Kabanata 7

Rigor's POV

Maaga kaming gumising the day after finding a dead body in the middle of nowhere.

We ate our food hastily. Masarap as usual ang ihinain sa amin ni Mang Tikong pero mas interesado kaming malaman kung ano ang kuru-kuro ng mga tao sa paligid.

Malimit kasi, sabi nga nila ay mas malaki ang impormasyong nakukuha sa mga tao sa paligid kesa sa resulta ng forensics.
Siyempre important ang ano pa man na lalabas sa crime lab pero madalas ang mga tsismisan ng mga tao ay mas maraming clues na na-i-a-ambag lalo pa sa gaya ng lugar na ito na isang baryo talaga na magkakakilala halos lahat ng tao.

Pagkalabas pa lang namin ng bahay ay halos nadirinig na namin ang usap-usapan sa pondohan ni Aling Garing.

Habang papalapit kami ay mas lalong lumilinaw ang pagpapalitan nila ng mga opinyon at haka-haka.

"Naku! Hindi kaya si Iñigo ang natagpuang bangkay?" Ma-intrigang tanong ng isang babae na may katabaan.

"Elsa, 'wag naman sana, alam mo naman na magpa-hanggang ngayon ay umaasa pa din ang mag-asawa na matatagpuan pa din nila ang kanilang anak!" Tugon dito ng kausap.

"Eh! Sana nga hindi siya iyon, pero naman..! Dorothy, siya lang 'yung huling nawala dito sa baryo natin!" Nanlalaki ang mga mata nito habang kumukumpas pa ang mga mata which reminded me of Star kapag ganado na ito sa pang-iintriga.

Lumapit kami sa tindahan upang bumili ng miryenda. Mga biskwit at softdrinks para sa amin ni Jasmin, tubig at Chippy naman ang kay Star at Mogu-Mogu at Roller Coaster ang kay Jim.

Sa tingin kasi namin ay mukhang magtatagal kami rito.
Binati kami kaagad ni Aling Elsa, iyong babae na medyo mataba na nagsasalita kanina.

"Kayo iyong mga bakasyunista diyan sa bahay na malaki hindi ba?" Anito.

"Opo" sagot ko naman.

"Mabuti naman at nawiwili kayo dito, mukhang mga taga-siyudad kayo, eh wala namang mga mall dito." wika niya.

"Ah, eh... iyon nga po ang hanap namin iyong walang mall at tahimik na lugar. Nais po muna naming makalayo sa magulong buhay sa siyudad at maganda po dito sa inyo kahit na walang mall!" Ani Jasmin.

Napangiti ito at mukhang nasiyahan sa sagot ni Jasmin,"Sang-ayon ako diyan, pero ang salitang 'tahimik'... diyan ako sasalungat! Nabalitaan mo ba ang bangkay na natagpuan diumano kahapon? Inangkupo at na-a-agnas na daw? At mukhang pinatay! Buti na lang at may mga nakahukay daw na grupo ng mga kabataan!" Anito na nanlalaki ang mga mata at pa-kumpas-kumpas ulit ng mga kamay habang nagsasalita, grabe babaeng version siya talaga ni Star!

Natigilan ito sandali na tila may naisip, 'pagkaraan ay napapalatak ito at napa-wika ng; "T-teka, hindi kaya... hindi kaya kayo ang mga kabataan na iyon... apat daw eh?"

Napakamot ako ng ulo at wala akong nagawa kundi aminin iyon.
Napahiyaw ito sa pagkagulat na para bang naka-jackpot at nakakita ng multo all at the same time, tuloy ay nagkatawanan sa buong pondohan.

Madaming tao sa tindahan, mga 10 kaming nandoon lahat.

They congratulated us na para bang naka-gold medal kami, pero medyo nakaka-ilang and I feel weird kasi bangkay ang natagpuan namin. Pero siguro kasi in a way ay may naitulong na din kami sa society kaya ganoon.

»»»●«««

Star's POV

Habang tumu-tungga ng pampa-kabag na inumin ang beauty ko, hindi ko naiwasa'ng hindi kiligin sa dami ng pogi-bels sa pondohan na tinamabayan namin.

