Kabanata 9
Jasmin's POV
We're on our way to SPO4 Soliman's residence. Ang aming prime suspect.
Medyo gutsy ang gagawim naming move but I don't think na magdududa siya dahil after all, we're just a bunch of teenagers.
More or less ay 15 minutes walk din mula sa bahay na tinitigilan namin papunta sa kaniyang bahay. Maaga kaming umalis upang makausap siya.
Sa harapan ng bahay niya ay agad namin siyang nakita.
Malungkot siyang umiinom ng kape.
Mula sa terrace ay natanaw niya kami kaya inimbitahan niya kami na pumasok sa loob ng bakuran.
Pinaunlakan namin siya and unlike some mystery books that we've read before, iba pala 'pag real life na.
Mahilig din kasi akong manood ng Detective Conan at magbasa ng Sherlock Holmes detective stories.
Pero iba 'pag amateur detective ka.
Una, hindi mo alam kung saan mo sisimulan... kung paano mo sila tatanungin na hindi magdududa o magka-clam-up 'ika nga.
Pangalawa, hindi ganoon kadali ang lahat... we can't easily come up with conclusions right away base lamang sa circumstantial evidence and even some concrete evidences we have found dahil maaaring planted evidence lang iyon ng tutoong killer to mislead future investigations.
Pangatlo, hindi kami pwedeng magkamali. Real lives are at stake here. Isang maling hakbang o konklusyon at maaaring maling tao ang maakusahan at maparusahan.
Spo4 Soliman offered us some coffee at hot pandesal kaya sumabay na kami sa kaniyang pag-aalmusal.
Nagpakilala kaming lahat sa kaniya ngunit hindi pa kami nakakasimula halos magsalita nang pigilan niya kami, "No need, kilala ko na kayo. Welcome nga pala sa maliit naming baranggay, hindi ko kayo na-welcome ng maayos at unfortunately ay nagkakilala pa tayo sa mga panahon na hindi maganda ang mga pangyayari..." aniya. Mabait at malumay itong magsalita kahit na medyo husky ang boses nito.
Ewan ko ba pero magaan ang loob ko sa kaniya. Medyo may kalakihan ang katawan niya at may katangkaran na taliwas sa nakaka-overwhelm nitong 'itsura ay ang manners nito at pagkilos. Magalang siya sa kahit sinong kaharap at maingat sa bawat kilos na para bang de-numero.
Ngayon ay may napansin akong kakaiba sa aura nito. Malungkot ito kahapon pa ngunit iba ang lungkot sa mga mata niya ngayon. Hindi iyon tulad ng kahapon nang ma-suspinde siya sa trabaho.
Panay din ang singhot nito kaya nahalata kong kagagaling lamang nito sa pag-iyak.
Hindi na ako nakatiis at tinanong ko siya, "Mawalang-galang na po SPO4, kung okay lang po sana ay magtatanong ako..."
"Sige ano yon?"
"Umiyak po ba kayo?" Tanong ko naman.
Tumikhim siya at tila nabigla sa tanong ko. Natahimik siya sandali at tila ba pinag-a-aralan kung sasagutin ako o hindi. "Oo." sagot niya. "Lumabas na ang resulta ng autopsy... a... at ang natagpuan ninyo sa gubat... ay ang ... ang nawawala kong fiance!" Utal-utal niyang usal until finally, he broke down.
Umiyak siya sa harapan namin.
Medyo naging uneasy ang feeling ko, hindi ako sanay na nakakakita ng lalaking umiiyak, at ngayon ay isang pulis pa. Parang gusto kong kutusan ang sarili ko, kasi nang dahil sa curiosity ko ay nakapagtanong ako ng hindi dapat. But what am I thinking right now? This is what we need para malaman kung sino talaga ang culprit!
Focus Jasmin, focus!!
Muli ko siyang in-obserbahan.
Hindi na siya nakapagpigil it seems kasi ngayon nga ay humahagulgol na siya sa sobrang dalamhati.
Sana tutoo ito at hindi drama lang kasi his revelation shocked us all.
