Kabanata 1


|Ang Simula|




Kasalukuyang panahon.




"Guys, 'asan na ba tayo?" Tanong ng kanina pa inip na inip na dalaga. Jasmin ang pangalan niya. Mahaba ang buhok nito na itim na itim, taliwas sa kulay ng kaniyang balat na halos 'simputi ng labanos.

"Aaay... naku girl! Pang-ilang tanong mo na ba yan? Nakakairita na! Wala pa tayong 1-hour na nagbi-biyahe ha...??!!" Nakataas ang kilay at may lambing ngunit may halong pagtataray na wika naman ng baklang si Steve, na mas pinipili na tawagin siya sa nickname niyang Star.

Kung ano ang ingay ng dalawa (tulad ng dati) ay siya namang ikinatahimik lang sa sasakyan ng tomboy na si Jim, na ang tunay na pangalan ay Jessalyn. Parehas sila ni Jasmin, maputi din ito at may itimang buhok ngunit taliwas dito ang buhok niya naman ay maigsi. May pagkakahawig silang dalawa dahil mag-pinsan sila.

Umiiling lang ng mga sandaling iyon ang "driver" nila. Rigor ang pangalan nito.
Classmate nila sa unibersidad na kanilang pinapasukan. Last semester lang nila ito nakilala. May pagka-hunk ito at suplado. Mula ito sa may-kayang pamilya, hence the Nissan Navarra he's driving right now.

Pag-a-ari ni Rigor ang sasakyan, ngunit 'di gaya ng ibang kalalakihang may mga katangian na gaya ng sa kaniya ay hindi ito palikero at lalong hindi mayabang. Sapat na sa kaniya na may mga kaibigan siyang ka-bonding at kasama na gumala, tulad ngayon.
Mahilig kasi siya sa adventure.



Adventure. Isang bagay na naging dahilan kung kaya nakasundo niya si Jasmin — na siya namang nagpakilala sa kaniya sa dalawa pa nilang kasama.
Una, si Jim na cousin nito, sumunod ay si Star na kababata ng mga ito.


Hindi siya masiyadong pala-kaibigan. Madami siyang ka-barkada dati ngunit kalaunan ay nawala silang lahat ng malaman na nalulugi na ang kanilang mga negosyo. Awa naman ng Diyos ay muli silang nakabangon, as if on cue, unti-unti din ang mga itong nagparamdam na parang mga multo, mga kabuti din ang wangis ng ilan na nag-sulputan sa bahay nila— asking him if they can hang-out again.



He had been honest and told them that he doesn't want anything to do with them anymore after finding out kung anong klaseng tao at kaibigan ang mga ito. He made it clear to them at mula nga noon ay nawalan na siya ng mga kaibigan, mabuti na lamang at nakilala niya si Jasmin. Dahil sa dalaga ay natuklasan niyang hindi lahat ng kaibigan ay manggagamit at pa-famous.


»»»●«««


Mula sa Batangas City ang magkakaibigan, ngunit malayo pa din ang pupuntahan nila bagama't parte pa din ito ng Batangas.

May isang oras na silang nagbibiyahe.

Papunta sila sa karatig bayan ng Nasugbu, Batangas. Mayroong baranggay diumano doon na napakaganda.
Hindi kalayuan ang dagat at may mga gubat at bundok din kung saan pwede silang mag-hiking.

Ang naturang Baranggay ay malapit din daw ayon sa kausap ni Rigor, (na suking kostumer ng mga ito sa hardware store nila at naging ka-close na din niya) sa Baryo Maligalig at Dagat Mapayapa.

Ayon pa sa nakausap nito;
Ang bundok daw na nakapalibot sa Baranggay Masantol na siya nilang pupuntahan ay karugtong noong unang panahon ng bundok Makiling, kung saan ay pinaniniwalaang may Diwata.

Hindi man naniniwala si Rigor sa mga kababalaghan ay na-engganyo siyang pumunta. Pina-unlakan niya ang imbitasyon ni Albert na kaibigan niya dahil nga sa mga naging kuwento ng isang suki nila sa hardware store at dali-daling niyakag pa niya ang buong barkada.


Paano nga bang hindi?


Alam niya na kapag ganitong medyo pinagkakatakutan ang isang lugar ay tiyak na hindi pa polluted o hindi pa nasasalaula ito ng mga tao.
Kung hindi man Virgin forest ay paniguradong "close" dito ang kanilang madaratnan.
About sa dagat, balita naman nila'y may sirena daw dito.
Napangiti si Rigor, siguradong white sand at malinis pa ang naturang dagat.
Marahil ginagawa ng mga lokal (taal na tagaroon) ang mga istorya upang pagkatakutan ang kanilang lugar, nang sa gayon ay mapanatili ang kalinisan at kaayusan nito.

"Kung minsan kasi kung hindi tatakutin ang mga tao ay hindi sila magtitino. Duterte para sa pagbabago!" Bulalas ni Rigor.

"Baliw ka na talaga Rigor, sinong kausap mo...??" Star rolled his eyes ng marinig ang sinabi ni Rigor with matching Fist sign.

Napakamot naman ng ulo si Rigor dahil napahiya. "Pasensiya na, napalakas pala iyong iniisip ko, nakakahiya...!"

"Ay, mabuti naman at alam mo, ay naku, iwas-iwasan mo ang pag-tira mo ng kung ano mang tini-tira mo ha? Matokhang ka diyan, madamay pa kami...!" Ani Star na hindi lang mga kilay ang salit-salitan na tumitikwas pati na din ang mga daliri nito.

"Grabe naman, kaisa ako sa pagbabago ha? Hindi ako adik!"

"Ay ganon? Anong tawag mo diyan sa palagi mong ina-asal daig mo pa ang naka-singhot ng vicks inhaler with matching cough syrup...!!" Wika nito with matching hawak sa bewang at ikot ng mga mata.

