Ang Kanyang Huling Araw
Amaiah Mikael Pov
He left us,
he left me without saying his last words.
He end his journey in the world in a one blink.
"Wala na siya," ang unang salitang narinig ko na hindi ko matanggap,
"Kuya!" sigaw ko sakanya habang umiiyak,
"Kuya ibalik mo doon nanonood pa ko kay Dora!" pagmamaktol ko sakanya na binato ko pa ng unan sa mukha,
Inilipat niya kasi sa ibang station nakikita niyang nanonood pa ko kay dora eh, puro basketball na lang at hindi ko alam kung anong maganda sa basketball na 'yan.
"Kuya ibalik mo doon!" sigaw ko ulit at ayon na naman ang mga luha ko isa-isang tumutulo sa pagkapikon,
Pero parang wala siyang narinig, ang paningin niya ay nasa telebisyon pa rin.
"Kuya!!" sa pang-apat na beses ay tinawag ko siya ulit mas nilakasan ko pa ang pag-iyak yung tipong mayayanig eardrums niya,
"Amika, tumigil ka nga," naiinis niyang sabi sa'kin,
Hindi ako tumigil, tuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Sa isang lingon dumapo ang palad niya sa braso ko.
"Alvionne ano ba yan?!" sigaw ni mom mula sa kwarto,
Dahilan para humagugol ako parang daig ko pa namatayan at naramdaman ko na may humila sa'kin,"Sinong nagpa-iyak sayo? Si Kuya ba?" tanong ni ate Ariele pagkabuhat sa'kin,
Tumango ako habang humihikbi.
"Bakit mo ba pinalo 'to?" tanong ni ate kay kuya at tinapik na animo'y pinalo,
Hindi siya sumagot kaya dinala na lang ako ni ate sa kwarto kung saan naguusap sila ate Aliza at mom.
"Bakit umiyak yan?" tanong ni ate Aliza kay ate Ariele,
"Hindi niya na naman kasi napanood ang kakambal niya," natatawang sagot ni ate Ariele na hindi ko na lang pinansin,
Kinagabihan ay sabay kaming kumain lahat maliban kay Kuya at nakita ko na naman ang pinakasusuklaman kong ulam at walang iba kundi gulay.
Hindi ko alam kung anong masarap diyan sa gulay.
Ngumiwi ako ng wala sa oras ng naglagay na si mom ng kanin kasunod ang gulay.
"Mom, ayaw ko ng gulay," sabi ko sakanya na nangongontra,
"Kumain ka ng gulay masustanya 'yan," segunda ni dad sa'kin,
"Amika, kumain ka kahit konti lang masiyado ka ng matamlay tingnan," sabi ni mom sa katunayan ay hindi ako malakas kumain kasi dalawa o tatlong subo lang ang kinakain ko sa isang araw,
Umalis na lang ako sa kinauupuan ko dahil hindi naman ako kumakain ng ganong ulam at isasarado ko na sana ang pintuan ng biglang sumulpot si Kuya.
Nakalimutan ko palang saraduhin ang pintuan.
Tiningnan ko siya mula ulo at paa at nakadamit pa ito ng pang-empleyado halatang kadarating niya sa trabaho at may hawak pang plastic ng Mcdonald sa kaliwang kamay.
"Sabi ni mom hindi ka pa raw kumakain buti na lang bumili ako nito," sabi ni kuya na pumasok sa loob ng kwarto at umupo sa gilid ng kama at ako naman ay sinundan siya at umupo sa tabi niya,
Kinuha ko ang plastic at hinalungkat ang nasa loob maliban sa rice at chicken fillet ay may french fries din sa loob.
"Anak tapos ka na bang kumain?" tanong ni mom kay kuya na hula ko kanina pa nakasilip sa pintuan hindi man lang namin naramdaman,
"Wala pa po mom, kanina ka pa dyan?" sagot at tanong naman ni kuya kay mom,
"Oo anak," sagot ni Mom kay Kuya, "Hindi ka pa ba magbibihis? tanong ulit ni Mom sakanya,
"Magbibihis na po sana kaso mukhang namiss ako nitong kapatid ko," sabi ni kuya at agad na umalis hindi na hinintay ang sagot ko kaya napaikot ako ng mata,
Pumasok si mom at umupo sa gilid ng kama,"Halika, anak," sabi ni Mom kaya sumunod naman ako at umusog palapit sakanya,
Kinuha niya ang plastic na hawak ko,"Anak, kumain ka na nalilipasan ka na ng gutom," sabi niya saka inilabas ang laman ng plastic at binukas ang lunch box ng McDonald's,
Itinapat niya sa'kin ang kutsara na may kanin at hiniwang manok, "Mom, ako na i'm not kid anymore," nakanguso kong sabi sakanya,
"You're still a kid so stop acting like that," natatawang tugon niya sa sinabi ko,
"I told you i'm not kid anymore!" nakasimangot kong sigaw sakanya,
"Okay if that's what you believe, kumain ka na at matulog," sabi niya saka nilapag ang lunchbox sa tabi ko at umalis hindi man lang hinintay ang sagot,
Tss, pinagkaiisahan niyo talaga ako.
