Ang Maliliit na Hinliliit ni Cassie

HEARING ENDEE'S BREAKUP with his jowa made me realize that no matter how genuinely happy you both are in the relationship, nothing will last forever when you keep looking for something.

"Gago 'yon! Ang lakas talaga ng loob na makipag-break sa akin, akala mo naman daks! E, ang juts niya kaya!"

Nagulat ako sa huli niyang sinabi at napatingin na lang ako kay kuya na abala sa pagluluto ng streetfood---kikiam, to be specific. Mukhang di niya naman naintindihan ang mga pinagsasabi ni Endee kaya nakahinga ako nang maluwag. Pero tinapik ko pa rin siya at pinagsabihan.

"Bakit, totoo naman sinasabi ko, a? Ni hindi nga ako nasa-satisfy kapag nagse-sex---"

"OMG ka, Endee, bibig mo!" sabi ko nang nagpa-panic.

At bago pa makapag-react si kuyang nagluluto ng kikiam, dali-dali ko nang hinila si Endee palayo.

"Ano na naman 'yon, Cassie?"

"Yung bibig mo kasi! Wala pa rin bang preno 'yan?"

"Wala naman akong sinasabing masama, a! Nagsasabi lang din ako ng totoo, 'no."

"I know, I know. Pero puwede bang paki-filter ng mga sinasabi mo especially when we are in a public place? Please?"

Inirapan niya lang ako bago sabihing, "K."

Natawa naman ako nang naiiling.

"By the way, kumusta naman kayo ng jowa mo? Nagkausap na ba kayo?"

Hindi ko inaasahan na bubuksan niya ang topic tungkol doon kaya tanging matipid na ngiti lang ang naisagot ko sa kaniya sabay kibit-balikat.

"Ay, wow. Ang bibi ghorl."

"Baliw."

"So I assumed na di pa rin kayo okay until now."

I didn't say anything. Di ako nag-deny o nag-confirm. Hinayaan ko na lang muna siyang isipin ang gusto niyang isipin. Kasi sa totoo lang, di ko na rin alam, e. Hindi ko alam kung okay na ba kami o kung . . . okay pa ba kami.

For now, I can say that my situation with Rola, my boyfriend (or if I can still call him that), is complicated.

"Alam mong kagagaling ko lang din sa breakup kaya wala kang makukuhang love advice sa akin," pagsasalita niyang muli. Gusto ko sanang sabihing di naman ako nanghihingi ng love advice nang mabilis siyang nagsalita ulit. "Pero nandiyan naman yung iba nating kaibigan kaya let's go. It's time para pakinabangan naman natin sila. Lalo na si Raice na wala nang ambag sa buhay natin por que't masaya na ang pu---"

"Endee!"

"---so. Puso kasi, bhie."

"Alam kong hindi puso ang gusto mong sabihin."

Nginitian niya lang ako nang nakaloloko. Kapag itong si Endee talaga ang kasama ko, parang kailangan ko laging mangumpisal o magbabad sa holy water at the end of the day para lang manatili ang ligtas points ko sa langit.

***

"Ang yayabang talaga ng mga 'to, o."

Agad na sinamaan ni Jo si Endee dahil sa sinabi niya. "Inaano ka na naman namin?"

"For sure, táyo na naman sisisihin niyan kasi may love life pa rin táyo tapos siya, wala na," sabi ni Raice.

"Ay, o. Ang yabang talaga."

Nakita kong natawa na lang si Soledad at Loysa. At habang abala sila sa pagkakantiyawan, tahimik na lang akong umupo para hindi mapunta sa akin ang spotlight.

"Pero di lang naman ako ang wala nang love life ngayon."

Hindi pa umiinit ang pang-upo ko nang maistatwa na ako sa sinabing 'yon ni Endee, dahilan para lahat sila ay mapatingin sa gawi ko.

Di ko tuloy alam kung ma-o-offend ba ako o ano.

"Wow . . . Kapag sinabing wala nang love life, ako agad?" When they still looked at me and didn't say anything, napabuga na lang ako ng hangin. "E di, kayo na masaya."

"So, what's the tea, Mareng Cassie?" mabilis na tanong ni Raice.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin yung nangyayari sa amin ni Rola kaya napatingin na ako sa gawi ni Endee para humingi ng tulong.