Napahagalpak naman ng tawa si Jasmin sa dalawa. May pagka-war freak talaga si Star at medyo pikon pero medyo mapagpasensiya din naman si Rigor.
Naagaw ang atensiyon ni Jasmin pansamantala mula sa conversation ng dalawa nang kaniyang makita ang sign sa bandang gilid ng kalsada. "Teka, teka lang... ayun oh? Balik ka Rigor nalagpasan natin iyong sign papuntang Baranggay Masantol!" Tili ni Jasmin.

Agad namang nag-maniobra si Rigor at binalikan iyong sign na sinasabi ni Jasmin.
Masukal at mahahaba ang mga damo sa paligid ng sign board kung kaya't hindi agad niya ito iyon napansin.



Malubak ang daan. Mabato at maputik din. Halatang kakatapos lang na ulanin ang nasabing lugar na marahil kung tag-init ay pwede ka nang mag-pulbos ng libre dahil sa kapal ng galbok.

Hindi nagtagal at sumapit din ang sasakyan ng barkada sa kanilang destinasyon.

Isa iyong malaki at lumang bahay. Bahay-bakasyunan ito ng pamilya Arguelles. Kaibigan ni Rigor ang panganay na anak ng mga Arguelles at siya ding nag-imbita sa kanila sa lugar na iyon (Nag-iisa itong nanatiling kaibigan sa kaniya noong mga panahon na down na down sila).
Naikuwento kasi ni Rigor ang fascination niya sa lugar dahil sa nabalitaan niya, nagkataon naman na may bahay-bakasyunan pala doon ang pamilya ng kaibigan, kaya't hindi ito nag-atubiling imbitahan si Rigor sa lugar na iyon.


'What a co-incidence' wika noon ni Rigor, subalit meron nga kayang tinatawag na coincidence o ang lahat ng bagay ay sadyang nakatakdang mangyari?



»»»●«««



Jasmin's POV


Bumusina si Rigor sa gate.
Nakita namin na may isang anino na sumilip sa may bintana. Nawala ito saglit at pagkatapos niyon ay lumabas ito at siyang nagbukas ng gate upang kami ay makapasok.

Bumaba kami sa sasakyan at aming namasdan ang napakagandang lugar.

Luma na ang bahay. Mukhang yari pa noong panahon ng mga kastila, ngunit malinis at maayos ang paligid.
Maraming puno sa paligid na namumulaklak at may pangilan-ngilan din na namumunga.


May ilang puno ng Pili (nuts), ang napansin namin na hitik sa mga bunga. Napagkamalan pa namin na mangga sa unang tingin dahil sa mga dahon nito na kahawig ng sa punong mangga.


Pagbaba namin ng sasakyan ay sinalubong kami ng caretaker.
Siya nga iyong may-ari ng anino kanina. Hindi namin siya kaagad nakita dahil kubli ang sinumang nagbubukas ng gate.

Pinatuloy niya kami sa loob at sinabing ini-expect niya ang pagdating namin. Agad niya kaming pinapasok sa guwardiya dahil ang sasakyan at numero ng plaka namin ay nai -text na pala sa kaniya ni Albert.

Albert 'yung pangalan pala nang anak ng may-ari ng compund.
Napakalawak ng bakuran pero nalula pa din kami ng makapasok kami sa loob ng bahay.

Parang mga antigo ang muwebles! Grabe...ang kintab at parang kahit konting alikabok ay wala kaming makikita.

Nahiya ako bigla ng maalala ko ang kuwartong iniwan ko sa bahay na puno ng kalat.


"Mga bata, halina muna kayo at mag-minindal (tagalog sa miryenda - spanish po kasi ang miryenda), wika ng caretaker na mukhang sa katandaan ay inabutan pa marahil nito ang panahon ng kastila (pero 'wag ka, nakakapagbasa pa ng text).


Nag-hain siya ng mga pagkain na bihira nang makita sa hapag-kainan ng karaniwang mga Filipino.

Pansit-luglog na napakaraming sahog, palutang (pinindot ang tawag sa ibang lugar), at butsi (rice flour na may palamang matamis na munggo, ang kaibahan nito wala siyang kulay, sa halip na flat ay Bilog ito pero d gaya ng sa chowking ay malambot kahit pinirito at punung-puno ng palaman ang loob, halatang homemade at hindi pang-tinda).


Ginanahan kami pare-pareho at sadyang napakain kami ng marami habang ang mga bag naman namin ay dinala sa silid na aming tutuluyan ng ilang kasambahay na 'andoon.


Dahil sa hindi maintindihan ng matanda kung sino ang babae at lalaki sa amin ipinasya niyang pagsama-samahin na lamang kami sa isang kuwarto na may dalawang kama (Bahala na daw kaming pumili ng makakatabi, tutal ay magkakaibigan naman daw kami).


Ipinasya namin na sa isang kama ay kami ng pinsan kong si Jim ang magkatabi habang ang sa kabilang kama naman ay sina Star at Rigor ang magsi-share sa iisang bed.


Natatakot si Rigor noong una na makatabi si Star pero ng binulyawan ito ng friend naming bading ng, "wiz kita type 'no ...??!!" Doon na siya pumayag na tumabi dito. Nasiguro kasi niya base sa reaksiyon nito na hindi siya "gagapangin" pagsapit ng gabi.


Dahil napagod sa biyahe... matapos naming ayusin ang aming mga gamit ay agad kaming nakatulog pare-pareho.


Madilim na nang muli kaming magmulat.



»»»●«««

[A/N]: I hope na nagustuhan ninyo po ang Chapter na ito.
If you did...

Please don't forget to vote, comment and share.
God bless you all po.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top