Kabanata 2
JIM's POV
Mahihinang katok ang nagpagising sa amin nang gabing iyon.
Malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa bahagyang nakabukas na mga bintana. Siguro ay iyon ang dahilan kaya napasarap ang tulog namin, idagdag pa na walang mga lamok na pumapasok, siguro ay dahil malinis ang paligid.
Agad kong binuksan ang pinto at doon ay bumungad sa amin ang caretaker ng bahay.
"Baba na kayo, mga iho, iha... handa na ang hapunan..." anito na nakangiti, nakakagaan ng pakiramdam ang mga ngiti nito— reminds me of my lola back home.
As if on cue, bumangon na din ang mga natutulog kong mga kasama.
"Sarap ng tulog ko grabe!" Ani Star habang nag-iinat.
"Anong lasa?" Pamimilosopo ni Jasmin kay Star, best-friend niya ito ngunit paborito ding asarin.
"Sungangain ko 'yang bibig mo gusto mo, girl na feeling bading? Hmp! You will never be mey..!" Mataray na tugon dito ni Star.
"And I, on the other hand do not want to be yowh! Hahaha!" Sagot dito ni Jasmin na sa halip na mapikon ay lalong naaliw kay Star.
"Hindi ko talaga maintindihan ang trip ng dalawang ito. Tsk!" Bulong ko.
Napabuntung-hininga na lamang ako habang pababa kami sa may hagdanan.
Magkakababata kaming tatlo bukod pa sa mag-pinsan kami ni Jasmin pero hindi ko pa din sila minsan ma-gets, siguro ay dahil poles-apart kaming lahat.
Kami kasi iyong literal na:
girl, boy, bakla at tomboy.
Kaya hindi ko din alam kung papaanong nagkakasundo kaming magkakaibigan.
Ang ika-apat sa amin na si Rigor ay si Jasmin ang naka-kilalang una, mabait naman ito ngunit gaya ko ay medyo tahimik din pero may pagka-weird! Minsan ay nagsasalitang mag-isa at minsan ay feeling genius din, macho pero may pagka-nerd. Medyo kakaibang kombinasyon.
Pero 'ika nga ay hindi dapat ang stereotyping. Sa probinsiya gaya ng Batangas, marami ang nahuhusgahan dahil dito. Kapag daw medyo flat ang puwet ay hindi na virgin, kapag may kalakihan ang dibdib— marami na daw ang naka-hawak, kapag laging naka-make-up o naka-ayos ay malamang pokpok o malandi.
Mas maige pa ang tibo na gaya ko kung minsan, medyo iwas sa napakaraming haka-haka dahil sa panlabas na anyo ng mga tao.
Medyo nagiging tampulan din ng tukso dahil sa pagiging tibo, pero at least alam ko sa sarili ko na totoo iyon.
Which also makes me wonder sometimes, kung baka iyon ang isa sa napakaraming dahilan o maaaring naging impluwensiya kung bakit ako naging ganito.
Pagiging Rebellious ko kaya?
Pag-iwas kaya sa mata ng lipunan, o marahil ay the need to belong or to be loved, despite of being different?
Sa ngayon ay hindi ko pa alam.
Sa isipan ko ay tuluyan ko nang pinutol ang aking pagni-nilaynilay (naks! Ang lalim, hinukay ko pa iyan sa balon, sayang walang nakarinig dahil sa isip ko lang, pero hindi bale, next time I'll use it in a sentence, hehehe!)
»»☻««
Rigor's POV
Masarap ang hapunan namin. Pang-last supper kumbaga.
Grabe ang sabaw ng bulalo nanunuot
ang sarap!
Matagal-tagal na din akong hindi naka-kain ng baka. Tapos, 'eto kumpleto pa sa sahog. Idagdag pa ang inihaw na fresh na fresh na hito na galing sa palaisdaan sa likod-bahay, saka may sawsawan pang toyo na may sili, calamansi, bawang at sibuyas... haaay! Solb!
Pa-pa-tayo na sana kami matapos kuhanin ang plato namin pero tinuturuan yata talaga kaming maging gluton ni 'Nay Selda na siyang cook nina Albert.
'Ayan siya ngayon, may dalang dessert; bilo-bilo na tamang-tama lang ang tamis at tsokolateng Batangas ang inumin.
(Nahuli kaya ako sa balita? Hindi kaya bibitayin na talaga kami bukas, kasi sobrang sarap ng mga naka-hain!).
Nang finally ay natapos ang aming hapunan ay ipinasya naming maglakad-lakad sa bakuran upang mahughog ang aming mga kinain.
Baka kasi ma-last supper na talaga ako, feeling ko sa sobrang busog ko, baka hindi ako matunawan at bangungutin ako.
Malamig ang simoy ng hangin. Tipikal na probinsiya dahil makikita mo ang naglipanang parang mga Christmas lights na gumagalaw. Mga alitaptap ang mga ito.
Kapag okay ang eco-system naglipana sila.
Meaning kapag 'di pa masiyadong sira ang kalikasan sa isang lugar makakakita ka pa ng maraming fireflies at makakarinig din ng maraming kuliglig.
