Kabanata 3


|Day Of Unexpected Events|

Umaga na.

Sabay-sabay na bumangon ang apat na magkakaibigan.

Isang masaganang almusal ang sa kanila'y naghihintay.

Umuusok na kapeng barako. Arroz Caldo na may manok at nilagang itlog. Kesong puti, mainit na pandesal at spanish bread. Masayang dumulog sa hapag-kainan ang apat.

"Mga bata, saan ninyo ba balak pumunta ngayon? Sabi sa akin ni Albert ay balak ninyo daw libutin itong lugar namin, magsabi lang kayo at sasamahan ko kayo." Masayang alok ng caretaker sa apat.

Mabait pala naman sa loob-loob ni Rigor. Noong una kasi ay medyo takot sila dito para kasing medyo weird ang 'itsura. Mahirap talagang manghusga ng kapwa base lang sa nakikita ng mga mata lalo na kung pisikal na anyo lamang ang pagbabatayan. "Mang Tikong, gusto po sana namin na pumunta sa kabundukan ngayon, baka po puwede ninyong ituro sa amin ang daan?" Tanong dito ni Rigor. Tinawag niya ito sa pangalan nito na napag-alaman nila kagabi habang naghahapunan.

"Sige, pagkakain ay sasamahan ko kayo." Sagot nito.

"Naku! Huwag na po, makaka-abala pa po kami sa inyo." ani Jasmin.

"Huwag kayong mag-alala, tapos ko na ang mga gawain dito sa bahay." Sagot naman ni Mang Tikong.

"Mang Tikong, masaya po kami at nagpapasalamat sa alok po ninyo pero nais po sana namin na kami-kami lamang ang magti-trekking, huwag po kayong mag-alala sa amin dahil mag-i-ingat po kami." Nakangiti ngunit seryosong pahayag ni Rigor, kaya na-realize ni Mang Tikong na pinal na at hindi mababago ang pasya ng kaharap.

"Kung hindi na mababago ang pasya ninyo ay hayaan ninyong ituro ko na lamang sa inyo ang daan at kayo ay aking paalalahanan..."

"Sige po, Mang Tikong... at huwag po kayong mag-alala, kung ano man po ang magiging tagubilin ninyo po ay sisikapin po naming sundin". Nakangiting wika ni Rigor na nagpangiti rin naman kay Mang Tikong.


Ngayon lamang nakakita si Mang Tikong ng gaya ng mga kabataan na kaharap. Mukhang matatalino ang mga ito, mababait, magagalang at higit sa lahat ay hindi palalo at lalong hindi rin mapusok. Napatangu-tango ang matanda.

"Mamaya, paglabas ninyo ng gate na bakal ay kumaliwa kayo, dire-diretso lang ang daan pagkatapos 'pag may nakita na kayong kasukalan, ay agad kayong magpa-kanluran, malalaman ninyong tama ang daang tinatahak ninyo kung may mga damong tinabas na nagsisilbing daanan ng mga tao at kangga (kalabaw na may hilang cart), dire-diretsuhin ninyo iyon.
Sa dulo niyon ay may makikita kayong krus na daan. Ang piliin ninyong daan ay yaong makitid at may mga tinik sa paligid. Iyon ang patungo sa bundok. Sinadya iyong lagyan ng mga tinik upang magsilbing babala. Hindi ko sana kayo papayagan pero sa tingin ko naman ay responsable kayo kaya ipadadala ko din sa inyo ang aking tabak upang ma-i-pang-tabas ng mga tinik at mga matataas na damo, pang-proteksiyon ninyo na din. Gamitin ninyo ito ng tama."

Sumang-ayon naman sa kaniya ang apat.

Pagkakain ng almusal ay agad silang naligo at gumayak na upang magtungo sa kabundukan. Tulad ng napagkasunduan ay inihatid sila hanggang sa gate ni Mang Tikong.

Ngunit mayroon itong dagdag tagubilin, "Bago kayo umalis ay muli kong ipapaalala sa inyo ang malimit naman ay alam na ninyo.

