Kabanata 10
¦Panibagong Simula¦
Makalipas ang labinlimang minutong pamamaril ay huminto na din sa wakas ang shooter.
Walang gumagalaw sa magkakaibigan.
Duguan ang mga ito gayundin ang pulis na si SPO4 Soliman.
Pagka-alis ng assailant ay saka pa lamang nakatawag sa pulisya ang ilang residente upang humingi ng saklolo at i-report ang mga pangyayari.
Hindi naman nagtagal ay may dumating ng ambulance. Isinakay nito ang 4 na magkakaibigan at si SPO4 Soliman.
»»»●«««
Shocked ang buong Baranggay Masantol dahil sa nasaksihan.
Bihira ang ganitong tanawin at pangyayari sa maganda at tahimik nilang lugar.
Matapos dalhin sa ambulansiya ang apat na magkakaibigan at si SPO4 Soliman ay saka naman dumating ang mga pulis upang mag-imbestiga.
Maraming nagkalat na bubog, dugo at mga bala ng Ak47 sa paligid.
Nakapaligid din sa buong vicinity ang mga usyoso.
Samantala ang magkakaibigan naman ay nadala na sa ospital.
Wala ang mga itong malay.
Agad silang dinala sa Emergency room upang magamot.
Unti-unting nagmulat ng kaniyang mga mata si Jim, kitang-kita niya ang mga duguang kasama na tulad niya ay inihahatid sa operating room.
Umubo ng dugo si Jim hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng malay.
»»»●«««
Puti'ng-puti'ng paligid ang bumungad kay Jim nang siya ay magmulat.
Hindi na niya kailangan pang magtanong. Obviously ay nasa loob siya ng isang hospital room.
Pinakiramdaman niya ang sarili. Maraming benda sa katawan niya pero so far naman ay kumpleto pa ang mga paa't kamay niya. Masakit naman ang bandang likuran at tiyan niya. Iyon marahil ang mga tinamaan ng mga bala, bukod doon ay may maliliit ding sugat na marahil ay dahil sa bubog na tumama sa kanila mula sa nabasag na salaming mesa sa bahay ni SPO4 Soliman.
Luminga-linga siya sa paligid at nakahinga siya ng maluwag matapos makita ang pinsan sa kaniyang tabi. Mulat na din ito at nakikiramdam sa paligid na tulad niya.
Bumukas ang pinto ng hospital room at bumungad mula sa pinto ang naka-puti'ng nurse. Balingkinitan ito at may dimples, maputi at very neat tingnan. "Na-love at first sight yata ako!" Sa isip-isip ni Jim habang tinitingnan ito.
"Nasaan po ang iba naming kasama?" Tanong ni Jasmin dito. Sinikap niyang huwag ipahalata na halos maghugis-puso na ang mga mata niya dahil sa ganda nito.
"Nasa kabilang room sila. Wala kasing pang-apatan na private room ang hospital. Nagising bago ma-operahan si Rigor— ang isang kasama ninyo at sinabi niyang sa private rooms daw kayong lahat dalhin at siya daw ang magbabayad sa hospital bills ninyong lahat. Don't worry ayos ang dalawa ninyo pang kaibigan. Naging matagumpay naman ang operasyon nila. Magkasama sila sa katabing room" paliwanag ng nurse sa kanila.
Tumangu-tango si Jasmin, habang chini-check ng nurse ang dextrose nito.
"Si Spo4 Soliman, saan po ang room niya?" Tanong ni Jim sa nurse.
Sabay na napatingin sa kaniya ang nurse at si Jasmin dahil ngayon lang ng mga ito napansin na gising na din siya.
Parehas nilang hinintay ang kasagutan ng nurse, subalit natulala na ito, tila iniisip kung sasagutin o hindi ang tanong nila sa kaniya.
Nagduda agad si Jim,"Bakit nurse, hindi pa ba naililipat sa private ward si SPO4 Soliman?"
"Ahm, kasi wala siya sa ward, nasa u-uh morgue siya.." napatungo ito sa huling naturan, she chocked on her own words. "Pasensiya na, kilalla ko din siya at isa siya sa masasabi kong mabuti at ulirang pulis, napakabait at napakasipag pa! Katunayan ayon sa mga nakasaksi, dapat daw ay napuruhan si Rigor at Jasmin na mga kaibigan ninyo pero inilayo niya sa line of fire at sinalo niya ang mga bala na dapat sana ay doon sa dalawa, kaya siya lang ang namatay!" Tuluyan nang pumatak ang luha nito. "E-excuse me, I have to go." Umalis na ito sa room matapos gawin ang mga kailangan niyang gawin. Naiwan naman ang dalwa na nakatulala.
