Kabanata 15

Nakatulala at hindi natutulog si Jasmin.
Ilang araw na siyang nakatingin lamang sa kawalan.

Marahil ay pinghalong shock at pagdadalamhati dahil sa pagka-kita nito sa bangkay na nakahiwalay ang ulo at isa pa nga nitong kakilala.

Hindi lamang basta kakilala kungdi  tao pa na nagparadam ng pag-aalala, pagkalinga at respeto sa kanila. At siyempre ang guilt na unti-unting kumakain sa katinuan niya nang mga sandaling iyon ay talaga namang halos dumurog sa pagkatao niya.

"Anong gagawin natin?" umiiyak sa labas ng pintuan si Star habang kausap si Rigor.

Tahimik lang si Rigor. Malungkot ang mga mata nito at tila ba laging may iniisip. Ginigiyagis din ito ng kunsensiya  dahil sa nangyari. Naaalala pa nito ang naging mga pagtrato at pakikipag-usap nila sa pumanaw na matanda.

Napansin ito ni Star at agad na niyugyog ang kaibigan.

"Pwede ba, Rigor?? Get a grip! We have too many things to worry about at the moment, please!! 'Wag ka nang dumagdag pa! Huwag ka nang tumulad kay Jasmin..." umiiyak nitong sabi habang niyuyugyog ang kaibigan.

Ipinilig ni Rigor ang ulo. Pinilit niyang ibalik ang sarili sa reyalidad. Tama si Star, hindi na siya dapat pang dumagdag sa isipin at problema nila.

Baka pati si Star ay bumigay na rin ang katinuan. Kita niyang sobrang frustrated na ito at tulad nila ay nagluluksa rin subalit kabaligtaran naman nila ni Jasmin ay lumalaban ito at nagsisikap magpakatatag.

Tumikhim si Rigor, he cleared his throat dahil tila ba may nakabara sa lalmunan niya, ni hindi nga siya sigurado kung may lalabas pang boses mula sa bibig niya. Ilang araw din kasi na bihira siyang umimik.
"Nasabihan mo na ba ang parents ni Jasmin?" aniya.

Nanlaki ang mga mata ni Star, tila ba ngayon lamang nito na-realize ang isang bagay, "Hala?! Hindi ko naisip iyan, sobrang dami kasi ng iniisip ko lately. Ako din ang nakipag-coordinate sa mga duktor na tumitingin kay Jasmin, worried din ako sa iyo. At medyo naayos na ang bangkay ni.. Uhm.. Anyways, 'wag muna natin pag-usapan ang bagay na nakapagpa-shock at nagdudulot ng sakit ng loob sa ating lahat... Sa ngayon, tama ka, dapat ma-notify ang parents ni Jasmin pero baka pwedeng mag-wait tayo for at least 24 hours? Baka sakaling magiging maaayos ang lagay niya by then? Kilala ko sina tita, sobrang maalalahanin ang mga iyon at mahal na mahal nila si Jasmin. May sakit din sa puso ang Dad ni Jasmin kaya I'm worried na baka kung ano ang mangyari sa kanila bago makarating dito..." ani Star na halos magkanda-utal-utal sa pagpapaliwanag. Alam niyang mali na hindi agad masabihan ang parents ni Jasmin because her parents has the right to know pero hoping siya na maging okay na ito agad-agad na hindi na kailangan pang malaman ng parents nito ang mga naganap. Andun din kasi ang worry niya na baka masisi sila at malamang ay baka paglayuin na silang apat kapag nalaman ng mga ito ang nangyari.

"Tama ka", ani Jim. Nandoon pala ito sa may gilid at kanina pa nakikinig sa usapan nila. "Mas mabuting hindi muna natin ipaalam kina tita. Instead sikapin natin na mabalik sa katinuan ang pinsan ko... asap! I know she's strong and she can get through this. For now, umuwi muna tayo, there's no sense na mag-overthink tayo. Ayos lang na magluksa tayo. Ayos lang na ma-guilty, ayos lang dahil talagang may kasalanan tayo talaga at may mga pagkukulang... Kaya we need to be strong upang ang pagkukulang natin ay mapunan at dahil tayo ang may kasalanan, kailangan na gawin din natin ang best natin para pagbayarin ang salarin. Kailangang mahuli at makulong ang pumatay kay Mang Tikong!" gigil na saad ni Jim. Seryoso ito at matiim na nakapinid ang mga labi, nakakuyom ang mga kamao at ang kaniyang mga mata ay tila mga sharpened knives na pwedeng makahiwa anytime dahil sa talim ng kaniyang mga titig.

Sa mga narinig ay medyo natauhan si Rigor. He found a reason to live and to fight.
Tama si Jim! Kailangan nilang magpakatatag sapagkat may kailangan pa silang gawin. Kailangan pang magbayad ng salarin o mga salarin sa nangyaring pagpaslang!
Sigurado siyang may kinalaman ito sa kaso na napagpasyahan nilang magkakaibigan na i-solve. Nais man niyang pagsisihan ang desisyon na iyon, ngayon ay huli na.

Napabuntung-hininga si Rigor, muli ay nais na umatake ang depresyon sa kaniya. Tila naging hudyat naman ito upang yayain siya ni Jim pabalik ng bahay-bakasyunan.

"Welcome pa din ba tayo doon?" worried na tanong ni Rigor kay Jim.

"Huwag kang mag-alala, nakausap ko na sila at nag-apologize din si Aling Remedios sa naging paninisi sa atin, bugso lamang daw iyon ng damdamin. Na-guilty din siya dahil sa nangyari kay Jasmin. Sabi niya sa akin, kung hindi daw marahil sa kaniyang mga sinabi ay hindi sana magkakaganoon si Jasmin. Sabi ko naman ay huwag siyang mag-alala at normal lang ang naging reaksiyon niya, sinabi niya lang ang mga nasa isipan na natin ng mga panahon na iyon." ani Jim.

Napatangu-tango lamang si Rigor bilang tahimik na pagsang-ayon dito.

"Sasama ka ba sa amin Star?" baling ni Jim sa natitigilan na kaibigan.

"Hindi na muna, babantayan ko muna ang bestfriend ko. Pakikuha na lang ng iba kong gamit tulad ng damit at toiletries, magdala na din kayo ng para kay Jasmine pati na din mga food ha?" matamlay nitong bilin.

"Okay, sige" halos magkasabay na pag-sang-ayon ni Jim at Rigor bago sila tumungo sa bahay bakasyunan.

▪▪▪▪▪🔻▪▪▪▪▪

Tumungo nga ang dalawa sa bahay-bakasyunan.

Agad silang dumiretso sa kanilang mga kuwarto.

Pagpasok ni Jim sa kanilang silid ay nagulat ito nang may nakita siyang nakapatong sa kama.

Mga alahas iyon na may naglalakihang precious stones!
Katabi ng mga ito ay ang mahabang sulat na iniwan ni Mang Tikong...

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top