Noong una, ayaw ko sanang i-rampa ang kagandahan ko sa tindahan na itetch, pero 'day! Sa sobrang dami ng gwapito dito, hindi pa man ako kumakain ng snack ay busog na busog na talaga ang mga mata ko!

Kalurkey! Gorabels na gorabels na ang kagandahan kong maka-date ang isa sa kanila!! Kinilig ako sabay hagikgik nang mamalayan ko na lahat pala ay nakatingin na sa akin.

"Oh, bakit...??!" Patay-malisyang tanong ko.

"Bakit tawa ka ng tawa diyan, may nakakatawa ba?" Asked Rigor. A puzzled look on his face can be seen.

"Ha...? Ah, eh..." utal ang kagandahan ko, "Inang..." bulong ko. Napalakas yata ang hagikgik ko, akala ko ay mahina lang. "Ah... W-wala, ano kasi medyo nasamid lang ako sa softdrinks, ahak ahak!" Palusot ko sabay dahak, para believable.

"Hus...! Parang hindi naman!" Naka-ismid habang medyo natatawang sabi ni Jim".

"Ikaw talagang tibo ka! Kontrabida ka talaga sa life ko, eh no? Wala ka ng ginawa kungdi kumontra!" Sigaw ko aa kanya habang grabe sa panlalaki ang mga mata ko. "Nakakainis na siyang talaga!" Gigil kong tili sa utak ko.


Tawa lang ang isinukli sa akin ni T-bird. Sobrang hate ko na talaga siya! Pasalamat siya at pinsan siya ni Jasmin kung hindi! Naku, siguradong matitiris ko siyang parang kuto!

»»»●«««

Jim's POV

Natawa na lang ako sa mga pangyayari. Obvious naman sa mga ngiti at hagikgik ni Star na kinikilig siya sa mga lalaki dito. Tsk! Nahihiya pang aminin!

In fairness, marami nga'ng may 'itsura dito pero for sure kung naging lalaki lang si Star, paniguradong mas gwapo pa siya sa mga andito! T-teka lang ano ba iyong na-i-isip ko....??!!
Yuck!!!

Anyways, balik sa observation ko... Sana lang kasi inamin na lang niya, ayoko pa naman sa tao ang sinungaling! Sabagay, siguro'y nahihiya... uh-urm na-alala ko bigla ang mga pinaggagawa niya recently which made me think twice na may hiya siya dahil muntik na nga pala kaming napa-away lahat sa police station dahil sa kaniya... hay! Hindi ko talaga siya maintindihan!

'Yong tipong puzzled ako sa kaniya... na-i-intriga pero at the same time naiinis? Pero natutuwa akong nakikita siyang na-a-asar! It seems like every emotion na nakikita ko sa mukha ni Star ay nakaka-aliw sa akin!

T-teka nga, ano ba ito? Fan na ba ako ng baklang ito? Ay! Ewan! Ang weird ko today! Siguro dala lang ng ma-alinsanga'ng panahon, o siguro na-engkanto ako, hindi kaya tutoo iyon?!!
After all iyon ang madalas na pinapaniwalaan dito sa baryo.


Mahilig ako sa rational explanation ng mga bagay-bagay. Kelangang ma-explain ko ang lahat in a detailed manner at iyong tipo na walang butas at walang pasubali na paliwanag lalo ang mga mysteries pero unlike other people na katulad ko na rational kung mag-isip... Open pa din ako sa mga bagay na pinapaniwalaan ng mga matatanda. I am humble enough to admit na hindi lahat ng bagay ay alam ko, though I know more than what I'm letting everyone else to know about me...
Alam ko din na, not all things in the world are to be taken literally and viewed in a rational way, sometimes you have to think out of the box.

So, 'eto na, natahimik na ulit si Star. At ngayon nga ay nag-focus na ako ulit sa pakikinig sa mga nag-ku-kuwento sa pondohan.


Anyone around here could be the killer. Hindi ko pwedeng i-focus doon sa prime suspect namin na pulis ang aking hinala dahil posibleng may ibang gumawa at pini-frame-up lang iyong pulis na may-ari ng tsapa at ID.