-
Linggo ngayong araw kaya narito ang magaling kong kuya sa bahay at gustong isama ako sa pamamasyal sa Korea.
Nandito kami sa kusina at kumakain ng chocolate cake ng nakatayo.
Bunso, sumama ka na," makulit niyang sabi,
"Ayoko nga!" naiinis kong sabi,
Ayaw kong sumama dahil siguradong aasarin lang niya ako sa gitna ng byahe pero hindi pa rin siya tumitigil.
Kaya sa huli pumayag na ako kahit labag sa kalooban ko.
"Fine sasama na ako!" pasigaw kong sabi sakanya,
"Alright, sunday is for family and i got a ticket for us!" abot ngiti niyang sabi habang tumatalon,
"Stop that kuya kasi mukha kang unggoy," nakangisi kong sabi sakanya,
Naghabulan kaming dalawa dahil doon kasi napikon ang magaling kong Kuya.
"Payback time my dear brother!" sigaw kong sabi habang tumatawa,
-
Korea, Auntumn Park.
Nandito kami sa parke na puno ng kulay kahel ang kapaligiran at ang ganda tanawin saka sobrang dami rin ng malalaking puno na siyang nagbigay ng sariwang hangin at ang mga dahon ng puno ay nagsasayawan.
"Masiyado ka bang na-amaze?" tanong ni kuya dahilan para mapukaw ang atensiyon ko,
Binalingan ko siya ng tingin sa halip na sumagot ay biningyan ko lang siya ng ngiti na nangangahulugang namangha ako sa aking nakita.
"By the way this is Auntumn Park," paliwanag niya sa'kin habang naglalakad kami,
Lumapit ako sa malapit na puno na ilang metro lang mula sa'kin at sumilong doon saka humiga sa ilalim ng puno dahil malamig ang temperatura ngayon kahit na naka-overcoat ako ngayon.
Umupo ako saka pinagmasdan ang langit sa ilalim ng puno at isinentro mismo sa langit ang aking hintuturo at iginuhit ang bituin sa hangin ng bigla ko na lang naramdaman na tumulo ang aking luha sa kaliwang pisngi.
Bakit ako umiiyak? I really don't know why.
"Tumayo kana diyan kasi kailangan na natin kumain, it's already eleven thirty," sabi ni kuya dahilan para bumalik ako sa katinuan,
Tumayo ako saka palihim na pinunasan ang aking luha at deretsong naglakad patungo sakanya at sinabayan siya sa paglalakad.
Korea, Bonchon Restaurant.
"What do you want?" tanong ni kuya sa'kin habang tumitingin sa menu,
"Spicy ramen with coke," sagot ko sakanya na agad niyang tinanguan,
Dumating naman ang waiter upang alamin ang pagkain na gusto namin.
"Spicy ramen with coke and also bulgogi, just one bowl for bulgogi," sabi ni Kuya sa waiter na kanina pa nakatingin at nakangiti sa'kin,
Child abuse 'tong lalaki, tsk!
"Yes," seryosong na sagot ni kuya na tila nagbabanyta at alam kong kanina niya pa napapansin na pinagdidiskitahan ako ng waiter na 'to,
Batid kong kinabahan ang waiter sa boses na 'yon dahil nakita ko kung paano niya kinuha ang menu ng may panginginig sa kamay at takot sa expresiyon.
Sumakay kami ng bus kaya naman hindi na kami nahirapan makarating dito.
Bahagya akong sumandal sa kinauupuan ko at tumikhim saka tumingin kay kuya, "Kuya, anong oras tayo uuwi?" tanong ko sakanya,
"Mamayang alas-kwatro," simpleng sagot niya,
Makalipas ng ilang minuto ay dumating na ang pagkain namin.
"Here's your order sir, kamsahamnida for coming here!" masayang sabi ng chinitang waiter na kinindatan naman ni kuya,
Inilapag ng waiter ang pagkain na inorder namin at kinikilig na umalis.
Tumingin ito sa'kin at binigyan ko lang siya ng malalim na tingin.
"What?" inosenteng tanong niya sa'kin,
"Hindi tayo narito para mang-akit ng babae," seryosong sagot ko,
Tanging tawa lang ang tugon niya kaya kinuha ko na lang ang chopstick at sinimulan kumain.
Sinimulan niya na rin kumain at pinagsawalang kibo ang kanyang ginawa kanina pero naroon pa rin ang ngisi.
Gwapo naman talaga si kuya kaya hindi ko maitanggi na maraming babae ang nahuhumaling sakanya.
