Prologo
| Si Iñigo |
"Iñigo! Aba'y tanghali na!" tila nabulabog sa lakas ng palahaw ni aling Nena ultimo mga kuto sa ulo ni Iñigo nang umagang iyon.
"Inay naman! Agang-aga'y nakasigaw kayo, nakakahiya sa mga kapitbahay!" reklamo ni Iñigo sa ina.
"Ano 'gang nakakakahiya ay tanghali na, alam mo 'ga kung anong oras na? Maaga pa, tama kang bata ka! Maaga pa para bukas..!!" Bulyaw nito sa bagong-gising na anak na ngayon ay kakamut-kamot ng ulo at nakasimangot pa ngunit sumunod na din ito.
»»●««
Iñigo's POV
"Haaay.... Ang inay talaga, nakaka-sura!
Ang tanda ko na ay 'kala mo'y bata pa din kung ituring. Makapaligo na nga!"
Dali-dali na nga akong naligo nang araw na iyon.
Parang regular na araw lang naman, tulad ng dati ay bulyaw ng Inay ang alarm clock ko.
Dito ako sa Baranggay Masantol nakatira (sakop ng Batangas) pero nakapagtatakang wala namang maraming puno ng santol na makikita sa lugar na ito.
No! Hindi tungkol doon ang misteryo na ilalahad ko.
Nagsimula ang lahat ng makaalis ako nang bahay ng araw din na ito:
July 16, 2015.
Tulad ng nabanggit ko ay normal na routine lang ang lahat ng ginawa ko, gayon din ang daang tinahak ko...
Sa katunayan ay pumasok pa ako sa eskuwelahan noong araw na iyon subalit...
Hindi na ako muli pang nakabalik ng bahay.
Naglaho ako na parang Bula.
Sa lugar kung saan maraming tsismoso at tsismosa,
Lahat ng tao ay magkakakilala...
Paano itong nangyari?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top