Awang-awa ako sa kaniya pero hindi ko pwedeng hindi maisip na baka nag-da-drama lang siya. Ngayon kasing lumabas na may koneksiyon sila ng biktima ay mas lumaki ang posibilidad na siya nga ang talagang killer.
Gayunpaman, hindi na ako nag-patumpik-tumpik pa, niyakap ko siya. Tila siya isang batang nakakita ng kakampi, sa balikat ko ay doon siya humagulgol ng iyak.
In between his sobs ay nagpatuloy siya sa pagkukuwento, "Malapit na kaming magpakasal. In fact, plantsado na ang lahat, nang bigla siyang nawala na lang bigla. Akala ko'y sumama siya sa iba kaya masakit man ay tinanggap ko na lamang... hindi ko alam na ganoon pala ang sinapit niya!!" Tangis nito at muling nagpatuloy, "Mahal na mahal ko siya at marami na kaming plano, 'etong bahay na ito ay magkatulong naming ginastusan upang maipagawa. Apat na anak ang balak naming kukumpleto at magbibigay saya sa napipinto naming pagsasama, pero sinira iyong lahat ng kung sino mang gumawa nito sa kaniya! Hayop siya..!! Magbabayad siya sa ginawa niya!" Nagngangalit ang bagang nito habang nagsasalita. Patuloy pa din ang pag-agos ng kaniyang mga luha, maging ang tulo ng sipon ay hindi na rin nito alintana.
"Mayroon po bang kahina-hinala o ka-duda-duda sa kilos niya ng huli kayong magkita? May nabanggit po ba siya sa inyo na maaring siyang naging dahilan ng maaga niyang pagkamatay?" Usisa dito ni Rigor.
"M-meron... sabi niya ay mayroon daw akong kasamahan sa trabaho na lagi niyang nahuhuling nakatingin sa kaniya na parang may malisya, bukod doon ay marami pang ibang uma-aligid sa kaniya na may gusto at nagpaparamdam na gustong manligaw subalit sinigurado niyang wala siyang pinapansin ni isa sa kanila dahil ako ang mahal niya, kaya ipinagsawalang- bahala ko na lamang. Medyo proud pa nga ako kung tutuusin kasi nga ako ang napili niyang mapangasawa."
"Doon po sa kasama ninyo sa serbisyo na nabanggit niya sa inyo, medyo nakakahinala kasi na-specify niya na malisyosong makatingin sa kaniya, maaaring may hindi magandang motibo... ahm, nabanggit niya po ba sa inyo kung sino iyon?"
"Wala! Wala siyang nabanggit, tingin ko noon ay nahihiya siyang bumanggit ng pangalan dahil nga para na kaming isang pamilya ng mga kasamahan ko sa serbisyo kaya marahil ay nag-a-alangan siya at hinihintay niya lang na sa akin magmula... na magtanong ako kung sino... pero hindi ko ginawa, kasi... kasi naduwag ako! Hindi ko kasi alam kung ano bang aksiyon ang dapat kong gawin, baka kasi mali lang siya ng iniisip o baka hindi ko kayang malaman kung sino dahil nga malapit kaming lahat sa isa't-isa! Ngayon ay nagsisisi ako kung bakit hindi ko iyon ginawa!"
I consoled him once again at habang pinapayapa ko ang kalooban niya ay napatingin ako ng bahagya sa pinsan kong si Jim. Sa aming lahat siya pinaka-mataman ang pakikinig sa lahat ng salaysay ni SPO4 Soliman. Lingid sa kaalaman ng lahat, ay may photographic memory si Jim, bukod doon ay very high din ang IQ nito. Mahilig itong magbasa ng psychology books lalo na 'pag may kinalaman sa Behaviorism- study of human behavior, kaya alam kong very high din ang analytical skills nito at level of comprehension.
Alam kong she's noting down everything mentally. Hindi na namin kelangan ng ball pen at papel because we have her.
So, I decided to ask him again, "Eh iyon pong ibang may gusto sa kaniya na nais umanong manligaw , o nagpapahaging kaya... may idea po ba kayo kung sinu-sino sila?"