Napangiti ako. Tama kami ng desisyon na magbakasyon dito. Siguradong marami kaming pang-IG nito... at makakakuha pa ako marahil ng ilang specimen para sa Bio-Sci class ko.
I smiled in sheer satisfaction nang humuni ang mga kuliglig sa paligid, which has been wiped away quickly by the noise, now coming my way.
"Hay, ano ba yan, panira ng moment...!" napabuntunghininga na lamang ako nang matanaw ang mga papalapit na mga kaibigan ko na tila walang sawa sa paghaharutan.
Upang maka-hanap pa din ng peace and quiet ay ipinasya kong maglakad-lakad.
Sa aking pamamasyal noong gabing iyon ay nakarating ako hanggang sa dalampasigan.
Nakasalubong ko ang mga mangingisdang galing sa laot. Sa dami ng huling isda ng mga ito, marahil ay ilang gabi din ang mga itong nangisda.
Agad ko silang nilapitan at in-usyoso kung ano ang kanilang mga nahuli (feeling close ako, alam ko but I can't help it, friendly ako eh!)
"Kuya, ano pong huli ninyo?" Tanong ko.
"Marami! May mga galunggong at pusit, bibili ka?"
Naisip kong masarap ang pusit upang i-ihaw bukas kaya ipinasiya kong bumili sa kaniya ng dalawang kilo at nalula ako sa mura ng presyong tinuran niya.
"Seryoso kayo, manong?"
"Bakit, namamahalan ka? Huwag ka nang tumawad, presyong bagong-daong ang bigay ko sa iyo!" Sagot nito sa akin na kakamot-kamot pa ng ulo.
"Naku, hindi po! Napaka-mura nga po, sige po gawin na po ninyong tatlong kilong pusit at dalawang kilong galunggong."
Dahil sa tinuran ko ay biglang lumapad ang ngiti ng mangingisda na nagpakilalang: Bert.
"Matanong ko, Iho... gaano ka na ba katagal sa lugar na ito? Ngayon lang kita nakita eh!" Aniya.
"Kararating pa lang po namin, nagbabakasyon po kami kina Albert." Sagot ko naman sa kaniya.
Tila natigilan ito sa narinig.
"Bakit po?" Tanong ko sa kaniya, siyempre na-curious ako, bakit nag-mukha siyang nakakita ng multo bigla.
"Ah, eh... payo ko lamang, huwag kang gagawi sa dagat lalo at nag-iisa ka, dahil may nangunguhang sirena, ayon sa sabi-sabi ay mga binata ang puntirya nito, lalung-lalo na at dayuhan sa lugar na ito!" Nanlalaki ang mata nitong sabi.
"Ho..?!" Gulat ako sa sinabi niya. Nabalitaan ko ang tungkol sa Sirena ngunit hindi ko lubusang alam ang buong kwento tungkol dito at hindi ko maiwasan na hindi kabahan lalo sa nakita kong expression ng kaniyang mukha. Pero nilakasan ko ang loob ko. "Manong Bert, sigurado ba kayo sa sinasabi ninyo? Baka naman nananakot lang kayo?"
"Ano naman ang mapapala ko kung tatakutin kita? Isa pa hindi ka na bata alam mo na ang tama at ang mali. Hindi ko kailangang mag-bulid ng kasinungalingan upang takutin ka lamang!" Anito na parang na-offend sa tanong ko.
"Sorry po. Sige po mauna na po ako Manong Bert, i-u-uwi ko na po ang mga ito sa bahay." sabi ko naman sabay taas ng kamay na may hawak na pinamili. "Salamat po sa pakikipag-usap!"
Tumango lamang ito at lumakad na din patungo sa bahay niya. Sa bandang pa-silangan ang tinungo nito. Lugar kung saan ay maraming mga nakatira at lubhang magkaka-lapit ang mga bahay.
Pagdating ko naman sa bahay-bakasyunan ay masaya akong sinalubong ng barkada. Tulung-tulong namin na nilinis ang aking mga dala-dala bago inilagay ang mga ito sa freezer.
Masaya kaming nagkuwentuhan pagkatapos. Kalaunan ay inantok na kami at ipinasya namin na matulog na. Nakalimutan ko nang ikuwento sa kanila ang napag-usapan namin ni Manong Bert.
Nakatulog ako noong gabing iyon na payapa at masaya just like everyone else sa loob ng bahay-bakasyunan.
Little did we know na maraming bagay kaming matutuklasan. Mga bagay na hindi dapat naming malaman. May mga hiwaga at misteryong nakatago sa paningin ng marami na maaaring naghihintay lamang upang aming tuklasin!
»»»●«««
[A/N]: Sana po ay nagustuhan ninyo ang kabanata pong ito... if you did, please don't forget to vote po at comment naman kung may opinyon po kayo o katanungan.
Kung nagtu-Twitter po kayo,
Please let me know kung binabasa ninyo po ito, don't forget to share and use these hashtags:
#MidnightBloomer
#AMPniInigo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top