Salaysay #1 - Ang dalagang nagngangalang Selene
Halika! Tikman mo ang malamig na pinakulong tsaang piccolo mula sa Lupicia na ginawa ng aking kapatid kaninang umaga. Napakaganda ng araw, hindi ba? Hindi mo ba nararamdaman ang samyo ng simoy ng hangin. Ahh napakasarap sa pakiramdam ang Sabado ng hapon kong ito!
Itigil mo ang pagngiti mo sa akin ng ganyan! Kinikilig ako!
Kaya nga, isang dalagang nagngangalang Selene na nakilala ko sa pamamagitan ng Facebook, isa siya sa dalawang admin sa isang pahina para sa mga tagahanga mo. Tinatawag itong "Jonghyun Forever" or "Magpakailanman Jonghyun". Marahil hindi mo ito narinig. Ang pahinang ito ay mayroon ng 13K na tagasunod. Kaya mo bang paniwalaan ito? Ikaw ay pinakamamahal, alam mo ba?
Sinasabi ko sa iyo na isa siyang masugid at tapat na Blinger. Madalas siyang magpahayag ng tungkol sa iyo araw araw, maraming beses sa isang araw. Sumusulat siya ng mga tula para sa iyo. Sumasagot siya sa mga komento at sa mga pribadong mensahe. At alam mo ba na bihasa siya sa wikang Arabe at Pranses din! Kaya niyang magpahayag sa tatlong lengwahe. Ako ay lubhang napabilib sa antas ng kanyang dedikasyon. Dapat kang pumarito upang siya ay iyong mayakap. Lubos na siyang nangungulila sa iyo.
Kahapon, inilathala niya ang kaibig-ibig na tulang ito. Sigurado akong mababagbag ang iyong damdamin. Eto siya, lumapit ka at basahin nating dalawa.
Ano ba yan, huwag kang umiyak. Ang mga salita ba niya ay sobrang makabagbag damdamin? Kita mo, kung hindi ka lumisan, isipin mo ang madamdamin at masayang tula na malamang na susulatin niya para sa iyo. Geez, sobra mong nalaktawan ang mga ito.
Ang problema ay sobra siyang nasaktan sapagkat ikaw ay lumisan. Pakiwari ko ay may mga sandaling nagpapagulong gulong siyang umiiyak ng maraming oras, nagdadalamhati sa iyong pagkawala. Sa palagay mo ba hindi ito nakaka apekto sa kanyang pang araw araw na buhay? Sa palagay ko ay oo. Subalit ang buhay niya ay kasama ka, kaya makaka apekto ito. Ano ang iyong aasahan sa mga taong iyong iniwan? Ito ang mapait na katotohanan ng buhay! Kung magkaminsan ako ay naiiyak kapag naiisip kita. Subalit kung ikaw ay nag aalala sa kanya, sabihin mo sa akin ang nais mong ipabatid sa kanya. Sisiguraduhin kong sasabihin ko ito sa kanya, pero huwag ma keso ah. Hindi ko kaya ang sentimental.
Halika, sabihin mo lamang! Akin itong isusulat dito.
"Aking pinakamamahal na Selene,
Kumusta ka na?
Nais ko na makita mo sana ang banayad kong ngiti habang tinitignan kita. Ang pagmamahal mo sa akin ay natatangi. Ako ay nagpapasalamat sa iyong kahanga hangang kabutihan na dalhin mo ako at ang aking miyembro sa iyong pinakamainam na puso at hayaan na kami ay maging isang napakalaking parte ng iyong buhay. Akin itong itatangi ng walang hanggan.
Ng araw na ako ay lumisan, hindi ako sigurado kung ano talaga ang mangyayari. Nangyari ito dahil sa aking asal na daglian kong ginawa. Sa pagbibigay ko sa iyo ng kalungkutan, patawarin mo ako.
Hindi ko sana ito ginawa, hindi sana ako lumisan. Palagay ko mas marami pa akong magagawa kung ako ay nanatili. Magagamit ko pa sana ang aking boses upang ang milyon ay maginhawang makatulog, kabilang ka. O kaya mapapangiti kita sa isang biglaang mapaglaro kong kindat sa entablado. Ngunit gumaan ang aking kalooban na malaman na ako ay nakapag iwan sa iyo ng magiliw na alaala.
Kaya, Selene, tulungan mo ako? Pwede ba? Mabuhay ka ng ganap. Gugulin mo ang mahahalaga mong sandali sa iyong pamilya at mga kaibigan. Huwag kang magkukulong sa iyong kwarto or ikulong mo ako sa iyong puso sa kaiisip sa akin. Magpakasaya ka! Maging aktibo! Maging inspirasyon! Maging positibo! Humahanga ang iba sa pambihirang galing mo sa pagsulat. Iparamdam mo sa mga taong nakapaligid sa iyo na sila ay kaibig ibig. Paligiran mo ang sarili mo ng mga taong meron kaisipan ng tulad ng sa iyo, upang sila man ang mahalin ka at suportahan ka.