Nang matapos naming kumain ay dumeretso kami sa tinutuluyan naming hotel at nagpasyang mag-impake para maagang makarating sa airport dahil hindi kami pwedeng mahuli sa flight at alas-kwatro itong lilipad patungong pilipinas.
Humiga ako sa kama pagkatapos mag-impake dahil sa sobrang pagod sa byahe kanina sa bus.
"Amika, matulog ka muna gigisingin na lang kita mamaya," sabi niya habang nakatayo sa harapan ko na tinanguan ko naman at saka siya yumuko para halikan ako sa noo,
Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi kalaunan ay nakatulog na rin ako.
Nasa kalagitnaan ako ng kalsada at may taong nagkukumpulan doon kaya sinubukan kong lumapit dahil may nagudyok sa'kin na gusto kong makita 'yon.
Ngunit hinarang ako ng mga pulis at hinawakan ako sa magka-bilang braso pero nagpupumiglas ako at hindi naman ako nabigo dahil nabawi ko ang aking braso.
Itinakbo ko ang lugar na
'yon at itinutulak ko ang mga taong nakaharang doon hanggang sa marating ko na ang bandang gitna.
Hindi ko naihakbang pa ang aking mga paa sa sandaling iyon at tumulo na lang ang luha ko.
"Amika, gising na mahuhuli tayo sa flight," nagising ako dahil sa boses ni kuya pero nanatiling nakapikit ang mga mata ko ng sandaling 'yon,
Nang maramdaman ko ang yakap na nagmula sa aking likod kaya binuklat ko ang talukip ng mga mata ko.
"Mukhang napasarap ang tulog mo ah," dagdag niya kaya napalingon ako at sumalubong sa'kin ang maaliwalas niyang ngiti sa labi,
Agad akong kumaripas ng takbo papuntang sa palikuran at muling sumagi sa'kin ang pangyayari sa panaginip na iyon saka ko pinikit ng mariin ang mga mata ko at naghilamos ng ilang beses sa lababo.
I have a feeling that something unexpected thing to be happen.
"Amika may problema ba?" may halong pag-aalala at pagta-taka sa tanong ni kuya sa labas ng palikuran,
"Wala po kuya," nauutal kong tanong sakanya,
Masiyado akong nawili sa katitingin ng mamahalin na laruan ng makita kong may nagkukumpulan sa labas ng toy store at nabitawan ko ang hawak kong manika dahil doon.
"Bata, wag ka muna lumabas kasi delikado roon," sabi ng nakasalubong kong matanda sa pintuan ng shop,
Hindi ako nakinig sa sinabi niya at tinulak ko siya basta-basta sa gilid upang makadaan dahil may nagu-udyok sa'kin na kailangan kong pumunta.
Nasa kalagitnaan ako ng kalsada at may taong nagkukumpulan doon at pinigilan ako ng mga pulis ng sinubukan kong lumapit dahil hindi ako mapakali buong pwersa akong nagpumiglas.
Itinakbo ko ang lugar na
'yon at itinutulak ko ang mga taong nakaharang doon hanggang sa marating ko na ang bandang gitna.
Bumungad sa'kin ang isang taong duguan ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa sobrang labo.
Hindi ko naihakbang pa ang aking mga paa sa sandaling iyon at tumulo na lang ang luha ko sa harapan niya.
"Anong nangyayari bakit hindi ko maintindihan?!" naguguluhang sigaw ko sa sarili at umiyak dahil sa pagkalito,
"Amika are you okay? Do you hear me?" tanong ulit ni kuya sa'kin na ngayon ay kinakatok na ang pintuan sa labas at nandoon pa rin ang pag-alala,
"Answer me!" sigaw na dagdag ni kuya ng hindi ako tumugon sa tanong niya,
Naglakad ako bahagya sa pintuan at pumihit palabas.
"Kuya i want to go home," deretsong sabi ko sakanya ng magkaharap kami,
Lumapit ako sakanya at pinipilit labanan ang emosyon ko.
"Then why do you have to run just like that?! Nervous kills me because of what you've done Amaiah Mikael!" sigaw na tanong niya sa'kin,
I can't help kuya!
Sa halip na magalit ay niyakap ko siya ng mahigpit.
Nakalipas ang pangyayaring iyon ay ilang araw na ang dumaan ng makauwi kami ng pilipinas.
Nandito ako sa aking silid at nagmamasdan sa bintana kasi maulan ngayon dahil madilim ang ulap.
Nakaramdam ako ng matulin na pagtakbo at patungo ito sa kwarto ko
Bumungad sa'kin si kuya na may maaliwalas na ngiti."Bunso, maligo tayo sa ulan," pag-aaya niya sa'kin,
"Sige," masigla kong tugon ko kay kuya,
Agad niya kong binuhat ng walang alinlangan saka hinintay pa namin lumakas ang ulan bago lumusob.