Una. Huwag kayong papatay ng ano mang may buhay sa gubat maliban sa insekto. Kung ito ay talagang hindi na maiiwasan tulad kung kayo ay inatake— -sige, maari kayong pumatay bilang pag-depensa sa sarili ngunit huwag ninyong paglalaruan o babastusin ang ano mang may-buhay. Ang lumalang sa kanila at sa inyo ay iisa. Bukod sa pagtatanggol sa sarili ay may isa pang rason upang kailanganing pumatay ng isang tao ng isang hayop at iyon ay sa isa lamang dahilan- upang may makain, ngunit kayo naman ay may mga dalang pagkain kaya hindi na ninyo kailangan pa na gawin iyon.

Pangalawa. Huwag kayong mag-iiwan ng inyong mga kalat sa kagubatan. Ingatan ninyo sana ang kalikasan dahil pagdating ng panahon ay mamahalin tayo at kamumuhian nito ayon sa ating naging pagtrato rito.

Pangatlo. Huwag kayong magpapa-gabi. Kahit may dala pa kayong flashlight ay huwag na huwag ninyong hahayaan na abutin kayo ng takipsilim sa daan. Tandaan ninyo ito upang hindi kayo mapagaya kay Iñigo.

"S-sino pong Iñigo?" Tanong dito ni Jasmin na medyo nahintakutan dahil sa nakitang malabis na ka-seryosohan ng mukha ni Mang Tikong.

"Pagbalik ninyo ay iku-kuwento ko sa inyo! Sige na, mga bata... mag-iingat kayo at bumalik kayo ng maaga."

"Opo!" Halos sabay-sabay nilang wika at sila nga'y lumakad na patungong kabundukan.

»»»●«««

STAR's POV.

"Kah! Kah! Hingal pa more! Grabe, sobrang nakakagod pala ang mag-hiking! At hiking pa lang ito ha? Hindi pa talagang mountain climbing." Reklamo ko sa isip. Siyempre sa isip lang dahil ayaw kong mapagtawanan o mapagsabihan na reklamador.


"Kaninang umaga pagka-alis ko ng bahay ay fresh na fresh pa ang akesh na beauty, ngayon? Aba'y dinaig ko pa ang isdang ibinabad sa suka, hanggang hasang ay putlang-putla na!" Bulong ko habang nakaismid naman ang kagandahan ko habang tumitingala sa tirik na tirik na araw.

"Hay naku, walang patawad na panahon! Amoy kambing na ako sa sobrang pawis! Hahay!" I whispered in between deep breaths.


"Ano, pagod ka na ba?" Tanong ni Jim na ngumingiting parang nakakaloko.

"Ako, mapapagod? Anong palagay mo sa mga diwatang kagaya ko, tulad ninyong mga mortal na weak?" Tanggi ko.

"Aba, diwata daw oh? Ilusyunado! Hahaha! Hoy, bading kahit mga Tiyanak ay magri-reklamo kapag narinig ka, kilabutan ka nga!"

"Grabe siya, oh?! Hoy, tibo... tantanan ako ha? Kung ako nag-iilusyon, mas lalo ka! Feeling macho ni wala namang muscle. Cheh!"

"Hoy! Tama na nga kayo diyan! Natatanaw ko na ang sinabi ni Mang Tikong na krus na daan!" Ani Rigor.


Nabuhayan naman ako bigla ng loob, ang bilis ng nilakad namin dahil mukhang makakarating kami kaagad sa pupuntahan namin, soon!

Habang naglalakad, panay ang tingin ko sa salamin. Ang oily kong face ay talaga namang nakakarimarim nang tingnan, hahay!!

"Tama na ang buntung-hininga mo Star, bilisan natin para makarating kaagad tayo sa pupuntahan natin bago mag-tanghali!" Shout na naman ng pogitang Rigor.

"Hmph! Grabe din siya." Bulong ko.
Binilisan ko ang lakad upang wala na silang ma-i-reklamo pa.
Pero in fairness, napakaganda ng view!