Mataman akong nag-obserba sa paligid.

Malikot ang mata ng tinatawag nilang Miko. Medium-built ang katawan nito, medyo baby-faced at dito pa kanina malagkit ang tingin ni Star.


Ang nag-nga-ngalang Justin Loyola naman ay masiyado'ng interested sa bawat detalye ng pinag-u-usapan namin. Taga-kabilang baryo daw ito ngunit malimit dito dahil pinsan ito ni Alfred.

Si Alfred isa sa tatlong nakapukaw ng pansin ko. Pawisan ito kanina pa. Medyo ma-alinsangan nga ngunit iba siya. Parang may nerbiyos na hindi mo maintindihan.

Ayon sa nabasa ko, kung magiging mapag-observe ka lang sa paligid mo, malalaman mo sa bawat kilos at galaw ng isang tao kung meron itong itinatago, kung nagsisinungaling ito, kung guilty ito sa isang krimen o kung tapat ba ito. We can be our very own lie detector machine... OUR brain can very well function more than a mere machine can.

Kaya heto ako ngayon, observe pa more!
When suddenly ... ping!
There's that something that someone said in the middle of our chit-chat, na parang nag-trigger ng kung ano sa utak ko!
It must be something significant to the case. Iyong tipong malaking clue or breakthrough na hinihintay ko pero 'di ko matukoy kung ano?

Napabuntunghininga ako.

Matapos ang mahaba-habang kuwentuhan ay napagpasiyahan ng barkada na umuwi na muna.
Sa bahay na lang daw namin i-tackle lahat ng mga napagkuwentuhan dito ganoon din ang mga napansin namin.

Sumang-ayon kaming lahat at umuwi na. Tanghali na din naman at magalang kaming nagpaalam sa aming mga kausap. Sinabi namin na manananghalian na muna kami.

Masaya kaming nagpaalam sa mga bago naming kakilala and I smiled. Nakakatuwa na marami kaming nakilala. Magagaan silang kasama at kausap. Something na bihira kong makita sa maingay at magulong siyudad kung saan kami ay nag-a-aral.


»»»●«««





Jasmin's POV


Pagkarating na pagkarating pa lang namin ng bahay ay napagpasiyahan namin na mag-usap na sa kuwarto.
Brainstorming daw ang tawag sa gagawin namin sabi ni Rigor. 😮😶


Doon kami sa malaking bed ng mga 'boys' naupo.


"So, ano na? Anong masasabi ninyo guys?" Tanong ko. "Any suspects?"


"Si Iñigo kaya?" Tanong ni Rigor.


"Iñigo?" Halos panabay kami ni Star na napabulalas.


"Si Iñigo... ayon sa locals bigla na lang siyang nawala... either siya mismo ang bangkay o siya ang ating prime suspect!" Ani Rigor.


"Tsk! You got it bro! Iyan iyong kanina ko pang iniisip, 'yung parang may narinig ako o nalaman na importante pero parang dumaan lang sa tenga ko at nawala din agad sa isip ko? Iyan nga pala iyong tungkol kay Iñigo na bigla na lang daw naglaho, something fishy 'di ba?" Sang-ayon ni Jim kay Rigor.


"Pero paano kung hindi si Iñigo ang namatay at hindi din siya ang pumatay?" Tanong ko naman.


"Knowing that we're in a very peaceful and quiet province in Batangas...? If that were so, dear cousin... then we should congratulate ourselves for landing on perhaps the rarest and weirdest place in the planet." Jim said.

The words that came out from her serious mouth literally gave us goosebumps.


Pagkatapos marinig ang kaniyang sinabi, naging speechless kaming lahat. It's like some sort of a warning... 'yung parang calm before the storm na tinatawag? Parang ganito iyon. Parang premonition.



Natahimik kaming lahat pagkatapos at nahulog sa malalim na pag-iisip.


»»»»●««««


[A/N]: To be edited. 😘
Kung nagustuhan ninyo po please vote and comment naman kung may tanong kayo o may suggestion.

I would like to know po kung nagba-basa kayo.
So, don't forget to use these Hashtags on Twitter and Instagram:

#MidnightBloomer and #AMPniIñigo



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top