Ilang minuto pa saka lumakas ang ulan ibinaba ako ni kuya sa tapat ng pintuan saka niya binukas ito.
Kitang-kita ko kung paano bumagsak ang ulan parang wala ng katapusan ito.
Hinila ako ni kuya dahilan para mapasubsob ako sa putik,"Magdahan-dahan ka naman kuya," naiinis kong sabi sakanya,
Ang magaling kong kuya ay tinawanan lang ako,"Tutulungan mo ba ako o baka naman tatawa ka lang diyan?" Masungit kong tanong,
"Alright, i'll help you," nakangisi niyang sabi at inilahad ang kamay niya sa'kin,
"SUGOD!" sigaw naming dalawa nung nakatayo na ko at lumusob sa ulan,
Playing: Huling Sayaw by Kamikazee
Ito na ang huling sandali
hindi na tayo magkakamali
kasi wala ng sulitin natin ito na ang huli.
-
Paalam sa ating huling sayaw may dulo pala ang langit kaya sabay tayong bibitaw sa ating huling sayaw.
Hindi ako marunong sumayaw kaya kontrolado lang ni kuya ang mga galaw ko at sinusunod ko lang ang hakbang niya.
Hawak ko ang dulo ng kanyang damit niya at ang isa niyang kamay ay nasa balikat saka ang isa naming kamay ay magkahawak at nakasalikop ang mga daliri.
While we're dancing i look at his monolid black eyes to see what reaction he have.
He cheerfully smile at me and it feels like this is the last moment i will bond with him and saw his smile.
"Kuya pwede ka bang yumuko?" tanong ko at nagtaka siya pero agad naman siyang yumuko,
Nang maabot ko ito ay hinalikan ko ang noo niya.
Ngumiti siya sa'kin at nag-aya ng pumasok sa bahay,"Tara na sa loob,"
Nauna siyang naglakad papasok ng bahay at agad naman akong sumunod sakanya,"Magbanlaw ka baka magka-sakit ka niyan," dagdag niya pa,
Tumango ako at hinawakan ang dulo ng basa niyang damit ng maabutan ko na siya.
Nagtungo ako sa kwarto at kumuha ng twalya at nahagip ng mga mata ko ang picture frame na nakalapag sa bedside cabinet ko.
It was me and kuya in that picture we are both smiling widely.
Lumapit ako rito at pinagmasdan sandali ang litrato tapos ay nagpasiya na akong maligo pero bago pa man ako makalayo ay hindi ko sinasadyang masagi ang picture frame at nahulog dahilan ng pagka-basag nito.
"Anong gagawin ko?" kagat-labi kong tanong sa sarili,
Nang may biglang kumatok dahilan ng pagka-taranta ko,"Amika can i go inside your room?"
It's kuya, Amaiah come on think a way of how you will keep this mess!
Sinikap kong mag boses antok para magpanggap,"Kuya i'm tired, why?" tanong ko rito,
"Okay, just rest first," tugon niya,
Pagkatapos no'n ay dali-dali kong nilinis ang kama ko saka itinapon sa basurahan ang ginawa kong kalat tapos tumungo ako sa sarili kong palikuran sa kwarto upang maligo.
Nang matapos maligo ay agad akong sumalpak sa kama ng bigla kong maalala yung picture frame na nasa basurahan.
Napabalikwas ako sa kama dahil do'n at nagbihis saka maingat na lumabas dala ang basurahan.
"Where are you going?" tanong ni kuya na eksaktong pag-labas ko ay nakasalubong ko siya,
"Outside kuya," sabi ko ng balingan ko siya ng tingin,
"Isa,dalawa at tatlo!" sigaw na bulong ko sa sarili at akma ng tatakbo palabas pero biglang nag-salita si kuya,
"Are you out of your mind Amaiah?" seryosong tanong ni kuya,"It's raining outside," dagdag niya pa,
Nakagat ko ang sa sariling labi dahil katangahan dahil 'di ko man lang naalala na ulan pala.
Hinarap ko siya saka mabilis na iniwas ang tingin ko sakanya at akma ng babalik sa kwarto pero pinigilan niya ko.
"Ano 'yan?" tanong niya sabay turo sa basurahan na hawak ko na nakikita pa ang picture frame at seryosong nakatingin sa'kin,
Crap! What should i do now?
Tila ako'y natuod sa aking kinakatayuan dahil sa takot,"Kuya nabasag ko kasi ang picture natin," kinakabahan kong paliwanag sakanya,
Tumawa siya kaya naman nangunot ang noo ko dahil do'n,"Bakit ka kinakabahan?" tanong niya,
"Hindi ka ba galit?" nauutal kong tanong,
"Bakit ako magagalit? May extra naman ako niyan sa kwarto,"
How annoying you are self, Kuya is right he have extra copy of this picture!
