Kabanata 13
•Saksi ang buwan sa kadiliman ng gabi•
"Guys, ang dilim naman dito!" ani Jasmin.
" Alangan, kawasa namang maliwanag ay gabi?!!" taas-kilay na sagot dito ng 'diwata' ng grupo.
"Hay nakuh! kelan kaya ako magkakaroon ng matinong kausap?" napatirik na lang ang mga mata ni Jasmin dahil sa sagot na tanong din ng kaibigan.
"Pasensiya ka! Hindi taga-Batangas ang kausap mo kung hindi pilosopo... haha!" Sabad ni Rigor at dahil doon ay nagkatawanan ang grupo, in this statement they all agreed- tutoo naman kasi na pilosopo at mahilig sa kalokohan ang mga batangenyo, pero harmless naman at bihira ang bully- hindi lang talaga sila masyadong mahilig sa seryosong usapan.
"Ssssh! Andito na tayo" awat ni Jasmin sa tawanan ng mga kasama ng mapansin na nasa bahay na sila ng pumanaw na pulis.
Madilim ang gabi. Walang mga bituin at tila ba pati ang buwan ay nagtago na, marahil ay alam nito na may nakatakdang mangyari na hindi ka-aya-aya.
Humakbang ang apat papasok sa loob ng bahay.
May nakaharang pa na;
"Police line, Do not Cross tapes" sa palibot. Yumuko sila at sumuot sa loob ng dilaw na mga plastik na nagsisilbing harang sa mga tao upang huwag pumasok sa isang crime scene.
=•••=
Pagbungad pa lang nila sa loob ay sumalubong na sa kanila ang kakaibang amoy.
Halu-halo ang amoy ng pulbura, dugo, amag at patay na daga.
"Grabe naman ang perfume mo, Star ang lakas ng dating!"
"Hoy! Jim tantanan mo nga ako sa kaka-bully mo ha? Para kang bata!"
S
awata dito ni Star sabay ingos.
"Shhh! Guys, bilisan na natin at huwag kayong maingay... parang may nadinig akong kaluskos eh!" saway sa kanila ni Rigor.
"Baka naman daga lang iyon Rigor!" mahinang bulong ni Jasmin, hindi niya maintindihan pero parang bigla siyang kinilabutan.
"Whatever, guys! Bilisan na natin at nang makaalis na tayo dito! " bulong ni Star sa mga kasama.
Dagli nga silang tumalima at hinanap ang journal na siyang pagkukunan nila ng clue sa kung sino ang maaaring salarin sa nangyaring pagpaslang, maaring maging ebidensiya din ito depende sa kung ano ang nakasulat dito.
〰•••〰
Samantala habang naghahanap ang mga magkakaibigan ng ebidensiya na maaari nilang magamit laban sa salarin, si Mang Tikong naman ay pabalik-balik sa loob ng malaking bahay at sa garahe. Hindi ito mapakali dahil sa malabis na pag-a-alala sa kanila.
"Mag-a-alas-dose na ng hatinggabi ay wala pa sila... Saan kaya nagsuot ang mga batang iyon?" bulong nito sa sarili habang ito ay pinagpapawisan ng malamig.
Dahil sa sobrang pag-a-alala ay ipinasya nitong sundan ang mga kabataang nasa kaniyang pangangalaga.
Lumabas ito ng gate at luminga-linga. Inisip kung saan maaring nagtungo ang apat.
Pansamantala ay umupo ito bangkito na nakalagay sa unahan ng sarado nang sar-sari store.
Naalala nitong kukuha diumano ang mga ito ng pruweba na maaaring makapagturo sa kung sino man ang salarin, agad pumasok sa isip niya ang bahay kung saan ang mga ito pinamaril.
Lingid sa kaalaman niya, kanina pa may nagmamasid sa kaniya.
Paalis na sana si Mang Tikong patungo sa kinaruroonan ng apat ng may maramdaman ito.
Isang anino ang lumapit sa kaniya at ito nga'y lumantad, sa liwanag ng buwan ay tumambad kay Mang Tikong ang hitsura nito.
"Oh, gabing-gabi na ah? Bakit nasa labas ka pa? " tanong nito sa kaharap.
Ngumisi kay Mang Tikong ang kaharap, "Kayo, Mang Tikong... Bakit nasa labas pa kayo? Hatinggabi na ah? May hinahanap ba kayo? O siguro mas tamang itanong na sinu-sino ang mga hinahanap ninyo? " matiim itong tumitig kay Mang Tikong, halatang hindi simpleng pagbati lang ang pakay.
Kinabahan si Mang Tikong, kilala niya ang binata at ayaw man niya ngunit sa pananalita ng kaharap ay tila nais na niyang pagdudahan ito.
"Nasaan ang mga bisita mo, Mang Tikong? " basag nito sa katahimikan. Napansin nitong sobrang tahimik na ang matanda kaya lalo itong nag-isip na baka nga may ginagawa o pinuntahan ang apat na maaaring makapagturo sa kaniya bilang suspect.
Natulala si Mang Tikong. Tatakbo sana ito ng maalalang wala na sa kanya ang bertud ng pagtakbo. Isang ordinaryong tao na lang siya ngayon. Isang matandang tao na mahina na at hindi na makakaya pang ipagtanggol ang sarili.
Nangilid ang mga luha sa mata nito ng mapagtanto ang sitwasyon na kinasusuungan niya ngayon.
****PAUNAWA****
Ang mga susunod na pangyayari po ay for adults only!!!
Please skip this part if you are under 18 years of age!
=====FORBIDDEN PART=====
Tsag!
Tumalbog at gumulong na parang bola sa damuhan ang natagpas na ulo ng matanda.
Tumalsik ang masaganang dugo mula sa leeg ng biktima.
Habang nakangisi namang pinagmamasdan ng salarin ang wala nang buhay na katawan nito na unti-unting bumabagsak sa lupa na tigmak na ng dugo nito.
Dilat ang mata ng matanda habang patuloy sa pag-agos ang dugo mula sa dismembered parts nito.
Ilang minuto nitong pinagmasdan ang wala nang buhay na matanda bago ito lumisan.
"Noong una, out of necessity ngayon... Parang na-i-enjoy ko na... It gives me such satisfaction to see a life-less body drained of blood and breath because of me..." bulong nito sa sarili at muling napangisi.
Sa kalaliman ng gabi, ang bilog na buwan ang siyang naging saksi sa pagkapanganak ng isang halimaw.
Taong naturingan subalit ang pagkatao ay kinain na ng kadiliman!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top