1: Just When You Think You Are Moving Forward Then You Get A Surprise Text







A friend once told me, always move forward.

Hindi ko na matandaan kung ano ang pinag-uusapan namin at the time but this advice stuck to my head.

I would like to believe that after so many years, I have succeeded in following that advice.

Seven years ago, I moved to Canada to work.

Buti naman at sinuwerteng makaalis.

Ang sipag kasi ng magulang ko eh.

Anim kaming magkakapatid.

Iyong youngest namin, eight years old lang noong umalis ako.

Ako ang pangatlo at sa akin umaasa ang mga magulang at kapatid ko.

Kaya kahit natatakot akong umalis, sige na lang.

Inisip ko na lang na para ito sa ikabubuti ng buhay namin.

Si Tatay, karpintero at hindi regular ang trabaho niya.

Si Nanay naman, clerk sa barangay.

Noong nalaman nila na nakapasa ako sa interview papunta sa Canada, tuwang-tuwa silang lahat.

Kahit hindi pa nga ako nakakaalis eh pasalubong na agad ang habilin nila.

Gusto kong kutusan ang mga kapatid ko lalo na iyong pangalawa namin na si Kuya Edwin.

Tambay kasi siya.

Pero kung makahirit ng pasalubong, wagas.

Hindi man lang nila inisip na kinakabahan ako kasi first time kong umalis tapos ang layo pa ng pupuntahan ko.

Ang kilala ko lang na lugar sa Canada eh Toronto o di kaya Vancouver dahil iyon ang malimit kong mabasa sa news.

Malay ko ba kung saan iyang Stony Hill, Alberta?

Maayos naman ang work ko dito sa Pinas bilang manager sa Macky's Restaurant.

Pero hindi pa din sapat ang sahod para tustusan ang mga kailangan namin.

Tinulungan ako ng Tita ko na makapunta sa Canada.

Citizen na kasi siya doon.

Ako ang gusto niyang makapag-abroad sa amin dahil meron na akong work experience bukod sa mature ako mag-isip.

Isa pa, favorite kasi ako ni Tita.

Noong binanggit ni Nanay na gusto akong kunin ni Tita Nena, ni hindi niya ako tinanong kung payag ba akong umalis o hindi.

Mukhang siya na ang pumayag para sa akin.

Ayoko pa namang umalis.

May dahilan kasi kung bakit.

Tao.

Isang tao na mahalaga sa akin.

Isang tao na kilala nina Nanay pero hindi nila alam ang degree ng significance sa buhay ko.

Si Hazel.

Two years na ang secret relationship namin ng dumating ang chance na makaalis ako.

Siya din ang reason kung bakit hesitant akong mag-abroad.

May mga sarili kaming plano.

Plano na hindi kasama ang iwanan ang isa't-isa.

Plano na hindi kasali ang long distance relationship.

Pero dahil walang may alam tungkol sa amin (at least iyon ang paniwala namin), hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang tungkol sa balak ni Tita Nena na kunin ako.

May mabigat din siyang pinagdaraanan ng time na iyon kaya tinago ko sa kanya ang pagpaprocess ko ng mga papeles.

I know I should have been honest pero natatakot ako na baka kapag sinabi ko sa kanya, bigla na lang siyang sumugod sa bahay at magmakaawa na huwag akong umalis.

Going behind her back was a mistake on my part.

A month before I was scheduled to leave, kinausap ko siya.

Tama nga ang hinala ko na susugod siya sa bahay.

Nagulat na lang sina Nanay ng mangatok siya sa gate ng dis-oras ng gabi.

Umiiyak siya.

Lalo tuloy nagtaka si Nanay kung bakit ganoon ang hitsura niya.

Mugto ang mga mata at balisa.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanya.

Pinapasok ko siya sa kuwarto kung saan doon nandoon din si Lexi.

Tatlo lang kasi ang kuwarto sa bahay namin.

Share kami ni Lexi, sina Kuya Edwin at Emil iyong isa tapos room na nina Tatay at Nanay.

Nagtataka man si Nanay kung anong nangyayari, sinabi niya na lang kay Hazel na sa bahay na matulog dahil gabi na.

Hindi kami masyado makapag-usap ng maayos dahil kahit mantika matulog si Lexi, manipis naman ang mga dingding sa bahay namin.

Hinayaan ko na lang siyang umiyak.

Niyakap ko siya, inalo.

Nagbubulungan lang kami.

Tinanong niya kung bakit nagawa kong maglihim sa kanya.

Tinext ko ang sagot ko.

Sinabi ko na alam ko kasi na mangyayari ang ganito--iiyak siya, magagalit.

"Naisip mo ba na kaya ako umiiyak ay dahil tinago mo sakin ang bagay na 'to?"

"Pero papayag ka ba na umalis ako?"

"Bakit naman kita pipigilan?"

Nang mabasa ko ang sagot niya, gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader.

I felt like shit because of guilt.

After ng incident na iyon, iniwasan ako ni Hazel.

Ako naman itong nagmakaawa na mag-usap kami pero ayaw niya.