"Let's go," sabi niya at hinila ang kamay ko ng walang pasabi papuntang kusina,
"Saan ka na naman galing Amaiah?" tanong ni mom na nakataas ang kilay habang nakatingin sa'kin pag-dating namin sa kusina,
Mom is really strict when it comes to me as a parent lalo na kapag wala si dad.
"Ah mom, gutom po kami," palusot ni kuya kasabay ng hilaw na tawa ko dahil sa kaba,
"Are you hungry Amaiah?" tanong ni mom na halatang naninigurado,
"Yes, i'm hungry mom," tugon ko ng nakangiti na kitang-kita ang ngipin,
"Okay, i prepare cupcakes and donuts for us," sabi niya saka tumungo sa oven at kinuha ang cupcakes at donuts na nasa loob dahil katatapos lang i-bake,
Siniko ko si kuya habang nakatalikod si mom,"Thank you kuya!" patili pero pabulong na sabi ko rito,
"Welcome Amaiah," ginulo niya ang buhok pagkatapos niyang sabihin iyon,
Kasalukuyan na nasa hapagkainan kaming tatlo ngayon at abala ako sa pag-dila sa icing ng cupcake habang sila ay nag-uusap tungkol sa company.
"Mom, may problema tayo," sabi ni kuya kay mom at hindi ko na inintindi pa yung iba nilang sinabi dahil nakuha na ng cupcake ang atensiyon ko,
Alvionne Pov
Nasa kwarto ako at inililigpit ang papeles na konektado sa aking trabaho sa study table ng may biglang tumawag sa cellphone ko kaya dinukot ko sa bulsa ng pajama ko.
"Hello? What's the matter Geordan?" tanong ko sa kaibigan ko ng masagot ang tawag niya,
"You need to come here in your company we have a big problem," sabi niya sa kabilang linya,
Dahil do'n ay dali-dali akong tumayo at nagbihis saka tumakbo patungong garahe ng maibaba ko ang tawag ni Geordan.
-
"Sir please don't do this..." pagmamakaawa ko sa aking kasosiyo pagkarating ko sa kompanya at lumuhod sa harapan niya sa pagkakataon na ito ay nakalimutan ko ang pagiging disente bilang businessman,
Nandito kami sa harapan ng kompanya at nakikita ng lahat kung gaano ako ka-desperado ngayon.
"I give you five months to pay your balance Mr Crayala but you failed to do it," seryosong sabi niya at may dala na itong tauhan para i-demolish ang kompanya na pinaghirapan ko,
"Demolish this trashy company now!" sigaw niya sa kanyang tauhan at nang-iinsultong tingin ang ibinato sa'kin,
Nang dahil doon ay 'di ko napigilang tumayo at hinila ang kwelyo niya.
"What did you just say?!" nanggigil kong tanong,
"Bro stop that because it's not helping," dismayadong bulong sa'kin ni Geordan na nasa tabi ko lang,
"But he's insulting me!" Galit kong sabi habang tinitingnan pa din ng matalas 'tong unggoy na kasosiyo ko,
"Bakit natamaan ka ba?" tanong ng kasosiyo ko sa mapang-asar na tinig,
"Shut up bastard!" sinuntok ko ito pagkatapos kong sabihin iyon,
Nang dahil do'n ay dumura ito ng dugo at agad din naman siya nakabawi sa suntok ko at gaganti na sana ito ng isinalo ko ang kamao niya.
"Don't you dare to punch me because you will die if you try," banta ko sakanya bago binitawan ang kamao niya,
"Stop this nonsense dahil sa korte ko kayo dadalhin kasama ng unggoy na 'to kapag sinubukan galawin ang kompanya ko," seryoso kong tugon sa tauhan niya,
Sa isang kurap ay umalis silang lahat at ako naman ay dumeretso sa kotse ko saka sumakay at ipinaandar ito saka iniwan si Geordan at kasosiyo ko.
"Where are you going?" pahabol na tanong ni Geordan na naririnig ko pa dahil hindi pa masiyado nakakalayo ang kotse ko,
Hindi ko binigyan pansin ang tanong niya at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.
Sobrang stress ang bumabalakid sa'kin sa ilang araw na nagdaan ng bigla na lang sumakit ang ulo at sumikip ang dibdib ko ng dahil doon ay bahagya kong itinigil ang kotse ko sa isang tabi.
"Damn! Hindi ako makahinga," bulong na sigaw ko sa sarili at hinimas ang bandang dibdib ko dahil sa pagka-hapo
Pinilit ko pa rin magmaneho sa kabila ng aking nararamdaman at hindi naman ako nabigo dahil nakarating ako ng bahay ng ligtas.
"Is there something wrong kuya?" bungad na tanong ni Amaiah sa'kin na nag-aalala ng pagpasok ko sa bahay,
"C-can you get me a water?" Nauutal kong pakiusap kay Amaiah,
"Sige po kuya, maupo ka muna rito at kukuha ako ng tubig mo," sabi niya na inalalayan pa ko maupo sa sofa bago pumunta ng kusina,
Pasikreto akong tumayo at at marahan na binukas ang side table na malapit lang kinauupuan kong sofa pero bago ko pa man makuha ang gamot ko ay biglang mas tumindi pa ang sakit ng ulo ko dahilan ng aking pagkatumba.
