11: The Patay-Gutom Meal & The Three Second Rule







Pinaglalaruan yata kami ni Hazel ng tadhana.

Nang makita ko siya sa bahay nina Joey, hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano.

Hindi ko din alam kung may idea tungkol sa nakaraan namin si Joey kasi tuwang-tuwa siya na pareho kaming dumating sa party.

"Reunion na 'to ng mga taga-Macky's." Sabi niya sa parents niya at ibang bisita.

Binigay ko sa kanya ang dalang regalo na nakabalot sa pulang wrapping paper.

Sa loob nito ay may volleyball dahil mahilig daw maglaro nito si Hailey.

Niyaya ako ni Joey sa kusina  kung saan nakatalikod si Hazel.

Hawak niya ang tong at kumukuha siya ng lumpiang Shanghai.

Dumiretso ako sa lababo para maghugas ng kamay.

Dinahan-dahan ko ang pagsasabon.

Dalawang beses kong inulit ang Happy Birthday sa isip ko habang kinukuskos ang mga daliri at kuko.

Nag-iisip ako kung ano ang gagawin.

Para siyang nakakita ng multo.

Maputi na nga siya pero lalong namutla dahil na-drain lahat ng dugo sa mukha niya.

Hindi lang naman siya ang nagulat kundi ako din.

Excited akong makasama sina Joey at pamilya niya.

Pagkatapos ko kasi siyang sermonan dati eh naging close naman kami.

Natuto na siyang magfocus sa trabaho.

Malamang natakot siya na mapagalitan ko ulit.

Isang malaking kaldero ba naman ang sinunog niya.

Hindi na tuloy napakinabangan dahil ang itim ng gilid at amoy sunog ang kanin.

Wala akong idea na nandito na din siya sa Canada.

Nagkita kami sa simbahan.

Nagkagulatan pa kami kasi sa iisang parokya lang pala kami nagsisimba.

Kasama ko noon sina Tita at ang dalawa kong pinsan.

Kasama niya naman ang family niya.

Pinakikiramdaman ko ang paligid.

Niyaya si Hazel ni Joey na sa baba na lang kumain.

Maliit lang kasi ang sala at okupado na lahat ng upuan.

Sa sala nakapuwesto ang mga nagvivideoke samantalang sa baba naman ang mga nagzuzumba.

Pagbalik ni Joey, niyaya niya akong kumain.

Inabutan niya ako ng paper plate.

"Sayang, Mam. Kung nandito sana si Mam Maddie, mas masaya tayo."

"Bakit hindi daw nakarating?" Kumuha ako ng plastic spoon at fork bago lumapit sa tray na puno ng palabok.

"Eh naextend daw po ang duty. Kung nandito iyon si Mam ang sarap hamunin sa videoke. Lalo na kung lasing na." Nakatawa si Joey.

Dati, kapag invited kami sa mga handaan, napapalaban kami ni Maddie sa inuman at kantahan.

Gusto nilang kumakanta si Maddie kapag lasing kasi umiiyak lalo na kapag sad songs ang binabanatan.

Pero pagdating ng kinabukasan, kapag tinanong mo kung natatandaan niya ang nangyari, wala siyang maalala.

Kailangan pang ipakita nila ang mga video bago ito maniwala.

Sumandok ako ng kanin at kumuha ng apat na stick ng barbecue.

Nilagyan ko din ng chicken wings, lumpia at saka chopsuey ang plato ko.

Nag-umapaw tuloy ang pagkain sa paper plate.

Tiningnan kong mabuti ang kinuha ko.

Para akong patay gutom na ngayon lang nakakain.

Nilapag ko ang plato at nagsalin ng ginger ale sa red solo cup.

"Mam, sa baba na din po kayo pumuwesto. Mas maluwag po  doon at hindi masyadong mainit."

Sinilip ko ang sala.

Wala pa ding umaalis sa mga puwesto nila.

Mukhang nakaglue na ang mga puwet ng mga bisita.

"Okay."

Naunang bumaba si Joey at sumunod ako.

Tulad sa taas, hardwood din ang sahig.

May dalawang pahabang leather couch.

Iyong isa, nakapuwesto sa harap ng flat screen TV at nasa gilid ang isa.

Tahimik dito dahil walang nagzuzumba.

Pagtingin ko sa upuan, ang bakanteng puwesto ay ang sa tabi ni Hazel.

Okupado naman ng apat ng babae ang kabilang sofa.

Lahat sila nakatutok sa phone.

"Dito na kayo sa tabi ni Mam Haze." Turo ni Joey.

Nag-angat ng ulo si Hazel.

Nagkatinginan kami.

Pareho kami ng iniisip--ang huwag magtabi sa upuan.