Luminga-linga ako at ang matataas na talahiban na hinihipan ng sariwang hangin ang aking namasdan. Bongga! parang sumasayaw-sayaw sa hindi naririnig na tugtog.


Napapikit ako.
Poetry in motion...
And yes!
Isa nga pala akong poet.
Kahit may pagka-komedyante ako ay may times din na seryoso ako at may pagka-makata din.


Hindi lamang poems ang na-a-appreciate ko, maging ang nature din. Nature is mostly my inspiration sa paggawa ng mga tula.
Paanong hindi ay talaga namang napakaganda ng mga nilikha ng Diyos.
Yes, even though I am gay, I believe in God.
Masaklap nga lamang dahil alam ko na kung bibliya ang pag-ba-basehan ay sadyang mali ang tinatahak kong landas pero talagang I can't help it, I feel like, I'm born this way!


Tama si Gori (tawag ko minsan kay Rigor) malapit na nga kami sa crossroad, ilang hakbang na lang.

Tulad ng sinabi sa amin ay nandoon ang puno na palatandaan.

We stopped for awhile to catch our breaths.

Sa pagtigil namin ay mas lalo kong na-appreciate ang aming surroundings.


Ang daming wild flowers sa paligid at ang ganda ng view dahil sa kinatatayuan namin ay kitang-kita na ang napakagandang mountain na tila ba nag-aanyaya- na amin itong i-explore at akyatin, excited na akong marating ang peak!


"Groufieee!!" Sigaw ko. Nagulat sila pero sandali lamang.

Nagpaunlak sila at nagtakbuhan kami palapit sa isat isa.

"Compress!" Sigaw kong muli at sa halip na ngiti halos lahat kami ay nakangiwi sa mga photos sa cellphone ko.
Paanong hindi ay nagka-tulakan at nagka-hilahan pa, kaya halos mag-blur na lahat ang mga pictures namin. Mabuuti na lamang at talagang maganda ang phone ko tulad ng may-ari, char!
Pero kahit magugulo ang groufie namin ay sobrang saya!
Iyong tipong kasama sa mahaba nang listahan ng aming mga unforgettable moments!




Afterwards ay nag-kanyanan na kami ng pag-take ng pictures. Mostly ay solo pics na may magandang nature background.
Ako naman ay nag-picture ng mga wild flowers and butterflies para siyempre pang IG!


Habang feel na feel namin ang picture-taking ay nag-growl naman na parang walang bukas ang tiyan ko.

"Ano ba yan Star! Nag-a-alburuto na ang mga bituka mo, awatin mo naman! Hahaha!" Pang-a-alaska na naman ni Jim.


"Hoy, tibo may galit ka ba sa akin? Tantanan akesh ha? Baka hindi kita matantiya! Hmp!" Tugon ko naman sa kaniya sabay taas ng eyebrows.


Natawa lang si Jim.

"Tara na kain na tayo guys, gutom na din ako eh!" Aya ni Rigor.

"Music to my ears! Buti nga tibo!" Nginisian ko siya. Nag-belat naman siya sa akin na parang bata.
Kainis lang, para kaming may kasamang grade 1, masaklap pa noon ay may pagka-bully pa!


Natigil ang pag-a-asaran namin nang hinila na kami parehas ni Jasmin patungo sa ilalim ng isang malaking puno.


Doon namin napag-pasiyahang kumain.

Boodle fight.

Sarap!


Probinsiya life.
Picnic sa ilalim ng puno.
Sarap pa ng food.
Yum!

I smiled.
Contented now because of such a wonderful sight.

Not knowing— just like everyone else kung ano ang susunod na mangyayari.

»»»●«««



[A/N]: Sana po ay nagustuhan ninyo ang Chapter na ito.
Please Vote if you do. Kung may mga katanungan po kayo, huwag po kayong mahiya na mag-comment.

Thank you po for reading!
God bless.
💖

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top