Kabanata 5

|Clues and Moves|


Dapit-hapon na ng sila'y makabalik sa bangkay na naagnas.
Sa paligid nito ay makikita ang malawak na tubuhan. May kasukalan ngunit madali pa din nilang natukoy kung nasaan ang nakitang bangkay.


Lumapit ang mga pulis at nagsimula na nga ang mga itong mag-imbestiga.


Maingat nilang tinanggalan ng lupa ang paligid ng bangkay.


Kinuhanan nila ito ng mga pictures na nagsu-solo at mayroon din naman na may pulis na nakaturo dito, gayon din sa kung saan nakuha ang ilang ebidensiya na maaaring makapagpapatunay kung sino ba ang tao na iyon at kung sino marahil ang may kinalaman sa naging maaga nitong pagkamatay.

Malaki ang suspetsa ng mga pulis na hindi aksidente lamang ang naging pagkamatay nito at lalong hindi natural death.


Noong una ang kanilang sapantaha ay baka ibinaon lamang ng isang residente ang namatay na kamag- anak doon sa lugar na iyon dahil sa kakulangan ng perang pampalibing, but the evidences they have found speaks a different language 'ika nga.

May butas ang bungo nito na marahil ay natamo nito iyon mula sa assailant nito. Sa pinsala kasi ay tila imposible na self-inflicted ang injury nito.


Nakamasid ang magkakabarkada. Kapansin-pansin naman ang matamang pakikinig ni Jim.


Nang matapos ang SOP sa pag-iimbestiga ng kapulisan ay agad nilang hinukay ang bangkay. Nagmamadali sila dahil kahit mga pulis ay takot na abutin ng gabi sa lugar na iyon.


Nang mabitbit ang bangkay at maisakay ito sa mobile ng pulis (iyong malaki)— dahil walang SOCO o ambulance sa lugar o kahit anong ibang pwedeng mangasiwa at magdala ng bangkay papuntang kabayanan maliban dito. Dadalhin ito upang mas mapag-aralan ng mga eksperto. May mga tests pa daw na kailangan na gawin dito. Nagsimula na ding mag-alisan ang mga nag-u-usyoso at mga ilan pang kabilang sa pag-iimbestiga.


Bago tuluyang makaalis lahat ang mga pulis ay dagli naman tinawag ni Jim ang isa sa kanila.

"Bakit?" Tanong ng pulis rito na tinawag nito.


"May naiwan po kayo 'SPO4 Linares', nakita ko pong nalaglag mula sa kamay ng bangkay.


Kunut-noong napatingin si SPO4 Linares sa itinuturo ni Jim.


Nagulat ito sapagkat tsapa ito ng kasamahan niya sa trabaho. Kilala niya ang tsapa dahil 3 weeks nang sinasabi ng kaniyang kasamahan na nawawala nga daw ito at hindi nito alam kung saan napunta.

Napalunok ang pulis. Napatingin ito kay Jim. Makahulugan silang nagkapalitan ng tingin at nagkaunawaan ni SPO4 Linares kung bakit hindi agad sinabi ng Tomboy ang tungkol dito habang nandoon pa ang lahat ng mga kasamahan niya.

Sa ilalim ng nalaglag na tsapa ay nandoon din ang isang ID— marumi na iyon at may bahid na dugo.
Medyo gusot at halatang nakuyumos iyon, marahil ay habang nanlalaban ang biktima.

"Nalaglag naman ang ID na iyan mula sa bulsa ng namatay..." wika ni Jim na tila nabasa ang iniisip ng pulis. Hawak nito ang mga naturang ebidensiya ngunit may sapin na panyo, upang marahil ay hindi mag-iwan ng prints ang kaniyang mga kamay. "Siguro naman po ay hindi kayo magiging biased. Isa po sa kasamahan ninyo ang maaaring siyang maging prime suspect. Sana po ay tunay na katarungan ang manaig." Aniya.


Na-offend ang pulis sa narinig at nais niya sanang sigawan ang teenager pero napaisip siya sandali.


Tama naman ito at hindi niya masisisi kung magduda ito. Malinaw na nagpapa-alala lang ito sa kaniya.


Tinitigan ng pulis si Jim at muling minasdan ang mga ebidensiya na ngayon ay nakalagay na sa supot. "Makakaasa ka na gagawin ko ang lahat upang ang katotohanan ang siyang malantad, huwag kang mag-alala, kasamahan ko man o hindi ang may gawa nito, hindi ko pu-protektahan o pagtatakpan. Ito ang sinumpaan kong tungkulin at tapat ako sa bayan at sa watawat." Seryosong turan ng pulis.


Tumango-tango si Jim, "Iyan nga rin po ang tingin ko sa inyo kaya't kayo po ang tinawag ko." Aniya.


Tuluyan nang umalis ang mga pulis at iba pang mga tao, naiwan naman ang BoGiGaTo.


"Galing naman ng mga mata mo, 'insan!" Puri ni Jasmin sa pinsan.


"Wala iyon, pero hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip." Sagot nito.

"Bakit naman?" Usisa ni Jasmin dito.


"Masiyadong madali ang lahat..." ani Jim habang nakatulala sa kawalan na tila may malalim na iniisip.

"Paanong madali?"


"Usually kasi 'pag murder/mystery ay madaming suspect at medyo magulo pero masiyadong malinaw na ang mga ebidensiya ay nagtuturo sa iisang tao lamang, halos nga kumpleto, from ID to tsapa."

"Hay naku, kakapanood at kakabasa mo kasi yan ng mystery novels at movies. Iba ang fiction, iba ang sa tunay na buhay!" Medyo nairita naman si Jasmin sa pinsan, nag-u-overthinking na naman kasi ito.

Ipinasya naman ni Rigor na muling mamagitan ng makita na nagtatalo na ang dalawa, "Hoy! Ano ba kayo? Tigilan na nga ninyo iyan, walang mangyayari kung tayo ang mag-a-away-away! Ang mas mabuti pa ay humanap tayo ng way para malaman kung sino talaga ang killer." Anito.


Tumango naman ang dalawa sanhi ng pag-sang-ayon.


"Fair enough, pero saan tayo magsisimula?" Tanong ni Jasmin sa kaibigan.


"Maghanap pa tayo ng clues sa paligid. Tutal hindi naman halos pinupuntahan ito ng mga tao dahil pinagkakatakutan nga. Baka meron pa tayong na-overlook." Mungkahi ni Rigor na muli ay sinang-ayunan nilang lahat.

»»»●«««

[A/N]: Sana po ay muli ninyong nagustuhan ang part na ito. Kung may mga tanong po kayo, please don't hesitate to ask me po! Thanks and God bless po! 😘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top