Nangilid ang mga luha sa gilid ng mga mata ni Jasmin. "To think na minsan ay pinagdudahan natin siya..." napasigok ito sa huling nasambit.
Napatango si Jim, "hindi ko man lang siya napasalamatan sa pagliligtas sa buhay ninyo ni Rigor." Napabuntunghininga si Jim at isa lang ang naisip niya na kahit paano ay bakasakaling makapagpagaan ng pakiramdam niya. Ang linisin ang narumhang pangalan ng pumanaw na pulis.
Iyon man lang ay magawa niya para dito.
Tumagilid siya kay Jasmin, ayaw niyang makita nito ang tumutulong luha mula sa kaniyang mga mata. Kahit kasi sandali lang nilang nakasalamuha si SPO4 Soliman ay napakabait nito sa kanila kaya hindi niya maiwasang hindi manghinayang sa buhay na maagang kinuha dito.
"Kung sino ka mang may pakana ng lahat nang nangyaring ito sa amin, magababayad ka!" Bulong niya habang kuyom ang kamao.
»»»●«««
After a day of just lying down on their hospital beds, ipinasya nina Jasmin at Jim na bisitahin ang mga kaibigan sa kabilang kuwarto.
Iinut-inot silang naglakad. Masasakit pa ang kanilang mga sugat ngunit medyo kaya na naman.
"Grabe, extra-challenge ang paglakad talaga!" Usal ni Jim. Napangiti lang si Jasmin dahil nasa tapat na sila ng room ng dalwang kaibigan.
Kumatok muna sila bago pumasok. Unang bumungad ang mukha ni Star sa kanila. Nang makilala sila nito ay agad siyang tumili. "Ngayon ko lang na-realize kung gaano ko sila na-miss!" Naisip ni Jasmin.
"Kamustasa mga little Sherlocks! Congrats for being alive like us! Party party tayo pagkalabas natin dito ha?" Aniya.
"Dami mong benda star ah? Akala ko tuloy nagkamali kami ng napasukang room, Egyptian museum ang unang pumasok sa isip ko, sobrang mukha ka kasing mummy ngayon!" Humahagikgik si jim habang nagsssalit, na-mis niya kasi itong sobra. Si Star kasi ang nagpabawas ng dati ay sobrang seryoso niyang karakter. Dahil dito ay natuto siyanv mang-inis, mang-asar at minsan ay mapagtawa. She secretly sighed in so much relief dahil buhay pa ito.
"Hoy, tibo! Lakas mong makapang-asar ha? As if you're looking good right now, eh mukha ka ngang walking suman sa ibos na naglalakad!" Come back nito sa kaibigan.
Nagpangiti ito sa tatlo. Kahit kasi nakahiga ay very lively pa din si Star. Talagang siya ang nagbibigay saya sa barkada.
"Ako hindi ninyo ba kukumustahin?" Ani Rigor.
"Naku pasensiya na 'Tol, nauna kasing tumili ang sirenang walang kaliskis kaya hindi ka agad namin nakumusta!" Ani Jim.
"Hahaha! Ayos lang iyon, kayo okay ba kayo? Wala bang internal organs na natamaan ng bala sa inyo? Hindi ko maiwasan na hindi sisihin ang sarili ko dahil sa mga nangyari, kungdi sana ako nagpasyang maggaea tayo ng sariling imebestigasyon hindi sana nagkaganito"
"Ano ka ba Rigor, huwag mong sisihin anv sarili mo! Joint decision natin iyon, wala kang dapat na alalahanin sa bagay na iyon, mahalaga ay ligtas tayo and now more than ever ay kailangan nating ituloy abg ating nasimjlan!"
Napakunot-noo si Rigor hindi niya maunawaan ang ibig sabihin ni Jasmin, bakit ito mas determinado ngayon hindi ba dapat mag-back-out na sila? Muntik na silang mamamatay lahat dahil sa mga nangyari.
"We owe it to SPO4 Soliman!" Wika ni Jim.
"Huh? Bakit? Teka nga pala 'asan na nga pala siya? Hindi man lang niya kami dinadalaw, akala ko pa naman close na tayong lahat!" Ani Rigor.
"You mean hindi pa ninyo alam?" Tanong rito ni Jasmin.
