KABANATA 16


Nakapatong nga sa higaan nila ang mga alahas na antigo. Noon lamang nakakita ng ganoon kagandang mga alahas si Rigor!


Na-a-adornohan ng mamahaling mga hiyas ang mga naturang alahas.

Nilapitan Niya ang mga ito at dahil may background ito sa pagiging alahero sapagkat isa ito sa kanilang family business, ay nagulat siya sapagkat purong ginto ang mga naturang alahas habang ang mga hiyas na nakapalibot sa mga ito ay kailangan niya pang kilatisin sa kanilang jewelry store sapagkat nandoon ang kaniyang mga gamit sa pagkilatis.

Sa tantiya naman niya ang edad ng bawat alahas ay hindi bababa sa isandaang libong taon!

Mga antigo! Kahit mangyari pa na hindi tunay na hiyas ang mga nandito, sa ginto pa lang at edad ng mga alahas na ito ay posibleng milyon ang halaga ng bawat isa sa mga ito! Paano pa kaya kung tunay ang mga hiyas na nandito?

Nanlaki ang kaniyang mga mata 'pagkat ang singsing ay may malaking rare blue diamond sa gitna!



Lalong nanlaki ang mata nito ng mapansing tila mga rare pa na mga hiyas at diyamante ang nakapalamuti sa mga hikaw at iba pang alahas sa kaniyang harapan!

Sunrise Ruby? Ano ito? Tunay ba ito?

Bangles ito na panlagay sa mga ankles, pero hindi lang mukhang rare kundi antigo din ang piece na ito!



Hindi napigilan ni Rigor ang mapabulalas at manlaki ang mga mata. Isa ito sa pinakamahal at pinaka-rare na alahas na milyones ang halaga! Saan kumuha nito si Mang Tikong?


Nanlalaki pa din ang mga mata ni Rigor sa pagkamangha nang mapadako ang kaniyang mga mata sa sulat na naiwan ni Mang Tikong.



Rigor,

Alam ko na ikaw ang tumatayong pinuno ng inyong grupo kung kaya't saiyo ko iniiwan ang mga hiyas na ito. Ang hikaw ay para makarinig kayo ng mas malinaw, ang singsing ay upang lumakas na tulad ng isang tikbalang, ang bangles at upang makalakad at makatakbo na singbilis ng kabayo, habang ang kuwintas ay may sa taga-bulag. Habang suot ninyo ito at kapag ninais ninyong gamitin ito lahat ng may hawak sa tao na gumagamit nito ay hindi makikita ng kahit na sinong ordinaryong tao. Pakatandaan ninyo sana na sa mabuting bagay at sa mga importanteng pagkakataon ninyo lamang ito dapat na gamitin.

Hindi ko alam kung makakabalik pa ako, nararamdaman ko na mapanganib ang aking patutunguhan ngayon kung kaya't bumili ako ng mga alahas, nasa ilalim ng bawat alahas ang mga kasulatan ng pagkabili ko sa mga ito pati na din ang kasulatan na sa inyo ko iniiwan ang mga ito. At dahil inilagay ko sa mga hiyas ng mga ito ang aking angking mga galing at ako rin naman ay medyo may katandaan na rin, marahil ay hindi na ako makakaligtas pa sa ano mang panganib na paparating.


Subalit ano man ang kahihinatnan ng akong lakad ngayon ay nais kong huwag ninyong sisihin ang inyong mga sarili, huwag din kayong panghihinaan ng loob. Magpakatatag kayo.

Nakita ko sa inyo ang mga katangian na hinahanap ko sa mga tao, sa napakahaba na ding panahon na aking ipinaghintay at ipinaghanap.

Ako ay nagkasala sa maylikha kung kaya't ako ay naparusahan na maging ganito, gayon pa man ang Ilan Kong kapangyarihan at hindi tinanggal sa akin, alam kong hindi kayo maniniwala kahit anong sabihin ko subalit aking ito ang katotohanan, Isa akong "Tikbalang". Isa ako sa mga bunga ng pagkakasala ng mga anghel sa mga tao. Ang aking magulang ay galing sa lahi ng mga nephilim. Ang mga nephilim ay ang mga supling ng mga anghel na nakipag-isang dibdib sa mga tao. Ang ibang mga nephilim ay napuksa noong magbaha ang mundo at nakaligtas naman ang lahi ni Noah.
Sila ay naging mga maiitim na Tila anino na dumadalaw sa panaginip ng mga tao, madalas ay upang bangungutin ang mga ito.

Lingid sa kaalaman ng marami ay nagpatuloy pa din ang pagkakasala ng mga anghel at mga tao kung kaya't kahit natapos na at natuyo ang baha sa panahon ni Noah ay nagkaroon pa din ng mga higante at ang iba sa kanila ay gumawa ng mga nakakarimarim na pakikipagtalik sa mga hayop at ang naging resulta ay ang mga katulad namin.

Ang iba ay sinamba sa Ehipto at ibang mga bansa, mga lahing hindi malirip kung bakit mayrooong mga kakaibang nilalang na kalahati ay ibon at kalahating mukhang tao. O mga kalahati ay mukhang Leon at kalahati ay wangis ng tao (sphinx), katulad ko na kabayo subalit nakakatayo na tulad ng tao. May mga kapre din na anak ng higante sa mga bakulaw. At ng mga supling ng mga higante o nephilim sa mga malalaking isda. Sila naman ang mga naging sirena.

Napakaraming nilalang mula sa lahi ng mga anghel ang nagtatago sapagkat hindi pa napapanahon upang kami ay lubusang lumantad.

Iilan na lang ang bilang namin kumpara sa mga bagay na nakakapagbigay sa amin ng pangamba, may kapangyarihan man kami subalit hindi namin ito pwedeng gamitin sa pagkalaban sa mga tao Lalo na kung walang permiso galing sa Diyos at galing din sa mga tao.

Itinago namin ang aming mga sarili upang makasigurado na hindi kami tuluyang malilipol, malimit ay gumagamit kami ng tagabulag (invisibility), upang hindi kami makita ng ordinaryong paningin ng mga tao.

Marami sa amin ang mga masasama ngunit hindi lahat. Bunga man kami ng pagkakamali at kasalanang walang kapatawaran ay hindi naman kami lahat naghahangad ng ikakasama ng mga tao.

Noong panahon ng aking kabataan ay pinaglalaruan ko ang mga tao sapagkat ako ay naiinip, inililigaw ko sila bilang pag-aliw sa aking sarili. Wala akong kaibigan noon at malimit ay mag-isa lamang ako. Hindi ako pwedeng makisama sa mga kabayo sapagkat hindi nila ako nais na makasama, malimit ay takot sila sa akin habang ang mga tao naman tulad ng aking nabanggit ay hindi ko pwedeng pagpakitaan ng aking tunay na anyo.

Noong una ay hindi pa ako marunong magkatawang-tao ngunit sa paglipas ng mga panahon ay may mga nakilala akong matatandang Tikbalang na siyang nagturo sa akin.

Marami pa sana akong nais na ikuwento sa Inyo ngunit nagmamadali ako, Sana ay makita pa tayo, kung hindi sa buhay na ito, Sana ay sa susunod pa...

Hindi man ako mapatawad ng maylikha sa ating lahat, subalit akin pa ding ipinagpapa-salamat ang ilang Daang taon na aking inilagi sa mundo.

Nagmamahal at umaasa sa inyong pagtitiwala,

Mang Tikong

To be edited and To be continued...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top