Kabanata 11


¦Ang simula ng Pagbabago¦




"Miss Abbie, kailan ba kami lalabas?" Tanong ni Jim sa crush niyang nurse.

"Malapit na ang alam ko, pero mamaya pupuntahan daw kayo ni Duktora, kapag okay na ang vital signs ninyo ay maaari na daw kayong umuwi."

"Okay, thanks Miss Abbie!" Nakangiting wika dito ni Jim.

Umalis na din ang nurse pagkatapos ng regular nitong pag-asikaso sa kanila.

"Jim..." tawag ni Jasmin sa pinsan.

"Bakit?"

Natatatandaan mo ba ang umatake sa atin? I mean ung 'itsura niya, napagmasdan mo bang maige?

"Oo."

"Hindi ko kasi masiyadong napagmasdan..."

"Maitim ang alun-alon at medyo may kahabaan niyang buhok, balbas-sarado siya, medyo pangahan at makapal ang tubo ng kilay, medyo singkit ang mata at may kalakihan ang ilong, in short mukhang tsonggo !" Aniya.

"Ah... ayos ah, wala pading sablay ang memory mo, pati katok mo sa tuktok 'andiyan pa din, magaling ka na talaga, kung ako ang dukto mo, for sure palalabasin na kita" naiiling na wika ni Jasmin.

Sumeryoso naman bigla ang 'itsura ni Jim, "Once we get out of here. We have to make sure to get to the bottom of this."

"Oo. Tama ka." Sang-ayon dito ni Jasmin, na pagkaraan ay ipinikit na ang mga mata.

Bumaling naman sa gilid si Jim matapos ang usapan nilang iyon ni Jasmin at muli na itong nahulog sa malalim na pag-iisip.

»»»●«««

"Makakalabas na kayo ngayong araw na ito. Maayos naman ang vital signs ninyo at malakas na din kayo." Nakangiting wika ng duktor nina Rigor.

Samantala sa kabilang kwarto ay gayon din ang sinabi ng Duktor nina Jasmin at Jim.

Binayaran na nga nila ang bill. Si Rigor ang nag-withdraw mula sa mga ATM nito. Mayroon siyang 7 na ATM at 5 doon ay nag-withdraw siya ng tigti-10,000. Medyo may kalakihan din ang bill nila, pero maliit kunpara kung sa malalaking ospital sila ng Maynila napa-confine.

"Miss Abbie, paano aalis na kami..." wika ni Jim at parang ayaw pa nitong umalis habang nakatitig sa magandang mukha ng nurse.

Ngumiti naman ito, "Sige ingat kayo..." anito.

"Anlagkit, kadiri!" Patay-malisyang bulong ni Jasmin, siniko naman ito Jim.
Mukha namang walang nadinig ang nurse kaya hindi na umimik pa si Jim.
Masaya na malungkot kasi si Jim. Malungkot dahil maiiwan niya si crush pero masaya dahil magaling na sila, para silang mga bagong laya. "Sarap ng simoy ng hangin sa labas!" Aniya.


"Anong lasa?" Ani Rigor.

"Mapakla, tulad ng hininga mo! Mag-toothbrush ka nga Rigor, amoy ko hanggang dito 'eh!"

"Reklamo ka ng reklamo, nakiki-amoy ka lang uy!" Natatawang wika ni Rigor.
At Nagkatawanan naman ang magkakaibigan

Ganito sila, nag-a-asaran ngunit walang pikunan.

They're back to their usual self.

Umarkila na lang sila ng van pauwi.
Hindi na sila nagpasundo kina Mang Tikong. Dinalaw naman sila nito habang nasa ospital ngunit sinabi nila rito na huwag nang mag-abala pang sunduin sila.

Alalang-alala nga ito ng malaman ang mga nangyari sa kanila. Pinayapa nila ang kalooban nito at napanatag naman ito matapos nilang i-guarantee na maayos na sila.

»»»●«««


Sinalubong sila nina Mang Tikong at Aling Iska (cook) nang sila'y dumating na sa bahay-bakasyunan.

Maraming pagkain muli ang nakahayin sa hapag-kainan. Hindi nila mapa-hindi-an dahil mouth-watering talaga.

"Hindi kaya, ma-bistrag ang mga tahi natin nito? Biro ni Rigor.

"Kunyari ka pa'y kain ka naman ng kain!" Ani Jasmin na muling nakapagpatawa sa kanila.