Ang last words niya sa akin was, I don't think I can trust you anymore.

Ang sakit nang marinig ko iyon.

Mas mabuti pa sana kung sinigawan niya ako o di kaya sinampal.

But she said it in the calmest manner she could muster.

Every word cuts like a knife through my heart.

Noong umalis ako, tinext ko siya.

Text ako ng text pero wala siyang reply.

Sinabi ko  kung anong oras ang flight ko, saang terminal at kung saan banda kami nakaupo.

Dahil wala akong tigil sa kakacellphone, sinermonan ako ni Nanay.

Iyon na nga daw ang huling araw na makakasama ko silang lahat, mas inaatupag ko pa ang cellphone ko.

Tinago ko sa bulsa ang telepono para wala na siyang masabi.

Dahil sa nangyari sa amin ni Hazel, mas lalong bumigat ang puso ko noong paalis ako.

I blamed myself for what happened to us.

Iyong close friend namin na manager na si Maddie ang tanging nagbibigay sa akin ng update.

Nasa work daw si Hazel ng umaga na iyon.

Mukhang happy nga daw eh.

Nakikipagkulitan sa mga crew pati sa mga regular customer.

Alam ko na nagpipretend lang si Hazel.

Kilala ko siya.

Iyong time na bigla siyang dumating sa bahay ang isa sa rare moment na nakita ko siyang nagbreakdown.

Magaling kasi siyang magtago ng emotions.

Hindi mo tuloy matukoy kung ano ang tumatakbo sa isip.

Kapag nasa work, akala mo wala kaming misunderstanding.

Pero kapag kaming dalawa lang, doon niya pinapakita kung ano ang tunay na nararamdaman niya.

Mahirap umalis na may dalang heartache.

Dahil walang closure, nahirapan akong i-handle ang nararamdaman ko para sa kanya.

There are times na bigla na lang akong iiyak kasi namimiss ko siya.

Ang akala ni Tita, nahohomesick ako.

Kasama na din iyon pero mas iniisip ko si Hazel.

Bago kasi nangyari ang lahat ng ito, okay kaming dalawa.

Para sa akin, siya ang soulmate ko.

We are opposite signs.

Virgo ako at Pisces siya pero totoo yata ang kasabihan na opposite attracts.

Nababalanse namin ang ugali ng isa't-isa.

Pero totoo din ang kasabihan na time heals all wounds.

I have to accept that it was my fault kung bakit nasira iyong relationship namin.

Kahit nasa Canada na ako, I kept texting and emailing her.

Sorry, baby.

Iyon lang ang message ko.

She never answered back.

Nagfocus na lang ako sa work ko bilang cashier sa isang coffee shop.

Gusto ko mang makipagdate, hindi din alam ni Tita Nena na isa akong lesbian.

Isa pa, strict si Tita hindi lang sa akin kundi pati sa dalawang anak niya.

Religious din siya.

Kahit ang tagal ko ng hindi sumisimba, hindi pwedeng hindi sumama sa kanila tuwing Sunday.

Ritwal na iyon.

Kapag nalaman niya ang lihim ko, siguradong isusumbong niya ako kay Nanay.

Sa paglipas ng mga taon, umangat na ang posisyon ko sa trabaho.

After maging cashier, naging supervisor.

When there was an opening for a manager, nag-aaply ako.

Tumagal lang iyon ng dalawang taon kasi naisipan kong mag-aral.

Sumasakit na kasi ang mga kasu-kasuan ko sa kakatayo.

Nag-enrol ako sa one-year medical assistant course at nakatapos naman ng matiwasay.

Pagkagraduate, natanggap ako sa provincial health service bilang scheduling staff.

Mahigit one year na ako nagwowork bilang full-time employee.

Hindi ko na din masyadong naiisip si Hazel kasi meron na din akong mga naging kaibigan.

Kahit zero ang lovelife, happy naman ako dahil malaki ang naitutulong ko sa family ko.

Iyon ang consolation ko sa lahat ng sacrifice ko malayo sa kanila.

Always move forward.

Iyan ang naging motto ko.

I was thinking of this kasi bigla akong may nareceive na message sa Facebook Messenger mula kay Maddie.

Nasa Canada daw siya.

Binasa ko ulit ang message niya.

Naging madalang ang pagtitext namin lalo na noong naging busy ako sa trabaho.

Kaya naman I was really surprise to see the notification.

"Kailan pa?" Excited na reply ko.

"One week na."

"Talaga?"

"Oo."

"Wow! Welcome to the frozen tundra."

"Lol. Thank you."

"Ikaw lang?"

Tumalon-talon lang ang mga dots.

After a minute, akala ko hindi na siya magrereply.

Nag-ring ang phone at sinagot ko ang tawag ng pasyente na gustong magbook ng appointment.

Tinago ko ang cellphone kasi baka makita ng manager ko.

Bawal kasi ang gumamit ng cellphone sa work pero lahat kami violators.

Nang matapos na ang call, kinuha ko ang phone sa drawer.

Nabulaga ako sa nabasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top