"The tea is . . . walang tea-tea at balls ang jowa niya. Nakakaloka nga! Ang bantot na nga ng pangalan nila kapag pinagsama, pati relasyon nila, mabantot din dahil sa mokong na 'yon."

Na mukhang maling desisyon pala.

"Ha? Teka, di ko gets," komento ni Jo.

"Ako rin," sabi ni Loysa na sinundan din nina Soledad at Raice ng, "Ang gulo kasing magkuwento ni Endee!"

"Anong magulo? Masaya lang kasi love life ninyo kaya di ninyo ma-gets."

Bago pa sila magkagulo at magtalo, sumingit na ako at sinabing, "Ako na nga magkukuwento."

Kahit hirap pa rin, sinabi ko na sa kanila yung sitwasyon namin ngayon ng boyfriend ko. Kung paanong nagiging cold na siya sa akin. Kung paanong di ko na nararamdaman yung presensya niya sa relasyon namin. Kung paanong hindi na katulad ng dati yung pagmamahal na nakukuha ko mula sa kaniya.

". . . tapos nitong mga nakaraan, di niya na rin ako nalalambing. Wala na ring kiss and hugs."

"Buti ka pa lambing lang inaalala mo. Ako, na-i-stress na kasi ilang buwan na naman ako nitong di madidiligan. Hays."

Alam naman naming pinapagaan lang ni Endee ang atmosphere pero minsan kasi, ang out of place na talaga ng mga banat niya. Nasa milk tea shop kaya kami tapos ang lakas pa ng boses niya! Minsan, ang sarap niya niya na ring i-kick sa friendship namin. Kami laging taga-walis sa kalat niya, e.

"You know what, Cassie, masinsinang pag-uusap lang ang kailangan ninyo," pagsasalita ni Jo. "Bago pa lumala ang misunderstanding ninyo, pag-usapan ninyo na dapat 'yan."

"E, paano nga pag-uusapan, di ko na nga makausap?"

"Paanong di mo makausap?" si Raice naman ang nagtanong.

Nagbuntonghininga ulit ako bago sumagot ng, "Iniiwasan niya ata ako, e."

"Hindi ka sigurado?" singit ni Soledad. "Bakit?"

Nagkibit-balikat lang ako bilang tugon. Kasi sa totoo lang, di ko rin talaga alam. Ang tanging alam ko lang ay iniiwasan ako ni Rola ngayon. Ni hindi niya na nga sinasagot mga text messages and calls ko, e. Kaya alam kong sadya talaga ang pag-ignore niya sa akin.

"Ito, seryoso na." Sabay-sabay kaming napatingin sa gawi ni Endee nang magsalita siya. Sinamaan namin siya ng tingin kasi kapag sinabi niyang "seryoso", wala na dapat kaming asahan sa kaniya. Kailan ba naman kasi siya nagseryoso? Never. "Grabe naman kayo makatingin! Seryoso na nga 'tong sasabihin ko. May kwenta na 'to, promise."

"At kapag wala, sisipain ka talaga namin palabas," mabilis na sabi ni Raice na siyang ikinasimangot niya at ikinatawa naman namin.

"Brutal mo naman, bhie," natatawa niyang sabi.

Akala niya ata nagbibiro si Raice. E, knowing her, 90% ang chance na totohanin niya talaga yung sinasabi niya. Good luck na lang talaga. Ready na ako makita siyang masipa palabas kasi dazerv naman dahil na rin sa mga kalokohan niya sa buhay.

"Ang gusto ko lang naman kasing sabihin ay . . . if you really want to make it work, gagawa ka ng paraan. I mean, kung ayaw niya talagang makipag-usap kahit na ginawa mo na ang lahat, that's on him na. Hindi mo na puwedeng sisihin pa ang sarili mo kasi you already did your best para i-work pa yung relationship ninyo."

Ilang segundong katahimikan din ang namayani sa paligid dahil di namin lahat ini-expect na may seryoso ngang sasabihin si Endee. Lalo na't nagme-make sense pa ito sa akin.