"Meron. Nabanggit niya silang lahat kaya mula noon ay parati ko na silang minamanmanan secretly."
"Pwede po ba naming malaman kung sino sila?" Tanong ko.
"Oo. Sina..."
Halos pigilin naming lahat ang aming hininga dahil malalaman na namin ang maaaring makapagbigay ng linaw sa kasong ito, kaya't nakinig kaming mabuti at kaniya nga'ng sinabi sa amin ang mga pangalan ng mga posible'ng may kagagawan ng nangyaring pagpaslang.
»»»●««««
Jim's POV
I looked at our prime suspect at napabuntunghininga ako.
Now, this has become harder.
Why?
Dahil noong pumunta kami rito, ang main goal namin is to prove someone's guilt.
Pero dahil sa mga nangyari today, tila nabaliktad ang mga pangyayari.
I looked up and sadly thought, "Bakit ganito ka-unfair ang buhay?"
Hindi pa ako nagkamali kahit kelan ng analysis sa human behavior ng mga tao.
Kaya konti lang ang kaibigan ko ay dahil automatic kong nalalaman kung sino ang sinungaling, nagpapanggap o fake friend lang at iyong mga tipo ng taong tuwing may pakinabang ka lang doon ka kaibigan...
At ngayon isa lang masasabi ko- I am 100% sure na inosente siya!
The hardest part now, is how to prove his innocence gayong lahat ng ebidensiya ay sa kaniya nakaturo!
Kasalukuyang nakatingin ang lahat sa kaniya at naka-abang sa kaniyang mga sasabihin. Sa ngayon ay isa-isa na nitong binabanggit ang mga pangalang nagkagusto at nagnais manligaw sa biktima. Lahat sila ay may motibo sa nangyaring pagpaslang sa late fiancee ng pulis.
To catch my breath ay ipinasya kong lumingon-lingon sa paligid at mayroon akong napansing anino na nanunubok sa 'di kalayuan.
Napakunot-noo ako dahil sigurado akong sa amin nakatitig ang anino.
Hindi ko masyadong mamukhaan ang taong iyon ngunit alam kong hindi maganda ang iniisip nito o tangka sa amin.
"3 o'clock." wika ko. They all stared at me like I'm out of my mind pero tinitigan ko sila at hinawakan ang relo ko at isinenyas sa kanila ang kamay ng orasan na dapat ay nakaturo sa 3:00, pero hindi pa din nila na-gets kaya nag-type na ako sa cp ko at sinend sa kanilang lahat- salamat teknolohiya!"
Eto ang laman ng mensahe:
Look closely at your 3:00, but be careful. 'Wag magpahalata. A stranger is looking.
Tumingin nga kaming lahat ng pa-simple kaya't halos sabay-sabay din kaming nag-panic at dumapa ng makita naming naka-umang na pala sa amin ang armalite ng 'di nakikilalang nilalang.
Bumuga ng maraming bala ang Ak-47. Out of sheer impulse ang nagtulak sa akin upang dumapa at gumulong sa lupa palayo sa line of fire. Hinanap ng mga mata ko ang mga kaibigan ko, at medyo nakahinga ako ng maluwag nang makita kong sila man ay gumulong palayo. Kita ko ang takot sa mukha ng pinsan kong si Jasmin, ako man ay takot din. Kahit tomboy ako ay hindi ko maiwasan ang manginig lalo at first time ko na paulanan ng bala.
"Argh!" Gibik ko. Kinapa ko ang braso ko at nakita kong umaagos mula doon ang masaganang daloy ng dugo.
»»»●««««
[A/N]: Sana po ay nagustuhan ninyo ang chapter na ito, kung may mha katanungan po kayo, huwag po kayong mag-atubili na mag-iwan ng comment.
Let me know what you think, if you're reading this and you're using Twitter and/or IG, please use these hashtags:
#AMPniIñigo
#MidnightBloomer
Thanks for reading everyone.
GOD bless us all, always!
🌻🌱🌻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top