"Kuya!" i heard Amaiah exclaimed before everything went black,
"Alvionne please hold on," malabo man ang paningin ko ng iminulat ko ang aking mga mata pero malinaw sa pandinig ko ang garagal na boses ni mom na nakikiusap sa'kin,
"Kuya..." Naririnig ko ang hikbi ni Amaiah sa mga oras na iyon ng tinawag niya ko,
Bago ako tuluyang nawalan ng malay ulit ay dumulas sa magkabila kong pisngi ang aking luha.
Flashback
"Say kuya, Amaiah," turo ko sa kapatid na magsalita at magda-dalawang taon palang ito,
"Kuyeya," bulol na tugon nito sa'kin,
"It's not kuyeya, it's kuya Amaiah," natatawang sabi ko,
Naalala ko ang sandaling hawak ko siya sa aking bisig noong kapanganakan niya at kung paano ko hinaplos ang maliit niyang daliri.
"Sleep tight Amaiah," bulong ko rito habang tinititigan ang maamo niyang mukha na natutulog,
-
Ngayong araw ay kaarawan ni Amaiah at binigay ko sakanya ang natatanging regalo na alam kong magugustahan niya.
"Wow! It's a Dora teddy bear, thank you kuya!" nagagalak niyang pasalamat sa'kin,
Sa ika-apat na kaarawan niya ay gusto kong malaman ang kanyang wish ngayon,"Happy birthday Amaiah! What's your birthday wish?" tanong ko sakanya,
"To stay with you forever kuya," nakangiting sabi niya,
Napilitan akong ngumiti dahil doon sa sagot niya,"Always remember that kuya loves you okay?" tugon ko sakanya,
"I will kuya, i love you too," tugon niya saka ako niyakap ng mahigpit,
Marahan siyang bumitaw sa pagka-yakap at tumingala sa'kin,"Can you promise me that you will stay with me?" may pag-asam na sabi niya sa'kin,
Wala akong ibang nagawa kundi magsinungaling sakanya,"Promise, kuya will never leave you," pagkatapos kong sabihin 'yon ay mapait akong napangiti,
-
"Sorry Mr. Crayala but your case is serious and you need to take a chemotherapy to prevent the develop of your symptoms the other option of your condition is lung transplant," paliwanag sa'kin ng doctor,
"Doc, tell me your lying right?" i desperately asked and don't want to believe of what i heard just now that my consultation is just a big mistake,
"I'm not a clown to tell you jokes," he said before leaving me in his room clinic dumfounded,
Ilang beses akong nakaramdam ng pagsikip ng dibdib dahilan para 'di ako makahinga ng maayos at nung una akala ko ay dulot lang 'yon ng stress sa trabaho.
"Take my medicine on time," basa ko sa sticky note na dinikit ko sa aking mesa rito sa opisina at nilagay ko pa roon kung anong oras ako iinom,
Nang matapos ang aking trabaho ay dumeretso ako sa ospital para magpa-chemo therapy at consultation at ayaw kong ipaalam sa pamilya ko ang tungkol dito.
Nasa labas ako ng labaratory at bumungad sa'kin ang isang nurse na lumabas sa labaratory at pumunta sa direksiyon ko saka ako kinausap.
"Hi Mr. Crayala be ready for your first session," bati at pag-inform sa'kin ng nurse na may kahabaan ang buhok hanggang bewang at may asul na mata kaya tumungo ako sa seating area,
"Okay, thanks," i genuinely said to her,
Nagpaalam ito sa'kin na may aasikasuhin sandali sa loob ng labaratory kaya bumalik ito do'n.
Nakaramdam ako ng matinding kaba dahil ito ang kaunahang beses na masusubukan ko ang chemo therapy.
Halos sampung minuto akong naghintay bago lumabas ang nurse ulit.
"Let's go Mr Crayala we're going to start your first session session," sabi niya at tumayo ako saka diretsong naglakad patungo sa loob kahit kinakabahan,
"Mali po ang pinupuntahan niyong direksiyon sir," napatingin ako sa nurse ng nagsalita ito at nando'n sa bandang kaliwa ang lakad niya samantalang ako ay sa kanan saka nakita ko rin ang palihim na tawa niya dahil sa katangahan ko.
"Bawas pogi points ka tuloy," bulong na pang-aasar ko sa aking sarili,
Kinuha niya ang kasing-laki ng index finger na syringe na nakalapag sa side table ng kama saka muling nagsalita.