Nakangiti si Mang Tikong habang sila'y pinagmamasdan. "Kakaiba ang mga batang ito" sa loob-loob niya. "Ngayon lamang ako nakakita ng mga kabataan na tulad nila, may mga ginintuang puso."

Lingid sa kaalaman ng marami ay isang kabayo dati si Mang Tikong, malupit ang dating amo niya kaya ginawa itong kauna-unahang tikbalang ng isang diwata. Habang siya naman ay ginawang tao.


(A/N): (See: "Mga Kuwento ni M.E.C.A." for reference)

Sa madaling-sabi ay pinagpalit silang dalawa ng anyo. Nasa kaniya pa din ang natatanging katangian ng isang kabayo subalit hindi niya ito ginagamit dahil nais niyang maramdaman na maging isang karaniwang tao. Sa halip ay hiniling niya sa diwata na ilagay sa apat na mga bato ang bawat katangian na ito.

Mamaya ay papunta din siyang bayan, napagpasiyahan na niya kung saan niya gagamitin ang mga bato.

Muli ay nangiti si Mang Tikong habang minamasdan ang apat. Nakita na niya ang mga taong pagbibigyan niya ng mga natatanging katangian na hindi lamang ikinulong sa bato (ruby, sapphire, garnett at amethyst), sa halip ay mas pinalakas pa ng diwata.

»»»●«««

Nang makakain ng tanghalian ay nagpunta sa pondohan ang magkakaibigan. Tuwang-tuwa ang mga tambay doon ng malamang okay sila.
Maliban sa ilang nandoon na gaya ng dati ay kaduda-duda ang mga kilos.

"Hoy Alfred, pumasok ka na kaya sa bahay ninyo? Ang init-init dito'y tambay ka dito ng tambay!" Si Mang Dennis ang tamabay na kapit-bahay nina Alfred.

"Bakit ho?" Usisa ni Jim dito.

"Paano'y ang diyaskeng ire'y lumaki sa tate, silang dalawa ng pinsan niya kaya pawisin at laging hindi mapakali. Umu-uwi sila ng bahay kada kalahating-oras para mag-pa-lamig sa air-con nila sa bahay!" Anito.

Kakamut-kamot naman si Alfred. "Eh, nakakahiya man pong aminin ay tutoo ang sinabi ninyo, hindi ko lang talaga matiis ang pinsan kong ito at sadyang interesado'ng-interesado sa mga ganito'ng usapan , wala po kasing pondohang gaya nito sa New York kung saan kami lumaki , masiyado pong busy doon ang mga tao kaya halos wala nang pansinan.

Nagkatinginan ang magba-barkada. Mukhang tanggal na sa suspects list nila ang mag-pinsan na sina Justin Loyola at Alfred Mendez.

»»»●«««

"So, paano na ngayon? Si Miko na lang ang suspect natin?" Bulong ni Jasmin kay Rigor.

"Mukhang ganoon na nga..." sagot naman nito na pa-bulong din. "Guys, tara na munang umuwi?"

"Okay, let's go sagô!" Ani Star.

At umuwi na nga sila. Dinatnan nila roon si Mang Tikong na tila nag-a-abang sa kanilang pag-uwi. "Kumusta ang pondohan?" Tanong nito.

"Gaya pa din po ng dati." Si Rigor ang sumagot dito.

Tumangu-tango ito, "May ibibigay ako sa inyo." Nakangiting wika nito, sabay labas ng apat na uri ng alahas.

Napakunut-noo ang magka-kaibigan.
"Ah, eh ano po iyon Mang Tikong?" Tanong dito ni Star.

"Itong mga ito."sagot ni Mang Tikong sabay abot ng apat na uri ng alahas sa kanilang harapan.

Isang pares ng hikaw, kuwintas, bracelet at singsing.

Pinagmasdan ni Rigor ang mga alahas sa kaniyang harapan at isang bagay ang na-conclude niya, tunay na bato at yari sa ginto ang kinalalagyan ng mga ito!

"P-pero Mang Tikong, saan po ninyo nakuha ang mga iyan??! Ayon sa kalkulasyon ko ay humigit-kumulang sa isang milyon ang halaga ng bawat alahas na iyan?" Kunut-noo si Rigor, iniisip nitong baka magnanakaw si Mang Tikong.

Umiling-iling si Mang Tikong. Nakangiti itong sumagot. "Alam ko ang iniisip mo, Rigor... hindi ako magnanakaw. Mahirap paniwalaan, pero... iku-kuwento ko sa iyo ang buhay ko..."






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top