Kabanata 4


Jasmin's POV

As usual ay masarap ang pagkain namin.
Pinabaunan kasi kami ng caretaker ng bahay-bakasyunan ng pananghalian na ipinaluto niya sa cook.


Sinigang na isda sa hilaw na mangga (Fresh ito at walang halong ano mang sinigang mix o artificial flavors and seasoning), inihaw na talong na tinadtad ng pino mixed with kamatis, sibuyas, sili, kalamansi at patis, mayroon ding fried chicken at pork bar-b-q. Napalunok kami ng makita ang laman ng aming mga bug-ong (packed lunch).

Nag-laway kami bigla at napag-kasunduan na mag-boodle fight sa ilalim ng puno. Nakakita si Rigor ng puno ng saging at tumabas siya ng mga dahon mula rito gamit ang tabak na galing kay Mang Tikong at kapagkaraa'y inilatag ang mga iyon sa lupa.


Masaya kaming kumain at halos mag-agawan pa, nang may mapansin kaming kumikislap sa 'di kalayuan.


Hindi namin iyon gasinong pinagtuunan ng atensiyon bagama't napuna namin pare-pareho kasi ipinasya namin na tapusin muna namin ang nasimulang pagkain.



Matapos magligpit at linisin lahat ng kalat tulad ng paalala ni Mang Tikong ay saka pa lamang kaming nagpasya na tingnan kung ano ang kumislap, kanina lamang.

Nilapitan nga namin ang kumislap na kung ano sa sinag ng sikat ng araw at lalong nadagdagan ang aming pagtataka sa bagay na tumambad sa aming mga mata...!

Isang salamin sa mata na bahagyang nakabaon sa lupa!!


Tinanggal ko ang alikabok na tumatabon dito. Atsaka hinila ang nakabaon na salamin.


Sabay-sabay kaming napatili dahil sa aming nakita matapos mahila ang reading glasses...!


A pair of rotting eyes!!!



Inu-uod na bangkay ang ngayon ay nasa aming harapan.
Tila nakatingin ang mga mata nitong halos kalahati na lamang ang natitira sa magkabilang butas.
May bahagyang laman pang natitira sa na-a-agnas na bangkay ngunit iyon pa ang mas nakadagdag sa hindik na aming nararamdaman!
Bawat parte na naka-litaw ay may lumalabas na kung anong kulisap o dili kaya'y kumikiyaw na uod at parang hayok ang mga ito'ng sinisimot ang ku-konting natitirang laman.


"Aaaaah...!!!" sigaw ko. Kasabay ko din na napahiyaw ang buong tropa.


Tulala kami for a few minutes.


Saka pa lamang ako nagpasiyang magsalita. "G-guys, for sure hindi lang ako ang nakakakita niyan, hindi naman siguro ako baliw para mag-halusinasyon at lalong hindi ako tulog para managinip, I know that this is real. A-anong gagawin natin?"


Mga ilang minuto muli ang lumipas bago may sumagot sa akin. Si Rigor ito. "Let's just get out of here at i-inform natin ang mga pulis otherwise baka makasuhan pa tayo ng obstruction of justice." Pahayag nito.


We all nodded in unison.


So, to cut a long story short ay umalis kami kaagad doon.

We were terrified after finding a dead body in the middle of nowhere but we must move quickly.
Surprisingly mas mabilis ang aming paglalakad pabalik. Marahil ay dahil sa alam na namin ang daan.
Pangalawa, ay dahil na din siguro sa takot.




»»»●«««


Sa Presinto.

"Ano 'ika ninyo?" Tanong ng pulis sa magkakaibigan, "Patay?!" Tanong muli nito.

"Opo." Halos sabay-sabay na tugon ng barkada.

"Paano ninyong nasabi?" Kunut-noong tanong ng pulis.

Hindi na napigil ng barkada ng biglang umarangkada ng pagsagot si Star, "Gumana ang ESP ko at ang sabi ng third-eye ko: may patay, may patay sa ilalim ng tulay!" Sabi nito sabay ikot ng mga mata.

"Niloloko mo ba kami?!!" Sagot ng kaharap naming pulis.

"Mr. Offier... Sir, pasensiya na po kayo sa kaibigan namin. Medyo pilosopo po siya, eh ang ibig po niyang sabihin ay magma-mountain climbing po kami sana pero bago po kami nakarating doon sa mismong paanan ng bundok ay may nakita po kaming na-a-agnas na bangkay." Mahinahon na paliwanag ni Jasmin at paghingi din nito ng paumanhin para sa kaibigan.

"Correction! Sarcastic ako at hindi pilosopo. You also could have said na pilosopa instead of pilosopo. Daming mali sa sinabi mo girl, at paanong hindi ako magiging sarcastic ay very obvious naman debesh? Why pa itanong sa atin, kung paanong nalaman natin ganoong... obviously ay nakita natin face-to-face, alangan namang nagpakita sa ating mga guni-guni 'di ba? Pare-parehas tayong may tililing 'pag nagkataon!" Ani Star.

"Aba't! Sobra ka nang bakla ka ah? Anong ibig mong sabihin, wala kaming common sense?" Nanlilisik na ang mata ng pulis na kaharap namin.

"Aba, english 'yun ha? At hindi ako ang nagsabi niyan kayo..?!" Ani Star.

Akmang susugurin na ng pulis si Star ng awatin ito ng kaniyang mga kasamahang pulis. Tumulong din sa pag-awat si Jasmin at si Rigor.

----------

Samantala, sa kabila ng kaguluhan,
si Jim naman ay nanatiling nakaupo at nagmamasid lang sa paligid.

It was chaos that was bound to happen.

Pero lumipas din ang init ng ulo ng mga pulis na marahil ay dala ng panahon. Mainit naman kasi talaga nang tanghaling iyon.
At kinalaunan nga ay lubusang na-kalma ang lahat kung kaya't napagpasiyahan ng kapitan na pasamahan na sila sa tatlong pulis pabalik sa kung saan nila nakita ang na-a-agnas na labi ng tao.

----------

[A/N]: Everyone, thank you all for reading po!
'Etong last 2 stanzas po kung inyong napansin ay hindi na po POV ni Jasmin.
Sana po ay nagustuhan ninyo ang chapter na ito.

Please read/vote/share- to support.
God bless you all and Good night! 😘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top