"Sir, ituturok ko na po sa inyo," paalam ng nurse sa'kin bago iturok 'yon,
-
Nagdaan ang araw,buwan at taon pabalik-balik ako sa ospital para magpagamot pero laging bigo dahil bumabalik pa din ang sakit ko kahit sinubukan ko na rin ang lung transplant.
Alam ko ang dahilan dahil lagi akong umiinom ng alak at naninigarilyo kahit pa sumasailalim ako sa pagpagamot.
Nakakatawang aminin pero parang nagtatapon lang ako ng pera dahil sa ginagawa ko.
I can't fulfill my promise to Amaiah and it hurts me to death.
"Promise, kuya will never leave you," muling ginising ng sarili kong boses ang aking diwa, ang pangakong binitawan ko kay Amaiah,
Third Person Pov
Naging seryoso ang kalagayan ni Alvionne na halos apparatus na lang ang bumubuhay sakanya at naging dahilan ng pagiging malamya ng kanyang pamilya na halos hindi na makakain sa sobrang pag-alala.
"Let me stay here mom please!" pakiusap ni Amaiah sa kanyang ina,
"Anak, tara na," pagsusumamo ng matandang kasambahay kay Amaiah na nasa tabi lang niya,
Nang nakita niyang 'di kumibo ang kanyang ina sa pakiusap niya ay nagbago ang isip nito.
"Fine, i'll go home but let me see him for a minute," pakiusap niya ulit habang humihikbi at namumula na ang mata nito dahil sa kaiiyak,
"Go ahead, anak," tugon nito sakanya na halata ang pagod at galing din sa pag-iyak ang nanay nila,
"One," sinimulan niya ang pag-bilang ng sariling hakbang ng pumasok siya sa kwarto ni Alvionne,
"Two," bumibigay ang kanyang mga luha at ramdam niya iyon sa kanyang pisngi,
"Three," bawat hakbang ng kanyang paa ay mas lalong sumisikip ang pakiramdam niya,
"Four," pinilit niyang maging matatag dahil isang dangkal ang pagitan niya sa kama,
"Five," huling numero na binilang niya ng tuluyan siyang nakalapit sa kama,
Dahan-dahan niyang hinawakan ang ng kanyang kuya at hinaplos ang pisngi nito.
"Please fight for me, fight for us," umiiyak na pakiusap ni Amaiah sa kuya niyang mahimbing pa rin ang tulog,
"Naalala mo pa ba yung wish ko?" nakangiting tanong ni Amaiah dito saka bumuntong hininga bago nagsalita muli,"I want to stay with you," pagkatapos no'n ay hinalikan ni Amaiah,
Wala sa sariling umuwi si Amaiah kasama ang kasambahay saka dumeretso lang ito sa kwarto at pagkasara niya ng pintuan ay sumandal siya rito.
"Yung panaginip ko iisa lang ang ibig sabihin no'n may mangyayari na 'di ko inaasahan," bulong ni Amaiah sa sarili na may pangingilabot sa posibleng mangyari,"Ngunit sino?" dagdag na tanong nito sa sarili,
"Sana mali ang nasa isip ko... dahil 'di pwede 'yon " iling-iling na sabi niya sa sarili ng mapagtanto ang posibleng mangyari,
Nang nagdesisyon na siyang tumayo at tumungo sa kama at tulalang umiyak hanggang sa nakatulugan niya ang bigat ng nararamdaman.
"Amika, wake up let's have breakfast," naramdaman niya masuyong halik sa kanyang pisngi kaya napamulat ito sa pag-aakalang si Alvionne 'yon,
"I want to see kuya," ito agad ang isinatinig ni Amaiah sa tatay niya,
Bumungad sakanya ang mapupungay na mata nito at halata ang puyat sa puntong iyon ay nabali lang ang inaasam niya.
"Pupunta tayo do'n maya saka wag kang nag-aalala dahil nando'n si mommy mo," maunawaang saad nito sakanya habang hinahaplos ang buhok niya,
Kasalukuyan silang nasa lamesa ngunit si Amaiah ay tahimik lang at nakatungo sa mesa 'di ginagalaw ang sariling pagkain.
"Amaiah, kumain ka na," nang dahil sa boses na 'yon ay hinablot niya ang kutsara sa plato at malamyang sumubo,
Amaiah Mikael Pov
"Are you okay?" tanong ni dad ng mapansin ang pagiging lutang ko ngayon,
"Yes dad," ngumiti ako at pilit na ipinakita na okay lang ako,
Ang hirap ng ganito...
"So how's your sleep?" tanong niya ulit sa'kin at sa pagkakataon na 'to parang may bumabara sa lalamunan ko dahil parang gusto ko bumigay sa pagpapanggap,
"It's pretty fine," tugon ko ulit,
"Amaiah," malumanay na tawag niya sa'kin na nag-aalala at hinawakan ang kamay ko na agad ko naman iniwas,
"Dad let's just eat, i'm hungry," palusot ko,
"Okay," bumuntong hininga siya bago nagsalita ulit,"Finish your food and take a bath after," dagdag niya na tinanguan ko lang,
Nang matapos kumain ay dumeretso ako sa palikuran at hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa wisyo.