Nabasag lang ang katahimikan dahil kay Loysa at sa pagsigaw niya ng, "Yawa, at last! Pumasok na rin yung sahod, mga beh!"

***

Bitbit ang sangkaterbang lakas ng loob at payo ng mga kaibigan ko, nagpunta na ako sa apartment ni Rola. Hindi niya pa rin sinasagot mga text at tawag ko kaya nagpunta na lang ako nang walang pasabi kahit na hindi ko naman 'to gawain. Pero ano naman kasing gagawin ko, 'di ba? E, halata namang iniiwasan na nga ako. Kaya kung maaayos pa 'to, katulad nga ng sinabi ni Endee, I'll do everything to make it work. To the point na gagawin ko na yung mga bagay na di ko naman madalas ginagawa.

Kasabay nang aking pagbubuntonghininga ang pagkatok ko sa pinto ng tatlong beses.

"Cassie," bungad niya sa akin pagbukas niya ng pinto. "You're here."

"You're literally ignoring my texts and calls that's why I'm here."

"Oh."

Akala ko, magiging madali lang 'to sa akin. Nakailang practice pa ako sa mga sasabihin ko. Pero ngayong nandito na ako mismo sa sitwasyon at kaharap ko na siya, bigla na lang nablangko ang isipan ko.

Hihintay ko siyang magsalita o may sabihin man lang, pero wala rin. Nanatili lang din siyang tahimik at walang imik. Ni hindi niya man lang nga ako niyaya na pumasok sa loob para may privacy naman ang pag-uusap namin kahit papaano.

Wala na ba talaga akong aasahan sa kaniya?

Wala na ba talaga akong halaga sa kaniya?

Dito na ba matatapos ang lahat?

"If you don't love me anymore, why don't you break up with me?"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko kasi lalo lang siya di nakapagsalita.

"Kung di mo 'yon magawa kasi nahihirapan ka na, sana man lang naisip mo ako," pagpapatuloy ko. "Sana man lang naisip mo na nahihirapan din ako. Pinagmumukha mo akong tanga, Rola. Dalawa táyo sa relasyong 'to pero bakit parang mag-isa na lang ako?"

"Cassie, hindi naman sa gano'n . . ."

"E, ano? Bakit di mo ipaliwanag sa akin para malinawan ako? Kasi napapagod na rin ako manghula. Kung hindi pa kita sinadya rito, kailan mo pa balak magparamdam sa akin? O . . . may balak ka pa ba talaga?"

"I'm sorry, Cassie."

"I hate to say this but you're really a piece of trash," gigil na sabi ko. "Nandito na ako sa harapan mo pero di mo pa rin masabi sa akin yung totoo. Pero salamat kasi mas naliwanagan na ako ngayon. Hindi ko na ipipilit yung sarili ko sa relasyong wala namang pakialam sa akin yung supposedly partner ko. Mag-break na táyo."

Inaasahan kong di niya na ako hahabulin pa pero habang naglalakad ako palayo, mas lalo lang nadudurog yung puso ko. Kasi kahit sa huling sandali, ipinaramdam niya talagang wala na siyang pakialam sa akin.

Gusto kong magmura. Gusto ko siyang murahin para lang mailabas lahat ng galit at frustration ko sa kaniya. Pero alang-alang sa natitirang ligtas points ko sa langit, ipinagdasal ko na lang siya.

"Sana po, Lord, di masarap ang ulam niya buong taon at matutong palagi ang kanin niya araw-araw."

Dahil wala ako sa mood umuwi sa bahay, naisipan kong tawagan yung mga kaibigan ko. Pero bago ko pa sila ma-contact, may nakaagaw na sa atensyon ko kaya dali-dali akong dumiretso dito.

Broken ako ngayon kaya di muna uso ang pagda-diet sa akin.

"Kuya, fifty pesos nga pong kikiam."

"Ibabalot ko pa po, Ma'am?"

"Ay, hindi na po. Dito ko po kakainin."

Mukha namang di ako j-in-udge ni kuyang nagtitinda ng streetfood kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Pero nang makita ang mga nalutong kikiam, bigla akong na-stress.

"Hala, Kuya, bakit naman ang liit na ng mga kikiam mo?" takang tanong ko. "Parang kasing liit na lang 'yan ng hinliliit ko, e."

