Kabanata 14
•Pagkatuklas•
Hangos pauwi ang magkakaibigan.
"Star, itago mong mabuti sa jacket ko iyang diary ha? Mamaya na natin iyan basahin pag-uwi." bulong ni Rigor sa kaibigan sabay abot dito ng jacket.
Tumango si Star at tinanggap ang iniaabot ng kaibigan.
Si Rigor kasi ang ma-u-una sa kanila, kailangan nitong makasigurado na safe ang dadaanan nila.
Lakad-takbo, sabay tago ang kanilang ginawa dahil sa takot na may makakita, dobleng-ingat 'pagkat ayaw na nilang mangyari ang nangyari dati sa kanila noong sila at pinamaril sa pinanggalingang bahay.
Nasa beynte minutos din ang kanila nang nalakad mula sa crime scene nang kanilang mapansin ang kaguluhan malapit sa tinutuluyan nilang bahay.
Kinutuban ng masama ang magkakaibigan, suddenly everything seems too good to be true this time.
Andoon 'yung feeeling na, hindi kaya everything went smoothly is because there is something going on while we were getting the evidence?
Halos pare-pareho sila ng iniisip habang si Rigor naman at para ng sinusuntok ang dibdib dahil sa sobrang kaba.
Naging parang slow motion ang lahat para sa magkakaibigan.
Kung kanina ay hangos sila, ngayon ay tila ipinako na sila sa kinatatayuan, it took all the strength that they have left to actually move closer.
∆•••∆
Bumundol ang kaba sa dibdib ni Rigor .
Hindi niya maunawaaan pero parang may sariling isip ang mga pas niya na tumakbo palapit sa komosyon.
Nagkakagulo ang mga tao.
Mag-a-alas-tree ng madaling aras ngunit gising na gising ang diwa ng mga miron.
Kapansin-pansin ang hindik na mga itsura ng mga ito, habang ang iba naman at tila nalilito at hindi makapaniwala sa mga nasaksihan.
Hindi karaniwan na sa lugar na ito at gisingan ang mga tao.
Kalimitan pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi ay tulugan na ang mga residente dito.
Palibahasa'y bukid - nakagawian na nila ang maagang pagtulog upang maagang magising.
Sa katunayan, bago tumilaok ang manok ay gisingan na ang mga tao sa lugar na iyon.
Mga alas-singko pa lamang ng umaga at nagwawalis na ng bakuran.
Habang ang mga papasok sa eskwela at alas-kuwatro pa lang ng umaga at naglilinis ng bagay o dili kaya naman ay nagluluto ng babaunin sa paaralan.
Subalit tulad nga ng nabanggit ang ika-tatlo ng umaga at lubhang kakaiba.
•••
Dagling sumunod ang tatlo pa kay Rigor.
Nang malapit na sila at pinigilan sila ng mga naroon.
"Mga bata, huwag kayo dito! Paalisin niyo nga ang mga ito!" Pasigaw na bungad sa kanila ng isang may katandaang residente doon.
"Mang Lukas, kasamahan sila sa bahay nung matanda, pabayaan ninyo nang lumagpas!" Sigaw ni Tomas, nasa bandang dulo ito ng mga nagkakagulong tao ngunit natanaw pa din sila nito dahil medyo may katangkaran din ito.
Napatangu-tango naman ang lalaki na pumigil sa kanila, Lukas pala ang pangalan ng may kalakihang lalaki.
Napansin nila na nag-iba ang mukha nito, mula sa pagiging mabalasik kanina ay biglang umamo at para ng may habag pa nga silang naaninag sa ekspresyon ng mukha nito.
Tumungo ito at umiwas ng tingin sa kanila.
Hinayaan na silang lumagpas ngunit bago iyon ay nagsalita muna ito, "Basta huwag kayong lalagpas sa lubid, wala pang yellow line dahil hindi pa dumarating ang mga pulis, nilagyan lang muna namin ng lubid para hindi mawala ang maaaring ebidensiyang naiwan". Anito.
Kinakabahan man at naghahari ang kaba at tila ba kutob na kung ano sa apat na kabataan.
Sa paglapit nila atly sumalubong sa kanilang mga ilong ang malansang amoy ng dugo.
Everything seemed to stop.
It felt like time froze for awhile.
