Kabanata 6
Rigor's POV
Halos ginalugad na yata namin ang areas malapit sa kinatagpuan ng bangkay, subalit wala na kaming nakita pa maliban sa isang compass.
"Kanino kaya ang compass na ito?" Tanong ko sa aking isipan." siniyasat ko ang paligid nito. May nakalagay na initials: JB. "Baka ito ang may-ari, may patak din ng dugo na natuyo sa bandang gilid nito..."
Marahil, matapos patayin ang biktima ay binuhat niya ito. Siyempre upang ilibing. Duguan pa ang kamay niya. Hinawakan niya ang compass dahil gagamitin niya ito upang matukoy kung saan niya ililibing ang bangkay at upang malaman na din kung saan niya ito dinala just in case kailangan niya itong balikan at siguro ay upang hindi din siya maligaw. Pagkatapos ilibing ang biktima marahil nalaglag ito mula sa kaniya. Perhaps ay dahil sa sobrang pagmamadali, siguro din ay gabi na ng malaglag ang compass kaya hindi na niya ito nahanap pa.
"Guys, kailangan natin na ibigay sa mga pulis ang compass na ito at nang maipa-test, kung ang dugo na nandito ay mula sa biktima, malamang sa hindi ay hawak na natin ang ebidensiya na magpapatunay kung sino ang killer." Wika ko.
"Pero hindi ba at marami nang ebidensiya na nakalap ang pulis?" Tanong ni Jasmin sa akin.
"Hindi mo ba napansin?" Tanong ko din sa kaniya.
"Ang alin?" Kunut-noong tanong ni Jasmin.
"...Na masiyadong obvious! Ang mga naunang ebidensiya na nakalap ay hindi sa biktima, pero nakuha ang isa sa loob ng bulsa niya habang ang isa naman ay sa may puwitan ng bangkay, may isa din na nalaglag sa kaniyang kamay." Sabat ni Jim na kanina pa tahimil kaya lahat kami ay nagulat sa kaniyang sinabi. Kahit pala tahimik at palabiro ay mahusay din ito sa pag-analyze ng mga pangyayari. "Everything is way too obvious but of course we could also be wrong, posible ring sinadyang gawin ito ng killer upang iligaw ang imbestigasyon, hindi pa natin kilala at lalong hindi natin alam kung paano mag-isip ang killer" dugtong pa nito.
Napaisip kaming lahat at makaraan ang ilan pang sandali na pag-uusap ay bumalik na din kami sa police station.
Ibinigay namin sa hepe ng pulisya sa bayang iyon ang nakuha naming compass. Nangako naman ang mga ito na ipapadala ang naturang compass sa Maynila upang mas ma-test (fingerprint analysis, blood for DNA etc.).
Hindi namin agad sinabi sa kanila ang mga duda namin, mahirap nang baka magulo pa ang imbestigasyon ng mga pulis dahil sa mga haka-haka lang namin. Sa ngayon ay ipinasya naming mag-iimbestiga muna kami ng bukod.
Magmamatyag muna kami at makikiramdam sa mga tao sa paligid. Siguradong marami silang nalalaman dahil lahat ng tao ay magkakakilala sa maliit na baryo na iyon.
Kung minsan din kasi ay mas madaldal ang mga tao sa paligid kapag dayo ang mga kaharap at hindi naka-uniporme kung tutuusin pa ay may tendency pa ang mga tao na mag-clam-up kapag mga pulis ang kausap, dahil sa takot na baka sila man ay madawit sa imbestigasyon o mabalikan ng killer.
Habang daan ay nagtatalu-talo kami dahil ayaw ni Star na makialam pa kami, after all ay nandito kami para mag-bakasyon, ngunit bandang huli ay napapayag na din namin ito, nakumbinse namin siya na um-oo matapos kong pangakuan na bibilhan siya ng pangarap niyang liquid matte lipstick, 'yung kay Kylie Jenner.
On our way home, kahit nagtatalo kami ay hindi ko pa din maiwasan na hindi maalala ang bangkay at maisip kung ano kaya ang huling tumakbo sa isipan nito bago siya namatay.
Alam kaya niyang mamamatay na siya o pati ang pag-iisip tulad ng kaniyang buhay ay ninakaw sa kaniya ng killer?
Naghirap kaya siya bago namatay?
Na-torture? Sino kaya siya at bakit siya pinatay?
Mabilis kaya ang naging pagkamatay niya o matagal muna siyang nakapag-isip bago tuluyang nalagutan ng hininga... nakapag-pray man lang ba siya at nagsisi sa kaniyang mga naging kasalanan bago namatay?
Isang malamig na kamay ang nakapag-patalon sa akin, literally!
"Ano ba Star? Bakit ka nangggugulat...???" Bulyaw ko dito.
"Ano pa bang dahilan bakit nangggugulat ang tao, hindi ba para magulat ang ginugulat? Hay ewan ko sayo, stupid question na naman!" Saad nito sabay tirik ng mata.
Akmang susugurin ko na sana si Star dahil feeling ko muntik na akong inatake sa puso dahil sa sobrang gulat at siyempre for making me look stupid. Ikaw ba naman ang mapatalon at manlaki ang mata sa sobrang gulat, ewan ko lang kung hindi ka mapahiya!
Inawat ako ni Jasmin at surprisingly pati na din ni Jim kaya nagpa-awat naman ako.
"Dito na kasi tayo sa gate. Kakatok na sana kami nang nakita namin na dire-diretso lang ang lakad mo at para kang zombie na nakatulala" paliwanag ni Jasmin. She's trying so hard to keep a straight face, but I can tell na natatawa rin siya, ayaw niya lang marahil na ma-offend ako kaya pinigil niya.
Pinilit ko na din pakalmahin ang sarili ko, and smiled. "Sige na itawa mo na iyan at baka saan pa lumabas iyan mangamoy pa dito!" Sabi ko naman kay Jasmin na ang tinutukoy ay ang pinipigil nitong tawa.
Iyon lang and she smiled.
Then all of them laughed, hindi na din nila napigil lahat, not only because of what happened but because her laugh is so contagious na talagang mahahawa ka. Napakamot na lang ako ng ulo, I smiled shyly at para matapos na ang kahihiyan ko ay niyakag ko na silang pumasok sa loob.
Papalubog na ang araw.
This day is ending soon pero ang pangyayari ka-akibat ng araw na ito ay alam ko na nagsisimula pa lamang.
»»»●«««
[A/N]: Sana po ay nagustuhan ninyo po ang chapter na ito.
THANK you all for reading. Please don't forget to Vote, comment, share.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top