"Kuya..." i murmured and let my tears fell as the water of shower falls,
Nakaramdam ako ng pagkahilo saka nanlabo ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na kong bumagsak sa sahig.
Napadpad ako sa isang napakagandang lugar at dahil sa hangin ay lumilipad ang mahaba kong buhok sa kawalan at hinayaan ko rin masakit ng tanawin ang paningin ko dahil puno ito ng magagandang bulaklak at paru-paro na lumilipad.
"This is like the place they called heaven where all souls live after they experience hardships in the world," bulong ko sa aking sarili ng ilarawan ko ang lugar na tinatapakan ko ngayon,
"Amaiah," someone called out my name and it gives me goosebumps because i know who it is.
"Amaiah," he called out again,
"Nasa'n ka kuya?" i asked innocently while trying to find him in this place,
"Tumalikod ka ng makita mo ko," tugon niya at narinig ko pa siyang tumawa,
Sinunod ko ang sinabi niya at nando'n nga siya at nakangiti sa'kin ng abot tenga, tumakbo ako papunta sakanya upang salubungin siya ng yakap sa bewang.
"Kuya, i miss you so much so please comeback to me," pakiusap ko kay kuya habang umiiyak,
"Calm down princess, always remember that i love you," hinaplos niya ang buhok ko habang sinasabi 'yon.
"It's time for you to go back," nang sabihin niya 'yon ay itinulak niya ko ng malakas dahilan para bumitiw ako sa aking pagka-yakap,
Everything turns into black and i heard those words that put my heart in relief, "I'll comeback, promise,"
-
Natagpuan ko ang aking sarili sa puting silid at ramdam ko ang pamamasa ng mata ko.
Umiyak pala ako habang tulog at sa muli naming pagkikita ay nasilayan ko ang ngiti at tawa niya.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid at dumako ang paningin ko sa aking mga magulang na halatang hinihintay ang paggising ko.
"Amaiah? How do you feel anak?" tanong ni mom sa'kin na nagaalala,
Hindi ko sinagot ni mom dahil napunta ang atensiyon ko kay kuya na nakangiti sa'kin at nasa tabi nila ito.
"Kuya how are you?" tanong ko sakanya pero nanatili lang siyang nakangiti sa'kin,
Naagaw ni mom ang atensiyon ko ng muli siyang nagsalita,"Anak, answer me first and about your kuya he's still in bed so you're just hallucinating right now," naawang paliwanag niya,
Bigla nga siyang nawala sa paningin ko kahit paulit-ulit akong kumurap ay hindi ko na siya nakita pa.
Tinignan ko ng makahulugan si mom at ng naintindihan niyang gusto kong pumunta kay kuya ay ngumiti siya.
Pumunta kami doon ni mom at tulak niya ko sa wheelchair ng narating namin ang kwarto ni kuya ay nagpaiwan ako.
Nanatili pa rin na mahimbing ang tulog si kuya at marahan kong inilapit sa kama niya ang wheelchair.
"Kuya, are you leaving me? Where's your promise?" nangilid na naman ang luha ko sa mga oras na 'to,"You know what? you're so mean you always make me cry these days," pagpatuloy ko sa pagkausap kay kuya,
Huminga ako ng malalim at nilakasan ang loob na mamaalam sakanya sa huling sandali,"Because if you're leaving me you can go now also you don't have to worry for us, we'll be okay someday atleast you will no longer suffering from pain,"
Walong taon ng nakakalipas ng bawian si kuya ng buhay kahit pa nakaligtas siya sa kanyang sakit ay nagmistulang bangungot para sa'kin ang nangyari dahil pagkatapos ng apat na taon niyang pananatili sa mundo ay nangyari ang panaginip ko.
I was eight when i feel the pain of losing someone forever and i always ask the heaven why it should be him of all people.
I realized that everything is temporary so you have to cherish the things you had before you lose it.
"Are you happy there?" tumingin ako sa ulap at kunwaring kausap ko si kuya dahil nakita ko rin na nakaguhit ang mukha niya doon,"Huwag ka magalala ikaw pa rin ang the best sa'kin at walang makakapalit sayo," i chuckled and feel the rain that falls upon my sweater,
Nandito ako sa labas ng bahay namin kaya nabasa ako at sinadya kong 'di magdala ng payong para makaligo ako sa ulan.
"Sayaw ba ulit ang gusto mo kuya?" tanong ko na nanatiling nasa mukha niya na nakaukit sa ulap ang paningin ko,
Ngumiti ako at pumosisyon sa gitna ng ulan saka isinayaw ang aking sarili habang pumipikit at iniisip si kuya na kunwaring isinasayaw ako ngayon.
End.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top