Kabanata 12

|Kapayapaan bago ang Unos|



"Wow! Ano ang gusto ninyong gawin namin?!! Paniwalaan ka namin sa sinasabi mo?" Stressed na tanong ni Rigor kay Mang Tikong. Napahilamos ito ng mukha at dinaig pa ang nalasing sa mga impormasyong narinig.


"U-uh you mean to say, na dati kang horsey-horsey?" nanlalaki ang mga mata ni Star, parang mahuhulog na nga yata ito sa sobrang pag-ulwa.


"O-Oo... sana'y maniwala kayo..." anito. "Mahirap paniwalaan alam ko, dahil sa mundo ninyo ay limitado ang kaalaman patungkol sa mga bagay na may kinalaman sa ibang mga dimensiyon, pero kung hindi man maabot pa sa ngayon ng isipan ninyo ang mga sinabi ko sa inyo... sana'y tanggapin ninyo man lamang ang mga regalo ko sa inyo... puprotektahan kayo ng mga iyan!" nauutal na lahad nito sa kanila.


"Ano po ang mga iyan?" tanong dito ni Jasmin.

"Mga alahas kung saan ay nakalagay ang mga bato na naglalaman ng mga espesyal na katangian ng isang kabayo ngunit lubhang pinalakas at pinalawak ang kakanyahan." anito.

Napailing-iling si Rigor at bumaling sa mga kaibigan, magnified and enhanced abilities huh/ "Did he actually expected us to believe all this crap?"


Umismid si Star, "Yes, Gori... Parang junk mail lang, best to be thrown in a bin!"


"Baka naman medyo may diprensiya lang siya sa pag-iisip?" tanong ni Jim.


"Seryoso guys? Bakit ganyan kayong magsalita? Baka nakakalimutan ninyong kaharap natin si Mang Tikong? Hindi ninyo man lamang ba naiisip na baka nakakasakit na kayo ng damdamin?" nang-uusig at naluluha ang mga mata ni Jasmin habang isa-isang tinignan ang mga kaibigan.


Napapahiya namang napatungo ang mga ito.

"Paumanhin po Mang Tikong sa inasal ng mga kabigan ko sana po'y mapatawad ninyo sila sa mga inasal nila..." pabulong na wika ni Jasmin kay Mang Tikong, nilapitan niya ito at hinawakan sa mga kamay nito. Napatangu-tango naman ang matandang caretaker.


"Nauunawaan ko, mahirap talagang maunawaan ang maraming bagay na kulang pa kayo sa kaalaman, ang isa sa nakakapag-pa-takot sa isang tao ay ang tungkol sa mga bagay na hindi maabot ng kanilang kaalaman, huwag kang mag-alala Jasmin, nauunawaan ko... alam ko na mabubuti kayong mga kabataan, sana lang ay hindi pa huli ang lahat bago ninyo magawang tanggapin ang ibinibigay ko sa inyo."


Napatangu-tango muli si Jasmin at binitawan na ang mga kamay ni Mang Tikong ng mapansing umaakyat na ang mga kaibigan sa hagdanan, "Hayaan ninyo po, kakausapin ko po sila..." matipid na ngumiti si Jasmin.

Malungkot na napangiti din si Mang Tikong. "Sa lahat, ikaw ang pinaka-may puso." bulong nito habang tinatanaw si Jasmin na paakyat na din sa hagdanan.



Binuksan ni Jasmin ang pinto at bumungad sa kaniyang pandinig at mga mata ang mga kaibigan na hindi pa pala tapos sa topic kanina.


"... But seriously???!! Expensive pieces of jewelry in his hands? All his statements, really doesn't add up" ani Rigor.


"Baka nagnakaw siya?? Hindi kaya kina Albert? After all.. Matagal na siyang katiwala dito!" Star speculated.


"Are you guys alright? May sakit ba kayo? May amnesia kaya? Nakalimutan ninyo na ba na ever since na dumating tayo ay pulos kabutihan lamang ang ipinapakita niya sa atin?" hindi na nakatiis at sumabat na si Jasmin.


Uhurm! uhurm! "Even pedophiles and scammers often pretend to be good in order to victimize people..." ani Rigor.


"Wow! I can't believe na kayo ito guys, na-alog ba ang mga utak ninyo ng pinamaril tayo?" Jasmin said rather sarcastically.


Natahimik silang lahat pansamantala, at dahil medyo nag-a-away-away na sila ay ipinasya ng bawat isa na lumabas na lamang upang magpahangin. Habang papalabas ng pintuan ay namataan nila si Mang Tikong na nakaupo sa may hardin at malungkot na nakatingin sa kanila.


"Sandali guys..." paalam ni Jasmin sa mga kaibigan, bago nito tinungo ang kinaruroonan ni Mang Tikong.


"Mang Tikong..." bati ni Jasmin sa matandang caretaker ng kaniya na itong malapitan.


"Pasaan kayo, gabing-gabi na ah?" bakas ang pag-aalala sa mukha nito.


Napangiti si Jasmin, para nila itong tatay, iyong tipong kahit nakagawa o nakapagsalita ka ng hindi tama ay ikaw pa din ang aalalahanin?

"Babalikan po namin ang bahay ni SPO4 SOLIMAN dahil naalala po ni Rigor na habang kami ay pinamamaril ay may ibinulong ito sa kaniya... isang diary po ang sinabi niya na nasa kaniyang pag-i-ingat at ilang ebidensiyang makakatukoy sa posibleng may pakana ng mga pagpaslang at kasalukuyan noon na nangyayaring pagbaril sa amin." ani Jasmin.


"Ha? Eh naku kailangan ba talagang kayo ang pumunta doon/ Bakit hindi na lang ninyo ipagbigay alama sa mga pulis?"


"Naku, eh Mang Tikong kailangan po muna naming masigurado na meron talagang diary at andoon nga iyon sa lokasyon na sinabi ni Rigor, kasi paano po kung mayroon nang nakakuha o nawala na iyon at sinabi namin sa mga pulis? Magmumukha po kaming sinungaling... Kelangan lang po muna namin iyong ma-secure din kasi baka maunahan po kami ng kalaban o mga kalaban, hindi po namin alam kung ilan o kung sino ang kalaban... for all we know ay baka nasa paligid lamang po... "


Gumuhit sa mukha ng matanda ang malabis na pag-aalala.

"Pakiusap, kung balak ninyong tumuloy manapa'y tanggapin ninyo ang mga iniaalok kong mga agimat sa inyo. Akma ang mga iyon sa modernong panahon!"

"Pero Mang Tikong alam ninyo naman po na medyo magulo pa ang isip ng mga kasama ko, kaya sana ay huwag din sasama ang loob sa amin, hindi pa lang po nila maintindihan ang lahat sa ngayon. Pero ako ay nauunawaan ko po kayo, huwag na po kayong mag-alala. Mag-iingat po kami." Matipid na ngumiti dito si Jasmin.

Tumangu-tango at pilit ding ngumiti si Mang Tikong, parang mga anak niya na ang mga ito. Kahit sa sasandaling pagsasama ay napalapit na ang loob nito sa magkakaibigan.

"Sige, hihintayin ko na din kayo na makabalik, pagpalain nawa kayo ng Maykapal at sana'y pag-isipan ninyo ang sinabi ko sa inyo kanina, hindi ako nagsisinungaling..." malungkot at seryosong pahayag ng matanda na sinuklian naman ng malungkot na ngiti ni Jasmin.


To be continued....



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top