Kaya, tulungan mo ako, muli, aking Selene, Abutin mo ang mga taong nasa paligid mo na nangangailangan ng tulong. Gabayan mo sila sa mabibigat na sandali ng kanilang buhay. At kung ikaw mismo ay nangangailangan ng tulong, hanapin mo ito, para sa akin!
Nais ko na mabuhay ka ng mainam, mabuhay ng kapakipakinabang, mabuhay ng inspirado, hanggang sa huling sandali ng likas mong oras. Gumawa ka ng karera na sa tingin mo ay bagay sa iyo. Patatagin mo ang relasyon mo sa mga taong gusto mo. Magbuo ka ng pamilya sa taong mahal mo. At pagtanda mo at kulubot na ang iyong balat at iniwan mo na ang daigdig, saka tayo magkikitang muli! Sigurado akong makikilala mo pa rin ako.
Aking Selene,
Ngaun ako ay magpapaalam na, usalan mo ako ng panalangin. Dalhan mo ang aking kaluluwa ng isang halik sa pamamagitan ng hangin. Alalahanin mo ako, Mahalin mo ako. At mabuhay ka para sa ating dalawa, nagniningning sa kaliwanagan.
Ikaw ay aking itinatangi.
Ngaun, tulungan mo akong humanap ng yakap sa isang taong malapit sa iyo. Pakiusapan mo ang taong ito na hihiramin ko muna ito ng sandali, upang maipadama ko sa iyo na ikaw ay natatangi. Tanggalin mo ang kalungkutan mo! Punuin mo ang iyong buhay ng positibong kaisipan, positibong gawa, Maging ligtas, maging payapa! Maging Selene!
Sumasa iyo,
Magpakailanman"
*Pagsasalin para sa post ni Selene:
"Alas 12 ng madaling araw sa Korea...
Isang buwan na naman ang lumipas.
Walong buwan na ang nakakalipas ng lumisan ang ating anghel.
Sa bawat oras na nangungulila ako sa kanya..
Inaalala ko ang mga paguusap na ito:
Jonghyun: Pwede na ba akong umalis? Sa tingin mo tama na ba na ako ay umalis? Pwede ko bang sabihin na aalis na ako sa mga araw na puno ng pasakit at ang walang katapusang gabi ng kapanglawan? Ako ay nabuhay at ginawa ang sa tingin ko ay pinakamainam, ang maging halimbawa ng isang napapagal.
Gayon nga, pwede ba akong humakbang pakabila at palayain ko ang aking espiritu?Hindi ko nais na unang lumisan, lumaban ako sa aking buong kalakasan. Ngunit parang merong humihila sa akin sa isang mainit at buhay na liwanag.
Nais ko itong puntahan, nais kong gawin.
Napakahirap manatili.
Subalit aking sisikaping na mabuhay kahit isang araw pa.
Upang bigyan kayo ng oras na ako ay paka alagaan at ibahagi ang inyong pagmamahal at mga luha.
Nababatid ko na ikaw ay nalulumbay at nangagamba, sapagkat nakikita ko ang iyong mga luha.
Hindi ako lalayo, pangako ko ito, at inaasahan ko na palagi mong pakakatandaan na ang aking espiritu ay malapit sa iyo kahit saan ka pumunta.
Salamat sa pagmamahal mo sa akin.
Alam mo na iniibig din kita.
Kaya nga napakahirap magpaalam at tapusin itong buhay.
Kaya huwag ka ng umiyak at hayaan mong aking marinig,
Sapagkat inaalala mo akong lubos, hahayaan mo akong lumisan ngaun.
Gayun nga aking pinakamamahal na pamilya...Ngaun... subukan nating maging masaya para sa kanya..
Tayo ay ngumiti kahit sa ating pagluha..
Ibahagi natin ang kanyang alala kahit saang dako... ang ating maningning na anghel ay maligaya na ngaun.
Tinitingnan niya tayo mula sa kalangitan.. nakangiti sa atin.
At sigurado ako na ipinagmamalaki niya tayo..
Mahal ka namin Kim Jonghyun.Kami ay nangungulila ng lubos sa iyo.
At hindi ka namin lilimutin.
Magliwag ka aming anghel.. Magningning ka...
Nais ko na makita ang iyong kaningningan ngaung gabi.
Selene "
#Jonghyun Forever
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top