Hindik ang magkakaibigan sa malagim na sinapit ng matanda na nag-alaga, nag-alala at tinrato sila ng maganda sa kahit sasandaling panahon na nakasama nila ito.
Pansamantala'y tulala sila...
Hanggang maya-maya'y yumugyog na ang balikat ni Jasmin.
Nawala silang lahat sa pagkatulala nang umatungal na ito ng iyak.
"Mang Tikong...!!!"
Dagli silang lumapit dito habang sila man ay umiiyak din.
Shocked silang lahat sa nakita.
Ang pugot na ulo nito ay nakatingin sa kanila.
Dilat ang mga mata. Hindik na hindik sa kamatayan na alam nitong daratal sa kaniya bago ito tuluyang natagpas sa katawan.
May bakas din ng lungkot sa mga mata nito.
Tila ba nagsasabing marami pa itong nais na gawin subalit naudlot.
Bakas ang natuyong luha na may kahalong dugo sa paligid ng mga mata nito.
Nanggipuspos ang magkakaibigan habang tinititigan ang wala nang buhay na matanda.
Para namang re-run ng isang pelikula.
Nag-flashback sa kanila lahat ng mga kabutihang nagawa nito.
Magong ang pag-a-alaga nito sa kanila habang at pagkatapos nilang madala sa hospital.
Mga bagay na pasumandaling nalimutan nila.
Maging ang masasayang ala-ala nila at mga kulitan... Mga tawanan at asaran.
Mga Sandaling sumasagi ngayon sa ala-ala ni Rigor.
Siya higit kanino man ang may pinaka-maraming nasabing hindi maganda na patungkol sa matanda.
Naghalo na ang luha at sipon sa mukha niya nang kaniyang maalalala ang kagaspangan ng ugaling ipinakita niya kakakailan lamang sa matanda.
"Hindi ko man lamang siya napasalamatan.. Sa halip ang huling naalala niya ay ang masasakit na salitang nasabi ko sa kaniya!" Anito.
Kayo!! Sigaw ng humahangos na si Aling Remedios. Isa sa mga katiwala sa bahay bakasyunan kung saan sila pansamantalang naglalagi.
"Kayo ang dahilan kung bakit siya namatay!" Sigaw nito.
Natigilan ang magkakaibigan.
Puzzled sila lahat.
Hindi agad nag-sink-in sa kanila ang sinabi ng matandang babae.
"Po?" Tanong rito ni Jasmin.
"Lumabas siya kahit hating-gabi na bagaman hindi lingid sa kaalaman niyang may gumagalang mamamatay-tao dito. Ginawa niya iyon dahil sa pag-a-alala sa inyo!" Bulyaw ng matandang babae sa kanila habang dinuduro sila. Kung makamamatay lamang ang masamang tingin nito... Marahil kung kutsilyo ang mga mata nito.. Sa talim ng pagtingin nito sa kanila, malamang ay kanina pa silang lahat nabuwal.
Sa mga narinig ay lalo silang na-guilty.
Natulala si Jasmin.
Nagulat sila dahil tumigil ito pag-iyak.
Nawalan ng sound ang kanina'y mga hikbi nito.
Nakatitig na lamang ito sa kawalan.
Jasmin, Jasmin..!!! Niyugyog ni Star ang balikat ng dalaga, but still she did not react.
Walang ano mang response mula rito.
Nataranta ang lahat at hindi malaman ang gagawin.
Doon naman tila nagising sa kaniya ding pagka-shock - dagling binuhat ng binata ang kaibigan.
"Tabi!!" Sigaw nito sa mga miron, habang karga-karga ang tulala pa ding dalaga.
Mabilis namang nahawi ang mga tao.
May mga pulis na dumating at tinulungan sila kaagad.
Pinasakay silang lahat sa mobile at dinala sa hospital.
Naiwan namang tulala ang mga nandoon.
Ang mga tsismosa'y mukhang mag-u-over-time ang mga bibig hanggang mapasma dahilan sa dami ng kanilang nasagap na chika.
Pilipino nga naman!
Samantala, sa bandang gilid ay nakatago ang nakangising salarin.
Wala ni isa man ang nakapansin dito.
Hindi siya kahina-hinala.
Siyang-siya siya habang pinagmamasdan ang pagdurusa ng iba.
Sino kaya siya?
💠🔴💠
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top