"Mam?" Tinawag ako ni Joey.

Nakatitig pala siya sa akin.

"Okay."

No choice.

Umupo ako sa pinakagilid ng sofa para hindi kami magdikit.

Para kaming mga tanga. Naisip ko.

Dati, noong kami pa, kapag kami lang dalawa sa bahay at kuwarto niya, para kaming mga magnet na magkadikit lang eh hindi na mapaghiwalay.

Buti na lang at airconditioned ang bahay nila dahil kung hindi, manlalagkit kami hindi lang dahil sa pawis kundi dahil na din sa init ng mga katawan namin.

"Gusto niyong manood ng movie?" Sa akin nakatingin si Joey.

"Okay lang. Kahit ano." Sagot ko.

Ang gusto ko lang ay matapos na akong kumain para makaakyat na ulit.

Kahit hindi ko tingnan si Hazel, dama ko na hindi siya mapakali.

Halos hindi siya gumalaw para hindi ako masanggi.

Mabilis na nag-scroll si Joey sa TV.

Napunta siya sa cable channel na nagpiplay ng movies.

"Eto." Sabi niya.

Nag-angat ako ng tingin.

Really?

The Wedding Singer?

"Maganda 'to." Sabi niya.

"Ang cute pa ni Drew Barrymore." Dugtong pa niya.

Pinigilan kong magpa-ikot ng mata.

Pareho sila ni Hazel na gusto din si Drew.

Tinawag si Joey ng nanay niya.

Nagpaalam siya sa amin ni Hazel.

Akyat lang daw kami sa taas at kuha lang ng pagkain.

Pag-alis niya, bigla akong napabuntong-hininga.

Napatingin sa akin ang tatlong babae sa sofa.

Iyong isa na mukhang pinakabata sa kanila dahil sa purple hair at colorful make-up eh nagsmile sa akin.

Nginitian ko din.

"Bakit di ka sumandal?" Biglang nagsalita si Hazel.

Napatingin ako sa kanya.

Nakataas ang kilay niya.

Pinagtinginan tuloy kami ng babae na nagsmile sa akin.

"Okay lang ako." Sabi ko.

"Sumandal ka na para makakain ka ng maayos." It was more like a command not a request.

Pamilyar ako sa ganitong style niya.

Ginagamit niya ito sa akin dati kapag medyo nagkakatampuhan kaming dalawa.

Iyong tipong concern siya pero ayaw niyang ipahalata.

Umusog ako sa upuan.

Dahil malambot ang sofa, lumubog ako at napadikit sa kanya.

Tumagilid ang plato sabay dumausdos ang kanin at lahat ng nilagay kong ulam.

"Oh my god." Bigla akong napasigaw.

Napunta kasi sa gilid ng pantalon ni Hazel ang sarsa ng chopsuey pati na din sa suot ko.

"Sorry, baby." Biglang lumabas sa bibig ko.

Nagkatinginan kaming dalawa.

Parehong natigilan.

"It's okay." Kinuha niya ang tissue na nasa table at tinulungan akong linisin ang nagkalat na pagkain.

Isa-isang pinulot ni Hazel ang chicken wings at binalik sa paper plate.

Kinuha ko naman ang barbecue, repolyo, carrots, cauliflower at green peas bago pinunasan ang sarsa na nagsumiksik sa upuan.

Ngumiti si Hazel at di ko na din napigil ang sarili ko.

"Sayang ang pagkain." Sabi ko.

"Puwede mo pa namang kainin eh."

Tiningnan ko ang pagkain na meron ng tissue at kung anong balahibo na hindi ko matukoy kung saan galing.

"Tapos na ang three-second rule."

Tumawa siya.

"Ang mabuti pa, ilagay mo na lang iyan sa basurahan. Magsi-CR lang ako. Ang lagkit ng sauce eh."

"Ako din, magsi-CR."

Sabay na kaming tumayo.

Pag-akyat namin, nakita ni Joey ang hawak kong plato.

"Anong nangyari, Mam?" Tanong niya sa amin ni Hazel.

"Si Mam Lena mo, clumsy at messy eater."

"Sorry." Nahihiyang sabi ko.

"Saan nga pala ang CR?"Tanong ni Hazel.

"Linisin ko lang ang pantalon ko."

Napatingin si Joey sa gilid ng pants niya.

May malaking mantsa ng light brown sauce.

"Sa taas po, Mam. Pag-akyat niyo po," Tinuro niya ang hagdan na nasa tapat ng lamesa, "kaliwa po tapos nasa dulo ang CR. Sabay na lang po kayo. Malaki naman ang CR at dalawa ang lababo."

"Okay." Sagot ko.

Naunang umakyat si Hazel at sumunod ako sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top