan niya ito. Gusto ng tatay ng lalake na magpakasal sila. Walang nagawa ang magulang ko. Naunahan ng hiya. Napasubo. Ako na naman ang nalagay sa alanganin. Hindi ako ang ikakasal pero ako pa din ang dapat gumawa ng paraan para tulungan si Emman. Ang gusto sana namin, civil wedding lang para kahit papaano makatipid. Pero ayaw pumayag ng pamilya ng babae. Dapat daw sa simbahan. Ang gusto pa engrande. Ang sabi ko kay Emman, kausapin ang magiging biyenan niya. Gumawa siya ng paraan dahil hindi namin kaya ang demands nila. Gusto ko siyang batukan. Gusto ko silang layasan ng oras na iyon. Pero hindi ko sila kayang iwanan sa ganoong sitwasyon."
"Gipit na kami noon. Ewan ko kung ano ang pakilala ni Emman sa pamilya ng babae. Nakita naman nila ang sitwasyon namin. Para kaming sardinas na nagsisiksikan sa bahay. Problema ako kasi hindi ko alam kung saan ako hahanap ng pera. Nagkataon naman na tumawag si Tita. Nag-offer na isponsoran ako. Nakakita ng liwanag si Nanay. Hindi na ako tinanong. Pumayag na siya agad."
"Tama naman ang ginawa mo eh. Tingnan mo. Mas maayos na ang kalagayahan mo."
"Oo. Pero sinakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan para sa kanila. Naglihim ako sa'yo. Iniwan kita."
"Why didn't you tell me?"
"Haze, sa kalagayan mo ng time na iyon, dadagdagan ko pa ba?"
"Pero Lena, hindi porke't windang ako ng time na iyon, hindi mo na ako puwedeng takbuhan."
"Alam ko pero ayokong maging pabigat sa'yo."
"Kaya ba hanggang ngayon, kinakaya mo pa din ang lahat? You're still setting aside your own happiness para sa ikaliligaya ng family mo? Kaya ba until now, you're still single?" Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"You've always been a good daughter. You will always be a good daughter even if you come out of the closet. Hindi na magbabago iyan, Lena. That is who you are kahit ano pa ang mangyari."
"You're right. I know I'm a good daughter. I'm a good person. Too good to a fault in fact."
Malungkot ang ngiti ni Hazel.
"Am I forgiven?" Magkahawak kamay pa din kami.
"Matagal na kitang pinatawad. It's me who should forgive myself. I was keeping the anger close to my heart because in doing so, I don't have to deal with the truth na mahal pa din kita kahit pa naglihim ka sa akin at iniwan mo ako."
Nagtama ang tingin namin.
In her eyes I saw the reflection of my own longing.
But I took a step back.
Ako ang naunang bumitaw sa pagkakahawak namin.
"I guess it's too late now ano?"
Hindi siya kumibo.
"Pero thank you pa din dahil napatawad mo ako. Buti na lang at wala kang deadline when it comes to forgiving me."
Tumalikod ako at kumuha ng tissue.
I still need to clean my jeans.
Pagharap ko, Hazel was standing behind me.
Hinila niya ang belt loop ko at bago pa ako makapalag, her mouth was on mine.
Alam ko na dapat itulak ko siya.
But I opened my mouth and let her tongue in.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top