Itinaas ko pa ang dalawa kong hinliliit para ipakita sa kaniya at di ko alam kung ma-o-offend ba ako nang bigla siyang natawa dahil doon.

"Sorry po, Ma'am. Kasi mukha nga talagang kikiam ang mga hinliliit ninyo."

Tinitigan ko naman ang mga ito at sa hindi inaasahan, may iba akong naalala.

"I promise that whenever you have any problem, I will always be there for you and would never leave you alone."

"I promise that no matter what, I will always take care and keep you happy."

"I promise that I will always be honest and loyal to you."

"I promise that I will love you more with each passing day."

"I promise that I will always treat you like an angel and never ever break your heart."

Iilan lang 'yon sa mga pangako niyang napako na ngayon. May paglingkis pa kami ng aming mga hinliliit tapos ganito lang gagawin niya sa akin?

"Hala, Ma'am, sorry na po. Di ko po sinasadya na ma-offend kayo. Huwag na po kayong umiyak."

Nang marinig ko 'yon, saka ko lang napansin na bumuhos na pala ang luha sa aking mga mata.

Bakit kasi sa dami nang puwedeng magpaalala sa akin sa kaniya ay itong kikiam at maliliit na hinliliit ko pa?

***

"Bakit naman nakisabay pa kayo sa pagiging brokenhearted ko?" bungad ni Endee sa amin. "Imbes na sa akin lang ang spotlight---ayan, anim pa tayong maghahati-hati."

Mukhang wala ng energy ang kahit isa sa amin dahil hinayaan lang namin na magsalita nang magsalita si Endee. Kanina pa talaga niya kami "tinatalakan" sa pagiging sapaw namin nang malaman niyang single na rin kaming lima nina Soledad, Loysa, Raice, at Jo.

Coincidentally, hindi lang ako ang naglakas-loob na makipaghiwalay sa amin. Sila rin pala. And they had their own reasons too.

Si Soledad, gustong mag-focus muna sa sarili.

Si Loysa, sa thesis naman. Ang sakit na raw kasi sa ulo ng boyfriend niya to the point na nakasasagabal na ito sa thesis niya.

Si Raice, nalaman na may ibang babae yung piloto niyang ex-boyfriend kaya bago pa magdilim ang paningin niya sa dalawa, nakipag-break na agad siya.

Si Jo, niyayang magpakasal. At dahil hindi pa siya ready, hiniwalayan niya rin yung CEO niyang ex-boyfriend.

Kaya ngayon, we're all single ladies. Yes, inlcuding Endee na di pa rin tapos sa pagrereklamo dahil sa pagsapaw at pag-agaw daw namin ng spotlight sa kaniya.

"Pero you know what, girls, tama lang din ang mga ginawa ninyo." Sabay-sabay kaming napalingon sa gawi ni Endee. "Hindi naman kasi talaga natin kailangan ng lalaki sa buhay. We can live without them. I mean, we are all strong independent women na di kailangan ng men!"

"Sure ka?" taas-kilay na tanong ni Jo.

"Sure saan?"

"Na di mo kailangan ng lalaki sa buhay?"

"Aba, oo naman, 'no!"

"Memetey?" pagsingit naman ni Raice. "Mabubuhay ka talaga ng walang lalaki?"

"Ay, wow! Anong akala ninyo sa akin?"

"Pokpok," nakangiting sagot ni Soledad. "Charot."

"Wag nga kami, Endee," pagsasalita naman ni Loysa. "E, kanina nga lang, ang lagkit ng tingin mo roon sa waiter! Kulang na lang, i-glue mo siya sa singit mo para di na makawala."

Dahil sa huli niyang sinabi, napatikom nito ang bibig ni Endee at napatawa naman kaming lahat.

Kahit kailan talaga, o . . .

"Pero Maligayang Araw ng Kalayaan sa atin," muling pagsasalita ni Endee sabay taas ng iniinom na milk tea. "Finally, malaya na talaga táyo!"

"Happy Independence Day indeed. Lalo na sa mga maagang nagpalaya," mahinang bulong ko nang may ngiti sa mga labi.

━━━━AND THE KALAT ENDS HERE━━━━

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top