"Ang Kuwento ni Luciana"

Isang dalaga ang nagngangalang Luciana Abrinica, na nakatira sa isang maliit na barung-barong. Isang dalaga na pinagkaitan ng tadhana kung saan lagi siyang inaapi, kinukutya at binubully sa kanyang eskwelahan o hindi kaya sa kanilang mismong lugar.

Si Luciana ay isang morenang dalaga ngunit hindi kaaya-aya ang kanyang mukha kung kaya't lagi siyang tinutukso at pinandidirihan ng iilan.

Isang araw habang papasok siya sa kanilang paaralan, may isang babae ang nahihirapan sa pagdala ng mga gamit. Kahit ni isang estudyante ay hindi ito pinansin o kahit ni tulungan man lang. Agad niya itong nilapitan at binati.

“Magandang umaga po. Maaari ko po ba kayong tulungan? Kanina ko pa po kayo napapansin na nahihirapan sa pagdala ng iyong mga gamit.”

Isang ngiti at tango ang iginawad ng babae. “Magandang umaga rin, ijah. Salamat sa iyong pagtulong sa akin. Hindi ko inaasahan na may isang tao ang tutulong sa akin sa pagdala ng aking mga gamit.”

“Walang ano man po. Gusto ko lang naman po tumulong,” sagot ng dalaga at ngumiti.

“Ngunit maaari ko po bang malaman kung bakit kayo narito?” tanong ng dalaga sa babae habang sila'y lumalakad.

“Bagong guro ako rito at ngayon ako magsisimula. Ngunit nagtataka ako dahil ni isang mga estudyante kanina ay hinahayaan lang ako na nahihirapan sa pagdala ng aking mga gamit,” saad ng babae na isa pa lang bagong guro.

“Huwag po kayong magtaka rito sa paaralan. Ngunit ganito ang kanilang pagtrato sa ibang mga tao o kapwa nila estudyante,” sagot na lamang ng dalaga kung kaya'y napatango na lamang ang bagong guro.

Matapos ang kanyang pagtulong sa bagong guro ay agad na siyang pumasok sa kanilang room. Napabuntong hininga siya at mapait na ngumiti dahil alam niyang bagong pang-iinsulto na naman ang kanyang maririnig mula sa kanila. Hinayaan niya lamang ang mga ito at agad siyang dumiritso sa kanyang upuan.

Gusto niyang maging matatag sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdadaraanan. Alam niyang isang hamon lamang ito sa kanyang buhay. Si Luciana ay matalino rin sa kanilang klase. Hindi niya alam na may ilang tagahanga rin siya.

Napaupo siya ng tuwid nang pumasok ang bagong guro sa kanilang classroom. Napangiti siya sa guro kung kaya't marami naman sa kanyang kaklase ang siya naman pinag-uusapan.

Bago pa magsimula ang kanilang lektura ay nagpakilala muna ang guro.

“Magandang umaga sa lahat! Ako pala si Teresina Alvarez at ako ang inyong magiging guro sa Filipino. Ngunit bago tayo magsimula, maaari ko bang malaman ang inyong pangalan, edad, kung saan kayo nakatira at ano ang gusto ninyong maabot sa buhay o inyong mga pangarap?” sabi ng kanilang guro. Isa-isang nagpakilala ang kanyang mga estudyante kasama na si Luciana na kanina pa kinakabahan.

“Ako po si Luciana Abrinica, labing walong taong gulang at nakatira sa isang barung-barong ng Santa Rosa street. Ang pangarap ko na maabot sa buhay ay makapagtapos ng pag-aaral at maging isang flight attendant balang araw.”

Sa kanyang mga sinabi ay bigla na lang siyang nakarinig ng panghuhusga mula sa kanyang mga kaklase. Napayuko siya at bigla na lang tumulo ang kanyang luha. Agad naman sinaway ng bagong guro na tumahimik. Agad naman pumalakpak ang guro at napangiti dahil sa narinig mula kay Luciana ngunit napayuko pa rin ang dalaga na umiiyak.

“Class, hindi ko inaasahan na ganito pala kayo! Hindi ko inaasahan na isa pa lang panghuhusga ang nagmumula sa inyo! You all disappointed me in my first day of teaching here in your school. Isa lang ang masasabi ko sa inyo, hindi basehan ang physical na kaanyuan sa kung ano ang gusto ninyong maabot sa buhay. Hindi ninyo alam na nakakasakit kayo ng damdamin ng kapwa ninyo tao. Bawat isa sa atin ay may taglay na kagandahan. Hindi natin ito makikita sa mukha ngunit nakikita natin sa kalooban. Siya ang tumulong sa akin kanina sa pagdala ng aking mga gamit dahil kahit ni isang estudyante ay hinahayaan lang na nahihirapan ang isang tao. Hindi man kaaya-aya ang kanyang mukha, ibig sabihin nun ay kukutyain ninyo. Alam ninyo kung ano ang magandang gawin para hindi siya masaktan? Yung tulungan ninyo siya, hindi yung tutulungan ninyo na masira yung self-esteem niya na mawalan siya ng kumpyansa sa sarili. Hindi ninyo alam na may pinagdadaanan yung tao! Ang inyong kasiyahan ay yung makaapi kayo ng tao? Yung kutyain at tuksuhin?” isang mahabang sabi ng guro sa kanila kung kaya't napayuko silang lahat.

“Alam ninyo? Naranasan ko rin ang mabully noon dahil sa physical kong kaanyuan. Pero hindi ako nag paapekto sa mga sinasabi nila! Yung wala akong mararating sa buhay? Yung wala akong silbi sa lahat? Yung wala akong pakinabang sa kahit anong bagay dahil ang pangit ko? Hahaha lahat ng mga iyun ay naranasan ko at naranasan ko rin yung ikumpara sa iba pero heto ako ngayon, nakaharap sa inyo at nakatayo ng tuwid. Hindi sa lahat ng oras nasa ibaba tayo. Ang kulang sa inyo alam ninyo kung ano? Kulang kayo sa respeto sa kapwa ninyo tao. Sana hindi na maulit ang ganitong klasing pangyayari kasi hindi natin alam na tayo mismo ang maging sanhi na mawala yung isang tao. Kayo ang pag-asa ng bayan ngunit kayo ang dahilan kung bakit walang kinabukasan ang iba dahil sa panghuhusga at walang respeto sa kapwa natin tao.”

“Sana maging leksyon sa inyo ito! Luciana, ikaw ay napakaganda hindi man nila ito nakikita pero alam kong maabot mo yung pangarap mo sa iyong buhay. Huwag kang magpaapekto sa mga sinasabi ng iilan. You need to trust yourself and believe in God that you are worthy and beautiful. Maging matatag ka sa kung ano man ang magiging hamon mo sa buhay. Magtiwala ka sa iyong sarili at hindi sa iba.”

Pinunasan niya ang kanyang luha at napangiti sa narinig mula sa bagong guro. Napaupo siya at napahinga ng maluwag.

Lumipas ang ilang taon ay naabot na rin sa wakas ni Luciana ang kanyang inaasam na pangarap na maging isang flight attendant. Naging matatag at determinado siyang makapagtapos at ngayon ay nakamtan na niya. Hindi man naging maganda ang simula ngunit sa wakas ay nagbago na ang takbo ng kanyang buhay. She's proud to herself, determined, have a perseverance and trust herself however she always believed in God which lead her way into success. She put God in her center of life. And now, she can be able to help with other people. Success doesn't matter on what level you are, you are the one who make success not others.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top