"Ang alin?" Halos panabay na tanong ni Rigor at Star.
"Namatay siyang pinu-protektahan ang buhau ninyo ni Jasmin, hindi kasi kayo agad nakagulong palayo sa line of fire kaya he pushed you both palayo kaso siya ang napuruhan ng sobra, siya abg sumalo ng mga bala na dapat sana ay sa inyo tatama! Paliwanag ni Jim.
Nagtagis ang bagang ni Rigor dahil sa nadinig, hindi ito makapaniwala.
"H-hindi ko alam..." bulong nito.
Agad nangilid ang luha sa mga mata ni Star. "To think na minsan ay pinagdudahan natin siya!"
"That's also the first thing that came into my mind. Kaya mas dapat nating matuklasan kung sino ang nag-frame-up sa kaniya, doon man lang ay makabawi tayo sa pagligtas niya sa buhay nina Jasmin at Rigor, ang maliNis ang kaniyang pangalan, given the circumstances... kung wala tayo doon ay mas malaki ang tsanssng nakaligtas siya, after all ay pulis siya at may training sa ganoong mga pagkakataon...isa pa, kailangan mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. Whoever did this to us, ay malaki marahil ang kuneksiyon sa nangyaring pagpatay sa dating fiance ni Spo4 Soliman." Wika ni Jim.
"I agree. Marahil ay alam ng kung sino mang namaril na may idea si SPO4 Soliman kung sino ang maaring pumatay sa kaniyang fiance at ayaw niya o nila na may ibang makaalam ng bagay na ito kaya pinamaril tayo nang umagang iyon. Ang malas lang ng shooter ay nahuli siya dahil marami nang nasabi sa atin si Sir Soliman bago tayo napamaril." Sang-ayon ni Rigor dito.
"I doubt it. I think whoever shot at us ay hindi nahuli ng dating. Ang motibo nito marahil ay tapusin na talaga ang buhay nating lahat. Ang pagkakamali niya ay hindi niya nasiguradong patay na talaga tayo." Salungat dito ni Jasmin.
"Kung gayon bakit hindi tayo binalikan ng shooter? Bakit hindi niya tayo pinatay habang natutulog pa tayong lahat dito sa ospital? 'Di ba ganun ang nakiikita natin sa mga teleserye and movies?" Confused much na tanong ni Star.
"Simple lang. Dahil marami tayong pulis na bantay habang hindi pa tayo nagkakamalay. May naiwang tag-isa sa bawat room natin na nagru-ronda at naka-standby na pulis ngayon na may malay na tayong lahat." Ani Jim.
"Huh? Paano mong nalaman?"
"Tinanong ko kay Ms. Beautiful nurse, Gina pala pangalan niya... hehehe! Sagot nito sa tanong ni Star.
"Hmp! Kaya pala! Umiral na naman ang pagka-babaero mo, kunyari ka panv tanong ng info. Eh dumidiga ka na naman sa mga chicks! Ismid si Star habang nagsasalita.
"Hoy! Hindi ah? Huwag ka ngang intrigera, para sabihin ko saiyo kahit nagagandahan ako sa kaniya ay tutoo sa loob ko ang pagtatanong tungk sa atin!" Inis nitong sagot.
"Hoy tama na nga kayong dalawa diyan! Hahaha! Baka mamya kayo la ang magkatyluyan eh!" Tawang-tawa si Rigor, sobrang aliw siya sa dalawa at hindi naiwasang isipin nito na ano nga kaya ar magbiro ang tadhana at ang dalawa ang magkatuluyan? Ang saya siguro non!
Inalibaddaran si Star sa narinig habang si Jim naman ay masuka-suka.
"Hoyst! Rugora, kung nalamog yang utak mo dahil sa mga tama ng bala, hay pwede ba pumasok ka na lang sa mental at huwag na akesh idamay! Kakaloka ka! Kadiri!" Eww...!" Ani Star na talaga namang nakapagpatawa sa kanila dahil hindu maintindihan ang mukha nito sa pagngiwi.
"Hay naku, maka-alis nga muna dito baka tuluyan akong masuka!" Ani Jim at lumabas na ng room nila Rigor, bumalik na ito sa kuwarto nila ni Jasmin.
"Paano, sundan ko na si Jim ha? See you both, again soon..." malambing na wika ni Jasmin sa dalawa.
Tumango naman ang dalawa bilang pagsang-ayon.
»»»●«««
[A/N]: To be edited.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top